Share

A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!
A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!
Author: mooncake_o07

Kabanata 1 - Singsing

“Sophia’s POV”

Ngayon ang ika-isang taon ng aming kasal ni Matthew pero magkalayo pa rin ang loob namin sa isa’t-isa.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi kaming nag-iiwasan kapag magkakasalubong, malayo ang tingin kapag magkaharap na para lang akong puwing sa kanyang paningin na tipong ipipikit niya ang kanyang mga mata dahil masakit sa paningin makita.

Kahit kailan ay hindi ko pa narinig ang kanyang tinig dahil maging hanggang ngayon ay hindi kami nag-iimikan.

Darating siya galing trabaho pagkatapos ay aalis muli, hindi ko na nga alam kung dito pa siya natutulog at anong nangyayari sa kanya.

Para siyang isang bituin na kay hirap abutin! Sinubukan ko siyang habulin ngunit nadapa lamang ako at sa pagkadapang yun ay ni hindi man lang ako nilingon.

Isang buong taon kong tiniis ang manatili sa kanyang piling kahit estrangehero pa rin sa kanyang paningin. Sa loob ng tatlong daan animnapu’t limang araw ay pinilit kong mapalapit sa kaniya ngunit siya itong pilit umiiwas sa akin.

Maaring bigo nga ako dahil hindi ko magawang mapaibig ang lalaking kasing lamig ng yelo ngunit hindi ako papayag na habang buhay na bigo.

Lumabas ako ng malaking mansyon na ito at nagpalit ng damit, suot ang maiksi, hapit, at matingkad na pulang spaghetti dress at mataas na takong ng sapatos.

Pumasok ako sa sasakyan at minaneho ang aking itim at bagong modelong ferrarri car. Binagtas ko ang kahabaan ng kalye hanggang sa marating ko ang sikat na club sa ka-Maynilaan ang cabin 410.

Inihinto ko ang sasakyan at lumabas ng kotse, diretso ang aking tingin habang naglalakad ako papasok sa mausok, maingay, at matapang na amoy ng alak sa loob ng bahay aliwan na ito.

Inilingon ko ang aking mata sa buong paligid upang hanapin ang taong aking pinunta rito at walang iba kundi ang aking asawa.

Hindi nga nagkamali ng balita ang aking mga kaibigan na naririto ang aking asawa at nagpapakasaya kasama ng kanyang barkada at mga haliparot na mga babaeng iyon?!

Siguro ay gabi gabi siyang naririto kaya pagkadating ng bahay ay magbibihis lamang siya at aalis ng muli dahil may kalandian siyang babae dito.

Agad akong umorder ng pinakamatapang na wine sa bartender at maingat na naupo sa table hindi kalayuan sa kanila.

Tumikim ako ng kaunti ng aking inorder at hindi ko inaasahan ang lasa nito na naging sanhi ng aking pagkasamid, mabuti na lamang at malakas ang tugtog at hindi ko naagaw ang atensyon ng aking asawa.

Panay ang lingon ko mula sa aking likuran kung saan naroroon ang kinaroroonan ng aking asawa. Ewan ko pero hindi ko mapigilang makaramdam ng magkahalong inis at galit sa tuwing hahaplusin ng haliparot na babaeng yun ang braso ni Matthew.

Gusto ko siyang isubsob sa mesa na yun at tapunan ng kopita ng alak na aking hawak. “Oh no, oh no! Someone caught me,” kabado akong humarap sa aking table at hinawakan ang kopita ng alak, pilit kong pinigil ang kaba na aking nararamdaman. Napansin ko ang anino ng isang lalaki na papalapit sa akin kaya naman nagpanggap ako na may hinihintay.

Panay ang tingin ko sa aking telepono, “excuse me, miss? Pwede ba akong makitable sayo?” Nag-angat ako ng tingin at bumungad sakin ang isang binatang may malalim na dimple sa magkabilang pisngi.

“I’m sorry pero may hinihintay ako,” mabuti na lamang ay nagring ang aking selpon at tumawag ang aking kaibigan kaya nagkaroon ako ng dahilan upang iwanan ang lalaki.

“Excuse me,” sabi ko. Sinagot ko ang tawag ni Leanne at itinapat sa aking tainga, pinihit ko ang aking katawan mula sa likuran at napansing tumayo ang babaeng nanglalandi sa aking asawa kaya naman naglakad ako upang sundan siya patungong banyo.

Dumaan ako sa tabi ng table ng aking asawa dahil doon ang daan patungong banyo, “hello, Sophia! Nasaan ka ba? Bakit maingay yata dyan?”

“H-ello! LEANNE?!” Sigaw ko habang dumadaan sa tabi ng table nila Matthew, buti na lang nahaharangan ng aking kamay ang aking mukha para hindi niya ako makita.

“Matthew, siguro boring kasama yung asawa mo kaya araw-araw ka saming sumasama,” narinig kong sigaw ng isang lalaki na nagpahinto sakin sa tabi.

