Mag-log in"God, I give you my heart! I give my souuuuul– kunin mo na ako! Huwag mo ng patagalin pa. Binabawi ko na ang misyon ko. Binabawi ko na! Talo na ako! Panalo ka na–aaaahh!"
Sinisipa ko ang mga paa ko sa ere habang nakahiga sa kama. Bumangon ulit ako at parang palaka na umupo sa kama na ginulo ang buhok. Ewan ko! Sinasapian ako ng espiritung-kahihiyan! "Waahhhh! Buset!" Umayos ako ng upo habang yakap ang unan. "Sa lahat ba naman ng kanta. Bakit 'yon pang may part na kinakain ang kipay. Waahhhh–" "Tumigil ka, huy! Ang ingay mo! Aga-aga! Nababaliw ka na naman!" Tumama sa mukha ko ang isang pack ng modess ng napkin na binato sa akin ni Precious. Isa siyang bakla na kinakasama ng isa kong pinsan na nakakatandang kapatid ni Mark na si Fernand. Kinuha ko yon. Pinalipat-lipat ko ang tingin sa kanya at sa bagay na hawak ko. "Anong gagawin ko dito?!" Sigaw ko sa kanya. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko. Halatang kagigising lang niya dahil magulo pa ang mataas niyang buhok at namumula pa ng bahagya ang mga mata niya na para bang galing pa humithit ng vulca seal. "I-try mong itakip sa bibig mo! Gaga! Saan ba nilalagay 'yang napkin? Mas lalo lang lalaki harapan ko d'yan kapag gagamitin ko." Sabi niya na bahagya pang yumuko at tinuro ang harapan niya. Close din kami nito lalo na sa asaran at laitan. Mas close kami kaysa sa iba kong mga pinsan dahil ayaw daw niya sa mga taong bait-baitan pero plastic at isa pa sa akin naman kasi siya umuutang ng walang bayad-bayad kaya close talaga kami. "Alam ko ng masyadong malaki ang mga itlog mo! Ang tinatanong ko bakit mo binigay sa'kin to?!" "Binigay ko 'yan sa'yo dahil sumisigaw ka lang kasi kapag nireregla ka! Bakit? Mali ba ako?" Inis kong binato pabalik sa kanya iyon na nasalo naman niya. "Eh ano pa lang problema mo?! Ang aga-aga! Ginugulo mo ang tulog namin ng Kuya Fernand mo!" Napatingin ako sa alarm clock na nasa taas ng maliit na mesa ko. Seven-fifty pa lang ng umaga. Napangiwi ako. Magkatabi kasi kami ng kwarto kaya mas naririnig nila ako. "Oh eh di. Congratulations sa'yo. Maaga kang nagising." Pamimilosopa ko. Mabilis kong tinago ang mukha sa unan na hawak ko nang ibato niya ng malakas sa akin ang hawak niya. Tulad ko pareho din kaming natutulog ng late at gumigising sa oras ng tanghalian. Para lang kaming nag-contest pero ako palagi ang panalo dahil alas-dos na ako nagigising samantalang siya naman ay alas-dose. "Bwiset kang babae ka! Tumahimik ka bago pa magising kuya mo." Binelatan ko siya bago siya lumabas ng kwarto ko at padamba pa talagang sinarado ang p***o. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog ulit pero ang mga salitang– Chicharon at kinakain– ang tanging laman ng isipan ko. Bwiset! Matagal na akong napapahiya dahil sa mga ginagawa kong kabaliwan at kung anu-ano pa sa harap ng mga tao pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Iyong tipong kapag maalala ko lang kantang 'yon at ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay para akong mapapaso sa hiya. Pero teka! Bumangon ako. "Bakit siya nandito? Kailan pa siya bumalik dito?" Pagkatapos kasi naming grumaduate ng high school noon at pagkatapos ng break up namin ay sumama siya sa ama niyang Swiss sa bansang matamis– Switzerland. He was my first and last boyfriend na sakristan sa highschool. We've dated for two years at naghiwalay lang kami nang sinabi niyang ipagpapatuloy ang pangarap niyang mag-serve sa Panginoon. Nagalit ako siyempre. Balewala lang pala niya ang mga halikan namin at palitan ng mga laway. Buset! May plano pa lang mag-pari pero pumapag-ibig sa akin. Humiga ulit ako sa kama at nagsisipa na naman sa ere. Wala na. Finish na! Ayoko na! Mas pipiliin ko na lang magmukmok sa kwarto ko at hintayin kung kailan ako kunin. Mas pipiliin ko pang sa St. Peter