Share

Kabanata 5 - Surfing girls

Kabanata 5

“Akala ko ba ay nasa business trip siya, e, anong ginagawa niya dito?” iritable na tanong ni Leanne sa kanyang kaibigan.

Hindi makasagot si Sophia sa tanong ng kaibigan dahil maging siya ay hindi alam ang sagot sa tanong na iyon pero ang tanging pumasok lamang sa kanyang isipan ay niloko siya ni Manong Jules upang pagtakpan ang lihim na pangbabae nito sa kanya.

Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso, punong-puno ng hindi maipaliwanag na emosyon ang kanyang dibdib. Labis ang titig niya sa dalawa na parang nais niya itong sakalin ang babaeng nakalingkis sa kanyang mister at isubsob sa buhangin.

“Hawakan mo ito,” utos ni Sophia at hindi pa rin inaalis ang titig sa dalawa na nasa malayo.

“Anong gagawin mo?” tanong ng kanyang kaibigan.

“Tuturuan ko lang ng leksyon ang babaeng yun,” galit niyang sagot.

Hinawakan ni Leanne sa kamay ang kaibigan ng makita niyang maraming mga tao sa paligid at hinatak palayo doon, “anong gagawin mo? Makikipagpatayan ka para lang sa batong lalaki na yun?!” Saway ng kaibigan sa kanya.

“Anong gagawin ko?”

“Tinamaan ka na talaga sa kanya!” bulalas ng kaibigan.

Habang nagtatalo ang dalawa sa malayo ay hindi nila alam na pagdating pa lamang nila ay natanaw na agad sila ng mga matatalas na mga mata ni Matthew.

Inalis ni Matthew ang kamay ni Gabriella sa kanyang braso ng alisin ng kanyang misis ang tingin sa kanya.

"Anong ginagawa niya dito?" takang tanong niya sa sarili, muli ibinalik ni Matthew ang kanyang tingin sa kinaroroonan ng misis ngunit wala na ang mga ito doon.

"Duke, banyo muna ako," paalam niya sa mga kaibigan. Mabilis siya nagpunta sa pwesto na kanina ay tinatayuan ni Sophia pero wala na talaga siya doon, hinanap niya sa buong paligid at patuloy na nagmasid ngunit wala talaga.

"Hindi kaya namalik-mata lamang ako?" duda niya, kinamot niya ang kanyang ulo at napatanong sa sarili, "bakit ko ba siya iniisip?"

Sumagi sa kanyang isipan ang ginawang paghalik ni Sophia sa kanya na siyang nagpalukso ng kaniyang puso at nagpainit ng kanyang mukha, "anong nangyayari sakin?"

Napag-isip niya bumalik na sa nirentahang cottage nila sa pag-aakalang nagkamali lamang siya ng tingin. Habang naglalakad siya pabalik ay natanaw niya ang kanyang mga kaibigang nakikigulo sa tabi ng dalampasigan habang ang ibang mga lalaki naman ay kumukuha ng larawan, tinanaw niya kung anong pinagtitinginan ng mga kalalakihan sa beach at pumukaw sa kanyang atensyon ang dalawang naggagandahan at nagseseksihang babae na nagse-surfing sa alon ng dagat.

Ang isa ay kay iksi ng buhok at nakasuot ng itim swimsuit at labas ang balikat habang ang isa naman na talagang umagaw ng kanyang atensyon ay may mahabang buhok na sumasayaw sa hangin at nakasuot ng red two piece underwear at angat na angat ang kaseksihan at kaputian sa kulay ng kanyang kasuotan.

Hindi namalayan ni Matthew na para na pala siyang ginayuma dahil kusang naglalakad ang kanyang mga paa palapit sa tabing dagat at hindi pa rin naaalos ang tingin sa babaeng naka-two piece na bikini.

Natauhan siya ng makilala ang babae at makita ang mukha nito ng mas malinaw nang magsurf ito palapit sa kanilang kinaroroonan. "Am I seeing it right? S-siya ba ang misis ko?"

Ilang ulit niyang pinikit ang kanyang mga mata ngunit talagang mukha ng asawa niya ang kanyang nakikita.

"Dude, hindi ba't kamukha niya ang misis mo?" sambit ni Duke ng makita siya nakatulala sa babae.

Halos malaglag ang panga ni Matthew nang makarating sa tabi ng dagat ang magkaibigang sina Leanne at Sophia at naglalakad dala ang kanilang surfing board habang nagtatawanan.

Napansin ni Matthew ang pagtakbo ng isang lalaki palapit sa dalawang babae, "hi, miss. I think we met before."

Nagkatinginan si Leanne at Sophia, "who are you talking about?" nakangiting sabay na tanong nila.

"You," tinuro si Sophia ng lalaki.

"Oh, sorry. I don't think we... met." Ngumiti si Matthew ng malaki nang marinig ang sagot ng kanyang misis. "Duke, can I ask you a favor? Pwedeng pakikuha ang towel ko sa cottage natin," utos niya habang nakabantay pa rin sa malayo.

"Oh. wait. Saan mo naman siya na-meet? I'm quite curious," hirit ni Leanne sa binata.

"Nakita ko sa panaginip ko na ikaw ang aking future wife."

"Mas nakakakilig sana yan kung sakin mo sinabi," nakatawang sambit ni Leanne sa makisig na binata.

"Bakit?" takang tanong nito.

"Dahil misis ko lang naman ang pinopormahan mo," biglang sumulpot si Matthew sa kinaroroonan nila and he wrapped the big towel sa kanyang misis to cover her jaw-dropping sexy body.

Nagulat si Sophia nang sabihin ni Matthew yun sa binata.

"I don't think you are telling the truth dahil wala naman siya suot na singsing!" Sumang-ayon naman ang ilang mga kalalakihan sa binata.

Tumingin si Matthew sa kanyang misis na parang nag-uutos na magsalita at aminin sa kanila ngunit hinawakan siya ng kanyang kaibigan sa braso upang wag itong tulungang magpaliwanag sa mga nangunguwestiyon sa relasyon nila.

Naramdaman ni Sophia ang mahigpit na paghawak ni Matthew sa kanyang malamig at malambot na kamay, "gusto kong ipaalam sa inyong lahat na naririto ngayon na ako ang mister ng babaeng pinapantasya niyo kaya sa lahat ng nagtatangkang pumorma sa kanya, back off because she is mine!" Napalitan ng tuwa ang lahat ng galit at inis na kanina'y nararamdaman ni Sophia sa mister matapos niyang ianunsyo sa lahat ang kanilang relasyon.

Pinakita ni Matthew ang singsing sa kanyang misis na siyang kinagulat ni Sophia.

"N-nahanap mo na ang wedding ring natin?" mangha niyang tanong.

Ngumiti lamang ito at tumango sa kanya saka isinuot ang singsing sa kanyang kamay.

"Are you happy?" bulong nito sa kanya.

"Oo," tipid niyang sagot. Nagulat siya ng halikan siya nito sa noo.

Inakbayan ni Matthew ang kanyang misis, "shall we go?"

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Nagpareserve ako ng room for us, magbihis ka muna dahil mukhang nilalamig ka na," payo nito sa kanya na kanyang pinagtaka. "For us?" tanong niya sa sarili, napuno ng duda ang kanyang dibdib ng makita niya ang babae na kanina ay nakalingkis sa kanyang asawa.

"Hindi kaya para sa kanila yun?" duda niya.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status