LOGINRIOT’s POV
Tatlong araw na ang lumipas mula noong trahedya sa patio ng simbahan. Nakatayo ako sa loob ng sarili kong private rest area sa clinic, dahan-dahang binababa ang pantalon ko para sukatin at i-check ang lagay ng sarili kong manhood. In-examine ko ito nang mabuti. And thank God, wala na ang pamamaga at pangingitim. Gumagaling na rin ang latay na iniwan ng tsinelas ni Cinderella. Dahil doon, nakahinga ako nang maluwag at dahan-dahang isinara ang zipper ko. Lumabas ako ng rest area at naabutan ang aking sekretarya na si Tanya na nag-aayos ng mga patient chart sa desk ko. "Dok, kumusta na?" pilyang tanong ni Tanya na may kasamang panunukso. "Medyo okay na ba 'yang lakad mo? Akala ko talaga noong isang araw ay kinarma ka na sa dami ng babaeng kinakama mo, e." Napairap ako habang umuupo sa swivel chair. "Shut up, Tanya. It was an accident." "Weh? Sa tinagal-tagal ko rito sa clinic mo, minsan nagtataka rin ako kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring naku-kuhang kung anong sakit down there sa sobrang active ng sex life mo. Tapos 'yun pala, tsinelas lang ng tindera ng samalamig ang tatalo sa 'yo!" humagalpak ito ng tawa. "I said shut it," banta ko pero hindi ko rin mapigilang mapabuntong-hininga. I ignored her teasing and stared at my desk. Nakakapanibago. Bigla akong nakaramdam ng matinding uhaw o mas tumpak, matinding pagnanais na makita muli ang isang tao. Bigla kong na-crave ang palamig ni Cinderella. Tumingin ako sa oras. Katatapos lang ng clinic hours ko. "Tanya, I'm heading out early. I'm craving some palamig," sabi ko sabay dampot ng jacket at susi ng kotse. Napakunot-noo si Tanya. "Sus, Dok, pustahan tayo. Bonus ko pa ang taya, alam kong sa tabi ng simbahan ka bibili ng samalamig para makita ulit siya, kahit sa labas, ang dami namang nagtitinda. Tsaka, hindi ba allergic ka sa buko, Dok?” Natigilan ako sandali. Pakialamera talaga itong sekretarya ko. Ewan ko rin ba kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa ito inaalis sa buhay ko. And right. Allergic nga pala ako sa buko. Pero may iba pa namang flavor, 'di ba? "I... I just have some errands," mabilis kong palusot. Bago pa ako makalabas ng p***o, nag-install muna ako ng GCash sa phone ko at mabilis na nagrehistro ng account nang maalala kong tumatanggap pala ng GCash bilang alternative payment method ang kariton ni Cinderella. I rarely carried cash anyway. Card lang palagi ang gamit ko, kaya halos wala akong perang papel sa wallet. Pagdating ko sa patio ng simbahan, naroon uli siya. Nakatayo sa ilalim ng malaking payong habang masayang naghahalo ng samalamig. Nang makalapit ako, agad siyang tumingala at nanlaki ang mga mata. "Ay! Dok!" sigaw ni Cinderella, may halong gulat at matinding alala. "Kumusta na 'yung baba mo?! Napatay ba natin 'yung daga? Baka nanganak yun ha! Wala na bang sumusundot diyan sa pantalon mo?!" Napapikit ako nang mahigpit at napahawak sa tulay ng aking ilong. Ilang bumibili ang napatingin sa amin. Lord, please give me strength. "Wala na, Cinderella. Magic. Nawala na ang daga," nauubusan kong pasensya na sabi. "Pabili nga ng palamig. Yung hindi buko." Habang ipinagtitimpla niya ako ng palamig, nag-umpisa siyang magdaldal. Napakagaan ng loob niya at napaka-inosente, pero habang nakikinig ako, dahan-dahang napalitan ng inis ang pakiramdam ko, hindi sa kaniya, kundi sa sitwasyon niya. Inosente niyang naisipang ikuwento ang buhay niya kay Aling Bebang. Kung paanong sa ilalim ng hagdan lang siya natutulog, kung paanong kinukuha nito ang halos lahat ng benta niya sa samalamig, at kung paano siya ginugutom kapag hindi man lang nakakaubos ng dalawang jar ng palamig sa isang araw. "Gusto ko nga