Mag-log in“Are you out of your mind, Dominic? Ipapahamak mo ang sarili mo diyan sa ginagawa mo!” galit na saad na ni Apollo sa kanyang kapatid. Kasalukuyan niya itong kausap sa kanyang cell phone na pagkatapos ng ilang buwan ay ngayon niya lamang nakontak.
Halos maglabasan pa ang mga ugat niya sa leeg dahil sa galit na nadarama. Lahat kasi ng sinabi niya ay pagsuway lamang ang isinagot nito.
“Buo na ang pasya ko, Kuya Apollo,” mariin nitong saad sa kanya. “Handa akong talikuran ang organisasyon. I just want to---”
“Damn it, Dominic! You are risking your life. Alam mong hindi ganyan kadaling bumitaw sa Blackstone. Our alliance will haunt you to death.”
Saglit itong hindi nakapagsalita. Alam niyang alam nito kung ano ang ibig niyang sabihin.
Blackstone was very strict when it comes to loyalty. Pinapatahimik ng mga nasa katungkulan ang mga taong tumatalikod sa organisasyon. Hindi ganoon kadaling umalis sa grupong kinabibilangan nila, lalo na sa katulad nilang nasa mataas na posisyon. And Apollo couldn’t do something about it despite the fact that he’s the boss. That was one of their organization’s rules.
At iyon ang maaaring harapin ni Dominic oras na malaman ng mga kaalyansa nila ang pinaplano nitong gawin. Ngayon pa nga lang ay nagdududa na ang mga De Luca. Labis nang kinukuwestiyon ni Francesco ang ilang buwang hindi pagpapakita ni Dominic. Kapag nalaman ng mga itong nagpaplano na ang kapatid niyang iwan ang organisasyon ay nasisiguro niyang buhay nito ang malalagay sa alanganin.
“I’m not changing my mind, Kuya Apollo,” maya-maya ay saad nito sa mahinang tinig. “I am leaving the organization and---”
“Dahil sa isang babae,” mariin niyang sansala sa pagsasalita nito. “You think I wouldn’t know about it? You are doing it just because of a woman?!”
“Catalina is not just any other woman. I want to be with her for the rest of my life,” tugon nito sa tinig na puno rin ng diin.
“Catalina,” pag-uulit niya sa pangalang binanggit nito. “Don’t you think it would selfish if you drag her to the kind of world that we have? A world of violence and brutal acts, where killing is just a normal thing? Sa ganyang mundo mo ba siya gustong dalhin?”
“That’s why I’m leaving the Blackstone,” mabilis nitong buwelta sa kanya. “I love Catalina. Hindi ko gustong ipaalam sa kanya ang uri ng buhay na mayroon tayo.”
“At sa tingin mo ay hindi kayo hahabulin ng organisasyon? Are you even thinking, Dominic? Hindi lang ang posisyon mo sa Blackstone ang inilalagay mo sa alanganin, kundi maging ang buhay ninyo ng babae mo.”
“She has a name, Kuya Apollo,” anito sa mababang tinig ngunit kababakasan ng galit. “She’s Catalina. And whether you approve it or not, I am not gonna leave her. I’ll do everything just to keep her safe from our alliance and as well as from our rival family.”
“You know there’s only one way for you to do that,” wika niya sa seryosong tinig. “That is if you make her official to the Morano family, Dominic. Tayong dalawa ang may pinakamataas na posisyon sa Blackstone, and you know the rule. The boss’ and the underboss’ wives are untouchable. No one from our alliance would hurt them.”
Sa bagay na iyon ay hindi siya nagsisinungaling. Siya ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa kanilang organisasyon. Pumapangalawa ang kapatid niya. And in their organization, the immediate family of the boss and the underboss were untouchable. Anyone who dare to hurt them will face consequences.
At dahil kasintahan pa lamang ni Dominic ang babaeng kinahuhumalingan nito, hindi malayong mangyari na pumagitna sa relasyon ng mga ito ang kanilang mga kaalyansa. Hangga’t maaari kasi, ang nais ng mga kasamahan nila ay manggagaling din sa kanilang mga kaalyansa ang mapangasawa ng katulad nila ni Dominic na humahawak ng pinakamataas na posisyon. Sa ganoong paraan kasi ay mapananatili ang kapangyarihan sa kani-kanilang mga pamilya.
Not with Catalina whom his brother was referring. Sa katulad nilang miyembro ng isang mafia clan na nakabase sa Italya, hindi ganoon kadaling makipagrelasyon sa mga taong walang kaalam-alam sa kanilang organisasyon. Maaaring pagmulan iyon ng gulo sa pagitan nila at ng kanilang mga kaalyansa, lalong-lalo na sa mga De Luca.
