Share

KABANATA 20

Author: RURI
last update Last Updated: 2024-10-18 21:50:11
Sa main lobby ng gusali, may tatlong empleyado ang nagkukumpulan malapit sa front desk, nagbubulungan habang pasulyap-sulyap sa meeting room sa itaas. Ang isa sa kanila, isang babae na naka-corporate attire ay kinakagat ang kuko—isang malinaw na sensyales ng kaba.

“Narinig n’yo na ba? Sabi ng accounting, mukhang made-delay na naman ang suweldo natin,” mahina ngunit mariin na sabi ng isa.

“Kung ganyan pa rin ang sitwasyon, baka wala na tayong trabaho sa susunod na quarter,” sagot ng isa pang lalaki, ang kamay ay mahigpit na nakakapit sa hawakan ng kanyang bag.

“Dapat yata ngayon pa lang ay maghanap na tayo ng trabaho,” nalulungkot na sabi ng isang babae na naabutan pa si Leonard bilang CEO ng NexTech. “Ano na kaya ang nangyari kay Miss Lilliane?”

Nagkatinginan ang tatlo nang mabanggit ang pangalan ng tagapagmana ng kumpanya. Matagal na silang walang balita tungkol dito at ang huli ay ang tungkol sa umano’y nalalapit na pakikipag-isang dibdib nito sa matandang media magnate.

Samanta
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
RURI
Hindi ko pala kaya mg-isang bagsakan, ate. Hahaha. Kung gagawin ko iyon baka abutin ako ng siyam-siyam. Kaya unti-untiin ko na lang ulit. Mahirap magsulat ng hindi ko trope pero challenging din sa kabilang banda. ... Thank you po sa suporta. Updated na po.
goodnovel comment avatar
RURI
Salamat po sa suporta! Updated na po ulit! ...
goodnovel comment avatar
Genalyn Guiyab
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 27

    Maingat na sumilip siya sa tahimik na kalsada at luminga. Wala ni isang sasakyan. Inayos niya ang suot na baseball cap at maging ang facemask saka nagpasyang tumawid sa kabilang kalsada.Binaybay niya ang main road kung saan siya nanggaling kaninang ibinaba siya ng bus. Maghihintay siya ng kahit anong sasakyan na daraan na puwede maghatid sa kanya sa terminal.Ugong ng trycicle na paparating ang narinig ni Lilliane at nilingon ito. Pinara niya ang matandang driver at agad naman siyang hinintuan nito."Manong, puwede ho bang ihatid n'yo ako sa terminal? Hindi ko ho kasi kabisado rito." Matatag niyang sambit kahit nanginginig siya sa kaloob-looban.“Saan ka ba papunta, Ineng?”“Basta ho 'yong may sasakyan palabas... kahit van o jeep. Pabalik po kasi ako sa Maynila ngayon."Nang senyasan siya ng drayber na sumakay na ay agad siyang pumasok sa loob.Nagsimulang umandar ang tricycle, ramdam ni Lilliane ang pagyanig ng malamig na hangin sa kanyang balat. Bawat pag-uga ng sasakyan ay parang

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 26

    Palabas na sana siya sa pinagtataguan nang bigla siyang mapahinto.Isang paninikip sa ilalim ng tiyan ang sumalubong sa kanya—hindi masakit, pero sapat para mapakapit siya sa malamig na pader ng waiting shed na natatakluban ng matataas na damo.Napakagat siya sa labi, mariing pumikit. Parang pinaaalalahanan siya ng kanyang katawan na hindi na lang siya ang nagmamay-ari rito.Hindi rin niya alam kung gutom ba iyon o pagod. O baka naman… dala lang ng takot—takot na sa kahit anong iglap ay may humila sa kanya mula sa dilim.“Kalma lang, Lilliane...” bulong niya sa sarili habang sinusubukang mag-focus sa paghinga. Isa, dalawa, tatlo.Pero hindi iyon sapat para tuluyang mawala ang kilabot sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya’y binabara ang kanyang lalamunan, habang ang mundo sa paligid ay mabagal na umiikot.Hinagod niya ang sentido, pinipilit na itinutulak ang panghihina pabalik sa ulirat. Ramdam din niya ang panlalamig ng kanyang noo at batok mula sa pawis.'Isang buwan na ba?'Sandali siy