pong makaipon, Dok." nakangiti niyang sabi pero bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Para makatira naman ako sa totoong kwarto. Kaso ang bagal ng ipon ko e. Pisopiso lang ang kita ko bawat baso." Nakatingin lang ako sa kaniya. Her purity, her beauty, and her struggling reality, it was driving me nuts. The urge to help her and the dangerous desire to touch her collided inside my head. At doon, nagdilim na naman ang paningin ko. Isang nakakatakot at tusong ideya ang pumasok sa utak ko. "Cinderella," seryoso kong tawag sa kaniya. "Ano ho 'yon, Dok?" nakangiting tanong niya, halatang nagtataka. "Tsaka, Cindy na lang po! Para hindi na po kayo mahirapan." Cindy. Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo kong nagustuhan. Parang mas bagay sa kaniya. Mas malambing. Mas... siya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, humina ang boses ko pero mariin. "Gusto mong mabilisang ipon? I'll give you a deal." Kumunot ang noo niya, halatang na-curious. "Ano pong deal?" "One thousand pesos," I leaned in a bit closer, looking directly at her pinkish lips. "For every kiss." Nanlaki ang mga mata ni Cinderella. "Isang libo?! Bawat halik?!" "Yes. Pure cash or online transfer. Walang bawas," sagot ko habang pilit kong itinatago ang pagiging tuso sa kinalalabasan ng offer ko. Akala ko magdadalawang-isip siya. Akala ko mahihiya siya o maiilang. Pero mali ako. Biglang nagbago ang aura ni Cinderella. Ang inosente nitong mukha ay napalitan ng matinding focus. Huminto siya sa paghahalo ng palamig, nakatingin sa hangin habang seryosong nag-co-compute sa utak niya! At bago ko pa man maakmang linawin ang mekanismo ng deal—In a split second, mabilis na hinawakan ng dalawang kamay ni Cinderella ang magkabilang pisngi ko! Bago pa makapag-react ang utak ko, pinaulanan niya ang mga labi ko ng sampung sunod-sunod, mabilis, at madiing dampi ng halik. Natulala ako. Nanigas ang buong katawan ko, habang ang puso ko ay parang gustong lumabas sa dibdib sa sobrang bilis ng tibok. Unti-unting bumitaw si Cinderella mula sa mukha ko. Hinihingal pa siya nang bahagya, namumula ang mga pisngi, pero ang mga mata niya ay nagniningning sa tuwa habang nakatingin sa akin. Mabilis niyang iniharap at iniladlad ang kaniyang palad sa tapat ng mukha ko. "Dok! Sampung libo po lahat 'yan!" masayang sigaw ng dalaga na parang nakabenta lang ng sampung jar ng samalamig. "Cash o GCash?” Napasa-kamay ko ang sarili kong mukha at napasandal sa poste sa gilid, letting out a sharp breath. Tangina! A low, genuine laugh escaped my chest, hindi ko talaga iyon mapigilan. This was literally the first time a girl made a fool out of me sa sarili kong laro. Sa sobrang inosente ni Cindy, ginawa niyang parang wholesale transaction ang halik—mabilis, diretso, at strictly business. "Dok?" Kunot-noong kumaway si Cindy sa harap ng mukha ko. "Baliw na ba kayo? Bakit kayo tumatawa mag-isa?" nagtataka nitong tanong habang nakalahad pa rin ang palad sa harap ko. "Tsaka... nasaan na po ang bayad n'yo?” Bahagya akong napailing, pulling out my phone with a smirk. "GCash," usal ko habang binubuksan ang bago kong account. Sa isang tap lang, agad kong isinend ang sampung libong piso sa numerong ibinigay niya. Nang tumunog ang phone niya at makita ang notification, napatalon siya sa tuwa. "Hala! May ten thousand na ako! Dok, ang bait mo pala talaga! Baka gusto mo pa ng dalawamput halik—" Before she could finish her sentence, mabilis kong ipinasok ang kamay ko sa likod ng kaniyang bewang and pulled her flush against my chest. Cindy gasped, her eyes going wide nang maramdaman niya ang init ng katawan ko at ang mahigpit kong hawak sa kaniya. Nawala ang pilyong