Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2024-02-22 22:38:50

NAKAPANGALUMBABA si Yza, habang nakatanaw roon sa labas nitong karinderya. Alas-diyes pa lang ng umaga kaya mangilan-ilan pa lang ang kanilang mga customer na kumakain.

“Nagbibilang ka ba ng mga taong dumadaan o hinihintay mo si pogi?” pambubuska ni April na dumaan ito sa tabi niya.

Kunwari sumimangot siya.“Nakapangalumbaba lang may hinintay agad?”

Huminto si April sa paghakbang ng mga paa nito atsaka pumihit paharap sa kay Yza. May malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Talagang nang-aasar ito.

“Pansin ko lang, ilang araw ng hindi naka dayo rito si pogi. Miss mo na siya ano?” Tudyo ni April.

Tumayo si Yza mula sa stool na inuupuan niya. “Grabe talaga ‘yang instinct mo, April. Di ko alam na may pagka madam Auring ka na rin pala.” Natatawa niyang sambit, atsaka tinalikuran na ang kaibigan bago pa ito makahirit ng isasagot nito sa kanya.

“Saan ka pupunta?”

“Nakikita mo naman di ba? Sa kusina,” pang-aalaska niya rito.

“Ang sabihin mo, talagang umiiwas ka lang na pag-usapan si pogi. Ayaw mo lang aminin na namimiss mo na siya!” Medyo may kalakasan boses sabi ni April.

“Oy, bibig mo.” Bigla siya napahinto sa paglalakad at nanlalaki ang mga mata ipinukol ng masamang tingin si April. Hindi ah,” Tanggi niya agad, pakiramdam niya ay biglang uminit ang pisngi niya at kasing pula iyon ng kamatis. Nang naakaagaw na sila ng pansin ni April sa mga customer nila na kumakain. “I don't know him. Why should I miss him?” Tinuro pa niya ang sarili.

“Ikaw naman Yza, binibiro lang kita,” ani April na sinabayan ng peace sign.

Sumimangot siya rito atsaka tinalikuran na lamang si April,kaysa humaba pa ang diskasyon nila ng kaibigan niya. Pumasok siya sa maliit nilang kusina. Naabutan niya si Aling Lucing na naghihiwa ng mga karne para sa lutuin nitong ulam para sa tanghalian.

“Yza, pakihiwa naman ng mga gulay para sa gagawin kong chopsuey, mamaya.” Ani Aling Lucing na saglit ito tumigil sa paghihiwa ng karne atsaka tinuro nito ang mga gulay na hihiwain niya.

“Sige po, Tiya Lucing.” Tugon niya rito atsaka kumuha ng kutsilyo at peeler na rin para umpisahan na ang pagbabalat at hihiwain ang mga gulay.

“Lalabas muna ako, aasikasuhin ko lang ang ibang customer natin.” Turan ni Aling Lucing ng matapos na nito hiwain ang mga karne atsaka inilagay muna roon sa loob ng fredge.

“Sige po, ako na ang bahala rito,” aniya na nagpatuloy sa ginagawa niya.

“Ay ang iba riyan kunwari pa, apektado naman kaya tumakas.” Ani April ayaw tumigil sa panunukso sa kanya.

“Ma at Pa, wala akong sinabi na gusto ko siya.”

“Aminin mo na lang kasi,” pangungulit pa rin ni April, binato pa siya nito ng maliit na perasong broccoli.

“April tigilan mo muna ang pakikipag kulitan kay Yza. Marami na tayong customer. Kailangan ko ang tulong mo rito,” sabi ni Aling Lucing na bumalik dito sa kusina.

“Sige po, Nay.” Tugon ni April. Bumaling ito kay Yza na patuloy na naghihiwa ng gulay. “Tatanungin ko si pogi kung ano ang pangalan niya.” Nakangisi turan nito bago lumayas para tulungan roon si Aling Lucing.

“Talaga lang, hah.” Aniya nakataas ang isang kilay niya.

“Kunwari ka pa, eh. Crush mo naman si pogi,” tudyo pa rin ni April.

“Aalis ka ba o hindi?” kumuha siya ng isang tabong tubig atsaka winasikan ng tubig si April.

