Share

2

Author: MissPhilosopa
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-16 18:02:39

"Saan ka pupunta ate? Ang aga mo ata nagising ngayon." Tanong ni Marie na apo ng kapit-bahay namin na naghihintay na sa labas ng bahay habang nakaupo sa de-kawayan na malaking upuan na ginawa para tambayan ng lahat. Siya ang batang sinasabi kong gumawa ng kabalastugang ipasimot ang kipay niya sa pinsan kong grabe ka oa.

Naisip ko lang sana lahat ng mga lalaki ganoon para walang babaeng mabuntis at wala ding babaeng umiiyak kapag kinakain–este! Kapag pinaglalaruan. Isang haplos lang ng daliri mo sa ilalim ng panty mo at dalhin sa ilong ng mga lalaki panigurado patay na agad. Diba, sana ganun.

Pinagmasdan ko siya. Nakabihis na siya at posturang-postura. At may pa-ribbon pang nalalaman sa buhok niya na gawa pa ng lola niyang balimbing na chismosa.

Palagi din kasi siyang sumasama sa Tita ko tuwing sumisimba. Actually marami din silang mga bata na kasing edad niya ang sumasama kay Tita Merna.

Mabuti pa siya.

Bahagya kong ginulo ang buhok niya.

Ang cute niya kasi. Siya iyong sinasabi nilang filipina beauty. Maganda ang kayumangging kulay niya.

"Sasama ako sa inyo. Para naman may kalaro ka sa loob."

"Ha? Hindi naman po pwede maglaro sa loob ng Chapel. Magagalit si Father at si God."

Aww! Nine years old pa lang faithful na.

"Ayaw mo ba ng pera?" Tanong ko sa kanya na bahagya pang yumuko.

"Gusto po. Bakit? Bibigyan n'yo ba ako?"

"Hindi. Pero tutulungan kitang makakakuha no'n. Kahit hindi mo na ako hatian." Sabi ko sa kanya.

"Sige po. Yehey! Ibabaon ko bukas at ibibili ko ng nuggets."

Napangiwi ako.

Hindi ko alam kung akong meron sa nuggets na yan at nasasarapan sila gayung hugis tuyong-tae 'yon ng pusa sa mga mata ko.

Ngumisi ako.

Unang araw pa lang ng plano kong kabaliwan ay may kakampi na agad ako.

Sisiguraduhin kong hindi na aabot ang limos na pera sa harap ng altar.

Maya-maya pa ay nagsidatingan din ang apat na batang kasama namin at lahat sila ay kamag-anak lang namin.

Paglipas ng limang minuto ay saka naman lumabas si Tita.

"Anong nangyari do'n kay Mark at bakit suka ng suka?" Tanong ni Tita Merna sa akin.

"May naisuka ba?" Balik tanong ko.

"Ewan ko. Tunog lang naman naririnig ko at mga bulong niya. Lagot ka daw mamaya. Ano ba kasing ginawa mo?"

"Oa naman n'on. Sinabi ko lang naman na baka tae lang laman ng nasa tiyan niya habang umiinom ng kape. Nasusuka na agad!"

Tumawa si Tita.

"Ah kaya pala. Nanghingi ng bagong listerine sa akin bago ako lumabas. Imumogmog na naman pala no'n."

"Jusko! Napaka-oa niya Tita ah! Ano bang pinaglihi mo sa kanya at nasobrahan na ata?"

"Sa pagkakaalala ko mangga lang naman yun. O siya tayo na baka ma-late pa tayo. Masaya akong sumama ka sa amin ngayon. Mabuti yang ginagawa mo kaysa naman iyong palagi ka lang nasa loob ng bahay magmumokmok."

Nagsimula na kaming maglakad. Nasa harap lang ng bahay namin ang chapel. Kailangan mo lang tumawid ng maliit na kalsada pero maglalakad ka pa naman ng halos isang daang metros bago ka makakapasok sa loob.

"Ate Sam alam mo na bang may bagong sakristan sa chapel? Christian daw ang pangalan." Sabi ni Aiky. Ang lalaki kong pinsan na matanda lang ng dalawang taon ni Marie.

Jusko! Pangalan pa lang relihiyoso na.

Sana hindi 'yan katulad ng pinsan kong Christian din ang pangalan pero nagmumukhang mongoloid. Iyong mala-Christian Grey sana para hindi man lang masayang oras ko sa pagising ng maaga ngayon.