ngiti sa mukha ko, replaced by a dark, intense gaze na halos makatunaw sa kaniya. I lowered my head and pressed my lips against hers. Hindi tulad ng mabilis na tuka ng manok na ginawa niya kanina, ito ay mapusok, mariin, at demanding. I slipped my tongue in, naghahangad na lasapin siya, pero natigilan ako. Instead of following my lead, her tongue was completely stiff, parang isang matigas na bato sa loob ng bibig niya. She stood there frozen, completely clueless kung paano mag-react. A muffled laugh escaped my lips right against her mouth. Hindi ko mapigilang matawa sa loob ng bibig ko dahil sa kawalan niya ng karanasan. I pulled back just an inch, looking down at her namumulang mukha with a teasing smile. I leaned in closer to her ear, my voice dropping to a low, husky whisper: "Magbabayad pa ako nang mas malaki, Cindy, pero sa susunod, hindi na papasa ang parang tuka ng manok." Lightly, I nipped the corner of her lip, making her body go completely rigid. "If you want to earn big money from me, dapat matagal at mapusok." Bago pa siya tuluyang makabawi sa matinding gulat, marahan kong pinitik ang dulo ng ilong niya. Pagkatapos ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon palabas ng patio.CINDERELLA’S POVMula sa pagkakadilat ng mga mata ko, ang unang nakita ko ay ang maaliwalas na liwanag ng umaga na dahan-dahang tumatama sa kwarto namin. Ang liwanag na iyon ay parang nagpapaalala sa akin na hindi na ako nananaginip.Lunes na!Ito na 'yung araw na sobrang kinatatakutan ko nitong mga nakaraang araw. Ito 'yung Lunes na iniisip ko pa lang kagabi ay pinalilipad na agad ang libo-libong paruparo sa tiyan ko. Pero kakaiba ang gising ko ngayon. Maayos at tahimik ang tulog ko, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila nawala ang mabigat na bara sa dibdib ko. Marahil ay dahil sa panatag na pakiramdam na ibinigay sa akin ni Dok, o kaya naman sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Dahan-dahan akong bumangon mula sa malambot na kama. Isinuot ko ang aking pambahay na tsineleas at naglakad palabas ng kuwarto. Maya-maya pa, agad na humalik sa ilong ko ang napakabango, nakagugutom, at mainit na amoy ng pagkain mula sa kusina.Nakatayo doon si Riot sa tapat ng kalan. Nakasuot siya ng
RIOT'S POV Pumutok ang liwanag ng araw ng Linggo, at mula sa kusina, narinig ko na agad ang kaluskos ng mga gamit sa sala. Bukas na ang unang araw ng klase ni Cindy sa Westmoor College. Paglabas ko ng room ko, natagpuan ko si Cindy na nakaupo sa gitna ng carpet. Naka-hanay sa harap niya ang lahat ng bago niyang school supplies. Dahan-dahan niyang pinalilitaw ang dulo ng bawat pastel pink highlighter, tinititigan ito nang ilang segundo, bago maingat na itatabi pabalik sa loob ng kanyang pencil case. "Maaga ka pumasok sa kwarto kagabi, tapos maaga ka ring nagising ngayon," nakangiti kong bati habang lumalapit at nauupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin. Wala ang dating takot o pagpapanic sa mukha niya, pero halatang balisa siya sa kanyang sariling, tahimik na paraan. "Inaayos ko lang 'yung mga gamit, Riot," mahinang sagot niya. Hinawakan niya ang gilid ng kanyang bagong backpack. "Hindi kasi ako makatulog nang maayos. Iniisip ko lang na bukas na talaga." Inabot ko ang kanyang
