LOGINNagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
View MoreMaingat na sumilip siya sa tahimik na kalsada at luminga. Wala ni isang sasakyan. Inayos niya ang suot na baseball cap at maging ang facemask saka nagpasyang tumawid sa kabilang kalsada.Binaybay niya ang main road kung saan siya nanggaling kaninang ibinaba siya ng bus. Maghihintay siya ng kahit anong sasakyan na daraan na puwede maghatid sa kanya sa terminal.Ugong ng trycicle na paparating ang narinig ni Lilliane at nilingon ito. Pinara niya ang matandang driver at agad naman siyang hinintuan nito."Manong, puwede ho bang ihatid n'yo ako sa terminal? Hindi ko ho kasi kabisado rito." Matatag niyang sambit kahit nanginginig siya sa kaloob-looban.“Saan ka ba papunta, Ineng?”“Basta ho 'yong may sasakyan palabas... kahit van o jeep. Pabalik po kasi ako sa Maynila ngayon."Nang senyasan siya ng drayber na sumakay na ay agad siyang pumasok sa loob.Nagsimulang umandar ang tricycle, ramdam ni Lilliane ang pagyanig ng malamig na hangin sa kanyang balat. Bawat pag-uga ng sasakyan ay parang
Palabas na sana siya sa pinagtataguan nang bigla siyang mapahinto.Isang paninikip sa ilalim ng tiyan ang sumalubong sa kanya—hindi masakit, pero sapat para mapakapit siya sa malamig na pader ng waiting shed na natatakluban ng matataas na damo.Napakagat siya sa labi, mariing pumikit. Parang pinaaalalahanan siya ng kanyang katawan na hindi na lang siya ang nagmamay-ari rito.Hindi rin niya alam kung gutom ba iyon o pagod. O baka naman… dala lang ng takot—takot na sa kahit anong iglap ay may humila sa kanya mula sa dilim.“Kalma lang, Lilliane...” bulong niya sa sarili habang sinusubukang mag-focus sa paghinga. Isa, dalawa, tatlo.Pero hindi iyon sapat para tuluyang mawala ang kilabot sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya’y binabara ang kanyang lalamunan, habang ang mundo sa paligid ay mabagal na umiikot.Hinagod niya ang sentido, pinipilit na itinutulak ang panghihina pabalik sa ulirat. Ramdam din niya ang panlalamig ng kanyang noo at batok mula sa pawis.'Isang buwan na ba?'Sandali siy
Bumukas ang pinto at sumilip si Manang Beatrice. “Miguel...” Mahinang tawag ni Manang Beatrice—hindi kailanman nasanay na tawagin siyang ‘sir’, maliban na lang kapag may ibang nakikinig. Hindi rin kailanman nagbago ang tono nito, kahit pa naging CEO na siya. “Magpapa-overtime ka ba? O gusto mo nang magpahinga?”Hindi sumagot si Miguel. Bahagya lang niyang inangat ang baso habang nanatiling nakatalikod dito, tinitigan ang kulay brown na likido na tila ba sinasalo ang bigat ng araw na iyon.Nararamdaman ni Beatrice ang mabigat na anyo sa mukha ni Miguel. Isang klase ng katahimikang may kasamang lungkot—hindi siya sanay makakita ng ganoon sa bata niyang amo. Simula nang mabuhay ang kuryosidad nito sa anak ng dating sikat na tech mogul na si Leandro Olivares ay nasaksihan na njya ang mga ganoong uri ng emosyon na hindi niya kailan man nakita rito para sa ibang babae."Hindi mo na kailangang sabihin," bulong ni manang Beatrice, halos hindi marinig. "Kahit hindi ka magsalita ay batid ko na
Tahimik ang buong silid. Nakatayo siya sa floor-to-ceiling na salaming bintana ng opisina at mula roo'y tanaw niya ang unti-unting paglubog ng araw sa likod ng mga gusali ng lungsod. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang basong may kulay brown na likido—malamig, ngunit humahagod ang init sa lalamunan kapag nilagok.Ang liwanag ng papalubog na araw ay dahan-dahang hinahaplos ang gilid ng kanyang mukha, nililikha ang aninong tila kalahating nilulunod ng dilim. Ang kanyang mga mata ay animo'y malayo ang tanaw, sinusukat ang lawak ng langit at bigat ng mga desisyong kailangang gawin.Tahimik na sumimsim siyang muli sa baso. Walang imik. Tanging ang tibok ng puso at tunog ng orasan sa dingding ang bumabasag sa katahimikan.Sa kanyang tindig ay taglay ang awtoridad ng isang lider, ngunit sa likod ng malamig na salamin ay may bakas ng pagod at siguro na ri'y pangungulila.Nakatanggap siya ng tawag kanina mula kay Agus. Nasa lungsod daw ang babaeng matagal na niyang hinahanap.Nang marinig n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.