mag-mission possible para atleast di naman ako masyadong pabigat sa mga gagastusin sa lamay ko. Mas pipiliin ko pang gugulin ang bilang kong mga araw sa pagbili ng maraming kape at asukal sa gagawing sariling lamay. At mas pipiliin ko pang maghanap na ng maganda, makintab at mamahaling kulay pink na kabaong na kakasya sa akin pagdating ng panahon. Mas pipiliin ko pang– Bumangon ako. "Aish! Tama na! Mas pipiliin ko pang kumain na lang bago dumating si Tita." Tama. Dapat kumain na ako ngayon habang wala pa si Tita dahil kapag naabutan niya ako mamaya. Sigurado akong mapepektusan ako n'on sa singit. Iyong pinaka-pinong kurot talaga ang gagawin niya. Binigay ko kasi sa kanya ang cellphone ko kanina at naalala kong hindi nga pala siya marunong gumamit ng touch screen kaya alam kong mas todo ang hiya niya kaysa sa akin. Tumayo ako sa kama. Dahan-dahan akong naglakad papuntang p***o. Nakita ko kasi si Kuya Mark kanina na nagmarunong magluto sa kusina. Busy siya kaya siguro hindi niya ako nakita. Napahawak ako sa tiyan nang maamoy ko ang niluluto niyang chorizo. Napapaisip ako. Masakit na pilipit sa batok o masarap na chorizo? Siyempre, chorizo tayo uy! Nagutom ako kaka-marathon ng isang daang metro mula sa chapel. Muntik pa akong tuluyang mamatay dahil sa puso ko. Pero okay naman siya. Milagro! Hindi ako nahihirapang huminga. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Bumaba ako dahil makikikain ako. Kung ayaw niyang magbigay. Nasa kanya na 'yon kung ayaw niyang sumuka ulit at magmugmog ng isang bottle ng Listerine. "Samantha, ngayon pa lang–" "Oo na. Makikikain lang ako." Putol ko sa kanya habang nagsisimula na siyang umupo sa mataas na kahoy na upuan na parang nakaupo lang sa inidoro habang tumatae– okay erase the tae word. Dahil kakain din ako. Tao din naman akong maarte na nasusuka din kapag naiisip ko ang bagay na 'yan kapag kumakain. Hindi na ako kumuha pa ng plato at tumabi lang sa kanya. Bahagya kong hinila ang plato niya na may lamang kanin at kinamay iyon. Tumigil siya at tiningnan ako ng masama. "Bakit?" Sabi ko habang sumusubo ng kanin gamit ang kamay ko at kumuha ng isang chorizo. "Naghugas ka ba ng kamay mo?" Tanong niya sa akin. "Naligo ako ngayong araw kaya malinis at fresh ako from hair to nails at tanggal lahat pati balakubak at ingrown." "Tsk! Ngayong araw lang. Araw-arawin mo maligo.'' sabi niya at nagsimula na ring kumain. "Shat ap ka lang! Atleast araw-araw naman ako nagto-toothbrush, nagbibihis ng T-back at naghuhugas ng kipay." Sagot ko. Tumigil ulit siya at tiningnan ako ng masama. "Sam!" "Oo na. Oo na. Cease fire ako ngayon dahil nagugutom ako." "Paanong hindi ka magugutom kung ganyan ang suot mo?" Bahagya pa niya akong tiningnan. "Anong kinalaman nitong sexy-ng suot ko?" "Walang sumisimba ng ganyan. Kaya ka siguro nagutom dahil napasma 'yang tiyan mo dahil nalamigan at napasukan ng hangin sa kakatakbo mo." Tatawa-tawang sabi niya. Hindi ko siya pinansin. "Bakit ka ba kasi tumatakbo? Napagtanto mo bang hindi ka bagay doon? O hindi ka makakapasok dahil hindi magkakasya sa p***o ng chapel ang mataas na sungay na dala-dala mo at napapaso ka rin nang makita ang malaking Krus sa harapan?" Pang-aasar niya. Huminto ako sa pag kain. Naiinis ako sa kanya dahil naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Tiningnan ko siya ng masama. Tatahimik lang sana ako eh at ayokong magsasalita ng mga nakakasuka dahil kumakain din ako pero inaasar niya ako. Kumuha ako ng isang chorizo at tiningnan 'yon. Ngumisi ako. "Alam mo na bang ang chorizo ay gawa sa karne ng mga daga? Nagmumukha lang silang giniling na baboy tingnan pero daga talaga sila. Sabi sa balita ang iba daw ay karneng aso ang ginamit. Alam mo yun? Hindi mo ba yun na nakita sa TV Patrol?" Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ako ng masama habang nasa bibig pa ang kanin. "Tumigil ka na. Hindi na ako natutuwa." seryoso niyang sabi. Hindi ako nakinig. Hinawakan ko sa bandang dulo ang Chorizo. Natawa ako sa naisip ko. Bwiset! "Baliw ka ba? Bakit ka tumatawa?" Kunot-noong tanong niya. "Kasi..." Napahawak ako sa tiyan ko. "Bakit nga?" "Naalala mo 'yong mga aso na nakita natin kahapon? Iyong mga aso ng kapitbahay natin... na nagbabayuan sa harapan nating lahat?... Napapansin kong ganitong-ganito din kalaki ang t*ti no'ng aso– ahaha!" Napahawak ako sa tiyan sa kakatawa nang tumayo siya at maduduwal na. Pero bago pa siya makaalis ay hinawakan ko siya sa laylayan ng damit niya. "Tingnan mo. Pareho silang kulay pula na mamasa-masa at jutay– bwahaha!" Pinalo niya ang kamay kong nakahawak sa damit niya at sa lababo na sumuka dahil hindi na siya aabot sa banyo. Natawa ako ng sobra at napahawak sa tiyan pero nang dahil sa ginawa ko ay na-out of balance ako. Nakalimutan kong wala pa lang sandalan ang inuupuan ko kasunod ng isang malakas na kalabog sa sahig. Awtomatikong tumigil kami sa kakatawa. Napahawak ako sa baywang ko. Mabuti na lang at tumama naman ang ulo ko sa tsinelas niya kaya hindi masyadong masakit. Agad siyang lumapit sa akin. "Huy, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya at tinutulungan pa akong tumayo. Nang may marinig kaming malakas na kalabog sa itaas at mga paang galit na naglalakad ay nagtinginan kami sa isa't-isa. Pareho kami ng naisip at sabay pa kaming tumango. "Takbo!" Sabing naming sabi at walang mga tsinelas na tumakbo palabas ng bahay."Baliw ka talaga!" naiinis na sabi ni Ate Julie at hinampas pa ng malakas ang puwet ko habang nakikisabay siya sa amin sa pagtakbo. Sabay-sabay kaming mabilis na tumakbo papuntang balutan kung saan doon nila malapit ipi-nark ang mga motrosiklo nila. "Ibaba mo ako! Kaya ko naman!" sigaw ko kay Christian pero hindi niya ako ibinaba. Sabay-sabay kaming hinihingal lahat nang marating na namin ang balutan at halos sabay-sabay sila na umupo sa sementong upuan na ibinaba ako ni Christian. "Huy! Boang jud kang bayhana ka! Ngano kang niapil? Nagkagubot nuon tungod nimo!" sabi ni Hanna na hinihingal at napapakapit pa sa braso ni Tonyo. (Baliw ka talagang babae ka! Bakit ka sumali? Nagkagulo tuloy dahil sa'yo!" "Oo nga! Buti na lang nakatakas tayo agad. Marami pa namang mga pulis na palakad-lakad doon baka sa presinto tayo pupulutin!" sabi din ni Marilyn na bahagya pang umubo. "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?!" inis na tanong ni Christian sa akin. "Wa na! Naboang na ng bayhana na!"
"Christian matanong nga kita. Babalik ka din ba sa US o dito ka sa pilipinas magpapatuloy?" tanong ni Ate Julie.Naglalakad kaming lahat sa boulevard pagkatapos naming kumain sa balutan. Gusto ko sanang sumama nina Hanna at Marilyn pero hindi naman kami masyadong close nila. Hindi kasi sila iyong tipo ng tao na pareho ni Ate Julie na approachable at isa pa hindi din sila iyong tipo na talagang sasabay sa kabaliwan mo. Sila 'yong mga tipo na normal lang at medyo behave. Kaya wala akong choice kundi kay Ate Julie na lang sumabay kahit na kasabay din si Christian sa kanya."Yeah. I've decided na dito na lang ako mag-aaral dahil dito ko rin naman gustong mag-pari." sagot ni Christian.Ouch! Isa pang masakit na salita bukod sa salitang seminaryo. Pari."Ah! Bakit mo naman gusto dito gayong para sa akin mas maganda naman siguro kong sa ibang bansa ka papasok?""Mas madali kasi akong madalaw ng parents ko kung sakali man. Umuuwi din kasi sila sa Pilipinas every year."Huminto ako sa sagot ni
