Share

Chapter 5

Cammie

"Ali, namumugto ang mga mata mo," tumabi ako sa pagkakaupo niya sa higaan. "May masama ka bang nararamdaman sa katawan mo?

Humiging ito't umiling bago ito tumayo. "Maliligo lang ako, Cams."

Tanghali na siyang nagising sa kakaiyak kagabi, hindi ko na siya inabala pang gisingin kanina para na rin makapagpahinga siya. Iyak ng iyak kagabi kung hindi lamang siya  nakatulog hindi siya titigil sa kakaiyak kaya labis ang pag-aalala nila Ate Easter pati na rin si Madam Felicia sa kaniya.

We did not expect na ang masayahing tao na kagaya ni Alisha ay may mas malaking problema ang tinatagu-tago sa likod ng masayahin nilang ngiti na palaging suot sa araw-araw.

"Nasaan nga pala si Alisha? Bakit hindi mo kasama?" bungad na tanong ni Ate Easter, pagkababa na pagkababa ko sa hagdan.

"Tulog pa, ate, hindi ko na lamang ginising para makapagpahinga siya iyak ba naman ng iyak kagabi."

"Why? What happened?" biglang tanong ni Madam Felicia nang makababa ito galing sa kwarto niya nang marinig ang naging sagot ko kay Ate Easther, may tumutulo pang tubig galing sa basa niyang buhok.

"Si Alisha po kasi, madam. Pagkatapos po kasing tumawag ng tita niya bumalik ito sa silid namin na umiiyak hanggang sa makatulog siya sa kakaiyak."

Nakikinig lamang sila, ramdam ko na gusto pa nilang magtanong sa akin kung ano ang naging dahilan but they know na hindi ko sasabihin dahil unang-una wala akong karapatan na pangunahan si Alisha, pangalawa magmumukha akong tsismosa na naghahatid ng walang katotohanang report kung ganoon.

"Maglilinis lang ako, madam at ate. Sa kaniya niyo na lamang po itanong ang totoong dahilan bakit ito umiiyak, alis na po ako." I bow ng kaunti bilang respeto kay madam at tulayan nang umalis.

Maaga kong sisimulan ang paglilinis sa pool na area bago ang garden dahil tiyak kong mas doble ang pagod sa paglilinis sa garden kaysa dito sa pool.

Ang paglilinis kasi namin sa pool ay hindi naman mahirap at madali lang kailangan na dapat linisin ang tubig sa pool sa araw-araw at kung madumi naman ang tubig ay papalitan ito ng bago habang ang semento na may mga white tiles ay kailangan ma-maintain ang pagkaputi nito. Habang ang paglilinis sa garden ay may pagkamahirap kasi sagana sa mga bulaklak at ang kailangan diligan kung minsan pa ay dapat palitan ang mga nalantang bulaklak dahil sa init at palitan ng bagong tanim, mahirap pa dahil ang ibang bulaklak hindi umaayon sa araw ng pagtanim namin, kailangan din naming i-trim ang mga bulaklak na kada-buwan o linggo ang bilis sa pagtubo ng dahon.

Higit isang oras akong naglinis sa pool kaya nang matapos ay sa garden na ang agad kong nilinisan. Tumagal ako sa garden ng higit dalawang oras sa pagdidilig, may hose naman na gamit ngunit may mga nalanta na mga bulaklak at kailangan na palitan ng panibagong tanim.

Pagkatapos kong maglinis, sinalubong agad ako ni Ate Wester na kagaya ko ring pawisan at galing sa paglilinis.

"Nasaan nga pala si Alisha?" tanong nito at luminga-linga. "Hindi ko siya nakita ngayong umaga."

Napakamot na lamang ako ng batok. Eh, paano niya nga makikita kung tulog pa buong umaga ang isang 'yon?

"Tulog pa siguro, ate. Nakatulog ang isang 'yon sa kakaiyak kagabi," sagot ko habang may pagtatanong naman na mata itong tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Sa kaniya niyo na lang tanungin, ate. Sige po, aakyatin ko muna baka gising na rin ang isang 'yon."

Hindi ko maintindihan kung bakit sino pa iyong araw-araw may nakapaskil na pambihirang ngiti sa labi ay sila pa pala iyong may mabibigat na problemang dinadala.

"Aalis ka?" agad kong nang lumabas ito sa banyo, nakabihis na siya ng damit na panlabas habang may nilalagay siyang concealer sa mata para na rin siguro matabunan ang namumugto niyang mata.

"Oo, bisitahin ko si Keisha pati na rin sila papa," ngumiti ito sa akin. "Mapapaalam pa nga ako kay Madam Felicia para kahit isang araw ay payagan niya akong dalawin sila at ikaw naman 'wag ka ng mag-alala sa akin."

