Share

Chapter 86

Penulis: Serene Hope
last update Tanggal publikasi: 2025-10-05 13:31:45
“LOVE! LOVE! GISING!”

Dinig ni Flint na tawag sa kanya ni Xyza habang niyuyugyog siya nito ng malakas.

“Hmmm….” Iyon lang ang isinagot niya rito bago tumagilid sa pagkakahiga, hindi pinansin ang pagyugyog at panggigising nito sa kanya.

Masarap kasi matulog sa kwarto at kama ng dalaga, lalo na kapag magkatabi sila. Kaya naman kung dati ay nauunahan pa niya sa pagbangon ang alarm clock, ngayon naman, kahit naririnig na niyang tumutunog na iyon, ay binabaliwala pa niya.

“Love! Gising na sabi!” dini
Serene Hope

Good afternoon.

| 3
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
buj gqab
more...more
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 166

    PASADO ALAS SIETE na ng gabi nang makarating si Flint sa kanilang bahay.Tamang-tama ang dating niya para sa hapunan dahil naabutan niyang magkaharap at sabay na kumakain ang kanyang ama at si Glenda.Nagulat pa ang dalawa nang makita siyang papalapit sa mga ito.“Hijo, Flint. Akala ko ba ay sa sabado pa ang balik mo? Mukhang napaaga yata ang uwi mo, ah? Miyerules pa lang ngayon,” tanong kaagad sa kanya ni Glenda.“Oo nga, anak. At saka, bakit parang may iba yata sa sa awra mo ngayon? May nangyari ba roon na hindi maganda sa lugar na pinagbabakasyunan mo kaya ka napauwi ng maaga?” nag-aalalang tanong naman sa kanya ng ama.“Yes, at hindi kayo maniniwala sa ibabalita ko sa inyo,” walang pag-aatubiling sagot niya.“Ano ‘yon?” sabay pang tanong ng dalawa habang nakakunot ang mga noo.“The place is good, malinis, tahimik at relaxing. Kay gandang lugar at perpekto para sa bakasyon, not until magkita kami roon ni Xyza,” diretsong pahayag niya.“W-what?” tila hindi makapaniwala si Glenda sa n

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 165

    “I’M SORRY, BRO. But I need to do this…” sagot niya sa kaibigan.“U-uuwi ka na? Uuwi na ba tayo? Bakit, hahabulin mo ba si Xyza?” muling tanong sa kanya ni Jared.“I-I don’t know. Basta ang alam ko, hindi ko na kaya pang magtagal dito.”“O-okay, if that’s your decision, wala naman akong magagawa,” dama niya ang panghihinayang sa boses ni Jared.“Bro, hindi naman kita oobligahin na sumama sa ‘kin, mas lalong hindi kita pipilitin. Kung nag-e-enjoy ka pa rito na mag-stay, go lang. Hindi mo kailangang sumama sa ‘kin pauwi.”“Sasama ako, bro. Wala rin namang saysay ang pag-stay ko rito dahil wala ka na, at isa pa, para sa ‘yo talaga itong bakasyon na ‘to. And don’t worry, naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon,” sambit nito, pagkatapos ay tinapik siya sa balikat.Pilit ang ngiting tumingin siya sa kaibigan.“Thank you, bro.”Nagsimula na rin na mag-impake ng mga gamit si Jared, at nang matapos sila ay lumabas na sila para magpaalam sa mag-asawa.Nadatnan nilang magkaharap ang mga ito

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 164

    TINANGHALI ng gising si Flint kaya naman makirot ang kanyang sentido.Siguro dahil napuyat siya kagabi sa kakaisip sa nangyaring pag-aaway nila ni Xyza kahapon. At isa pa, kung anu-anong plano ang ginagawa niya sa kanyang utak kagabi kung paano niya mapapaamo ang dalaga para makausap na niya ito ng maayos.Kaya naman ngayon ay halos mabiyak ang ulo niya sa sakit lalo na nung tumama sa kanyang mga mata ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw.Hindi pa naman siya sanay magpuyat dahil ang kinasanayan niya ay gumising ng maaga dahil sa trabaho.“Hays, ang sakit talaga ng ulo ko…” reklamo niya sa sarili.Nagpasiya siyang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan at lumabas ng kubo. Nakita niya roon si Jared na nakatayo habang nasa bulsa ang dalawang mga kamay.Lumingon ito sa kanya nung maramdaman nito ang kanyang presensiya.“Oh, bro. Tinanghali ka yata ng gising, ah? Hulaan ko, hindi ka agad nakatulog kagabi dahil iniisip mo ‘yong nangyari sa inyo ni Xyza kahapon, ‘no?” tanong nito sa kanya.

