Share

Chapter 3

MAY NGITI nakapaskil sa mga labi ni Yza nang maalala ang magandang panaginip niya nang nagdaang gabi. Tila totoong-totoo nangyaring may umaangkin sa kanya.

Uminat siya ng katawan, habang nanatili pa rin nakapikit ang kanyang mga mata. Ramdam pa rin niya ang pamimigat ng kanyang ulo, dala marahil ng hang over. Naramdaman niya ang bahagyang pagkirot sa gitna ng kanyang mga hita ng tinuwid niya ang kanyang mga binti. Bigla ay tinambol ng kaba ang kanyang dibdib at napuno siya ng takot.

Nagmulat ng mga mata si Yza, nagimbal siya sa kanyang natuklasan ng sumalubong sa paningin niya ang hindi pamilyar na lugar. Wala siya sa sariling kuwarto niya. Nasa ibabaw siya ng queen size bed na hubo’t hubad.

Hindi isang panaginip ang nangyari sa kanya nang nagdaang gabi, kung di totoong may umangkin sa pagkababae niya. Ang palatandaan ay ang mansta na kulay pula nasa bed sheet.

Hilam ng luha ang kanyang mga mata, pinagsisihan niya ang ginawa niya ngunit huli na. Nangyari na ang hindi sana dapat. Mas lalong napaiyak siya, dala ng matinding takot.

Bumaba siya mula sa ibabaw ng kama at hinanap ang kanyang mga damit. Nakita niyon kaagad na nakapatong ng maayos doon sa ibabaw ng sofa. Dali-dali niya kinuha ang kanyang mga damit, atsaka sinuot ang mga iyon. Natatakot siya na baka masamang tao pa ang lalaking iyon at baka patayin pa siya.

Pagkatapos ay tumungo siya roon sa pinto. Dahan-dahan niya binuksan ang nakasarang dahon ng pinto. Sumilip siya roon sa labas mula sa maliit na giwang ng pinto. Wala siyang tao nakinita. Niluwagan niya ang pagbukas ng dahon ng pinto atsaka maingat na lumabas mula sa loob ng kuwarto.

Todo ingat ang ginawa ni Yza habang naglalakad, iniiwasan niya na makalikha ng ingay. Nakababa siya mula sa hagdan, napagkaalaman niya nasa bar pa rin siya at nasa second floor lang ng bar na ito ang kuwarto dinalhan sa kanya ng lalaking gumahasa sa kanya.

Pinawisan siya ng malapot at nakahinga ng maluwag nang makalabas na si Yza sa loob ng gusaling iyon. Lakad takbo ang ginawa niya upang makalayo sa lugar na iyon. Hanggang sa narating niya ang sakayan ng mga jeep. Sumakay siya ng jeep na wala sa sarili. Ang alam niya lang ay ligtas na siya dahil nakalayo na siya sa Dragon and bright bar. Higit sa lahat sa lalaking iyon.

Malaking palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang lalaking nakasiping niya. Hindi niya rin matandaan ang mukha niyon maliban lang sa isang palatandaan na tumatak sa kanyang isip.

Bago siya bumaba ng jeep ay na galit pa ang driver, dahil sa wala siyang maibigay na pambayad dito.

Kanina pa siya naglalakad ngunit hindi tiyak ang patutunguhan niya. Nanakit na rin ang kanyang mga binti at paa sa kakalakad. Idagdag pa ang pamimigat ng buong katawan niya, nahihilo na rin siya. Marahil dala pa rin ng hang-over at higit sa lahat hindi pa rin siya nakakain simula pa kagabi o uminom man lang ng tubig.

Nawala rin niya ang purse niya, naroon ang cellphone, ATM, Credit card ng Mommy niya at naroon din ang pera niya. Walang laman ang bulsa niya kahit ni singkong doling.

Nakaupo siya sa gilid ng pader na pwedeng makaupo sa semento. Nakamasid siya roon sa kalsada na nag-uunahan ang mga sasakyan sa pagtakbo.

