Share

Chapter 5

"Hindi ako papasok, pakisabi na lang kay Madame Frost. Tingin ko ay lalagnatin ako." Namaluktot si Sunday sa kama niya at nagkulubong.

"Sige, no problem. Kain ka na lang d'yan at uminom ng gamot."

"Sige, ingat."

Pagkarinig niyang lumapat ang pinto pasara ay nagtatadyak siya sa kama. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam niya, dahilan lang niya 'yon para hindi pumasok.

"Ano bang ginagawa ko..." Nagpaikot-ikot s'ya sa kinahihigaan habang patuloy pa rin s'ya sa pagtadyak. Nababaliw na s'ya.

Bakit ba nagpatianod na naman s'ya at bumigay na naman sa Matteo na 'yon.

Mabilis siyang bumangon paupo. Nakakahiya s'ya!

Mali, mali talaga ang ginawa niya.

Hindi pa s'ya tapos sa paglabas ng inis niya sa sarili ay may nag-doorbell naman.

"Sino naman ang pupunta dito ng ganitong oras?" Tumayo s'ya at lumapit sa pinto, ngunit natigilan s'ya sa pagpihit nang marinig ang boses ni David sa labas.

"Sunday!"

Nag-alinlangan s'ya kung bubuksan ba niya o hindi.

Huminga s'ya ng malalim at pinihit ang seradura ng pinto at hinila pabukas.

Bumungad sa kaniya ang pulang-pulang mukha ng dating nobyo.

"What are you doing here?" tanong niya sa malamig na boses.

Mabilis nitong nahawakan ang kaniyang kamay at hinalikan ang ibabaw no'n. Agad naman niya iyong binawi.

"I'm sorry," sabi nitong nakatitig sa kaniyang mga mata. Nagsusumamo ang mga tinging iyon na tila ay sising-sisi ito sa ginawa.

"That's okay, I already expected it. Hindi ko ibinigay ang sarili ko sa'yo kasi akala ko ay nagkakaintindihan na tayo. But that was really okay. You may leave now."

Sasaraduhan na sana niya ang pinto nang bigla s'ya nitong niyakap. Sa bigat nito'y hindi s'ya agad na nakahuma at muntik pa silang matumba.

"Come back to me, please? I love you.. please babe..."

Ipinuwesto niya ang kamay sa dibdib nito at saka may pwersang itinulak.

"I won't do that, you ruined our relationship and you still want me? Hah? Am I kind of a thing to you?!" Hindi niya mapigilang hindi magtaas ng boses dahil sa galit. Hindi naman na dapat talaga s'ya magagalit dahil hindi naman worth it, ngunit ang makitang narito ito ngayon na humihingi ng tawad at sinasabing mahal s'ya, ano s'ya isang laruan?

"Leave."

"I-I'm s-sorry. I love you, okay? It's j-just.."

"It's just what? Is it because I didn't give my body to you? Kaya sa ibang babae mo hinanap? Pinatunayan mo lang na hindi mo ako talagang mahal at ngayon ay sasabihin mong mahal mo ako? Are you making fun of me David?!"

Sinarado na niya ang pinto at napasandal doon. Nanginginig ang bawat parte ng kaniyang kalamnan. May pumatak ding luha sa kaniyang pisngi.

"Sunday, b-babe?"

Napahikbi s'ya dahil alam niyang umiiyak ito. Ngunit wala na rin s'yang magagawa pa. Sinira nito ang kaniyang tiwala. At wala na ring halaga pa iyon dahil kahit s'ya ay sira na rin.

"Leave! At h'wag ka na ring babalik!"

Lumapit s'ya sa kama at dumapa doon, sinubsob niya ang mukha sa unan.

Kahit nagagalit ay nakokonsens'ya rin s'ya.

Dahil ba sa iba niya ibinigay ang sarili at hindi sa sarili niyang nobyo? Pero hindi naman tama 'yon. Parehong mali 'yon. Mali si David at mali din s'ya!

