"What?!" Nanlalaki ang mata ni Clara na nakatingin kay Sandra.
Nandito sila ngayon sa may canteen dahil lunch break. Naikwento niya kasi rito ang nangyari sa kanyang dating trabaho."Hinaan mo nga 'yung boses mo, agaw pansin lang," bulong niya rito habang ginagala ang tingin."Kaya naman pala nagtataka ako at ang bilis mong pumayag. Tapos ok lang na mag-start ka na, 'yun pala wala ka ng work. Kung hindi pa kita tinawagan wala kang balak ipaalam sa akin. Anong klase kang beshie." Pinalungkot pa nito ang boses na tilang aping-api. Nabaling tuloy ang tingin niya rito at pinagmasdan ito. Umakto pa itong maiiyak. Ito ba talaga nagagawa ng pagbubuntis? Nasisiraan nang bait; kung ganun, 'ayoko na mabuntis... joke lang.' "Matino pa ako beshie kaya tigilan mo 'yang iniisip mo. Nakakapagtampo ka naman talaga, eh." Muli nitong hirit.Napailing na lang siya. She knows her well. Uminom muna siya ng tubig bago ito hinarap. "Sorry na beshie, masyado kasi mabilis mga pangyayari. Magulo pa 'yung utak ko. Alam mo naman kapag nasapian ako. Saka, I tried to call you but you're not picking up. Ako yata magtatampo dahil nakalimutan mo na ako porket may boyfriend ka na. Speaking of that guy, kelan mo naman ipapakilala sa akin? Nakapagpunla na siya sayo pero never ko pa siya na-meet." Siya naman ang umaktong nagtatampo rito."So, tampo ka na niya beshie? Paano ko ipapakilala, lagi tayong busy 'di ba? Pag- free kami, ikaw hindi. Kapag free ka kami naman, hindi. Pero don't worry you will meet him later, susunduin niya ako," kinikilig nitong sabi.Magsasalita pa sana siya nang biglang may umupo sa bakanteng silya sa table nila. Tiningnan niya ang tatlong tao na bigla na lang nagsiupo nang walang paalam.'Wala ba talaga manners mga tao rito parang si dragon lang.'"Clara, ipakilala mo naman kami sa magandang binibini sa tabi mo," wika ng isa sa mga lalaking naupo.She looks at the guy, his good looking, alright, pero mapaghahalataan na isa itong playboy."Raymond, don't try, dahil hindi kayo talo niya." Napangiwi siya sa sinabi ni Clara.Baliw talaga kahit kelan, hindi na nagbago."By the way, guys. She is Sandra Lyn Santiago. The new secretary, kapalit ko, so, I hope maging mabait kayo sa kanya. Ipagkakatiwala ko siya sa inyo," dugtong pa nito bago humarap naman sa kanya. "Beshie, siya si Raymond," turo nito sa lalaking nagsalita kanina, "siya naman si Jayson pag nandito sa work," nilapit pa nito ang bibig sa may tenga niya at bumulong, "Dyesebel pag sa gabi," sabay hagikhik nito."Hoy, Clara ayusin mo nga 'wag mo ako siraan baka mapanganak ka nang dis-oras dito," reklamong wika noong Jayson. Malalim ang boses nito pero kita niya ang paglantik ng mga daliri nito.Confirm. Napangiti siya."Bakit hindi ba totoo?" Laban pa din ni Clara. Bumaling muli ito sa kanya. "At siya naman si Sarah, mabait naman 'yan lalo na pagtulog." Nakita niyang sinamaan noong tinuro nitong Sarah ang kanyang beshie.'Mukhang magkakasundo kami.'"Nice to meet you all," nakangiti niyang wika sa mga ito bago inabot ang kamay para makipag handshake sa mga ito. Isa-isa naman tinanggap ng mga ito ang kanyang kamay. Ang huli ay si Raymond na nagtagal at bahagya pa nitong pinisil, bigla niya tuloy binawi ang kamay."Raymond, back off ok. Like I said don't try baka mabalian ka ng