Awang-awa siya para sa kanyang sarili. Ayaw niya na rin umuwi sa kanila, tiyak ipipilit na naman ng Daddy Franco niya na magpapakasal siya kung sinumang Pontio Pilato. Higit sa lahat mas magagalit ang Daddy niya kapag nalaman nito ang katangahan at kagagahan nangyari sa kanya.

“Ining, may hinihintay ka ba? Kanina pa kasi kita napapansin dito.” Anang ng boses babae.

Nag-angat ng tingin si Yza, nagpaskil siya ng alanganin ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang babaeng may edad na, nakatayo ito sa gilid niya.

“Wala po,” mahinang usal niya.

“Kung ganoon, bakit nandito ka? Mapapahamak ka kung magtatagal ka pa dito.”

“Wala naman po akong may mapupuntahan,” turan niya na yumoko ang kanyang ulo.

“Naku, bata ka, naglayas ka sa inyo.” Bulalas nitong sabi. “Tiyak hindi ka pa nakakain. Halina't papakainin kita,” yakag ng Ginang.

Muli nag-angat ng mukha si Yza, tiningnan ang Ginang na may mabining ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

“Wala po akong pambayad, nawala kasi ‘yong purse ko.”

“Tara na, huwag kang mahiya.” May pang-unawa sambit ng Ginang.

“Wala po akong pera,” giit pa rin ni Yza. Hindi niya nakasanayan na may ibang tao nagmamagandang loob sa kanya na bigyan siya ng kailangan niya. Kadalasan kasi siya ang nagbibigay.

Lumaki si Yza sa marangyang pamumuhay, nasusunod ang mga gugustuhin niya. Spoiled siya sa kanyang mga magulang. Nagbago lamang ang lahat ng simula na sumakabilang-buhay ang kanyang Mommy.

“Mamaya na natin pag-uusapan ang pambayad mo. Ang mahalaga ngayon ay makakain ka muna at para kang nalalantang gulay.” Ani ng Ginang na nagpatiunang na itong lumakad.

Sumunod naman si Yza dito, huminto sila ng Ginang sa tapat ng maliit na karenderya. Lumingon ito sa kanya na may maluwag na ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

“Pasok ka.” Naglakad ito papasok sa loob ng karenderya. “Maupo ka muna at ikukuha kita ng makain mo.” Tumalima na ang Ginang na hindi pa niya alam ang pangalan nito.

“Salamat po,” aniya nahihiya pa rin. naupo siya sa bakanteng upuan. Inikot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kainan. Maliit lamang ang lugar at may tatlong tao lang ang kumakain.

Nang bumalik na ang Ginang ay may dala na itong tray na may lamang mga pagkain. Nilapag nito sa ibabaw ng mesa nasa harap niya ang isang platong kanin, ginisang monggo na na may halong dahon ng talbos ng kamote at isang pirasong isda na di kalakihan.

“Kumain ka na muna,” anito nakangiti pa rin. “Siya nga pala ako si Aling Lucing at siya naman ang anak ko si April.” Tinuro nito ang dalagang nakaupo roon sa tapat ng may mga bote ng softdrinks. Kumaway ito sa kanya atsaka ningitian siya.

Gumanti rin si Yza ng ngiti sa anak ni Aling Lucing. Halos kasing edad niya lamang ito.

Sunod-sunod ang ginawang niyang pagsubo ng kanin at ulam. Ang dapat na almusal niya ay hapunan niya na. Kanina pa mahapdi ang sikmura niya dahil sa gutom. At ngayon lang siya nakakain. Takip silim na rin sa labas nitong karenderya.

Nang matapos na siya kumain, nagkusa na siyang iligpit ang mga pinagkainan niya.

“Saan ang kusina n’yo?” Tanong niya kay April ng lapitan niya ito upang magtanong.

“Pasok ka lang diyan sa may pintuan.” Sabay turo nito sa maliit na pinto na may kulay green na kurtina.

“Salamat.” aniya atsaka tumuloy na siya sa loob ng kusina. May mga plato hugasin na nakatambak kaya kusang-loob na rin niya hinugasan ang mga iyon. Kahit sa ganitong paraan ay makabawi siya sa magandang-loob ni Aling Lucing na pakainin siya.

