Share

Chapter 22

Chapter 22

Napatingin ako sa labas ng sasakyan ng bigla itong tumigil sa isang bakery. Bakery na mukhang café dahil may mga lamesa at upuan din doon. At mukhang hindi lang tinapay ang tinda nila dito kundi ang mga ipinagmamalaki ng Bohol.

Agad akong napalingon kay Carlew ng may kumaway na isang matandang babae sa amin at tinawag ang pangalan nito. Masayang bumati pabalik si Carlew sa matanda.

"Nay, kamusta na ho kayo?"

"Naku! Ayos naman, ikaw ba? Ang tagal mong hindi nakadalaw dito sa amin." masayang sabi ng matanda.

Mukhang siya ang may ari ng bakery. Lola na kaya ito? Pero mukha namang hindi. Baka kakilala lang.

"Pasensya na ho, Nay. Naging busy ho kasi ako sa trabaho kaya ngayon lang po ulit ako naka dalaw." sagot naman ni Carlew. Tumango tango naman ang matandang babae at napatingin sa akin. Bahagya akong yumukho bilang paggalang at ngumiti.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status