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 25

    Bumukas ang pinto at sumilip si Manang Beatrice. “Miguel...” Mahinang tawag ni Manang Beatrice—hindi kailanman nasanay na tawagin siyang ‘sir’, maliban na lang kapag may ibang nakikinig. Hindi rin kailanman nagbago ang tono nito, kahit pa naging CEO na siya. “Magpapa-overtime ka ba? O gusto mo nang magpahinga?”Hindi sumagot si Miguel. Bahagya lang niyang inangat ang baso habang nanatiling nakatalikod dito, tinitigan ang kulay brown na likido na tila ba sinasalo ang bigat ng araw na iyon.Nararamdaman ni Beatrice ang mabigat na anyo sa mukha ni Miguel. Isang klase ng katahimikang may kasamang lungkot—hindi siya sanay makakita ng ganoon sa bata niyang amo. Simula nang mabuhay ang kuryosidad nito sa anak ng dating sikat na tech mogul na si Leandro Olivares ay nasaksihan na njya ang mga ganoong uri ng emosyon na hindi niya kailan man nakita rito para sa ibang babae."Hindi mo na kailangang sabihin," bulong ni manang Beatrice, halos hindi marinig. "Kahit hindi ka magsalita ay batid ko na

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 24

    Tahimik ang buong silid. Nakatayo siya sa floor-to-ceiling na salaming bintana ng opisina at mula roo'y tanaw niya ang unti-unting paglubog ng araw sa likod ng mga gusali ng lungsod. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang basong may kulay brown na likido—malamig, ngunit humahagod ang init sa lalamunan kapag nilagok.Ang liwanag ng papalubog na araw ay dahan-dahang hinahaplos ang gilid ng kanyang mukha, nililikha ang aninong tila kalahating nilulunod ng dilim. Ang kanyang mga mata ay animo'y malayo ang tanaw, sinusukat ang lawak ng langit at bigat ng mga desisyong kailangang gawin.Tahimik na sumimsim siyang muli sa baso. Walang imik. Tanging ang tibok ng puso at tunog ng orasan sa dingding ang bumabasag sa katahimikan.Sa kanyang tindig ay taglay ang awtoridad ng isang lider, ngunit sa likod ng malamig na salamin ay may bakas ng pagod at siguro na ri'y pangungulila.Nakatanggap siya ng tawag kanina mula kay Agus. Nasa lungsod daw ang babaeng matagal na niyang hinahanap.Nang marinig n

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 23

    TRIGGER WARNING: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng graphic at disturbing na mga eksena mula sa pananaw ng isang predatoryong karakter. May tema ng obsessive desire, psychological grooming, at sexual content na maaaring hindi angkop o komportable para sa lahat ng mambabasa. Mag-ingat sa pagpapatuloy. *** Mabilis na bumaba ng taxi si Lilliane at hindi na nag-abala pang kunin ang sukli. Wala na siyang panahon na dapat pang sayangin dahil sigurado na siyang tinutugis na siya ngayon ng kung kanino mang tauhan. Abot-abot ang kanyang kaba pero pinanatili niyang kalmado ang bawat kilos nang sa gayon ay hindi siya mataranta at mawala sa mga plano. Nagtanong siya sa isang ale kung anong oras na at sinabi nito na 4:50 na nang hapon. Mabilis siyang nagpasalamat at pumunta sa harapan ng terminal na binabaan kanina. Nagtatawag ang kundoktor ng bus na byaheng Lucena at malapit na raw itong umalis. Walang pasa-pasakalye na sumakay siya at tinungo ang dulo ng sasakyan kahit hindi niya alam kung

  • A Night with the Billionaire   KABANATA 22

    Sa kabilang linya, matalim na tinig ang bumungad sa informant. “Where?” “Mall of Asia. About 23 minutes ago.” Bahagyang nanginig ang mga daliri ng informant habang tina-type niya ang quick command upang kumpirmahin ang ATM details. Mall of Asia, Pasay City Terminal. The timestamp read at 4:17 PM. “She just withdrew ten thousand in Mall of Asia. Want me to dig deeper, boss?” dagdag ng lalaki. Sandaling sumagitsit ang linya bago muling narinig ng informant ang isang mababang boses. “Send me everything. Location, timestamps. I’ll handle the rest.” Napatango ang informant, bumilis ang pintig ng kanyang mga pulso. “Consider it done.” Sa ilang mabilis na pindot ng kanyang mga daliri, mabilis niyang ipinadala ang data packet saka sumandal na may tusong ngiti. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya, ang pangako na dagdag bayad sa kanyang serbisyo sa oras na nakuha niya ang impormasyon na magdadala sa mga ito upang mahuli si Ms. Olivares. Sa kabilang banda, mabilis na tinipon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status