Buhat ni Aiky ang batang kapatid na babae na nasa tatlong taong gulang pa lamang.

"Oo Ate Sam. Ang gwapo nga eh! Palagi din naming kinakausap. Ang bait po niya." Sang-ayon naman ni Ayren na nakababatang kapatid rin ni Aiky. Isang taon lang ang agwat nila.

Oo ganyan ka-powerful ang mga magulang nila. Gabi-gabi nagdidigmaan kaya halos taon-taon ding umaanak. Umabot na nga sila ng sampu. Isang dosena nga sila eh kung di lang namatay ang dalawa na kasunod ng bruha nilang pinakamatanda.

"Oo. Amerkano." Sabat naman ng nakatatandang kapatid ni Marie na si Makren.

Mukha itong abnormal tingnan dahil naasksidente daw ito dati at natamaan sa ulo pero napakatalino naman. Bawi nga lang sa itsura.

"Amerkano?" Tanong ko. Kahit alam kong mali ang pagkakabanggit n'on ay nakisabay na lang ako.

Maliliit kasi mga utak nila kaya kahit sinong foreigner na nakikita nila basta maputi ay tinatawag nilang amerkano kahit hindi amerikano ang lahi. Iyong iba tinatawag pang puti o di kaya ay kano.

Narinig ko ng may bago nga daw sakristan sa chapel kaya nga ako nag-mission: take revenge ngayon.

Nang malaman ko kasing gwapo ay hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Of course, pagkakataon ko na tong makakahiganti at makabingwit pa ng fafa.

"Oo ate. Sobrang gwapo at ang bait pa. Kinakausap nga kami minsan at nakikipaglaro sa amin. Diyan kasi siya tumitira sa chapel." Sabi ni Ayren na parang kinikilig pa.

Ano?! D'yan tumitira sa chapel? Bakit hindi dumating sa tainga ko ang balitang yan?! Eh di sana wala akong sinayang na oras noong malaman ko noong isang linggo at nakitira na rin sa chapel. Nak ng!

"Wow! Ang swerte n'yo naman kakaibiganin ko rin yan."

"Shh! Tumigil nga kayo baka marinig pa kayo ng ibang tao. Seminarian ang taong yon. Isang alagad ng Diyos! At hindi lang yun basta-bastang sakristan dahil nakatapos na yun ng pag-aaral at nagse-serve lang siya dito bago siya papasok talaga sa seminaryo. Kaya huwag kayong magsalita ng ganyan."

Umingos ako ng palihim.

As if naman lahat ng sakristan faithful sa Diyos eh iyong ex ko nga sakristan din naman yon pero gumi-girlfriend pa rin at saka lahat ng sakristan na nakilala ko pumapag-ibig naman ah!

Awtomatiko naman kaming tumahimik nang papasok na kami. May iba pa kaming nakakasama papasok at may iilan na ring tao sa loob ng chapel.

Iyong ibang matatanda ay parang mga mata ng tuko habang nakatingin sa pusod ko. Hindi kasi sila kumukurap.

Mainggit kayo!

May kalakihan ang chapel kaya sa may bandang harapan kami umupo para rinig na rinig daw namin.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng chapel. Hinanap ko agad ang sinasabi nilang gwapong sakristan pero hindi ko nakita.

Siguro masyado pang maaga.

Inilabas ko na lang muna ang cellphone ko at ipinasok sa tainga ko ang mga earphones.

Naglaro ako ng flappy bird habang nagpapa-music.

"Oh Shit!" Sambit ko nang magkamali ako.

Siniko ako ng Tita ko kaya napatingin ako sa paligid nang lahat ng mga tao ay napatingin sa akin.

Paarte akong napatakip sa bibig ko.

"Oh. My. God!" Sambit ko ulit at nagpatuloy sa paglalaro.

Mas nilakasan ko pa ang volume n'on nang sumunod na ang paborito kong kanta.

Siniko ulit ako ni Tita habang nakatingin siya sa harapan saka tumayo. Tumayo na din ako pagkatapos ng ilang segundo nang mamatay ako sa laro.

Kumakanta ang mga tao pero hindi ko alam kung ano ang kinanta nila.

Tumingin ako sa harapan para hanapin ang Christian Grey na sinasabi nila. Bahagya pa akong tumalon dahil may malaking matangkad na baboy na nakaupo sa harapan ko.

