A PERFECT MISTAKE

A PERFECT MISTAKE

last updateLast Updated : 2024-06-13
By:  Ashlie DreamerCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
111Chapters
5.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

GINAWANG PAMBAYAD sa utang si Yza ng kanyang ama. Masamang-masama ang kanyang loob, kaya nilunod niya ang sarili sa alak. Sa sobrang kalasingan ay natumba siya ngunit bago pakinabangan ng matigas na simento ang malambot niyang katawan ay nasalo siya ng lalaking estranghero. Kinabukasan ng magising siya ay nagimbal si Yza sa kanyang natuklasan. Wala siya sa sariling kwarto. Higit sa lahat hubo’t hubad din siya. Naramdaman niya rin ang munting kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. She’s lost her virginity… Sa lalaking hindi man lang niya namukhaan. Ang isang gabing pagkakamali ay nagbunga. Paano na siya? Gayon naglayas siya sa kanila at pagala-gala na lamang siya sa kalsada… She’s meet Manuel ang lalaking hindi yata marunong ngumiti at ubod ng suplado. Naging Knight and shining armor niya ang binata... Nakahanda akuin ni Manuel, ang anghel nasa sinapupunan ni Yza. nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Manuel at Yza. Pero dahil sa natuklasan ni Yza ay hindi natuloy ang kasal. At pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagpakasal si Yza sa ama ng binata,kay Don Hector...

View More

Chapter 1

Chapter 1

WARNING-SPG!!! READ YOUR OWN RISK!

MULA sa private room, nasa second floor ay nakikita ni Manuel, ang mga grupo na sumasayaw roon sa gitna ng dance floor. Ngunit mas na kaagaw sa pansin niya ang babaeng sumasayaw na nakasuot ng maikling palda at crop tops. Nakalugay rin ang blonde at alon-alon nitong buhok. Tila hindi ito napapagod sa pag-indak ng balakang nito.

Hawak niya ang baso na may laman double scotch whiskey. Lumapit si Manuel sa gilid ng tinted wall glass. Upang sa gan’on mapagmasdan niya ng mabuti ang babaeng sumasayaw roon sa gitna ng dance floor.

“She’s Yzabelle Marie Calvajar,anak ni Don Franco Calvajar,” ani Travis na nakatayo na rin ito sa kanang bahagi niya. Katulad niya ay may hawak din baso si Travis na may lamang whiskey.

Pamilyar sa kay Manuel ang pangalan ni Don Franco Calvajar. Isa rin itong kilalang tao sa mundo ng mga negosyante at alam niya rin na meron itong nag-iisang anak na babae. Ngunit hindi niya pa nakikita ang anak ni Don Franco.

“She’s pretty,” komento ni Manuel na hindi maalis-alis ang mga titig niya sa dalaga, naroon pa rin sa gitna ng dance floor at sumasayaw pa rin ito. Sa tingin niya ay mukhang lasing na rin ang dalaga.

Sigurado siya na ang katulad ni Yzabelle Marie Calvajar ay spoiled brat and happy go lucky.

“Mailap sa mga lalaki si Yza,” sabi ni Travis na nakatingin doon sa gitna ng dance floor. “Pero kung gusto mo lapitan,gawan mo ng paraan na makalapit sa nag-iisang Yzabelle Marie Calvajar,” nakangisi turan ni Travis.

“I'm not interested, she's so young.” Aniya hinakbang ang mga paa para bumalik doon sa lamesa nilang magkakaibigan.

“No boyfriend since birth,” dagdag na sabi naman ni Greyson. Narinig yata nito ang pinag-uusapan nila ni Travis.

“Gago, paano mo nalaman?” Tanong ni Cm, sa medyo may kalakasan nitong boses.

“Niligawan ni Migs, ayon basted,” nakangisi sabi ni Greyson.

“She’s so young,”balewalang sabi ni Manuel, ng bumalik ‘to sa upuan niya. “Higit sa lahat ayoko maging baby sitter,” nakangisi turan ni Manuel.

“Talaga lang,” tudyo ni Travis, inisa-isa nito binabalatan ang mani nasa harapan nito pagkatapos diretsong sino-shoot sa loob ng bibig nito.

“Malayong maging baby sitter ka bro. At sigurado magaling ka mag-produce ng babies,” nakangisi turan naman Ashton.

“Basta ako, cheers para sa kaibigan natin na kusang loob bumalik na dito,” ani Cm, tinaas nito ang hawak na baso.”Cheers.”

Naiiling na lamang si Manuel. Matagal din kasi siya nawala at ilang taon din siya nagtatrabaho sa ibang bansa bilang architect. Kung hindi lang sa kagustuhan ng kanyang ama na bumalik na siya rito sa Pilipinas ay wala pa siyang balak na bumalik dito.

Samantala patakbong pumunta ng ladies room si Yza ng maramdaman niya na tila hinahalukay ang kanyang sikmura.

Agad siya tumungo sa tapat ng lababo. Nilabas niya ang likido pati na yata ang bituka niya ay isusuka niya na rin. Pakiramdam niya ang kanyang sarili. Pakiramdam niya ay nanghihina siya at mala butil ang pawis niya. naparami yata ang nainom niya at hindi na kinaya ng sistema niya.

Pagkatapos niya sumuka ay nag mogmog muna siya, atsaka naghihilamos na rin siya ng mukha. Kahit paano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos niya tuyuin ang kanyang mukha gamit ang tissue napkin. Pasuray-suray si Yza lumabas mula roon sa ladies room.

