Share

KABANATA 21

Author: RURI
last update Huling Na-update: 2025-05-12 20:08:57
“Sigurado ka na ba sa pasya mong ‘to?” paniniguro ni Consuelo.

Marahang tumango si Lilliane.

“Opo, ‘Nay. Babalik din naman po ako sa ‘yo. Saglit lang din po ako sa Maynila at hindi rin po ako magtatagal. Kailangan ko lang ‘tong gawin para sa akin at sa magiging baby ko.” paliwanag niya.

Napahinga nang malalim si Consuelo bago nito inabot ang mga kamay ng dalaga.

Sinamahan niya ito bumyahe papuntang bus terminal sa Tuguegarao kasama ang pamangkin na may sariling sasakyan upang ihatid si Lilliane sa nabanggit na lugar.

Mag-a-alas cuatro pa lang nang madaling-araw, at ito ang oras na napagpasyahan ni Lilliane na bumyahe pabalik ng Maynila. Tatlong oras ang kinailangan nilang ibyahe patungong Tuguegarao habang sampo hanggang labingdalawang oras naman mula Tuguegarao hanggang sa Cubao—sapagkat iyon lang ang may pinakamaagang schedule na kanilang nakita.

Kung sa Pasay o Sampaloc siya tutungo, alas ocho at alas sais pa nang umaga ang byahe mula Tuguegarao hanggang sa unang dalawang naba
RURI

Ano ang masasabi ninyo sa desisyon niyang bumalik sa Maynila? Sa palagay n’yo, tama ba ang kanyang plano, o mas mapapahamak lamang siya sa pagbabalik niya? Ibahagi ang inyong opinyon at mga hula sa susunod na mangyayari! :D Maraming salamat sa inyong suporta, at kita-kits sa susunod na kabanata!

| Like
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 23

    TRIGGER WARNING: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng graphic at disturbing na mga eksena mula sa pananaw ng isang predatoryong karakter. May tema ng obsessive desire, psychological grooming, at sexual content na maaaring hindi angkop o komportable para sa lahat ng mambabasa. Mag-ingat sa pagpapatuloy. *** Mabilis na bumaba ng taxi si Lilliane at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli. Wala na siyang panahon na dapat pang sayangin dahil sigurado na siyang tinutugis na siya ngayon ng kung kanino mang tauhan. Abot-abot ang kanyang kaba pero pinanatili niyang kalmado ang bawat kilos nang sa gayon ay hindi siya mataranta at mawala sa mga plano. Nagtanong siya sa isang ale kung anong oras na at sinabi nito na 4:50 na nang hapon. Mabilis siyang nagpasalamat at pumunta sa harapan ng terminal na binabaan kanina. Nagtatawag ang kundoktor ng bus na byaheng Lucena at malapit na raw itong umalis. Walang pasa-pasakalye na sumakay siya at tinungo ang dulo ng sasakyan kahit hindi niya alam kung

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 22

    Sa kabilang linya, matalim na tinig ang bumungad sa informant. “Where?” “Mall of Asia. About 23 minutes ago.” Bahagyang nanginig ang mga daliri ng informant habang tina-type niya ang quick command upang kumpirmahin ang ATM details. Mall of Asia, Pasay City Terminal. The timestamp read at 4:17 PM. “She just withdrew ten thousand in Mall of Asia. Want me to dig deeper, boss?” dagdag ng lalaki. Sandaling sumagitsit ang linya bago muling narinig ng informant ang isang mababang boses. “Send me everything. Location, timestamps. I’ll handle the rest.” Napatango ang informant, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso. “Consider it done.” Sa ilang mabilis na pindot ng kanyang mga daliri, mabilis niyang ipinadala ang data packet saka sumandal na may tusong ngiti. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang pangako na dagdag bayad sa kanyang serbisyo sa oras na nakuha niya ang impormasyon na magdadala sa mga ito upang mahuli si Ms. Olivares. Sa kabilang banda, mabilis na tinipon