Lumipad agad ang tingin ko sa mga sakristan na nakaupo sa may bandang gilid. Natuon ang atensiyon ko sa pamilyar na lalaking katabi ng isa pang sakristan na may hawak na maliit na bell.

Holy cow!

Bahagya ko pang siningkit ang mga mata ko para siguraduhin kung talagang siya nga!

Oh freaking hell! Siya nga!

Napatakip ako sa mukha nang bumaling ang tingin niya sa akin at nagsalubong tingin namin.

Bahagya pa siyang na-shocked pagkatapos ay ngumiti na animo'y isa akong anghel na alagad ng Diyos.

Natataranta ako kaya imbis na iyong earphone na nasa tainga ko ang kukunin ay iba ang nabunot ko. Nauna kong kinuha ang wire na nakasaksak sa cellphone.

Sakto namang tumigil ang mga tao sa pagkanta at tumahimik ang paligid. Umalingawngaw sa loob ang chorus ng Neneng B ni Nik Makino sa cellphone ko.

Lahat ng tao napatingin sa akin.

Nataranta na ako kaya ibinigay ko iyon sa Tita ko saka tumakbo palabas ng chapel.

Mission: Impossible!

Mission: Not cleared!

Mission: Abort!

Mission: Failed!

Cease fire! To the Lord!

Bahala na yang higanti na yan! Letche! Mas pipiliin ko pang mamatay na lang ngayon.

Sa dami ng seminarian sa mundo. Bakit siya pa? Bakit ang ex ko pang si Christian Gabriel Müller?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   10

    "Baliw ka talaga!" naiinis na sabi ni Ate Julie at hinampas pa ng malakas ang puwet ko habang nakikisabay siya sa amin sa pagtakbo. Sabay-sabay kaming mabilis na tumakbo papuntang balutan kung saan doon nila malapit ipi-nark ang mga motrosiklo nila. "Ibaba mo ako! Kaya ko naman!" sigaw ko kay Christian pero hindi niya ako ibinaba. Sabay-sabay kaming hinihingal lahat nang marating na namin ang balutan at halos sabay-sabay sila na umupo sa sementong upuan na ibinaba ako ni Christian. "Huy! Boang jud kang bayhana ka! Ngano kang niapil? Nagkagubot nuon tungod nimo!" sabi ni Hanna na hinihingal at napapakapit pa sa braso ni Tonyo. (Baliw ka talagang babae ka! Bakit ka sumali? Nagkagulo tuloy dahil sa'yo!" "Oo nga! Buti na lang nakatakas tayo agad. Marami pa namang mga pulis na palakad-lakad doon baka sa presinto tayo pupulutin!" sabi din ni Marilyn na bahagya pang umubo. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?!" inis na tanong ni Christian sa akin. "Wa na! Naboang na ng bayhana na!"

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   9

    "Christian matanong nga kita. Babalik ka din ba sa US o dito ka sa pilipinas magpapatuloy?" tanong ni Ate Julie.Naglalakad kaming lahat sa boulevard pagkatapos naming kumain sa balutan. Gusto ko sanang sumama nina Hanna at Marilyn pero hindi naman kami masyadong close nila. Hindi kasi sila iyong tipo ng tao na pareho ni Ate Julie na approachable at isa pa hindi din sila iyong tipo na talagang sasabay sa kabaliwan mo. Sila 'yong mga tipo na normal lang at medyo behave. Kaya wala akong choice kundi kay Ate Julie na lang sumabay kahit na kasabay din si Christian sa kanya."Yeah. I've decided na dito na lang ako mag-aaral dahil dito ko rin naman gustong mag-pari." sagot ni Christian.Ouch! Isa pang masakit na salita bukod sa salitang seminaryo. Pari."Ah! Bakit mo naman gusto dito gayong para sa akin mas maganda naman siguro kong sa ibang bansa ka papasok?""Mas madali kasi akong madalaw ng parents ko kung sakali man. Umuuwi din kasi sila sa Pilipinas every year."Huminto ako sa sagot ni