buto," pagbabanta ni Clara rito. Ngumiti lamang si Raymond."You mean Clara, she's lesbian?" singit na tanong ni Jayson.Napansin niya ang pagtuon ng tatlong pares ng mga mata sa kanya. Napailing na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain."That's for you guys to find out," nakangising wika ni Clara. "Kayo ba ay 'di magsisikain?""Tapos na kami, palabas na dapat kami nang makita ka nga namin nang may kasama kaya naisipan namin lapitan kayo," sagot ni Sarah at muling ibinalik ang pansin sa cellphone nito."Para makipag tsismisan. Kayo talaga ayaw n'yong nagpapahuli sa balita. Tsk! Pero guys basta kayo na bahala dito sa beshie ko, ah. Raymond, sinasabi ko sayo tantanan mo itong beshie ko kahit na gusto ko na siyang maging babae ay hindi kita type para sa kanya." Dahil umiinom si Sandra ng tubig ay bigla siyang nasamid sa tinuran ni Clara. "Uy, beshie ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito at hinagod pa ang likod niya."Ayos lang ako beshie. Ikaw naman kasi, ano ba 'yang pinagsasabi mo baka mamaya maniwala pa mga 'yan." Tinaasan niya ito ng isang kilay."Problema na nila 'yun kung maniniwala sila, 'no.""So, ibig sabihin walang chance na magkaroon sila ng future ni Boss?" tanong ni Jayson.Napakunot noo naman siya dahil sa narinig, hindi niya kasi ito maunawaan."Syempre meron 'no, si Dragon kaya ang bet ko sa kanya," kinikilig na wika ni ClaraLalong kumunot ang noo niya. Ang kilala niya lang naman na dragon ay si Mr.Villaflor. Maya-maya ay bigla niyang na-realized ang paksa ng mga ito. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at pumalit ay ang pamimilog ng kanyang mga mata na bumaling sa kanyang beshie. Nakita niyang nakatingin din ito sa kanya at nakangisi. "Clara Dizon, tigilan mo 'yang pumapasok sa utak mo. Nabuntis ka lang kung ano-ano na naiisip mo. Trabaho lang ang ipinunta ko dito," wika niya dito."Wait, sinong dragon?" naguguluhang tanong ni Jayson.Yumuko si Clara at isinenyas ang kamay na ilapit ang mga ulo nila. Nagsisunod naman ang mga ito pwera sa kanya na hindi pa rin maipinta ang mukha. "Dragon ang tawag ni Sandra kay Mr.Villaflor," mahina bulong ni Clara. Narinig niyang napasinghap ang tatlo, habang si Clara naman ay tumatawa."Oh my gosh, girl!" Lumitaw ang pagkabakla ni Jayson dahil sa pagkakabigkas nito sabay takip pa sa bibig.Naiiling naman si Sarah habang nangingiti, habang si Raymond ay makikitaan nang amusement sa mga mata nito."Hoy, beshie, baka kainin mo 'yang sinasabi mo. Baka kapag nakita mo ang buddy ni Dragon kusa kang kumanta," ngising aso turan ni Clara."Bakit nakita mo na ba, girl? Daks ba?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Jayson."Hindi. Pero 'yung kay boyfie, daks kaya sigurado pati 'yung kay dragon. Syempre magpipinsan mga 'yun, 'no." Sabay hagikgik nito na tila kilig na kilig.Hindi niya napigilan mapamura. "F*ck beshie, kailan ka pa naging bulgar ng ganya," namamangha niyang tanong dito."Simula nang matuto akong kumanta at sumayaw nang walang music," ngising asong tugon nito.Nakita niyang natatawa ang tatlong kasama nila. