Share

CHAPTER FIFTY-NINE

MATAPOS TANGGAPIN ni Calli ang proposal ni Drake ay nagsimula sila agad sa pagplaplano ng kanilang kasal pagkauwi nila ng Manila. Walang sinayang si Drake na oras na sobrang excited na dalhin siya sa altar.

Ilang linggo na nung nag-propose ito pero hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi rin matanggap ng utak niya na may kinalaman pala ang kanyang anak sa sopresa ni Drake. Ang galing nitong umakto.

Napaayos ng upo si Calli nang mapagtanto ang daang tinatahak nila. Sobrang aga sila nitong ginising kanina dahil ang sabi ay may pupuntanan sila.

"Anong binabalak mo Drake?" kinakabahan niyang tanong.

"It's time to fix everything. Gusto kitang maging masaya ng buo, ng walang lungkot pa riyan sa puso mo."

"Pero hindi pa ako handa."

Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinisil iyon. "Ako ang bahala sa 'yo."

Napalunok si Calli ng malagkit at nilingon ang anak sa back seat na nilalaro ang stuff toy na dolphin.

Nanlamig si Calli at nilamon pa ng mas matinding kaba nang huminto sila sa tapat ng bahay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status