Share

Chapter 83

"Anak, kung hindi talaga kayong dalawa ni Callix ang para sa isa't isa ay hindi talaga mangyayari 'yon kahit gustuhin mo pa, eh. Huwag ka nang umiyak. Hindi pa naman katapusan ng lahat kung nagkabalikan nga silang dalawa ng ex-girlfriend niya. Hindi rin natin siya masisisi kung 'yon ang desisyon niya na makipagbalikan sa ex-girlfriend niya. Nandito naman kaming mga tunay na nagmamahal sa 'yo. Marami namang iba d'yan, eh. Kung hindi siya para sa 'yo sigurado ako na may mas better pa sa kanya," pang-aalong wika ni Herbert kay Isabel kinagabihan nang sabihin nito ang nasaksihan kaninang umaga. Ang inaasahan sanang masaya na pagkikitang muli nilang dalawa ni Callix ay hindi nangyari.

"Kung alam ko lang po sana na ganito ang mangyayari ay noon ko pa dapat siya kinalimutan. Nakinig na lang po ako sa mga sinasabi n'yo. Sinusunod ko kasi ang kagustuhan ko na huwag siyang kalimutan dahil sa mahal na mahal ko po siya, papa. Nagsisisi na po ako sa hindi ko pagsunod sa mga sinasabi n'yo sa akin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status