Mahal niya si David at nasaktan s'ya sa ginawa nito. Kaya lang ay hindi na maibabalik sa dati ang lahat kung sakaling kaya niya itong patawarin.

At dahil do'n ay labis siyang naiinis sa sarili.

Hindi na s'ya nakapaghapunan. Nakatulugan na lang niya ang nangyari.

Kinabukasan ay maaga s'yang gumising dahil mayroon siyang pupuntahan.

Pumasok s'ya sa isang flowershop.

"Good morning," bati sa kaniya ng isang eleganteng Ginang.

Agad s'yang humanga pagkakita dito, napakaganda nito.

"Good morning. I'm the one--"

"Oh, you must be Sunday Morales."

Napangiti s'ya at mas lalong humanga. Hindi lang ito maganda, mukhang mabait din ito.

"By the way, ako nga pala si Elizabeth."

Natigilan s'ya sandali dahil sa pagtatagalog nito.

"Well, I happened to be in the Philippines back then. Oh, I'm sorry. Did I make you uncomfortable?"

"Ah, hindi po." Lumapit s'ya sa Ginang para ibigay ang kaniyang resume. Kilala na siya nito dahil nagpasa na s'ya ng some information dito online.

"Oh, sitdown."

Hindi pa man nito binabasa ang papel ay binigyan na s'ya nito ng magazine na tungkol sa mga bulaklak.

"You can start tomorrow."

Nagtataka man ngunit hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. "T-Talaga po?"

Tumango ang Ginang. "A-huh."

"Oh, thank you. Maraming salamat po talaga."

Labis ang galak niya. Mukhang nakatagpo s'ya ng napakabuting amo.

Dahil sinabi nitong bukas na lang s'ya magsimula ay nagpaalam na s'ya para umalis.

Napakagaan ng loob niya kaya naman nae-excite na rin s'yang makapagtrabaho doon bukas.

*-*-*

Pagkaliko ni Sunday ay s'ya namang pagpasok ni Matteo sa shop.

"Ma!" magiliw na tawag ni Matteo sa ina.

"Oh, you're here?"

"Well, I went to your place but you're not there so..." Umupo ito sa sofa. "Pumunta ako dito." Mabilis niyang nilingon ang ina. "By the way, I heard, you hired a new chix?"

Natawa naman ito at nailing-iling. "Tumigil ka sa kalokohan mo. Hindi s'ya chix katulad ng iniisip mo."

Napangisi siya, kukulitin niya ang ina. "By the way, where is she?"

"Tigilan mo 'yang nasa isip mo Matteo," saway nito sa kaniya.

Mukhang nakuha nito ang kaniyang interes dahil dinedepenshan ito ng kaniyang ina. Sino naman ang maswerteng babaeng 'yon?

*-*-*

Kinapa ni Sunday ang sling bag at natigilan nang mapagtatantong hindi niya nailagay ang magazine na ibinigay ni Mrs. Harrison.

Mabuti na lamang at hindi pa s'ya nakakalayo.

Bumalik s'ya pero agad ding napatago nang makita si Matteo na lumabas mula sa flower shop.

Ano naman kaya ang ginagawa nito doon? Bumibili ng bulaklak? Pero wala naman itong dala.

Lumabas s'ya sa pinagtataguan ngunit bigla s'yang nauntog sa pader--ah hindi.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo at doon niya nakita ang nakangisi ng si Matteo.

"Are you stalking me? Huh?"

Inayos niya ang tayo at bahagyang pinaikot ang mata. Ang taas naman ng tingin nito sa sarili.

"In your dreams." At saka niya ito tinalikuran. Naramdaman naman niyang nakasunod ito sa kaniya.

"Wait, then what are you doing here?"

Naiinis niya itong nilingon. Kailan ba siya nito lulubayan?

"Ang alam ko ay hindi ko kailangang sabihin sa'yo kung ano ang ginagawa ko," mataray na aniya.

"Well, pero para sa'kin ay kailangan mong sabihin."

Napanganga si Sunday. Hindi lang dahil sa pagtatagalog nito, kundi ay dahil na rin sa sinabi nito sa kaniya.