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 163

    DAHIL SA NANGYARING matinding pag-aaway sa pagitan nila ng binata, ay napagdesisyunan niyang umuwi na lang at mas mabuti pang asikasuhin na lang niya ang bagong tayo niyang kompanya kaysa ang mamalagi sa isang lugar na hindi naman napapalagay ang kanyang utak.Ayaw pa sana nina Cyla at Wilma ang ideya niyang iyon dahil halos dalawang araw pa lang silang naroroon, pero hindi siya nagpapigil.Sinabi niya na kung gusto pang mamalagi ng mga ito roon ay hindi naman niya pinilipit na sumama ang mga ito sa kanya pauwi, basta’t ihatid lamang siya ng mga ito sa sentro ng probinsiyang kinaroroonan nila para makasakay siya sa terminal pabalik ng Maynila.Pero dahil takot si Cyla na umuwi siyang mag-isa dahil baka raw kung mapaano pa siya, ay napilitan na rin itong sumama sa kanya pati na si Zayn na ayaw na ring magpaiwan kung hindi lang naman daw silang dalawa ang kasama nito.“Sige, kung ‘yan ang desisyon mo, ma’am Xyza. Kakausapin ko lang si Ronan tungkol diyan, para bukas na bukas din ng umag

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 162

    “A-ANO BA ANG NANGYAYARI RITO?” puno ng kalituhan na tanong ni Wilma matapos nitong makalapit sa kanila.Agad naman na kumilos sina Cyla at Jared para awatin sina Zayn at Flint.Mabilis na inilayo ni Jared si Flint kay Zayn at hinawakan naman ni Cyla si Zayn para pigilan itong hindi na makalapit pa kay Flint.Parehong sapo ng mga ito ang mga sariling labi na pumutok na dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa isa ‘t isa.“Nag-aaway ba kayo?” sabat din ni Ronan na hingal na hingal pa dahil siguro sa pagmamadaling bumaba sa puno ng santol at nagtatakbo rin palapit sa kanila.“Ah, hindi naman. May kaunting misunderstanding lang sa pagitan namin ni Xyza—”“Total, nandito lang din naman tayo at hindi na sila sa ‘tin iba, bakit hindi na lang natin sabihin sa kanila ang kung ano ang namamagitan sa ‘tin? Kung ano ang nangyari sa ‘tin sa nakaraan?!” sabat niya sa sana ‘y sagot ng binata sa tanong ni Ronan.“No, this is about family matter. Kaya dapat na pag-usapan natin ito in private at tayo lang na

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 161

    “HUWAG KA namang sumigaw dahil hindi naman ako nakikipag-away sa ‘yo,” mahinahong sambit ni Flint, pilit pinapakalma ang dalaga.“Wala kang karapatang sabihin ‘yan sa ‘kin dahil choice mo ‘to, ikaw mismo ang lumapit sa ‘kin para guluhin ang pananahimik ko!” muling pasigaw na sambit nito.Luminga-linga siya at tiningnan ang mga kasama, mukhang hindi pa napapansin o naririnig ng mga ito ang malakas na boses ni Xyza.“Please, Xyza. Kahit ngayon lang, mag-usap tayo,” paki-usap niya, may halong pagsusumamo.Akmang hahawakan niya ulit ito pero mabilis itong pumiksi at umatras.“Huwag na huwag kang magkakamaling muling ihawak sa ‘kin ‘yang marurumi mong mga kamay,” may pagbabanta sa tonong sambit nito.Nasaktan siya sa sinabi nito.Ganoon ba talaga karumi ang tingin nito sa kanya dahil sa malaking pagkakamaling nagawa niya rito?Huminga siya ng malalim at muling nakiusap sa dalaga.“Please, hindi naman tungkol sa nakaraan natin ang pag-uusapan natin. Kundi tungkol sa pamilya natin, kay mommy

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 07

    NAPABUNTONG-HININGA ang kanyang ina bago sumagot kay Alfredo.“Katulad ng dati, hon. Pinapangaralan ko na naman itong si Xyza,” sagot nito na tila ba nanghihina.“Hon, huwag mo namang masyadong biglain si Xyza. Kahit sino, mahihirapang mag-adjust agad, lalo na kung kailangang baguhin ang nakasanaya

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 08

    GABI NA ng makauwi si Flint sa kanilang bahay. Galing pa siya sa isang site na malapit nang simulan ang pagtatayo ng isang luxury hotel. Hindi niya inaasahang ngayong araw niya gustong bisitahin ang lugar, kaya ‘t naipit siya sa matinding traffic pag-uwi.Pagdating niya, agad niyang iginala ang pan

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-17
  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 140

    HALOS LIMANG TAON na ang nakararaan, pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang nababalitaan ni katiting na impormasyon mula kay Xyza.Halos libutin at baliktarin na nila ang buong Pilipinas, pero bigo silang matagpuan ito. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya, ginamit ang koneksyon at p

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 135

    NAGSIMULA na si Flint sa paghahanap kay Xyza.Well, hindi lang naman siya, pati na rin sina Glenda at ang ama niya.Lahat ng mga alam nilang kaibigan, kaklase, at maging mga kamag-anak nina Xyza ay pinuntahan nila at pinagtanong ang dalaga kung nagawi man lang ba ito sa kanila o nakipanuluyan.Pero

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status