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan, hindi naman siya inosente pagdating sa ganung bagay pero, hearing that from her beshie is really unexpected."Gulat na gulat si Sandra sa mga pinagsasabi mo, Clara. Mukhang hindi yata siya sanay sa bagong katauhan mo," nangingiti na wika ni Raymond.So, matagal ng ganito ang beshie niya at wala siyang kaalam-alam na na-corrupt na nang tuluyan ang utak nito."Basta ipagkakatiwala ko siya sa inyo, ah. Kailangan ma-corrupt din utak niya para naman may laban siya kapag...ah basta. Sige na oras na, magsibalik na tayo at baka mabugahan tayo ng apoy ng dragon," mahaba nitong pahayag at nauna ng tumayo.Napilitan siyang tumayo na rin at sabay-sabay nilang tinahak ang daan palabas sa canteen.MABILIS ang paglipas ng mga araw, buwan at taon. Sampung taon na nga ang lumipas mula nang magsama sila bilang mag-asawa. At sa loob nang mahigit sampung taon na 'yon ay walang pagsidlan ng saya ang naramdaman ni Sandra. Having three kids was enough to be grateful. At sa mga taon pang darating ay mas sisiguraduhin niya na patuloy niyang papahalagahan ang pamilyang binuo kasama ng pinakamamahal niyang asawa. "Are you ready, baby girl?" Napalingon siya sa asawa na kakapasok lang sa silid nila. At kahit sampung taon na ang lumipas. Her husband remains as one of the handsome men in her eyes. "Baby girl, stop staring at me like that. May lakad tayo at alam ko na ayaw mo na ma-late." Natawa na lang siya sa sinabi ng asawa."Why? It is bad to admire how handsome my husband is?" Pinalandi niya pa ang boses para asarin ang asawa. Alam niya naman kasi kung ano ang kahinaan nito. Aj groaned. At bago pa niya ito tuluyan matukso ay nagmamadali na siyang tumayo. "Baby girl! You really know how to
HINDI maipinta ang mukha ni Sandra. Kanina pa siya wala sa mood at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil sa kanyang pagbubuntis. Mga tatlong buwan na ang tiyan niya. Hindi naman siya pinabayaan ng asawa dahil todo asikaso ito sa kanya. Pero itong mga nakaraang araw ay ayaw niya itong nakikita. Mas gusto niya makita ang kuya ni Clara—si Jacob. "Baby girl, I'm home!" Ang malakas na boses ng asawa ang kanyang narinig. Nanatili siyang nakahiga at nagtalukbong ng kumot. "Baby girl, are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo? I will bring you to the ho—" "Nothing! And please, stop asking. Ayoko marinig ang boses mo!" naiinis niyang sagot at mas hinigpitan ang hawak sa comforter nang maramdaman niya na inaalis 'yon ng asawa."Baby girl naman, stop doing it. Nasasaktan na ako," bakas ang sakit sa boses nito pero ewan niya ba kung bakit wala siyang maramdaman na awa. Imbes ay mas lalo siyang naiinis. Bakit naman kasi ganito ang epekto ng pagbubuntis niya?Hindi siya nag
TALAGANG sinulit ni Aj ang kanilang travel honeymoon. Napapailing na lang si Sandra habang pinagmamasdan ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan at sa kambal niyang kapatid. Sigurado siya na puro kalokohan at kayabangan lang ang ipinagsasabi nito. Wala naman maganda do'n."Pretty Beshie!" Napalingon siya sa tawag ni Clara. Napangiti siya saka sinalubong ito ng yakap. "Blooming, ah. Mukhang maraming vitamins ang naitarak sayo." Natawa siya sa sinabi nito. Wala na talagang bahid ng kainosentehan ang kanyang beshie. "Isang linggo ba naman sinulit…ewan ko lang kung hindi pa mabuo ang bunso namin," ganting biro niya rito sabay himas sa kanyang maliit pa na tiyan. One week vacation in Hawaii is really great. Lalo na kung libre. Dahil nga nanalo ang asawa sa pustahan nito at nina Kevin at Anthony. Na-enjoy niya ang lugar. Siyempre hindi naman pwedeng magkulong lang sila sa kwarto at puro jugjugan lang. Kumusta naman ang beauty niya."Hello there, pretty ladies," bati naman ni