"Really? Kung gano'n ay baliw ka na," sabi pa niya at tumalikod na uli at lumakad ng mabilis hanggang sa kaniyang makakaya. Mamaya na lamang niya kukunin ang magazine.

Dinig niya ang pagtawa nito.

"You really is something," sabi pa nito na tila ay sinadya talagang iparinig sa kaniya.

Haist. Maganda na sana ang araw niya ngunit sinira lang ng lalaking 'yon.

Pagkadating niya sa apartment ay may nakita s'yang bulaklak sa ibaba ng pinto. Kinuha naman niya 'yon at binasa ang nakasulat sa maliit na papel.

-- 'I'm sorry babe, can we meet?' - David

Naiinis man ay kinuha pa rin niya ang bulaklak at ibinagsak sa kama ni Shaina. Gusto niyang makipagkita? Para saan pa?

"Oh, flowers for me?" tatawa-tawang aniya ng kaibigan.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "I got a new job."

"Oh, talaga? Kung gano'n ay magku-quit ka na sa bar?"

"Hindi. Tumawag ang tatay kanina. Kailangan pa ng inay na mag-stay sa hospital at lumalaki na rin ang bayaran." Akala nga niya ay makakaalis na rin s'ya sa lugar na 'yon at hindi na niya makikita pa ang Matteo na 'yon doon pero heto at tumawag naman ang tatay niya. Pero okay lang, titiisin na lang muna niya dahil para naman iyon sa inay niya.

"Kamusta na pala ang inay mo?"

"Kailangan pa niyang mag-stay sa hospital hanggang sa p'wede na s'yang iuwi."

Kinagabihan ay sabay na silang pumasok ni Shaina sa club.

"Okay ka lang?" tanong nito habang nag-aayos ng buhok.

Dinama niya ang leeg. "May sinat lang na kaunti. Napagod lang siguro ako kanina."

"Baka lumala 'yan ah. P'wede ka naman na um-absent ulit ngayon."

Umiling s'ya at pinagpatuloy ang pagbibihis. "Hindi p'wede. Sayang pa 'yong kikitain ko ngayong gabi."

"Pero kahit na. Kailangan mo ring ingatan ang sarili mo."

"Okay lang ako. Sinat lang 'to."

Hindi na sumagot si Shaina, alam nitong kahit anong sabihin nito sa kaniya ay hindi niya pakikinggan. Mas importante sa kaniya ang kumita ng pera. Isa pa ay sinat lang naman.

Buong gabi siyang malamya ang kilos. At habang tumatagal ay nararamdaman na niya ang sakit ng ulo. Mas umiinit na rin ang katawan niya.

Maya-maya ay lumapit sa kaniya si Shaina. "Pahinga ka na muna. Ako na ang magdadala niyan." Kinuha nito ang tray na hawak niya at pinaupo s'ya sa counter.

Hindi na naman s'ya nagreklamo dahil talagang masakit na ang ulo niya.

Hanggang sa makauwi sila ay sobrang bigat na ng katawan niya.

"Yan na nga ang sinasabi ko eh," parang inang sermon nito sa kaniya habang kumukuha ng gamot. "Inumin mo 'to."

Sinunod naman niya ang kaibigan.

"Bukas ay h'wag ka na munang magtrabaho sa shop. Ako ang bahala, makikiusap ako sa bagong amo mo."

"Hindi p'wede. First day ko bukas kaya hindi p'wede. Ipapahinga ko na lang muna ito ngayon, bukas ay wala na 'to."

"Ewan ko sa'yo Sunday. Kung alam ng pamilya mo ang ginagawa mo, siguradong magagalit 'yon," parang nangigigil na sabi nito sa kaniya dahil sa katigasan ng kaniyang ulo.

Ngunit ano ba ang kaniyang magagawa? Kailangan ng pamilya niya ng pera.

"Ah, basta. Hindi ka papasok bukas, naiintindihan mo?"

Ungot na lang ang naisagot niya dito dahil sa sama ng pakiramdam.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Camanga Reseller
Hala sana libre magbas
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status