Hindi na siya bumalik doon sa gitna ng dance floor. Diretso na siya sa labas nitong club, uuwi na lamang siya. Madaling araw na rin. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa loob ng purse niya. She's sent a messages to her friends na uuwi na lang siya.

“Taxi!” pumara sya ng taxi. Huminto ang sasakyan sa tapat niya ay agad siya pumasok sa loob ng sasakyan. Hanggang sa hindi niya na namalayan nakatulog na pala siya habang nasa b'yahe.

Naiiling na lamang si Manuel habang tinitingnan niya ang dalaga mula sa rear view mirror. Mahimbing ito natutulog doon sa backseat nitong kotse niya.

Napagkamalan pa siya tuloy ng dalaga na taxi driver siya, ng pumara ito kanina sa tapat ng club house. Sakto lang din na lumabas siya mula sa parking lot.

Nasa tapat ng gate ng Calvajar residence ay huminto ang kotse minamaneho ni Manuel. Muli tiningnan niya ang dalaga na mahimbig pa rin natutulog. Ayaw niya rin gisingin si Yza. Hinayaan niya na lang muna na matulog ang dalaga. Mukhang kumportable naman ito sa leather seats ng kotse na hinihigaan nito.

Napabuntong-hininga na lamang ng malalim si Manuel, habang tinititigan niya ang maamo at magandang mukha ng dalaga. Namumula rin ang kutis nito na mala pursilana sa sobrang kinis. Malamang ay epekto ng alak na nainom nito.Bigla siya na pabalik sa pagkakasandal niya sa backrest ng upuan niya, ng gumalaw si Yza.

Nagising si Yza ng maramdaman niya na tila may mga mata nakatitig sa kanya.

“Shocks!” bulalas sabi ni Yza, mabilis siya bumangon mula sa pagkakahiga niya sa upuan, nandito pa rin siya sa back passengers seats ng sasakyan.

“Ang tanga-tanga ko,”niya sa mahinang boses. Gusto niya tuloy sabunutan ang kanyang sarili dahil sa katangahan niya.

Kumuha siya ng one thousand pesos bill mula sa purse niya. Atsaka binigay roon sa driver.

“Kuya, pasensya na naka tulog pala ako. Sana ginising mo na lang ako. Keep the change,” aniya na inabot dito ang bayad niya.

Hindi niya na hinintay na makapagsalita ang driver. Nagmamadali siya umibis mula sa loob ng kotse. Halos takbuhin ni Yza ang distansya papasok sa gate ng bahay nila.

Maingat ang bawat kilos ni Yza na pumasok sa loob ng compound nila.

Nag-iisang linya ang makapal na kilay ni Manuel, habang nakasunod ang tingin nito sa dalaga na malalaki ang bawat paghakbang ng mga paa nito. Nakakatiyak na si Manuel na tuluyan ng nakapasok sa loob ng gate si Yza at ligtas na ang dalaga ay binuhay na rin nito ang makina ng kotse niya. Pagkatapos pinaharorot paalis sa lugar.

Maingat na binuksan ni Yza ang maindoor para sa gan’on hindi siya makalikha ng ingay. Dahil kapag nalaman ni Manang Soling, madaling araw na siya umuwi. Tiyak walang tigil na sermon ang aabutin niya sa dating taga pag-aalaga niya.

Nasa ibang bansa rin ang kanyang mga magulang. Kasalukuyang naroon sa United States ang Daddy at Mommy niya para magpagamot. May sakit ang mommy niya.

Sa katunayan papunta na rin siya ng America para sumunod doon sa kanyang mga magulang.

Paakyat na siya ng hagdan. Napahinto ang kanyang mga paa sa pag-akyat sa baitang ng hagdan. Bigla na kang bumaha ang liwanag dito sa sala.

“Dad…” Bulalas niya ng makita ang Daddy Franco niya na nakaupo roon sa couch.

Pakiramdam niya ay bigla na lang nawala ang kalasingan niya.

“Anong pinaggagawa mo Yza? Habang wala kami ng mommy mo?” Sabi ni Don Franco, biglang umulap ang mga mata nito..Ngunit dagli lamang iyon.

“Um-attend po ako ng birthday party ng kaibigan ko,” aniya kagat labi dahil sa Pagsisinungaling niya. “Si Mommy?”

“Bukas na tayo mag-usap. Magpahinga ka na Yza,” nahihimigan niya na ayaw makipag-usap ng daddy niya.

Hindi na rin siya nagpumilit pa. Inaantok na rin siya at nahihilo pa rin.

“Good night, Dad.” Aniya na tinalikuran ang daddy niya para tumungo na roon sa kwarto niya.

Pagpasok niya sa loob ng kwarto niya ay pabagsak niya hiniga ang pagal niyang katawan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Zaila Chua
Good job Miss A. Sobrang ganda ng story at nakakaklig. daily update pa
2024-03-25 00:57:37
0
user avatar
Ciejill
Highly recommended!... basa na mga langga...️
2024-03-07 09:58:33
1
user avatar
Zaila Chua
Highly recommend,ganda ng daloy mg kwento
2024-02-25 00:23:23
1
user avatar
SEENMORE
Ay, kakaiba ang twist...️
2024-02-24 15:09:57
1
111 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status