“Aalis na,” natatawang saad ni April,malalaki ang bawat hakbang mga paa nito na lumabas mula rito sa kusina.

ILANG minuto lang ang lumipas ay bumalik na naman si April dito sa loob ng kusina. Talagang ayaw siya tantanan nito sa kakatokso sa supladong kalaking iyon. Ang naging knight in shining and armour niya pero hindi naman marunong ngumiti at ang hindi niya maintindihan kung ba't nagagalit pa iyon sa kanya na wala naman siyang ginawa na maaaring ikakagalit nito.

Hanggang abot tenga ang ngiti ni April. “Manuel ang pangalan ni pogi at nandyan siya sa labas, hinihintay ang order niya. Ikaw na kaya ang magbigay sa kanya.” Tila kinikilig pang sambot ni April.

Napatingin si Yza sa kaibigan na ayaw siya tigilan sa panunukso nito. Naramdaman niya na konting hapdi sa daliri niya, ngunit hindi niyon pinansin. “Manuel?” Nakakunot-noo anas niya.

“Kilala mo si pogi?” Nagtatakang tanong naman ni April.

“Hindi ah, kakaiba lang kasi ang pangalan niya…”Hindi niya naituloy ang ibang sabihin ng maramdaman niya na ang konting kirot sa daliri niya.

“Yza ang daliri mo, nahiwa mo yata at may dugo. Gulay lang ang dapat hiwain hindi kasama ang daliri.”

Hindi aware si Yza na nahiwala niya rin pala ang kanyang daliri. Marami na rin ang dugo nagmumula sa sugat niya.

“Maliit lang na sugat ‘to,”baliwalang sagot niya. Subalit hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng dugo mula sa nahiwa niyang daliri. Napuno na rin ng dugo ang makapal na tissue na ginamit niya na pambalot sa daliri niya na may sugat.

Sa hindi siya sanay na makakita ng dugo na nagmumula sa sariling sugat niya ay pinagpawisan siya ng malamig atska namumutla na rin ang itsura ni Yza.

Biglang natataranta rin si April ng makita ang itsura ni Yza. “Nay, si Yza hindi tumitigil ang pagdaloy ng dugo sa sugat niya.” Turan ni April na dumukwang doon sa pinto.

Binalikan siya ni April, atsaka inalalayan na makaupo sa stool. “Maliit lang itong sugat mo, Yza. Sabi mo nga malayo sa bituka huwag ka muna mamatay.”

“Mamatay agad?”

“Oo, mahirap na multohin mo pa ako.” Kahit kailan hindi matinong kausap itong si April.

Kaagad naman dumulog dito sa kusina si Aling Lucing. “Anong nangyari sa’yong bata ka?”

“Kaunting sugat lang po ito,” pilit siyang ngumiti.

“What happened here?” Tanong ni Manuel nakasunod pala ito kay Aling Lucing na pumasok dito sa maliit na kusina.

“She’s cut her nails.” Sagot ni April. “Ay, hindi pala. Hiniwa ni Yza ang daliri niya,” natarantang turan nito.

Dumaan si Manuel sa harap ng mag-inang Aling Lucing at April. Ningitian ng lalaki si April na nakatitig lamang dito.

“Let me,” ani Manuel, yumokod ito naka squat position. Atsaka kinuha ang daliri ni Yza na walang tigil ang dugong umaagos mula sa sugat ng dalaga na nahiwa ng kutsilyo.

Hindi inaasahan ni Yza ang sumunod na ginawa ni Manuel. Tinanggal nito ang tissue atsaka dinala sa mga labi nito ang daliri ng dalaga at walang babala na s******p nito ang dugo mula sa sugat ni Yza.

Gusto niya magprostesta sa ginagawa ng lalaking ito sa daliri niya ngunit pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng lakas. Sa dahilan hindi niya kayang ipaliwanag nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa gawi ni April ng tumikhim ang kaibigan niya. Nakaalis na rin pala rito si Aling Lucing.