Nagmamadali akong bumaba ng motorsiklo at tumakbo palapit kay Ate Julie. Inilingkis ko ang kanang braso ko sa kanya.Hinihingal pa akong nagpapa-cute na ngumiti sa kanya nang tingnan niya ako.Umubo ako.Ang hirap ng sakit na 'to dahil kahit konting distansiya lang ay para na akong mamamatay."Okay ka lang?" tanong niya na bahagya pang tinapik ng pagkalakas-lakas ang likuran ko. Mas lalo tuloy akong inubo dahil pakiramdam ko matatanggal na ang lungs ko sa ginawa niya.Tanong niya sa tunog alala pero ang kilos niya, kilos karate."Ano bang meron d'yan sa tanong na 'yan at paulit-ulit ko na atang narinig sa araw na ito?""Aba ewan ko!" natatawa namang sagot ni Ate Julie."Dito na kayo mga inday, mga dodong!""Uy gwapo! Gwapa dito na kayo!""Dito kayo! Kasya kayong lahat dito!"Sabay-sabay na kaway sa amin ng mga tindera sa balutan. Nag-aagawan kasi sila ng mga kostumer. Parang nasa isdaan lang ng palengke.Walang sumagot sa amin dahil iisang stall lang naman ang gusto naming kainan at i
"Oh anong nangyari sa'yo? Bakit hindi maguhit iyang mukha mo? May nangyari ba sa inyo? Nagbalikan ba kayo?" Sunud-sunod na tanong ni Mark na nakahiga sa higaan ng kwarto ko. Mas lalo tuloy akong nainis dahil sa mga tanong niya. "Una, walang nangyari sa'kin kita mo namang buhay pa ako. Pangalawa, hindi ko naman sinabing guhitin mo mukha ko. Pangatlo, walang kami kaya paano kami magbabalikan? Pang-apat umalis ka d'yan!" sabi ko at walang sabi-sabing sinipa siya ng malakas sa bandang puwetan na dahilan ng pagakahulog niya sa hindi naman kaatasang kama. Humiga ako at malalim na napabuntong-hininga. Iyong tipong parang mararamdaman ko na ang butas ng puso ko. Pakshet! Bakit ba kasi ako umiyak? Baka isipin tuloy ng gagong 'yon na may nararamdaman pa ako sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong may nakaraan kayo." "Highschool classmates kami at 'yon ang nakaraan namin. Chismoso ka talaga! Umalis ka nga dito. Mas lalo akong naiinis kapag nakita ko ang pagmumukha mo!" bahag
"Oh akala ko ba mag-uusap kayo? Bakit nakahiga ka lang dito?" Tanong sa akin ni Kuya Mark nang madatnan niya akong nakahiga lang sa kwarto ko pagkatapos ng isang oras. Hindi ko siya pinansin at hinanap ang cellphone ko. "Kanina pa naghihintay 'yong tao sa'yo." Sabi niya na bahagya pang tumingin sa labas sa nakabukas kong bintana kung saan makikita ang de-kawayang upuan sa labas. Tumayo ako at nakitingin din sa labas. Nakikita kong nando'n pa nga siya nakaupo. Lumaki ang mga mata ko nang makita kong nagpipindot na siya sa cellphone ko. "What the hell!" Bulalas ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nagawa ko pang itulak at sipain ng malakas malapit sa bayag ang pinsan ko nang makipaglaro pa siya ng harang-harangan sa harapan ko. "Dahan-dahan ka d'yan baka ma-slide ka na naman!" Sabi pa ni Tita Lusbi. Luh! Eh di wa'g kang maglaba dito. Demonyita! Mabilis akong nakalapit kay Christian at babawiin na sana ang cellphone ko pero mabilis din niyang naitaas 'yon. Ngumiti siya sa ak
"Are you okay?" Yumuko siya at bahagya pang umupo. Kaya mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko. Pero lintek na mga mata 'to kahit anong pikit ko ng mariin ay parang may sariling buhay na bubuka at maninilip. Buset! Idagdag pang kahit anong kalma ko gagalaw at gagalaw pa rin ang talukap ko. "Huy Sam! Pangalawa na 'to. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng pinsan ko na bahagya pang inilapit ang mukha sa akin. "Bumangon ka." Binuhat niya ang ulo ko at patatayuin sana ako pero kinurot ko siya ng pino sa bandang binti niya sabay hila ng matataas niyang balahibo. "Ouch!" Tiningnan niya ako. Sumenyas ako sa kanya sabay nguso ng mga labi ko sa lalaking nakaupo sa bandang kanan ko na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan ng ulo niya. "Ano?" Inilapit pa ni Mark ang tainga sa akin. Ay! Bwesit! Ang bobo ng taong 'to! "Kunin mo ang cellphone ko sa kanya. Pagkatapos buhatin mo ako at itakbo dito." Bulong ko sa kanya at pumikit ulit nang lumayo na naman ang mukha niya. "Why? Is she