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 21

    “Sigurado ka na ba sa pasya mong ‘to?” paniniguro ni Consuelo. Marahang tumango si Lilliane. “Opo, ‘Nay. Babalik din naman po ako sa ‘yo. Saglit lang din po ako sa Maynila at hindi rin po ako magtatagal. Kailangan ko lang ‘tong gawin para sa akin at sa magiging baby ko.” paliwanag niya. Napahinga nang malalim si Consuelo bago nito inabot ang mga kamay ng dalaga. Sinamahan niya ito bumyahe papuntang bus terminal sa Tuguegarao kasama ang pamangkin na may sariling sasakyan upang ihatid si Lilliane sa nabanggit na lugar. Mag-a-alas cuatro pa lang nang madaling-araw, at ito ang oras na napagpasyahan ni Lilliane na bumyahe pabalik ng Maynila. Tatlong oras ang kinailangan nilang ibyahe patungong Tuguegarao habang sampo hanggang labingdalawang oras naman mula Tuguegarao hanggang sa Cubao—sapagkat iyon lang ang may pinakamaagang schedule na kanilang nakita. Kung sa Pasay o Sampaloc siya tutungo, alas ocho at alas sais pa nang umaga ang byahe mula Tuguegarao hanggang sa unang dalawang naba

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 20

    Sa main lobby ng gusali, may tatlong empleyado ang nagkukumpulan malapit sa front desk, nagbubulungan habang pasulyap-sulyap sa meeting room sa itaas. Ang isa sa kanila, isang babae na naka-corporate attire ay kinakagat ang kuko—isang malinaw na sensyales ng kaba. “Narinig n’yo na ba? Sabi ng accounting, mukhang made-delay na naman ang suweldo natin,” mahina ngunit mariin na sabi ng isa. “Kung ganyan pa rin ang sitwasyon, baka wala na tayong trabaho sa susunod na quarter,” sagot ng isa pang lalaki, ang kamay ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng kanyang bag. “Dapat yata ngayon pa lang ay maghanap na tayo ng trabaho,” nalulungkot na sabi ng isang babae na naabutan pa si Leonard bilang CEO ng NexTech. “Ano na kaya ang nangyari kay Miss Lilliane?” Nagkatinginan ang tatlo nang mabanggit ang pangalan ng tagapagmana ng kumpanya. Matagal na silang walang balita tungkol dito at ang huli ay ang tungkol sa umano’y nalalapit na pakikipag-isang dibdib nito sa matandang media magnate. Samanta

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 19

    Tahimik ang conference room. Hindi iyon ang normal na katahimikan na dala ng isang normal na pagpupulong—ito ang uri ng katahimikan na puno ng naipong galit, ng mga matang nag-aapoy sa paghihintay, at ng tensyon na parang isang pinipigilang pagsabog. Ang tanging maririnig ay ang tick-tock ng relo sa dingding at ang tunog ng malamig na aircon na tila hindi kayang tapyasin ang init ng diskusyon. Ilang shareholders ang pasimpleng nagpupunas ng noo, hindi dahil sa init kundi sa matinding inis. Biglang tumindig si Mr. Briones nang hindi na makapagtimpi, isa siyang kilalang shareholder dahil sa pagiging masigasig sa pamumuhunan. Matagal na rin siyang may kinikimkim na hinanakit sa pamunuan ng kumpanya magmula ng iba na ang humawak nito. Napakuyom ang kamao ng matanda sa ibabaw ng mesa, at ng magsalita ay halos dumagundong ang boses sa silid. “You made a huge mistake, Mathilda!” Dahil sa mga binitawang salita na iyon ng matandang lalaki ay tuluyang pumutok sa hangin ang kanina lamang ay

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 18

    Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawaln ni Lilliane. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang harapin ang katotohanan at sitwasyon kahit gaano man ito kahirap.Nagpasya siyang bumaba sa kama at inilapag ang polo roon, tinungo niya ang isang antique vanity mirror at naupo sa upuang nasa harapan nito.Hindi niya mapigilang pagmasdan ang eleganteng design ng vanity dresser na gawa sa narra at ang mismong salamin.Mula noong araw na nakita niya iyon ay hindi niya mapigilang mamangha dahil sa intricately carved designs na mayroon ito. Walang-wala roon ang kanyang vanity table sa mismong silid niya sa mansyon at sa kanyang condo unit.Ayon kay Consuelo ay naroon na iyon mula pa noong ipatayo ang bahay. Nang makita siya nitong nakatunghay sa vanity mirror ay sinabi nito na gawa iyon sa Ilocos Norte mula sa isa sa pinakamahusay na craftsman sa mismong lalawigan; at pinakikita ng design ang sining at tradisyon ng mismong rehiyon.Ang nakikita raw niyang design sa paligid ng salamin at n