“Ibibili muna kita ng band aid,” sambit ni April na may pinong ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

Tanging tango lang ang naging sagot niya sa kaibigan na umalis din kaagad pagkatapos nito magpaalam.

Tanging sila na lamang ni Manuel ang naiwan dito. Nakaramdam na rin siya ng pagkailang dahil sa hindi pa rin nito binibitawan ang daliri niya.

Tumikhim siya upang tanggalin ang tila bikig na nakabara sa kanyang lalamunan. Pakiramdam niya ay may mga paru-paru na lumilipad sa loob ng dibdib niya, sa sobrang kaba na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

“S-salamat pero puwede mong bitawan ang daliri ko.” Peste kailangan ba talaga mabolol? Mura niya sa sarili. Yza, relax. Pampakalma niya sa kanyang sarili.

Madilim ang hitsura ni Manuel na tumingin ito sa dalaga. “Bakit hindi ka nag-iingat?” Pagalit na sabi nito.

Talagang hindi niya maiintindihan ang ugali ng lalaking ito. Nakaraan tinulungan siya mula sa pambabastos, ngayon naman walang pahintulot na kinuha nito ang daliri niya at s******p ang dugo upang sa ganoon matigil ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat niya. Concerned ba talaga ito sa kanya?

“Palagi ka na lang napapahamak…” Nauwi sa mahabang panenermon ni Manuel.

Sandali lang. Tinulungan na nga siya ng ilang beses ng lalaking ito. Pero di ibig sabihin na p’wede ng pagalitan siya at kung ituring na tila’y batang paslit at sermunan na lang.

“Kasalanan mo,” naiinis turan niya.

Komonot ang noo ni Manuel na nakatingin sa mukha ng dalaga. “Huh, kasalanan ko pa? Ikaw na nga itong tinutulungan.”

“Did I tell you? Tulungan ako?” Pagmamaldita rin niya. Buong tapang niya tiningnan si Manuel sa mga mata nito. Ngunit iyon yata ang malaking pagkakamali ginawa niya. Nakatingin din pala ang lalaking ito sa kanya. Naghinang ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga titig ni Manuel.

“So, are you brave enough? But you cannot defend yourself.” Galit na turan ni Manuel.

“I don't need your help!” Matigas ang boses sambitla niya.

“Talaga lang, ah.”

Nakipagtitigan din si Manuel sa kay Yza. Seryoso itong nakatitig sa mga mata ng dalaga. Pakiramdam niya ay lalong nagkandabuhol-buhol ang paghinga ng dumukwang si Manuel sa kanya at nilapit nito ang mukha sa mukha niya. Halos magkadikit na rin ang tungki ng kanilang mga ilong.

Ang pastilan niyang puso, mas lalong nagreregodon ang pagtibok niyon. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Naaamoy niya rin ang mabangong hininga ni Manuel, tila ay pinaghalong mint at strawberry. Lintik! Saan niya ba naapuhap ang amoy na ‘yon?

He's going to kiss me! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Animo’y may sariling isip ang kanyang mga mata. Pumikit ang kanyang mga mata. Hinintay ang mga labi ni Manuel na lumapat at angkinin ang mga labi niya.

“May muta ka,” mahinang usal ni Manuel. Ramdam pa niya ang mainit nitong hininga na tumama sa kanyang balat.

Nagmulat ng kanyang mga mata si Yza. Nakikinita niya si Manuel na naglalakad na ito paalis dito sa loob ng kusina. Sa sobrang kahihiyan nararamdaman niya ay parang gusto niyang magpadalosdos mula sa stool na inuupuan niya at ikisay-kisay ang mga binti niya sa simentadong sahig.

Naasar na nahihiya siya sa katangahan naisip niya. Saan niya ba nakuha ang ideya na hahalikan siya ng empaktong lalaking iyon. Wait! Ito lang yata ang empakto na gwapo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zaila Chua
May kilig factor na si Yza towards Manuel on the other side, may pagka mesteryoso si Manuel. Thank you miss A,sobrang gamda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A PERFECT MISTAKE    Final chapter

    Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 110

    “NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 109

    “HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 108

    KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 107

    Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro

  • A PERFECT MISTAKE    Chapter 106

    Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status