Share

Chapter 5

Author: Jd Martis
last update publish date: 2026-07-28 15:53:57

CINDERELLA’s POV

Ilang araw na akong hindi makatulog nang maayos. Bawat kaluskos sa labas ng maliit kong silid sa ilalim ng hagdan, pakiramdam ko ay mga pulis na hihilahin ako papuntang kulungan dahil sa nangyari sa clinic ni Dok Riot.

"Cinderella! Lumabas kang bata ka!" galit na galit na sigaw ni Aling Bebang habang pinupukpok ang manipis kong p***o. "Tatlong araw ka nang hindi nagtitinda ng samalamig! Puro ka 'masakit ang tiyan, masakit ang ulo'! Kung ayaw mong magtrabaho, mag-impake ka na at lumayas dito!"

"Opo, Aling Bebang! Bukas po talaga gagaling na ako, promise!" sigaw ko pabalik habang nakabalot ang kumot sa buong katawan ko, nanginginig sa kaba.

Habang iniisip ko kung paano ako tatakas at kung saan ako kukuha ng pambayad sa galit kong landlady, biglang may tatlong malalakas na katok na umalingawngaw sa p***o ng bahay.

"Sino 'yan?!" sigaw ni Aling Bebang habang binubuksan ang p***o.

Narinig ko ang isang pormal at mabigat na boses ng lalaki. "Nandito po ba si Cinderella? Ipinapasundo po siya ng pamilya Montenegro."

Nalaglag ang panga ko. Patay na! Huli na ako! Isusuko na nila ako sa pulis!

Wala akong nagawa nang pilitin ako ni Aling Bebang na lumabas. Inakay ako ng dalawang lalaking naka-barong papunta sa isang itim at napakalaking kotse.

Akala ko sa kulungan ang tuloy ko, pero dinala nila ako sa isang napakalaking mansyon at pinaupo sa isang tahimik at private room na napakalawak.

Doon ko nakaharap ang isang babaeng parang kakalabas lang sa mamahaling magasin. Si Mrs. Eleanor Montenegro, ang mommy ni Dok Riot. Ang suot niyang damit ay mukhang mas mahal pa kaysa sa buong badyet ng barangay namin.

Sa tabi niya ay si Charlotte na nakakrus ang mga braso at nakatingin sa akin nang nanlilisik, na para bang isa akong ipis na biglang gumapang sa limang bituing hotel.

Isang itim at mamahaling briefcase ang dahan-dahang inilagay ni Mrs. Montenegro sa harap ko sa ibabaw ng makintab na mesa. Binuksan niya ito, at bumungad sa akin ang tunay, malamig, at napakagandang kalansak ng mga bagong sanlibong piso.

Agad na gumana ang utak ko at nagsimula ang mabilis na computation. Sampung libong piso sa GCash plus isang milyon na cash... panalo! Kasya na 'to para makabili ng limampung industrial electric fan! Sa wakas, makakatulog na ako nang hindi nagmumukhang basang sisiw sa sarili kong pawis!

"That's one million pesos in cash, dear," panimula ng mommy ni Riot sa malamig at walang emosyon niyang boses. "Kunin mo ang pera, mag-empake ka, at tuluyan nang lumayo sa anak ko. You don't belong in his world. Hindi ka nababagay sa kaniya... at lalong hindi ka karapat-dapat dalhin ang apelyido ng pamilya namin. You're nothing but a stain on our family's name.”

Siguro inasahan niyang maiiyak ako at magmamakaawa. Si Charlotte naman ay nakataas pa ang phone habang nakatingin sa akin, halatang naghihintay na magsisigaw ako sa sakit ng broken heart.

Pero imbis na lumuha, biglang nag-twinkle ang mga mata ko sa matinding tuwa.

Lalayuan si Dok Riot? 'Yung doktor na nagbigay sa akin ng sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala? Iyong lalaking dahilan kung bakit kung anu-anong butterflies pa rin ang nagwawala sa tiyan ko?!

Anak ng tokwa! Iniscam ako no'n! Ang lakas pa naman ng loob niyang sabihin na mawawala raw ang nararamdaman ko pagkatapos ng "examination" na ginawa niya sa akin. Eh bakit hanggang ngayon, mukhang lumalala pa, mas lalong nababasa ang panty ko?!

Bago pa sila makapagsalita uli, halos dumapa na ako sa mesa para yakapin nang napakahigpit ang briefcase sa dibdib ko.

Hinimas-himas ko pa ang balat ng bag na parang isang bagong silang na tuta. Sa wakas! Makakapag-impake na ako at makakapag-paalam na nang tuluyan kay Aling Bebang at sa paulit-ulit niyang paniningil ng upa!