"Huwag kang mag-alala ka d'yan," umirap ako sa kaniya kaya naman tumawa ito.

"Seryoso, huwag kang mag-alala sa akin, Cams, you know naman na kinakaya ko lahat."

Kinakaya mo nga ang lahat pero alam ko na nahihirapan ka rin hindi mo lang masabi.

"Sabi mo eh," I smiled. "Always remember na nandito lang ako sa higaan mo nakaupo habang pinagmamasdan kang maglagay ng concealer."

Hindi ako tumawa kaya nagmukhang seryoso talaga ako habang siya naman ay tumawa.

"Kalokohan mo talaga," iling-iling siyang naglagay ulit ng concealer.

Nang matapos siyang maglagay ng concealer at lip tint para may buhay ang labi niyang maputla ay agad naman akong tumayo, alam kong lalabas na siya at magpapaalam kay Madam Felicia.

"What if sama ako, Alisha?"

"H-huwag na kaya ko naman at magpahinga ka na lang," nauutal ito't hindi ko na lamang pinansin.

"Okay, sabi mo."

Nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa opisina ni senator habang nakasunod lamang ako sa kaniya. Pagkarating namin sa tapat ng pintuan ng opisina ni senator ay siya namang pagkatok niya habang nanatili lamang ako sa likuran niya.

"Alisha," sambit ni Madam Felicia sa pangalan ni Alisha bago sumenyas na pumasok kami pero umiling si Alisha.

"Huwag na, madam, magpapaalam lang naman po sana ako," nahihiya naman itong napakamot sa kamay.

"For?"

"Magpapaalam po sana ako if puwede po bang bisitahin ko ang mga kapatid ko kahit isang araw lang po at bukas po agad ako uuwi, madam." Tumango-tango naman si madam.

"Just tell me what happened when your back."

"Opo, madam. Maraming salamat po," tumingin ito sa akin at ngumiti.

"You can go na," tugon ni Madam Felicia kaya nag-bow kami ng kaunti bago tumalikod.

"Mag-iingat ka, Alisha. Hindi ka ba magdadala ng damit?" napansin ko kasing wala itong dala at aabutin pa pala siya ng gabi.

"Hindi na, manghihiram na lang ako kay Keisha if kailangan," ngumiti lamang ako.

Sinalubong kami nila Ate Easter, nagtatanong ang mga mata nila kaya si Alisha na mismo ang nagpaalam. Bakas din sa hitsura nila na gusto pa nilang tanungin si Alisha kung ano talaga ang nangyari pinipigilan lamang nila ang kanilang mga sarili. Pagkaalis ni Alisha ay nagpaalam ako kina Ate Easter na magpapahinga muna, napagod ako kakalinis at kulang ang tulog ko kagabi.

Kinabukasan nakauwi si Alisha nang tanghali na. Mukha itong pagod dahil na rin siguro sa mata nitong mugto at namumula iba na rin ang suot nitong damit, napansin namin iyon pero hindi na kami nagtanong pa.

Wala na kaming trabaho pa nang umuwi si Alisha kaya sinabihan na lamang ni Ate Easter na magpahinga ito, gusto niya pa atang magtrabaho dahil dalawang araw na raw itong hindi nagagawa ang nililinisan namin. Pinabayaan lang namin siyang matulog ng buong hapon, wala rin sila madam at senator dito sa mansion dahil susunduin nila mismo ang mga anak na uuwi galing ibang bansa. Kinakabahan ako dahil siguradong bukas na magsisimula ang pagiging personal maid ko.

"Alisha, gising na kakain na," paggising ko kay Alisha, malapit nang gumabi at kakain na kami.

Humiging ito ng mahina kaya nagtaka naman ako, pinagpapawisan din ito tila nilalagnat kaya pinatong ko ang kamay ko sa kanyang noo ngunit agad ding binawi nang mapaso sa nagliliyab niyang noo.

"Hintayin mo ako, kukuha ako ng makakain mo para makainom ka ng gamot," inayos ko naman ang kumot niya bago ako tumayo't lumabas para kumuha ng makakain niya.

"Ate, kukuha na lang ako ng makakain ni Alisha," nagtaka naman sila kaya sinimula ko nang kumuha ng pagkain. "Nilalagnat kasi si Alisha, hindi ko alam kung bakit pero nagliliyab na siya sa init."

"Damihan mo na lang, Cammie, kaya mo ba siyang alagaan?" tumango ako bilang tugon sa tanong ni Ate Ading.

"Ako na po ang bahala, babalik ako mamaya para kumuha ng maligamgam na tubig," paninigurado ko sa kanila.