Sarado na ang karinderya at silang tatlo na lamang ang naiwan. Nakaupo sila sa pabilog na maliit na lamesa.

Tumikhim si Aling Lucing bago ito nagsalita. “Yza, lumayas ka ba sa inyo?” Walang paligoy-ligoy na tanong nito.

Tanging tango lang ang naging sagot ni Yza rito. Pigil ang kanyang mga luha na nagbabanta sa sulok ng kanyang mga mata. Nang maalala ang mga nangyari sa kanya. Kanina pa na wala siya sa tamang pag-iisip. Dahil sa nangyari sa kanya at kung saan siya pupunta at magpalipas ng gabi at mga susunod na mga araw at gabi.

“Umuwi ka na sa inyo, Ineng. Tiyak nag-alala na sa ‘yo ang mga magulang mo, tiyak hinahanap ka na nila.”

“Hindi po nila ako hahanapin at wala na rin pakialam sa ‘kin ang Daddy.” Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya sa kanyang pisngi na kanina pa niya pilit pinipigilan.

“Maganda ka at maraming masamang loob diyan sa labas na pakalat-kalat at ako ang natatakot para sa’yo na tiyak mapapahamak ka. Kung gusto mo, sumama ka na lang muna sa ‘min ni April. Pwede ka sa ‘min hanggang gusto mo kaysa mapahamak ka pa.” Mahabang litanya ni Aling Lucing.

“Salamat po,” lalong ikinaiyak niya.

“Maliit lang ang bahay namin at nasa squatter pa. Huwag ka rin mag-expect nasa malambot na kama ka matutulog.” Sabad naman ni April na kanina pa itong nakikinig lang sa usapan nila ng ina nito. “Atsaka maraming ipis at daga sa ‘min.”

“April, huwag mo naman takutin itong si Yza.” Saway agad dito ni Aling Lucing sa anak nito.

“Walang problema sa ‘kin. Basta salamat po,” hindi matapos-tapos ang pasasalamat ni Yza sa mag-inang komopkop sa kanya.

HIGIT ISANG linggo na rin si Yza sa poder ng mag-inang Lucing at April. Mabait ang mag-ina at kapamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanya.

Kasalukuyang nasa labas ng karinderya si Yza. Kumakanta at inaaya ang mga tao na kakain sa karinderya.

“Pasok po kayo sa loob, masarap po ang aming nilutong pagkain. Tiyak kapag natikman ninyo ang luto ni Tiya Lucing ma-inlove po kayo sa kanya este sa food po.”

“Hoy, anong ginagawa mo r’yan?” Natatawang tanong ni April na saglit ito huminto sa ginagawa nito.

Ngumisi siya rito. “Ano pa ba, eh di nagtatawag ng customer.”

“Pansin ko lang, simula nang dumating ka rito. Mas maraming customer ang kumakain dito. Swerte ka sa ‘min, Yza.”

“Ano ka ba, mas maswerte ako kasi niligtas ninyo ako ni Tiya mula sa pagala-gala sa kalsada. Tiyak taong grasa na ako ngayon.”

“Kung nagkataon, ikaw lang ang taong grasa na maganda.” Nakangisi rin turan ni April.

“Naku po! Ang iba riyan bolera.” Natatawa na lang siya.

“To see is to believe raw. Teka tama ba ang English ko?” pakingkoy na tanong ni April.

“Iwan ko sa’yo puro ka kalokohan,” natatawa pa rin sambit ni Yza.

“Pero maiba ako, Yza. Napapansin ko lang ang isang ‘yan,” sabay nguso nito sa lalaki nakaupo sa pinakasulok nitong maliit na karinderya. “Parati na ‘yan pabalik-balik dito atsaka panay ang tingin sa’yo.”