"Seryoso po?" tanong ko habang nakatingin sa mommy ni Riot gamit ang nanlalaki at inosente kong mga mata. "Lalayuan ko lang po si Dok Riot, isang milyon na agad?!" Napakagat ako sa labi. "Ma'am, promise po. Kahit magkasalubong pa kami sa kalsada, ako na mismo ang liliko. Kapag wala nang malilikuan... magpapanggap na lang akong patay. Libre pa po 'yon, wala nang additional f*e!”

Napatitig si Mrs. Montenegro sa akin, halatang napatingin nang malalim at naguluhan sa naging reaksyon ko. "W-what?"

"Naku, grabe, napakabait niyo po!" hingal kong sabi habang gumagana na naman ang utak ko sa negosyo.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa pera at ibinaba ang boses ko sa isang seryosong pabulong. "Ma'am, exclusive offer lang 'to ah... Pwede niyo po ba akong bayaran ulit para layuan din si Charlotte? O baka gusto niyo pong bilhin na rin iyong cart ko ng samalamig para package deal na? Five thousand pesos lang 'yung cart, may libre pa kayong dalawang lalagyan ng gulaman!"

Isang napakatahimik at mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong private room.

Naka-nganga lang si Mrs. Montenegro at hindi nakapagsalita. Ang panga naman ni Charlotte ay halos lumagpak na sa marbol na sahig. Pareho silang nakatitig sa akin nang may matinding gulat, paralisado sa sobrang ka-inosentehan at matinding ka-kuripotan ko.

"What... anong klaseng nilalang ka?!" sa wakas ay natiling sigaw ni Charlotte habang nakaturo sa akin ang mahaba niyang kuko. "Nababaliw ka na ba?!"

Bago ko pa maialok sa kanila ang sideline kong pagbebenta ng homemade yema, biglang bumukas nang napakalakas ang malaking p***o ng silid.

Pumasok si Dok Riot na nakasuot pa rin ng kaniyang pormal na polo, bagamat halatang puyat at pagod na pagod. Mukhang nagmamadali siyang pumunta rito para lang pigilan ang mommy niya sa pag-aaway sa akin.

"Mom! Charlotte! Leave Cindy out of this—" Napahinto si Riot sa gitna ng pananalita nang makita niya ang eksena sa loob.

Nakita niya ang mommy niyang tulala at nakatitig sa ere. Nakita niya si Charlotte na halos humihingal na sa sobrang inis at gulat. At higit sa lahat, tumama ang tingin niya sa akin, nakaupo sa mamahaling upuan, nakangiti nang napakalapad na parang nanalo sa lotto, at yakap-yakap ang briefcase ng pera na para bang doon nakasalalay ang buong buhay ko.

"Cindy?" dahan-dahang tanong ni Riot habang kumukunot ang noo. "Anong... anong ginagawa mo?"

"Dok Riot!" kumaway ako sa kaniya gamit ang isang kamay habang ang isa kong kamay ay nakakapit pa rin sa briefcase. "Good news! Magiging milyonaryo na ako! Binayaran ako ng mommy mo para layuan ka. Don't worry, pumayag agad ako sa offer!"

Napasapo na lang si Dok Riot sa kaniyang noo at nagpakawala ng isang napakahabang buntong-hininga.

"Tinanggap mo 'yung pera?" pabulong niyang tanong habang naglalakad lapit sa akin gamit ang pinaghalong inis at hindi paniniwala. "Ganun lang? Ipinagpalit mo ako sa isang milyon?"

"Aba, Dok, panalo kaya ako rito!" seryoso kong pagtatanggol sa sarili ko. "Isang milyon 'to! Makakabili na ako ng sarili kong bahay, hindi na ako matutulog sa ilalim ng hagdan! Tsaka zero percent chance na makulong ako!"

Nakatitig lang sa akin si Riot, habang pinipigilan ang ngiti sa kaniyang mga labi. Halata sa marahan niyang pag-iling na hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. "You really are something else, Cinderella.”

Tsaka bumaling ang tingin nito sa kaniyang ina at kay Charlotte. Ang maamong mukha niya kanina ay mabilis na napalitan ng malamig at ma-autoridad na ekspresyon.

"Take your money," matigas na sabi ni Riot sa kaniyang ina habang nakatitig nang diretso sa mga mata nito.

"Riot! What are you saying?!" hysterikal na sigaw ni Charlotte. "Binabayaran na nga siya ng mommy mo para umalis!"

Hindi man lang tinapunan ni Riot ng tingin ang dati niyang fuck buddy. Dahan-dahan siyang humakbang lapit sa mesa at ibinaling ang kaniyang pandidilim na mga mata sa akin. Nawala ang inis sa mukha niya at napalitan ito ng isang seryoso, determinadong titig.