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   8

    Nagmamadali akong bumaba ng motorsiklo at tumakbo palapit kay Ate Julie. Inilingkis ko ang kanang braso ko sa kanya.Hinihingal pa akong nagpapa-cute na ngumiti sa kanya nang tingnan niya ako.Umubo ako.Ang hirap ng sakit na 'to dahil kahit konting distansiya lang ay para na akong mamamatay."Okay ka lang?" tanong niya na bahagya pang tinapik ng pagkalakas-lakas ang likuran ko. Mas lalo tuloy akong inubo dahil pakiramdam ko matatanggal na ang lungs ko sa ginawa niya.Tanong niya sa tunog alala pero ang kilos niya, kilos karate."Ano bang meron d'yan sa tanong na 'yan at paulit-ulit ko na atang narinig sa araw na ito?""Aba ewan ko!" natatawa namang sagot ni Ate Julie."Dito na kayo mga inday, mga dodong!""Uy gwapo! Gwapa dito na kayo!""Dito kayo! Kasya kayong lahat dito!"Sabay-sabay na kaway sa amin ng mga tindera sa balutan. Nag-aagawan kasi sila ng mga kostumer. Parang nasa isdaan lang ng palengke.Walang sumagot sa amin dahil iisang stall lang naman ang gusto naming kainan at i

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   7

    "Oh anong nangyari sa'yo? Bakit hindi maguhit iyang mukha mo? May nangyari ba sa inyo? Nagbalikan ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ni Mark na nakahiga sa higaan ng kwarto ko. Mas lalo tuloy akong nainis dahil sa mga tanong niya. "Una, walang nangyari sa'kin kita mo namang buhay pa ako. Pangalawa, hindi ko naman sinabing guhitin mo mukha ko. Pangatlo, walang kami kaya paano kami magbabalikan? Pang-apat umalis ka d'yan!" sabi ko at walang sabi-sabing sinipa siya ng malakas sa bandang puwetan na dahilan ng pagakahulog niya sa hindi naman kaatasang kama. Humiga ako at malalim na napabuntong-hininga. Iyong tipong parang mararamdaman ko na ang butas ng puso ko. Pakshet! Bakit ba kasi ako umiyak? Baka isipin tuloy ng gagong 'yon na may nararamdaman pa ako sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong may nakaraan kayo." "Highschool classmates kami at 'yon ang nakaraan namin. Chismoso ka talaga! Umalis ka nga dito. Mas lalo akong naiinis kapag nakita ko ang pagmumukha mo!" bahag

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   6

    "Oh akala ko ba mag-uusap kayo? Bakit nakahiga ka lang dito?" Tanong sa akin ni Kuya Mark nang madatnan niya akong nakahiga lang sa kwarto ko pagkatapos ng isang oras. Hindi ko siya pinansin at hinanap ang cellphone ko. "Kanina pa naghihintay 'yong tao sa'yo." Sabi niya na bahagya pang tumingin sa labas sa nakabukas kong bintana kung saan makikita ang de-kawayang upuan sa labas. Tumayo ako at nakitingin din sa labas. Nakikita kong nando'n pa nga siya nakaupo. Lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagpipindot na siya sa cellphone ko. "What the hell!" Bulalas ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nagawa ko pang itulak at sipain ng malakas malapit sa bayag ang pinsan ko nang makipaglaro pa siya ng harang-harangan sa harapan ko. "Dahan-dahan ka d'yan baka ma-slide ka na naman!" Sabi pa ni Tita Lusbi. Luh! Eh di wa'g kang maglaba dito. Demonyita! Mabilis akong nakalapit kay Christian at babawiin na sana ang cellphone ko pero mabilis din niyang naitaas 'yon. Ngumiti siya sa ak

  • A Touch From Heaven: Taking Back Mr. Acolyte   5

    "Are you okay?" Yumuko siya at bahagya pang umupo. Kaya mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko. Pero lintek na mga mata 'to kahit anong pikit ko ng mariin ay parang may sariling buhay na bubuka at maninilip. Buset! Idagdag pang kahit anong kalma ko gagalaw at gagalaw pa rin ang talukap ko. "Huy Sam! Pangalawa na 'to. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko na bahagya pang inilapit ang mukha sa akin. "Bumangon ka." Binuhat niya ang ulo ko at patatayuin sana ako pero kinurot ko siya ng pino sa bandang binti niya sabay hila ng matataas niyang balahibo. "Ouch!" Tiningnan niya ako. Sumenyas ako sa kanya sabay nguso ng mga labi ko sa lalaking nakaupo sa bandang kanan ko na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng ulo niya. "Ano?" Inilapit pa ni Mark ang tainga sa akin. Ay! Bwesit! Ang bobo ng taong 'to! "Kunin mo ang cellphone ko sa kanya. Pagkatapos buhatin mo ako at itakbo dito." Bulong ko sa kanya at pumikit ulit nang lumayo na naman ang mukha niya. "Why? Is she

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status