Sinundan niya ng tingin kung saan si April nakanguso. Napansin niya rin ang lalaking ito na pabalik-balik dito. Agaw pansin naman talaga ito, paano ba naman artistahin ang itsura nito. Nakalimutan niya lang ang pangalan ng artista na halos kahawig ng lalaki. Matangkad at built in ang pangangatawan na halatadong alaga sa pag gym, matangos ang ilong, naka-agaw pansin din ang makapal nitong kilay na animo’y sadyang iginuhit. Idagdag pa ang adams apple nito na gumagalaw sa tuwing kumakain o nagsasalita. Kulang ang salitang tall dark and handsome sa lalaking iyon. Ilang beses niya rin ito nakaharap sa tuwing kinukuha ang order at pagsilbihan ito.

Ilang beses niya rin nahuhuli ang lalaki na nakatingin sa kanya. Sa tuwing nahuhuli niya ay kaagad din ito umiiwas ng tingin. Binaliwala niya lamang at hindi binigyan pansin dahil sa suki naman nila ito.

“Pupusta ako, may gusto si Pogi sa’yo.” Nakangiting turan ni April.

“Sinong pogi?” Nakakunot-noo tanong niya. “Wala akong pera, pulubi ako.”

“Ikaw lang yata ang pulubing mayaman.”

Hindi na siya magtataka kung madalas ay agaw pansin siya. Palagi niya rin naririnig sa mga kamag-anak ng kanyang mga magulang na pang beauty pageant ang kagandahang taglay niya. Hinihikayat din siya ng ibang may potential sa modeling world na sumali siya. Subalit madalas ay pinagtatawanan niya lang ang mga ito. Ayaw rin kasi ng Daddy niya na sumali siya sa ganoon mga event. Dahilan nito ay nag-aaksaya lang siya ng panahon at mas magpursige siya na pamahalaan ang mga negosyo nila.

Matangkad siya, mala porselana ang kulay ng balat niya, lagpas balikat ang kulay light brown niyang buhok, matangos ang kanyang ilong at malagkit ang pilik mata niya na tila katulad sa pilik mata ng manika. sort off she's beauty and brain.

Madalas niya rin naririnig sa mga kamag-anak nila na kamukhang-kamukha niya ang Tita Franny niya ang kapatid ng kanyang Daddy Franco. Isang modelo ang Tita Franny niya at sumasali ito around the world sa paglalakad sa catwalk.

May bahagi sa puso’t isip niya na ayaw paniwalaan ang Daddy Franco niya na ampon lang siya ng mga magulang. Gayon magkamukha sila ng Daddy Franco niya. Bigla siya nalungkot ng maalala ang kanyang ama at ang huling tagpo sa kanilang pagitan.

“Sorry, hindi naman ‘yon ang ibig kung sabihin.” Hinging paumanhin ni April, marahil napansin nito ang lungkot sa hitsura niya.

Ngumiti siya upang pawiin ang lungkot na iyon. “Kunin ko muna ang order ng customer nating bagong dating.” Pag-iiba niya ng usapan.

“Sige. Kunin ko na rin ang ibang platong hugasin.”

Tumungo roon si Yza sa customer upang kunin ang order nitong pagkain. Pagkatapos niya makuha ang order nito ay kinuha niya rin agad ang mga pagkain at siniserve rito.

Pabalik na siya pagkatapos niya ibigay ang order ng customer ng dumaan siya sa gilid ng inuupuan stool ni Nono. Ayon kay April ay isang drug pushers itong si Nono at labas pasok na rin sa kulungan. Hinipuan siya sa puwet ni Nono. Pakiramdam ni Yza ay biglang kumulo ang dugo niya at umakyat iyon sa kanyang ulo. Galit na galit siya na humarap dito. Walang pasabi, ubod lakas niyang pinalo sa ulo si Nono, gamit ang ang hawak niyang tray.

Hindi man lang natinag si Nono, mula sa stool na inuupuan nito. Tumayo ito mula sa upuan, matalim ang tingin nitong ipinukol si Yza. Tila ay gusto siya nitong kainin ng buhay at buong-buo.

Biglang nakaramdam ng takot si Yza para sa kanyang sarili. Alam niya na hindi siya sasantuhin ni Nono, ang katulad nito na malademonyo ang pag-uugali. Nakatitiyak siya na hindi siya sasantohin ng lalaking ito. Naihakabang ni Yza ng isang hakbang ang kanyang mga paa ng paatras.