"I'll make an offer, Cindy," pabulong ngunit mariin niyang sabi. Iniyuko niya nang kaunti ang kaniyang ulo para pumantay sa mukha ko, habang nakatitig sa briefcase na yakap-yakap ko pa rin. "I'll make it twenty million pesos. Piliin mo lang ako, and live with me."

Dalawampung... milyong... piso?!

Napasinghap ako nang napakalakas. Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko at halos lumuwa ang dalawa kong mata sa sobrang gulat!

"Riot! Are you out of your mind?!" sigaw ng mommy niya habang napapatayo sa kaniyang kinauupuan. "You're offering twenty million for this... this squatter?!"

"Shut up, Mom," malamig na ganti ni Riot nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "This is between me and Cindy."

Naka-nganga lang ako habang pabalik-balik ang tingin ko sa briefcase na may isang milyon at sa guwapong mukha ni Dok Riot.

"D-Dok..." nanginginig kong usal habang desperadong sinusubukang kalkulahin ng utak ko kung ilang zero ba talaga ang mayroon sa dalawampung milyon. "S-Seryoso po ba 'yan? Cash po ba 'yan o tseke? Tsaka..." Napalunok ako. "Seryoso po bang papatirahin n'yo ako sa bahay n'yo?”

Napasapo uli si Riot sa kaniyang noo, pero sa pagkakataong ito, may kasama nang mahinang tawa ang kaniyang buntong-hininga. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko na nakakapit sa briefcase ng mommy niya, at marahang inilayo iyon sa dibdib ko.

"Yes, I'm deadly serious, Cinderella," bulong niya habang dahan-dahang hinahaplos ang likod ng kamay ko. "I'll give you everything you want. Just choose me."

Napatitig ako sa kaniya, habang bahagyang nanginginig ang buo kong katawan. Sa loob ng utak ko, parang may grand fireworks display sa sobrang tuwa. Goodbye, Aling Bebang! Hello, millionaire lifestyle! Mukhang hindi na special odong ang kakampi ko mamaya, pasta na!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lilian Alexxis
Ano ang special odong?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Sip of Sin   Chapter 20

    CINDERELLA’S POVMula sa pagkakadilat ng mga mata ko, ang unang nakita ko ay ang maaliwalas na liwanag ng umaga na dahan-dahang tumatama sa kwarto namin. Ang liwanag na iyon ay parang nagpapaalala sa akin na hindi na ako nananaginip.Lunes na!Ito na 'yung araw na sobrang kinatatakutan ko nitong mga nakaraang araw. Ito 'yung Lunes na iniisip ko pa lang kagabi ay pinalilipad na agad ang libo-libong paruparo sa tiyan ko. Pero kakaiba ang gising ko ngayon. Maayos at tahimik ang tulog ko, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila nawala ang mabigat na bara sa dibdib ko. Marahil ay dahil sa panatag na pakiramdam na ibinigay sa akin ni Dok, o kaya naman sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Dahan-dahan akong bumangon mula sa malambot na kama. Isinuot ko ang aking pambahay na tsineleas at naglakad palabas ng kuwarto. Maya-maya pa, agad na humalik sa ilong ko ang napakabango, nakagugutom, at mainit na amoy ng pagkain mula sa kusina.Nakatayo doon si Riot sa tapat ng kalan. Nakasuot siya ng

  • A Sip of Sin   Chapter 19

    RIOT'S POV Pumutok ang liwanag ng araw ng Linggo, at mula sa kusina, narinig ko na agad ang kaluskos ng mga gamit sa sala. Bukas na ang unang araw ng klase ni Cindy sa Westmoor College. Paglabas ko ng room ko, natagpuan ko si Cindy na nakaupo sa gitna ng carpet. Naka-hanay sa harap niya ang lahat ng bago niyang school supplies. Dahan-dahan niyang pinalilitaw ang dulo ng bawat pastel pink highlighter, tinititigan ito nang ilang segundo, bago maingat na itatabi pabalik sa loob ng kanyang pencil case. "Maaga ka pumasok sa kwarto kagabi, tapos maaga ka ring nagising ngayon," nakangiti kong bati habang lumalapit at nauupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin. Wala ang dating takot o pagpapanic sa mukha niya, pero halatang balisa siya sa kanyang sariling, tahimik na paraan. "Inaayos ko lang 'yung mga gamit, Riot," mahinang sagot niya. Hinawakan niya ang gilid ng kanyang bagong backpack. "Hindi kasi ako makatulog nang maayos. Iniisip ko lang na bukas na talaga." Inabot ko ang kanyang

