Share

Chapter 20

Chapter 20

School festival week na. Wala kaming klase buong linggo, pero required naman kaming um-attend ng event.

Mas gusto ko sanang tumambay lang sa bahay maghapon. Kaya lang ay wala rin naman akong gagawin doon. Isa pa ay sayang din ang attendance namin dito. Extra points din 'yon para sa extracurricular activities. Pandagdag din sa grades kahit papaano.

Nakatambay tuloy ako ngayon sa school field mag-isa, habang nanonood sa mga naglalaro ng football.

Malalim akong napabuntong hininga. Ano bang masaya sa larong 'to? Parang wala naman, eh. Sisipain mo 'yong bola tapos hahabulin.

Nasa galaan kasi sina Mia at Kim. Nagsulat lang sila sa attendance at sumaglit, bago umalis kaagad. Niyaya naman nila ko sa lakad nila. Pero tinatamad rin ako. Kung hindi ako mahilig sa mga ganitong klase ng bagay ay mas lalo naman sila.

Si Ralph naman ay kanina ko pa hinahanap. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Ni hindi rin s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status