“Oo, tama ka. Boring nga siya—” hindi ko man alam ang tinig niya pero sigurado akong siya ang sumagot sa tanong ng kaibigan niya. Hindi ko na hinintay pang marinig na matapos ang sagot niya at dumiretso ako ng banyo.

Nang makapasok ako sa loob ay humarap ako sa isang malaking salamin na nakasabit sa dingding sa tapat ng lababo at minasdan ang aking sarili.

Unti-unting napuno ng luha ang gilid ng aking mga mata at kumikirot ang aking puso.

Lumabas ng cubicle ang babaeng aking sinundan at lumapit sakin, kinuha niya ang lipstick sa loob ng kanyang bag at pinahid sa kanyang labi.

“Girl! Halika na, wag mong pinaghihintay si Mr. Delgado!” Narinig kong sigaw ng isang babaeng biglang sumulpot sa pinto.

“Hayaan mo siyang maghintay! Hindi naman uuwi yan sa bahay niya dahil sa walang kwenta ang asawa niya!” Sagot ng babaeng aking katabi sa salamin, itinabi niya ang lipstick at sinuklay ang kulot na buhok gamit ang saka sumunod sa babae palabas.

Gusto ko siyang habulin at sabunutan pero hindi ko magawang gawin yun, tuluyan ng nag-unahan sa pag-agos ang aking luha at gumulong pababa sa aking pisngi. Hindi ko lubos akalain na boring at walang kwenta pala ako sa kanyang paningin, siguro nga ay hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako matanggap sa kanyang buhay.

Pinawi ko ang aking mga luha at pinilit kong kalmahin ang aking sarili kahit mabigat ang aking puso at tila may nakabarang kung ano sa aking dibdib, naglakad ako palabas ng banyo, hindi ko na nilingon pa ang aking asawa dahil sigurado akong hindi naman niya ako mapapansin dahil sa mata niya ay isa lamang akong walang kwenta.

Hindi na ako umupo sa kanina’y aking pinuwestuhan, nakatulala akong naglakad hanggang sa huminto ang aking mga paa. Naupo ako sa stool chair at humarap sa bartender, “one margarita, please.” Ininom ko iyon ng mabilisan at muling umorder ng isa pa. Problemado kong minasdan ang singsing na aking suot at nilaro-laro ito sa aking daliri.

“It was hard for me too pero hindi ko alam na isa lang pala akong kwenta sa paningin mo,” buntong hininga ko.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari nang agawin ng isang lasing na lalaki ang aking singsing mula sa aking daliri.

“Kung walang kwenta ang tingin sa iyo, bakit hindi mo ito itapon na lang?!” Pinakita niya iyon sa akin at itinapon sa sahig, “tandaan mo, hindi mo deserve na balewalain lang. Kaya kayo niloloko dahil nagpapaloko kayo!”

Doon na bumuhos ang aking mga luha bukod sa pagkawala ng aking singsing, hindi ko alam kung anong pumasok sa aking kukute at naitulak ko ang lalaki sa aking harapan, “y—ung singsing ko…” umiiyak kong sabi sabay luhod sa sahig habang hinahanap ang nawawala kong singsing.

Nagulat na lang ako ng bumagsak ang kopita ng alak sa sahig at sumugat sa tabi ng aking kamay ang bubog nito, “araaaaay,” umiiyak kong nasabi. Biglang lumuhod ang lalaki at hinawakan ang aking kamay na dumurugo, “anong ginagawa mo dito?” malamig niyang tanong.

Nagtaas ako ng tingin at bumungad sa akin ang maamong mukha ni Matthew, napatanga ako ng hawakan niya ang aking kamay, inilapit niya ang kanyang mukha at hinipan ito. Parang huminto ang mundo, tumigil ang lahat ng tao sa aming paligid habang minamasdan ko siya sa kanyang ginagawa.

Ito ang kauna-unahang araw na nakita ko ang kanyang mukha ng ganito kalapit, hindi ko lubos akalain na magaganap ito.

“Anong ginagawa mo? Bakit ka nakikipagtalo sa lasing?!” sigaw niya sakin.

Hindi ko sinagot ang una niyang tanong, “g-gusto ko lang namang mahanap ang singsing ko,” umiiyak kong sagot.

“Bakit gusto mo pang hanapin ang walang kwentang bagay na yun?” inis niyang tanong.

Parang may kung anong kumurot sa aking puso ng sabihin nya sa akin iyon, napansin ko rin ang kanyang daliri ngunit hindi niya rin suot ang aming wedding ring, “d-dahil yung singsing na yun ang simbolo ng ating pag-iisang dibdib…”

Niyuko ko ang aking mukha sa dalawa kong tuhod at umiyak ng umiyak dahil sa labis na sakit na aking nadarama, wala akong pakialam kahit makitaan pa ako , naramdaman ko na lamang na may nagpatong ng isang tela paikot sa aking legs.

“Walang mangyayari sa kakaiyak mo dyan kaya tumigil ka na," malamig niyang utos sa akin.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status