LOGINIsang salita para ilarawan si Leah Olaer: Mataba. At dahil sa kanyang matabang katawan, nagtaksil ang kanyang fiancé na si Kyle at ang babaeng pinagtaksilan siya ay tinawag siyang ugly fat duckling. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati ang pride niya bilang isang babae. Kaya naman nang gabing nalaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang fiancé, pumunta siya sa isang bar at nilunod niya ang sarili sa alak. That night, Leah was so down, hurt, in pain and depressed, then she came across Achilles Williams. Ang gwapong lalaki na walang kahihiyang hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Sa sobrang kalasingan niya, naulit ang halik na nauwi sa mainit na pagtatalik. Saka lang niya narealize na mali ang ginawa niya ng magising siya kinabukasan at wala na ang kalasingan niya. So Leah did the most reasonable thing to do. Tumakas siya. At napatunayan ni Leah na ang kasabihang 'Kahit anong iwas mo, ang kapalaran ay hahabulin ka.' Dahil kahit saan siya tumakbo, naroon si Achilles at naghihintay sa kanya para akitin siya. Maniniwala ba siyang iba si Achilles sa manloloko niyang fiancé? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin ang isang makisig at guwapong lalaki na alam niyang hindi bagay sa kagaya niyang ugly fat duckling? O babaguhin niya ang sarili niya para maging bagay siya rito?
View More"MOON CAKE, bakit ba hindi mo ako pinapansin?" Abol hanggang bubong ng bahay nila ang inis ni Achilles habang nagtatanong. "Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ba?"Umismid ang asawa niya saka tumagilid ng higa, malaki na ang tiyan nito kaya dahan-dahan ang galaw nito. "Ayoko sayo. Ang baho mo."Holy fuck!Napanganga siya at napakurap-kurap. "Moon cake naman, e. Alam mo ba kung ilang beses na akong nagpalit ng pabango para lang hindi ako mabaho sa pang-amoy mo?"Inirapan siya nito. "Pakialam ko naman. Mabaho ka, kaya lumayo ka sa'kin!"Achilles gritted his teeth in so much annoyance. Pilit niya itong iniintindi kasi nga buntis, pero may mga pagkakataon na naiinis talaga siya.Galit na lumabas siya ng silid niya at malalaki ang hakbang na umalis sa bahay nila. Bibili siya ng bangong pabango. Mababaliw siya kapag hindi pa siya pansinin ng moon cake niya. It's been two days!Achilles sighed and went to the nearest store to buy new cologne. Nang makabili siya, kaagad siyang bumal
NAGISING si Achilles nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti.Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Rivas sa mukha niya.Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Leah. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.Natigilan si Achilles nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti."Morning, moon cake.""Hey, baby." Dumukwang si Leah palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si Riva dito sa kama. Nagigising, eh.""Good morning." Ngumiti
THEN the priest's voice filled the plane. "l now pronounce you, husband and wife." Bumaling ito kay Achilles. "You may now kiss your bride."Achilles grinned. "Thanks, Father. Kanina pa ako magtitimpi, eh." With that, he pressed their body together and crashed his lips on hers.Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap siya sa leeg ng asawa.Achilles was the one who pulled away. "l love you, moon cake.""l love you too, baby," namumungay ang mga matang sabi niya, saka siya naman ang sumiil ng halik sa mga labi nito."Congratulations, my friend!" sigaw ni Elyes. "Umpisa na ng pagiging undetstanding mo."Naghiwalay ang mga labi nila ni Achilles at humarap sila kay Elyes at sa mga kaibigan nito na panay ang congratulate sa kanilang dalawa."Congratulations," sabi ng ama ni AchillesEveryone was silent. Lahat na kaibigan ni Achilles ay nakatingin dito.Tumingin muna sa kanya ang asawa bago sumagot. "Thanks." Halatang pilit ang pagiging mabait nito.Ngumiti ang ama ni Achilles, s
PEOPLE said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Achilles Kostas Williams, happiness had a name. And she was Leah Olaer. His very lovely bride."Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Elyes na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magbabonding. Wala na."Gustong kutusan ni Achilles ang kaibigan. "Montenegro, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."Achilles rolled his eyes. "Montenegro, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo.""Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh." 'Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao."Bubugbugin kita, pangako iyan."Elyes shook his head while chuckling hard. "l can always get into your nerves, huh?""Isn't that what they called friends


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews