Share

Kabanata 2 - Halik

Kabanata 2

Si Matthew Ariston Delgado ay 26 na taong gulang, matalino, makisig, kinababaliwan ng mga kababaihan at pinakamahusay na surgeon sa Pilipinas, parte ng pinamakamayamang mga businessman ang kanyang mga magulang at nagmamay-ari sila malalaking resorts, hotels, and clubs sa iba’t-ibang sulok ng bansa.

Huminto ang tugtog sa bahay-aliwan dahil sa gulong naganap at ang mga kostomer ay nagsiuwian na, “tumayo ka na dyan, hwag mo ng hintaying tulungan pa kita.” Masungit na utos ni Matthew sa misis niyang nakaupo parin sa sahig at walang tigil sa pag-iyak.

Nakikiramdam si Matthew kung kikilos ba ito para sundin siya ngunit walang palatandaan na siya ay tatayo kaya naman pwersahang binuhat niya ang asawa at inilabas ng bar, “b-bitawan mo a-ko!” ginalaw-galaw niya ang kanyang mga binti upang ibaba siya nito sa lupa, “hahanapin ko ang aking singsing,” umiiyak niyang sabi.

“Tigilan mo na ang pagpupumilit na hanapin ang singsing na yun dahil malamang ay nakuha na ng iba yun,” sabi ni Matthew saka isinakay sa loob ng sasakyan niya at ipinatong ang coat niya sa legs ni Sophia. Sinubukang lumabas ni Sophia ngunit nakalock ang pinto habang ang mister niya ay nasa labas at may kung anong ginagawa.

Maya-maya pa ay pumasok ito ng kotse at sumakay sa driver’s seat kalapit niya dala ang isang kahon ng medicine kit, “akina ang kamay mo,” utos niya.

Hindi niya kinibo ang asawa at hindi sinunod ang utos nito kaya naman binaltak ni Matthew ang kamay nitong dumurugo kahit pa hindi sinasadyang na press niya ang mismong sugat nito.

Napangiwi sa sakit si Sophia, “m-masakit,” reklamo niya. Wala siyang nagawa kundi ipain ang may sugat niyang kamay, nilagyan niya ng antiseptic ang cotton buds at marahang ipinahis sa hiwa ng kamay ni Sophia, napapapikit siya sa kirot nito pero iminuat niya ang kanyang mga mata ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang sugat.

Napatitig siya sa maamo at nakahuhumaling nitong mukha habang hinihipan nito ang kanyang natamong sugat sa kamay. Napatigil siya sa pagluha at pakiramdam niya ay nagtatalon ang kanyang puso, nakaramdam siya ng pag-init ng kanyang mukha na inakala niya ay epekto lamang ng alak na kanyang nainom kanina.

Agad niyang binawi ang kanyang kamay mula sa kanyang mister ng matapos itong lagyan ng bandage saka tinalikuran si Matthew.

Tahimik na inistart ni Matthew ang kanyang sasakyan upang paandarin na sana ito ngunit napahinto siya nang makita niyang hindi pa naka-seatbelt ang kanyang misis, “ikabit mo ang seatbelt sayo,” walang ganang utos niya, padabog naman niyang sinunod ang utos sa kanya ngunit kahit hindi siya nagsasalita ay ramdam ni Matthew ang inis nito.

Matagal na tumitig si Matthew sa kanya kahit pa hindi siya nililingon ng misis, “anong ginagawa mo doon? Bakit ka nagpunta ng club ng ganyan ang hitsura mo?”

Damang-dama ni Sophia ang mainit na tingin sa kanyang ng mister kahit hindi man niya nasaksihan, nagpanting ang tenga niya nang marinig ang tanong nito kaya nakabusangot niya itong nilingon, “I am celebrating! Saka sino namang nagpunta ng bar ng mukha losyang, aber!” iritable niyang sagot.

Napaisip naman si Matthew kung ano ang sine-celebrate ng kanyang misis dahil hindi naman ngayon ang araw ng kanyang kaarawan kaya muli siyang nagtanong ng hindi niya maisip ang sagot na nais niya, “ano namang sine-celebrate mo?”

Hindi na sumagot si Sophia at muling hinarap ang bintana, “lagi ka namang walang alam,” bulong niya.

Si Sophia Andrea Belmonte, dalawampu’t isang taong gulang, simple, maganda, morena, at may taas na pang-beauty queen. Ang bunso at nag-iisang anak na babae sa tatlong magkakapatid na Belmonte, nakapagtapos ng BS Criminology at nanguna sa bar exam yun lamang ay wala pa sa isip niya ang magtrabaho. Gayon na lamang ang gulat ng pamilya niya ng maisip niyang magpakasal sa isang anak ng kilalang businessman na never niyang naging nobyo, hindi nila alam kung anong nagustuhan ni Sophia sa lalaking mukhang walang pakialam sa mundo at ni-hindi makitaan ng emosyon.

Nang makarating sila sa kanilang bahay ay umunang bumaba ng sasakyan si Sophia, hindi na niya nilingon pa si Matthew dahil sigurado siyang aalis na naman ito, dumiretso siya sa loob ng mansyon at nagtungo sa kanyang kwarto, hinubad ang hapit na bistidang pula at nagbihis ng kulay abong maluwag na kamiseta na hanggang hita saka isinuot ang maiksing shorts.

Matutulog na sana siya ngunit naalala niya ang coat ng kanyang mister na nakapatong sa kanyang kama, matagal niya itong tinitigan saka tumingin sa naka-bandage niyang kamay, “kahit papaano ay may puso ka rin pala,” bulong niya ngunit ng sumagi sa kanyang isipan ang mga masasakit na pananalita nito sa kanya ay saka lamang niya naisip na nagpapanggap lamang itong mabuti dahil maraming mga tao ang nakatingin sa kanila kanina.

“Tss… He is not that kind, nagpapanggap lamang siya, naniwala ka naman,” inis niyang bulong sa sarili habang patungo sa kinaroroonan ng kwarto ni Matthew at bitbit ang coat na pinahiram nito sa kanya kanina.

Kakatok na siya sa pintuan ngunit napahinto siya dahil biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanyang harapan na ang h***d at malaki nitong katawan na tanging boxer lamang ang suot, pinamulahan siya ng pisngi at hindi makatingin ng diretso kaya naman iniabot na lamang niya ang coat sa mister saka tumalikod at kumaripas ng takbo.

“Sandali!” Narinig niyang sigaw nito.

Napahinto siya sa kanyang kinatatayuan habang naglalakad palapit sa kanya si Matthew, iniharang nito ang kanyang katawan sa daraanan ni Sophia at pinipilit hanapin ang mga singkit na mga mata niya na lalong nanliliit sa hiyang tingnan siya ngunit hindi ito mahuli-huli ni Matthew dahil sa hindi nito mapakaling mga mata.

“P-pwede bang mag-t-shirt ka nga?!” nauutal niyang reklamo.

Umarko ang labi ni Matthew pataas ng makitang nahihiya siyang tingnan nito, napansin rin niya ang pamumula ng pisngi nito kaya naisip niyang asarin ito. Pinilit niyang sundan ang mga tingin nito kahit pa patuloy si Sophia sa pag-iwas sa kanya.

“A-ano bang ginagawa mo?! Tumigil ka nga!” inis niyang sigaw saka itinulak ito palayo sa kanya ngunit hindi siya nagtagumpay at mas lalo lang nangamatis ang kanyang mukha ng ma-realize niyang nakapatong ang kanyang mga kamay sa matigas nitong dibdib.

Aalisin na niya ang kanyang mga kamay ngunit piniit siya nita na naging sanhi upang mag-angat siya ng tingin sa mister at mahuli ang kanyang kulay kapeng mga mata.

Napatitig siya sa nakahuhumaling nitong mukha, sa mga makapal nitong itimang kilay, mapupungay na mata, matangos na ilong, at mala-rosas na labi.

Ikinagulat ni Sophia nang biglang hawakan niya ang kanyang palapulsuhan at tinitigan ng madiin sa mata, “akala ko ba’y baliw na baliw ka sa akin kaya ka nagpakasal sakin pero bakit parang ikaw mismo ang iwas na iwas?” gigil niyang tanong.

Ngumiti si Sophia sa kanya at hindi inaasahan ni Matthew ang sumunod na nangyari dahil tumingkayad ang kanyang misis at mabilis na inilapit ang kanyang mukha sa kanya habang inililingkis ang kanyang kamay sa leeg ni Matthew at matapang niyang inilapat ang malambot at mapupula niyang labi sa mga labi ng mister.

Hindi makagalaw si Matthew sa ginagawa ni Sophia sa kanya na para ba siya nitong inaakit at pinapasunod ang mga labi upang gantihan niya ang mga halik na iyon.

Labis ang pagtibok ng puso ni Matthew ng mga sandaling iyon habang ang kanyang mga mata ay unti-unting sumasara at nais na lamang ng kanyang katawan na magpadala sa tawag ng laman.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status