“I got it,” Dominic said after a while. “Then, I am marrying her. If that’s the only way to keep her safe, so be it.”
“It’s not that easy---” Apollo suddenly stopped talking when he noticed that Dominic wasn’t on the line anymore. “Dominic? Damn it!”
Marahas niyang nailapag sa kanyang executive desk ang sariling cell phone saka malakas na sumigaw. “Cristoff!” tawag niya sa kanyang kanang-kamay na alam niyang nasa labas lamang ng kanyang opisina.
“Boss?” anito nang makalapit na sa kanya.
“Alamin mo ang eksaktong lokasyon ng kapatid ko ngayon. I need to bring him home before our rival finds him. Hindi siya dapat makita ng mga Cortese,” aniya na ang tinutukoy ay ang kalabang pamilya ng kanilang organisasyon na alam niyang ang pinuno ay kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon.
“Not only the Cortese,” patuloy niya pa sa pagsasalita. “Maging ang mga De Luca ay kailangan kong maunahan sa paghahanap sa kapatid ko.”
“Copy, Boss,” saad ni Cristoff bago nagmamadali nang lumabas ng opisina niya.
Naiwang mag-isa si Apollo na hati sa kanyang nararamdaman. He was worried for Dominic but at the same time, he couldn’t help but be mad at him. Ano ang nakita nito sa babaeng iyon at ganoon na lamang ito kahumaling? He was even ready to risk his life just for that woman.
“Catalina...” muli niyang sambit sa pangalan ng kasintahan nito. Dahil sa nangyayari ay parang ito tuloy ang gusto niyang sisihin.
*****
MARIING napalunok si Catalina nang mapalingon siya sa entrada ng Brew and Bites Café. The door opened and Dominic went in. Agad pang natuon sa kanya ang mga mata ng kanyang nobyo kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi.
“Good evening,” wika nito. Nang makalapit sa kanya ay isang marahang halik pa ang iginawad nito sa kanyang pisngi.
“H-Hi,” bati niya sa mahinang tinig. Hindi siya makaganti ng ngiti dahil biglang sumagi sa isipan niya ang nangyari nang isang gabi, isang pangyayari na labis na gumugulo sa konsensiya niya.
“Are you still busy? Can... can we talk?” magkasunod pang tanong ni Dominic.
“Of course,” tugon niya. “Maya-maya ay magsasara na rin kami kaya hindi na ako masyadong abala.”
“Good,” anito bago iginala ang paningin sa paligid. Nang makakita ng isang bakanteng mesa sa dulong bahagi ng kanilang café ay agad na siya nitong inakay palapit doon. Pinaghila pa siya nito ng isang silya saka siya pinaupo.
“Thank you,” she murmured as Dominic also sat on the chair in front of her. “You want some drink. Papakuha lang ako---”
“No... no. I am fine, Catalina,” awat nito sa kanya na nagpadikit ng kanyang mga kilay. Rinig kasi ang waring pagmamadali sa tinig nito na kung ano man ang dahilan ay hindi niya mahulaan.
“Is there a problem?” hindi niya pa nga mapigilang itanong.
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay agad na inabot ni Dominic ang kanyang kanang kamay. Ikinulong nito iyon sa dalawang palad nito saka siya tinitigan nang mataman sa kanyang mukha.
“Dominic...”
“Alam kong hindi pa natatagalan ang relasyon nating dalawa, Catalina,” saad nito sa tinig na puno ng emosyon. “You might think that I am... I am in a hurry.”
“W-What are you talking about?”
“I love you, Cat. I-I don’t know why but I’m feeling so in love with you that I want nothing but to spend my whole life with you.”
Agad ang pag-ahon ng kakaibang emosyon mula sa dibdib ni Catalina. She didn’t want to assume but she felt like she already knew where that conversation was leading. Hindi niya pa nga maiwasang mapaupo nang tuwid dahil sa itinatakbo ng usapan nilang dalawa.
“I-I love you too, Dom. You know that,” sambit niya sa mahinang tinig.
Dahil sa mga sinabi niya ay isang matamis na ngiti ang namutawi mula sa mga labi nito. Agad pang iniangat ng binata ang kamay niyang hawak nito at dinala sa mga labi nito para mariing mahalikan.
“I love you more, baby,” saad nito saka umayos sa pagkakaupo. May kinuha ito mula sa bulsa ng suot nitong pantalon na mas nagpabilis sa tibok ng puso ni Catalina.
Hindi na kailangan pang buksan ang kulay pulang kahetang hawak ng kanyang nobyo para malaman niya kung ano ang nilalaman niyon. Hindi pa man pero nahuhulaan na niya kung ano ang binabalak gawin ni Dominic.