Bago pa man ako makaakyat sa hagdan ay may nilahad si Ate Easter sa akin na gamot. "Ako na pong bahala na magpainom sa kaniya, ate, huwag na po kayong mag-alala."

Pagpasok ko sa silid namin ay nadatnan ko si Alisha na balot na balot sa kumot kahit na nagliliyab na ito sa init dulot ng lagnat ay giniginaw ito. Ginising ko siya't pinaupo bago pinakain, timing nga at ang ulam namin ay may sabaw.

"Ang asim naman nito, Cams," nanghihina na nga siya pero nagawa pang magreklamo.

Tinikman ko naman ang sabaw ng sinigang baboy, maasim nga. "Ayy, hala!  Hindi ko natikman kanina."

"Ayos na ubusin ko na lang iyan," nanghihina nitong sagot. "Akin na ang kutsara, Cams, kaya ko naman ang humawak ng kutsara."

Umiling ako kaya wala siyang nagawa, ang scenario dito sa silid ay para akong ina niya habang  siya naman ang batang nilagnat na sinusubuan ang kaniyang anak. May naisip naman akong kalokohan ng huling subo na lang mauubos na niya ang pagkain.

"Yuck! Cammie, anong ginagawa mo?" nandidiri ito habang nakatingin sa kutsarang isusubo ko sa kaniya. "Ipapakain mo iyan sa akin? Anong akala mo na bata ako? Hindi ko iyan kakainin!"

Natatawang sinubo ko ang kanin na nasa kutsara may laway ko na ito, natatawa kasi ako sa scenario namin at naalala ko iyong inang nagpapakain ng sanggol na para masiguradong hindi mainit ang kakainin ng anak sinusubo muna ito at titikman bago isusubo sa anak.

"Ang oa mo naman, Alisha!" iling-iling ko. "Pasalamat ka nga sa akin at hindi ka mapapaso sa init ng kanin at ng sabaw!"

Umirap naman ito. "Akin na nga ang gamot ko, Cams, iinumin ko na baka isubo mo pa't tikman ang gamot."

"Oh," natatawang nilahad ko sa kaniya ang gamot niya.

Nagka-trauma bigla.

"Pahinga ka na, Alisha," tumango ito at maingat na bumalik sa pagkakahiga. "Kakain an muna ako, pahinga ka dahil ang init mo pa."

Tumango ito. "Salamat, Cams."

"No worries, libre mo na lang ako fishball," napairap naman ito bago tumango.

"Ang takaw mo talaga kaya sa susunod na sabado ay treat kita ng limang pesong fishball!"

"Kung matakaw ako, ikaw madamot," ngumuso ako ng kaunti bago sinirado ang pinto, narinig ko pa siyang bumungisngis.

Pagkababa ay naabutan ko pa sila Ate Easter na kumakain.

"Nakakain na ba si Alisha?" tanong ni Ate Ading.

"Opo, nakainom na rin ng gamot," kumuha muna ako ng plato bago umupo sa upuan at kumain.

"Kain ka marami, Cams. Para kang nangayayat," puna ni Ate Wester sa kapayatan ko kaya natawa na lamang ako.

"Ano ka ba, West! Hindi mo ba napansing payat naman talaga iyang si Cammie, tumaba nga ng kaunti," depensa ni Ate Ading kay Ate Wester.

Mataas na payat akong babae kaysa kay Alisha na lamang sa akin ng kaunti. Payat na mataba kasi si Alisha samantalang ako payat talaga, ewan ko rin bakit hindi ako tumataba.

"Kumain ka ng marami, Cams, balita ko pa naman ay sa condo ka na ni Sir Aciaean magtatrabaho," saad ni Ate Wester.

"Kaya nga po, baka hindi na ako makakain ng marami kapag naging personal maid na ako," tila naiiyak kong sagot kay Ate Wester, natawa naman sila.

"Kaya nga't kumain ka ng marami dahil bukas na sila uuwi," aniya.

"Handa naman na ako, kaya ko iyang si Sir."

"Tama dapat sungitan mo kung susungitan ka," natawa naman ako kay Ate Ading.

Alam kasi nila ang ugali ni Sir Aciaean kaya kung makapag-cheer sila sa akin ay wagas. Nagkwentuhan pa kami hanggang sa matapos kaming kumain, ako na ang nagpresentang maghugas ng plato, aangal pa sana sila ngunit inunahan ko nang damputin ang sponge at dishwashing soaf.

Pagkatapos maghugas ay bumalik ako sa silid namin ni Alisha para mag-half bath bago matulog. Tulog na tulog na si Alisha, giniginaw ito dahil balot na balot ng kumot. Pagkatapos mag-half bath ay nag-message lamang ako kay mama sa nga nangyari bago matulog.

Bukas ang simula na magiging challenging talaga ang trabaho ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status