Share

Chapter 6

May lagnat pa si Sunday na pumasok kinabukasan. Hindi s'ya nagpapigil kay Shaina kahit parang nanay ito na sinisermonan s'ya kanina. Kailangan niyang magtrabaho at kumita ng pera. Isa pa ay lagnat lang ito. Ininuman naman na niya ng gamot kaya maya-maya lang ay magiging maayos na ang kaniyang pakiramdam.

"Oh, you're the new hired?"

Nagulat s'ya sa biglaang pagsulpot ni Matteo sa tabi niya. At para yatang mas tumaas ang kaniyang lagnat. Anong ginagawa nito dito? Narito ba ito para mang-inis? At paano nito nalaman na nandito s'ya? At paano din nito nalaman na bago s'ya sa shop na ito?

"Narito ka ba para bumili?" tanong niya sa mahinahon na boses.

"No," sagot nito at sumunod sa kaniya papasok.

"Kung gano'n ay anong ginagawa mo dito? Narito ka ba para mang-inis?"

"Nandito ako para sa'yo."

Natigilan naman s'ya sa pagrere-arrange ng bulaklak at nilingon ito.

"What?" tanong nito sa kaniya. Nakaupo na ito sa sofa at may hawak ng magazine.

Hindi s'ya sumagot at itinuloy na lang ang ginagawa.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status