“Maarti ka lang. Pero gustong-gusto mo naman mahimas,” anito na hinablot sa isang braso si Yza.

“Bitawan mo ako!” pilit nagpupumiglas si Yza mula sa mahigpit nitong pagkahawak sa braso niya. Pakiramdam niya ay halos bumaon ang mahaba at maruming kuko nito sa kanyang balat.

“Alam mo bang? Mas gustong-gusto ko ang babaeng palaban lalo na kapag rinoromansa ko,” nakangisi nitong turan.

“Bastos!” akmang sasampalin niya si Nono ngunit mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay.

“Ano, papalag ka pa, hah?” galit nitong turan. Nilapit nito ang mukha sa mukha ni Yza.

Naamoy ni Yza ang mabahong hininga ni Nono na nakakasuka. Ngunit hindi siya nagpa sindak dito. Dinuraan niya ang mukha nito na lalong ikinagalit ni Nono. Sasakupin nito ang labi ng dalaga. Mabuti na lang napilig ni Yza ang mukha niya patagilid.

“Bitawan mo siya!” Matigas at galit na sambitla ni Manuel. Ubod lakas nitong hinawi si Nono mula sa paghawak nito sa kay Yza. Umigkas ang kamao ni Manuel, pinaulanan ng suntok sa mukha si Nono. Pumutok ang labi nito at nagdurugo ang sugat nito. Hindi pa nakuntento si Manuel ay hinawakan niya sa kuwelyo ang lalaking bastos atsaka pabalya tinulak palabas mula rito sa loob ng karinderya. Napasobsob pa ito sa simentadong daan.

Wala man lang ni isang naglakas loob na umawat para pigilan si Manuel.

“Huwag na huwag ka ng bumalik dito kung hindi, di lang ‘yan ang aabutin mo!” Galit na turan ni Manuel.

“Hindi pa tayo tapos!” balik pagbabanta ni Nono bago ito kumaripas ng takbo papalayo.

Nanghihina napaupo si Yza sa bakanteng upuan. Pakiramdam niya ay mabubuwal siya mula sa kinatatayuan niya kani-kanina lang.

Umangat ang mukha niya ng humarap si Manuel sa kanya. Madilim ang itsura nito ng nakatunghay sa kanya. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng lalaki. Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata nito sa paraan ng tingin pinupokol sa kanya.

“Salamat sa tulong mo,” mahinang sambit niya na nanatiling nakayuko ang ulo niya.

“Next time, you must wear a decent clothes. Tingnan mo ‘yang sarili mo, para kang nagtatawag ng mambabastos sa’yo.” Anito na walang lingon likod na tumalikod at tuloy-tuloy ang paghakbang ng mga paa nito paalis.

“May pagka super hero rin pala si pogi, pero mukhang galit ang isang yun sa’yo.” Komento ni April. Tela baliwala lang kay April, ang gulo na nangyari kani-kanina lang. Kung sabagay lumaki si April sa magulong lugar kaya sanay na rin ito.

“Bastosin ba ang hitsura ko?” Tanong niya kay April.

Pinasadahan siya ng tingin ni April mula ulo hanggang paa. “Hindi naman, sadyang maganda at sexy ka lang gurl.” Nakangising saad pa nito.

“Anong problema ng lalaking iyon? Tinulungan nga niya ako pero nagagalit din sa ‘kin.” Aniya nakasunod ang tingin niya sa likod ni Manuel na naglalakad papalayo.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Raffy Ryan Cabangi
sinu kaya ang lalaking yon sana si manuel lang......... nakakalungkot na nakaka excite ang kwentong to.........
goodnovel comment avatar
Kitt Katt
Ahay kawawa nman complekado na buhay ni yza, sana maging mabait nman si manuel sa kanya at si manuel din cguro ung lalaking kasiping nya.
goodnovel comment avatar
Zaila Chua
Thank you Miss A,subaybayan ko ang kwento nila Manuel at Yza
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status