"SANDREW, bumaba ka d'yan!" sigaw ni Aj sa anak na lalaki. Paano ba naman kasi ay umakyat sa may railings ng hagdan at naglambitin. Mabuti at sa may mababang parte lang."Daddy, look I feed snoopy." Nanlaki ang mga mata niya nang makitang punong-puno ang bunganga ng pinabili nitong aso na ang breed ay Chihuahua kahit na ayaw niya. Wala siyang nagawa dahil nagwala ito at sinang-ayunan naman ni Sandra. Kaya ayon, talo ang kinalabasan niya."Lyna! Snoopy will die if you continue to feed him," sabi niya habang itinatabi ang nakahanda pang pagkain nito."Daddy!! help! help! I'm gonna die!" Mabilis naman niyang dinaluhan si Sandrew na nakakapit sa pangatlong baitang ng railings ng hagdan.Dinala niya ito sa tabi ni Lyna at namaywang siya sa harapan ng dalawa. "Can you please behave, tatlong taon pa lang kayo pero sobrang likot n'yo na! Isusumbong ko kayo sa mommy n'yo!" sermon niya sa kambal. Tatlong taon na ang kambal nila ni Sandra. Sobrang saya niya dahil talaga namang nagbigay kulay an
NASA LIVING room si Sandra habang nanonood ng TV. Hindi na kasi siya pinapakilos pa. Dahil kabuwanan na niya kaya naman medyo nahihirapan na talaga siyang gumalaw.Maswerte nga si Aj dahil hindi niya ito pinahirapan sa paglilihi. Mukhang kakampi nito ang mga anak. Yes, they are going to have a twins, a boy and a girl. She can't wait to see them. Everyone was excited to see their twins, especially Aj's grandparents.Dito na sila pinatira ng magulang ni Aj sa mansion. Ang rason ng mga ito ay wala naman daw magmamana nito kung hindi si Aj. Kaya pumayag na rin sila para mapagbigyan ang magulang nito.Maging ang kambal ay rito na rin nakatira. Ayaw niya kasi malayo sa mga ito. Saka gusto rin naman ng mga magulang ni Aj, mas sumaya nga raw dahil nagkaroon ng buhay ang mansion.Masaya siya sobra dahil naka-graduate na sa wakas si Samuel habang si Sammy ay ipinagpatuloy ang pagiging doctor nito.Bumalik siya sa kasalukuyan nang maramdaman na sumakit ang kanyang tiyan."Ahhhh!!!" sigaw niya ha
DAHAN-DAHAN iminulat ni Sandra ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting kisame."Baby girl, you're awake! Thanks God," masyang tinig ni Aj ang kanyang narinig. At naramdaman niya ang paghawak sa kanyang kamay.Inilipat niya ang tingin dito dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang hawak-hawak ang kanyang kamay at hinahalikan iyon.Lumibot ang tingin niya sa paligid ng silid at napaawang ang kanyang bibig sa nakita. Lahat ng pamilya ni Aj ay narito maging ang kambal. Naalala niya ang huling nangyari. Oo nga pala, bigla na lang siya nawalan ng malay."Iha, maayos na ba ang pakiramdam mo? Ano ba nangyari at hinimatay ka?" tanong ng lola ni Aj.Akmang uupo siya nang mabilis siyang inalalayan ni Aj. Napangiti tuloy siya. Napa-sweet talaga ng mahal niya. Nang sa wakas ay nakaupo na siya ay biglang tumuon ang tingin niya kay Kevin. Napasimangot tuloy siya."Oh! Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Parang ang laki ng kasalanan ko. The last