Share

Chapter 84

Dinalaw muli ni Isabel ang puntod ng mahal niyang ina kinabukasan kasama ang papa niya dahil 'yon ang napag-usapan nilang dalawa. Mahigit tatlong oras sila doon. Nagdala naman silang dalawa ng pagkain para doon kumain kahit hindi undas. Wala naman silang dalawa na mag-ama ginawa doon kundi ang makipag-usap sa harap ng puntod ng mama niya. Nag-uusap rin silang mag-ama. Kahit papaano ay nalilibang ang isip ni Isabel. Hindi niya masyadong naiisip si Callix. Weekend naman kaya walang problema.

Sumunod na araw ay niyaya siya ng papa niya na magsimba kaya pumayag naman siya. Pagkatapos nilang magsimba ay nanood silang dalawa ng sine at naglakad-lakad sa loob ng mall na napakatagal ng panahon na hindi nila nagagawa. Masaya naman si Isabel ng araw na 'yon kahit may kirot sa puso niya.

Pinipilit na kalimutan ni Isabel si Callix ngunit hindi niya magawa-gawa 'yon. Nahihirapan siya na kalimutan ang lalaking mahal niya hanggang ngayon. Apat na araw na rin ang lumipas ngunit wala pa ring nangyaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status