RIOT'S POV Lumipas ang tatlong araw, at gaya ng ipinangako ni Roman, pumasok ang pinakahihintay kong balita. "Nagawa ko na, bro," proud na sabi ni Roman sa telepono noong isang araw. "Westmoor College, one of the best private universities in the city. Ang sabi ng VP for Academic Affairs, nagawan nila ng paraan para sa special admissions category under an adult learning alternative program. Gumawa lang ng kaunting magic sa background papers at home-school credit equivalents." Hindi ko alam kung magkano ang ginastos o sinong Santo ang tinawagan ni Roman sa board of trustees, pero hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga, nakatayo na ako ngayon sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ang limang malalaking paper bag na puno ng gamit ni Cindy para sa pag-aaral. "Uy Dok! Ano 'yang mga 'yan?" mahinhin na tanong ni Cindy habang lumalabas ng silid-tulugan. "Your school supplies," nakangiti kong sagot. Lumapit ako at isinulat ang pangalan niya sa isang mamahaling pastel pink binder. "May mga note
RIOT’S POVNakatingin ako kay Cindy habang payapa siyang natutulog sa kama. Marahan kong inayos ang ilang strands ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Pumasok ang liwanag ng umaga mula sa bintana, at sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyari kahapon kasama sina Mommy at Charlotte, pakiramdam ko ay ngayon lang naging tahimik ang buhay ko.Tahimik, pero may kailangang ayusin.Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kuwarto bitbit ang telepono ko. Pumasok ako sa balkonahe at agad na hinanap ang numero ng matalik kong kaibigan.I dialed Roman’s number. Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad."Hey, man. Napatawag ka? Balita ko mainit ang ulo ng pamilya mo ngayon, ah?" bungad ng boses ni Roman sa kabilang linya.I rolled my eyes. Hindi ko alam kung paano kumalat agad ang nangyari, pero sa pamilya ko talaga, walang sikreto ang nagtatagal."I need a favor, Roman," seryoso kong panimula, walang paligoy-ligoy. "I need you to pull some strings for me.""Ano? Bro, mukhang tinamaan ka n
CINDERELLA’S POVNagmumulat pa lang ang mga mata ko pero ramdam ko na agad ang malaking pagbabago sa katawan ko.Wala na ang nakakalyong init sa noo ko at hindi na rin mabigat ang aking ulo. Dahan-dahan akong umupo sa malambot na kama habang maingat na itinutulak ang kumot. Masakit pa rin nang kaunti ang ibabang bahagi ng katawan ko kapag gumagalaw, pero hindi na katulad ng matinding kirot kaninang madaling-araw.Nasaan si Riot?Wala na siya sa tabi ko, pero ang kaniyang pamilyar at mababangong amoy ay nakatatak pa rin sa mga unan.Dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Bahagya pa akong napahawak sa headboard dahil sa kaunting pagkahilo, pero pilit kong inayos ang sarili ko. Inayos ko ang suot na t-shirt ni Riot na umaabot hanggang sa gitna ng aking hita at marahang lumabas ng silid.Agad na humalik sa ilong ko ang masarap na amoy ng mainit na sabaw at napipritong pagkain.Sa malawak at malinis na kusina, nakita ko si Riot. Nakatalikod siya sa akin, walang suot na pang-itaa
CINDERELLA'S POVAko, mag-aaral ng college? Gusto kong umiyak sa matinding halong gulat at saya na biglang lumapot sa dibdib ko. Nanatili akong tahimik habang pilit kong inuunawa ang bawat salitang lumabas sa labi ni Dok.Nakatitig lang ako sa kanya, natigilan sa tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.Gusto ko. Diyos ko, gustong-gusto ko!Agad na pumasok sa isip ko ang lahat ng pang-aapi at masasakit na salitang ipinamukha sa akin ni Mrs. Eleanor. Masakit, pero alam kong iyon ang masalimuot na katotohanan. Wala akong maipagmamalaki. Wala man lang ni isang pirasong papel o titulo na nakadikit sa pangalan ko para patunayang may halaga ako sa mundong ito.Pero higit sa kagustuhan kong patunayan ang sarili ko sa pamilya niya, may isang alaala na matagal nang nakabaon sa puso ko ang biglang sumulpot.Nangyari iyon noong labing-apat na taong gulang pa lang ako. Nagawa kong makatakas mula sa madilim at mabahong basement ng tiyahin ko. Halos gumapang ako sa takot, ngunit nang makalapit a