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 17

    Nasapo ni Lilliane ang panga ng lalaki habang parehas nilang dinarama ang marahang haplos ng mga labi sa isa’t isa, ang kanilang mga mata’y pikit. Tila nilalasap ang lambot at tamis ng bawat halik. Naramdaman niya ang kamay nitong masuyong gumapang mula sa makinis niyang balikat, sa pisngi ng kanyang kaliwang dib dib, sa kurba ng kanyang baywang hanggang sa kanyang hita at pumirmi roon. Ang haplos nito’y nakapagdudulot sa kanya ng masarap na kiliti habang lumalandas din ang labi nito kanina sa kanyang pisngi pababa sa kanyang panga. Hindi mapigilang umungol at dumaing ni Lilliane sa bawat hagod ng bibig at kamay nito sa kanyang makinis na balat. Ang kamay nitong gumagapang kanina sa kanyang katawan ay pumirmi at tila nanggigigil na humawak sa kanyang mabilog na hita. Umaarko ang kanyang katawan, ang mga mata’y nananatiling pikit, ang bibig ay naglalabas nang mahihina at masasarap na daing at ungol, ang kanyang gitna at mga dib dib ay naghahanap nang matinding atensyon. Tila kakapusi

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 16

    Isang marahang katok ang pumukaw kay Lilliane habang sinusuklay niya ang maiksi niyang buhok. Inilapag niya ang suklay at lumapit sa pinto ng silid.Nakangiti si Consuelo nang pagbuksan niya ito ng pinto.“Ready ka na?”Tipid siyang ngumiti kasabay nang mahinang pagtango.Sasamahan daw siya nito sa klinika bago pumasok sa eskuwelahan.Tahimik ang kanilang biyahe patungo sa doktor at halos wala silang imikan sa loob ng tricycle.Hindi alam ni Lilliane ang dapat niyang maramdaman. Kinakabahan siya na may halo ring excitement na hindi niya maunawaan.Hindi rin niya maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Mga bagay na maaaring tuluyang magpabago sa kanyang buhay kapag napatunayang totoo ang hinala ni Consuelo.Bigla’y sumagi sa isip niya ang kanyang sitwasyon.Hindi siya puwedeng magtago at tumakbo habang buhay. Ayaw niyang ilagay sa magulong sitwasyon ang kanyang anak. Hindi rin ito maaaring magtatago na lang habang-buhay kasama siya.Nang maalala sila Mathilda ay hindi niya mapigilang kabah

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 15

    Hindi kaya buntis ka?Tila alingawngaw ng sirena ang mga salitang iyon buhat kay Consuelo.Natigagal siya at napatitig dito matapos nito iyon sambitin. Kumakabog ang kanyang puso at ramdam niya ang pagyanig ng kanyang sistema dahil doon.Mahinang umiling siya habang nakatitig dito, hindi siya naniniwala. Akala lang marahil nito iyon at imposible rin namang mangyari iyon.Ngunit nang maalala ang isang gabi sa piling ng estranghero na hindi na niya maalala ang mukha, at ang maiinit na sandali na ilang beses nilang pinagsaluhan ay lalong nagpatibay na maaaring tama ang hinala ni Consuelo.Pero isang gabi lang ‘yon! Giit ng isang bahagi ng isip niya.Isang gabi pero ilang ulit ka niyang inangkin! Sikmat naman ng kabila.Bumaba ang mga mata ni Lilliane sa sink.Katatapos lang niyang dumuwal. At gaya nang dati ay wala naman siyang inilalabas kundi puro laway.Nagsimula siyang makaramdam nang panginginig.Paano nga kung totoong buntis siya? Anong gagawin niya? Paano niya ipaliliwanag kay Con

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status