  • A Sip of Sin   Chapter 18 (SPG)

    RIOT'S POV Lumipas ang tatlong araw, at gaya ng ipinangako ni Roman, pumasok ang pinakahihintay kong balita. "Nagawa ko na, bro," proud na sabi ni Roman sa telepono noong isang araw. "Westmoor College, one of the best private universities in the city. Ang sabi ng VP for Academic Affairs, nagawan nila ng paraan para sa special admissions category under an adult learning alternative program. Gumawa lang ng kaunting magic sa background papers at home-school credit equivalents." Hindi ko alam kung magkano ang ginastos o sinong Santo ang tinawagan ni Roman sa board of trustees, pero hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga, nakatayo na ako ngayon sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ang limang malalaking paper bag na puno ng gamit ni Cindy para sa pag-aaral. "Uy Dok! Ano 'yang mga 'yan?" mahinhin na tanong ni Cindy habang lumalabas ng silid-tulugan. "Your school supplies," nakangiti kong sagot. Lumapit ako at isinulat ang pangalan niya sa isang mamahaling pastel pink binder. "May mga note

  • A Sip of Sin   Chapter 17

    RIOT’S POVNakatingin ako kay Cindy habang payapa siyang natutulog sa kama. Marahan kong inayos ang ilang strands ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Pumasok ang liwanag ng umaga mula sa bintana, at sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyari kahapon kasama sina Mommy at Charlotte, pakiramdam ko ay ngayon lang naging tahimik ang buhay ko.Tahimik, pero may kailangang ayusin.Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kuwarto bitbit ang telepono ko. Pumasok ako sa balkonahe at agad na hinanap ang numero ng matalik kong kaibigan.I dialed Roman’s number. Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad."Hey, man. Napatawag ka? Balita ko mainit ang ulo ng pamilya mo ngayon, ah?" bungad ng boses ni Roman sa kabilang linya.I rolled my eyes. Hindi ko alam kung paano kumalat agad ang nangyari, pero sa pamilya ko talaga, walang sikreto ang nagtatagal."I need a favor, Roman," seryoso kong panimula, walang paligoy-ligoy. "I need you to pull some strings for me.""Ano? Bro, mukhang tinamaan ka n

  • A Sip of Sin   Chapter 16

    CINDERELLA’S POVNagmumulat pa lang ang mga mata ko pero ramdam ko na agad ang malaking pagbabago sa katawan ko.Wala na ang nakakalyong init sa noo ko at hindi na rin mabigat ang aking ulo. Dahan-dahan akong umupo sa malambot na kama habang maingat na itinutulak ang kumot. Masakit pa rin nang kaunti ang ibabang bahagi ng katawan ko kapag gumagalaw, pero hindi na katulad ng matinding kirot kaninang madaling-araw.Nasaan si Riot?Wala na siya sa tabi ko, pero ang kaniyang pamilyar at mababangong amoy ay nakatatak pa rin sa mga unan.Dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Bahagya pa akong napahawak sa headboard dahil sa kaunting pagkahilo, pero pilit kong inayos ang sarili ko. Inayos ko ang suot na t-shirt ni Riot na umaabot hanggang sa gitna ng aking hita at marahang lumabas ng silid.Agad na humalik sa ilong ko ang masarap na amoy ng mainit na sabaw at napipritong pagkain.Sa malawak at malinis na kusina, nakita ko si Riot. Nakatalikod siya sa akin, walang suot na pang-itaa

  • A Sip of Sin   Chapter 15

    CINDERELLA'S POVAko, mag-aaral ng college? Gusto kong umiyak sa matinding halong gulat at saya na biglang lumapot sa dibdib ko. Nanatili akong tahimik habang pilit kong inuunawa ang bawat salitang lumabas sa labi ni Dok.Nakatitig lang ako sa kanya, natigilan sa tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.Gusto ko. Diyos ko, gustong-gusto ko!Agad na pumasok sa isip ko ang lahat ng pang-aapi at masasakit na salitang ipinamukha sa akin ni Mrs. Eleanor. Masakit, pero alam kong iyon ang masalimuot na katotohanan. Wala akong maipagmamalaki. Wala man lang ni isang pirasong papel o titulo na nakadikit sa pangalan ko para patunayang may halaga ako sa mundong ito.Pero higit sa kagustuhan kong patunayan ang sarili ko sa pamilya niya, may isang alaala na matagal nang nakabaon sa puso ko ang biglang sumulpot.Nangyari iyon noong labing-apat na taong gulang pa lang ako. Nagawa kong makatakas mula sa madilim at mabahong basement ng tiyahin ko. Halos gumapang ako sa takot, ngunit nang makalapit a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status