Isang marahang pagsinghap na nga ang nanulas mula kay Catalina nang biglang lumuhod sa kanyang tabi ang nobyo saka dahan-dahang binuksan ang kahetang hawak nito. Isang diamond engagement ring ang bumungad sa kanyang paningin na agad nagpaawang ng kanyang bibig.
“D-Dominic...”
“Like what I said, hindi pa natatagalan ang relasyon nating dalawa pero sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa iyo, Cat. I want to spend the rest of my life with you... you as my wife. Will you marry me?”
Tears suddenly formed in her eyes because of his proposal. She loved Dominic so much and she couldn’t see any reason not to accept him. Pero agad na natigilan si Catalina. Isang eksena ang pilit na nagsusumiksik sa isipan niya dahilan para saglit siyang natigilan sa kanyang kinauupuan. That one night that she shared with a stranger!
Paano niya ngayon tatanggapin ang alok na kasal ni Dominic gayong alam niya sa kanyang sarili na hindi na siya buo? Matatanggap pa ba siya nito oras na malaman nito ang nangyari?
“Catalina...” untag nito sa pananahimik niya.
Her attention went back to him. Napalinga rin siya sa kanilang paligid at napunang ang ibang customer, maging ang ilang staff ng kanilang café ay napapalingon na sa kanilang direksyon at pawang naghihintay ng isasagot niya.
Muli siyang napatitig sa mukha ng kanyang nobyo. Hilam na ang kanyang mga mata sa luha at alam niyang kita iyon ng binata. And guilt consumed her even more because she knew Dominic was thinking that those were tears of joy.
Despite that, Catalina swallowed hard before she slowly nodded. “Y-Yes... of course, yes, Dominic.”
Rinig niya ang palakpakan ng mga taong nakamasid sa kanila habang isinusuot na sa kanya ni Dominic ang engagement ring. Inakay na rin siya nitong tumayo saka niyakap nang mahigpit. And Catalina couldn’t contain the happiness that she was feeling right on that moment. Mahal niya si Dominic at hindi siya magdadalawang-isip na pakasal dito.
At ang tungkol sa nangyari sa kanya ng gabing iyon kasama ang isang estranghero? Maybe she’ll just cross the line once Dominic learns about it...
Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a
“I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo
Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kanya para mangilag.Ito nga ba ang kapatid ni Dominic? Ito ang Apollo na madalas maikuwento sa kanya ng kasintahan niya?Catalina stared at his face intently. Katulad ni Dominic ay magandang lalaki rin ang kapatid nito at halata ang pagkakaroon ng dugong banyaga. Though, she would admit, the man she’s staring at that moment was much good-looking than her boyfriend.Kasintahan niya si Dominic at para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang lalaki. Pero hindi niya pa rin maitatangging may kakaibang karisma ang kapatid nitong si Apollo.He has dark eyes paired with long lashes. Matangos ang ilong nito katulad ni Dominic. He also has fair complexion that you could easily say that he has foreign blo
“What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang paningn kabaong ng kanyang kapatid na ngayon ay nakaburol sa malawak na sala ng malaki nilang bahay. Dominic’s wake was exclusive only for those people who were close to them. Naidala na nga ito ngayon sa kanila matapos nilang maasikaso ang lahat sa ospital.Wala siyang planong patagalin ang pagburol dito. Sa makalawa ay nakatakda na ang cremation nito na dadaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at kaibigan lamang.Naikuyom niya pa ang kanyang kamay na may hawak ng isang kopita ng alak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa silang malinaw na detalye sa kung sino ang pumatay kay Dominic. Ayon sa awtoridad na may hawak ng nangyaring krimen, maaaring robbery ang dahilan ng pamamaril sa kapatid
“Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nitong nilalabasan ng kayraming dugo dahil sa pamamaril ng lalaking nakamotor kanina.“Oh God, Dominic,” humihikbi niyang sabi sabay gala ng paningin sa kanyang paligid. “Tulungan ninyo kami! Please, tulungan ninyo kami!”Marami nang tao sa paligid. May ilan na napapatingin para makiusyoso. Ang iba naman na mga nagtago nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay lumapit na rin sa kanya para tingnan si Dominic. Pati ang ilang kumakain sa restaurant kung saan sila dapat maghahapunan ng kanyang nobyo ay nagsilabasan para alamin kung ano ang nangyari.One man instantly approached them. “Dalhin na natin siya sa ospital,” saad nito sa nagmamadaling tinig.Hindi na siya tumanggi pa sa pagtulong







