Nagsimula na ring magkawatak-watak ang mga taong nakapalibot. Nagsibalik sila sa pag-iikot-ikot sa showroom na animo'y walang naganap na komosyon.
May halong pagtatakang tiningnan ni Pauline si Luke. "Should we let them leave?" tanong nito. Marahan lang na tumango si Luke. Hindi siya komportable kapag nasa harapan niya ang mga magulang ni Veronica. Sa loob ng mahigit dalawang taon ay hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya ng mag-asawa. Baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili kapag nagtagal pa ang mag-asawang iyon sa kanyang harapan. Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Pauline. Alam niyang gustong-gusto nitong maturuan sila ng leksyon. Gusto niya rin naman sana, kung hindi lang sila mga magulang ni Veronica. Baka isipin pa ni Veronica na dahil sa hiniwalayan siya nito kaya niya nagawang saktan ang mga magulang nito. Nakaramdam naman ng simpatya si Pauline para sa bago nilang Presidente. Bakit tinitiis lang ni Luke ang pangmamaliit sa kanya ng mag-asawang iyon? Ganoon niya ba kamahal ang kanyang kasintahan? Pero hindi maunawaan ni Pauline kung bakit pati sa mga ito ay kailangang itago ni Luke ang kanyang pagkakakilanlan. Kung alam lang ng mga ito ang kanyang tunay na estado sa buhay, paniguradong luluhod pa ang mga ito sa kanyang harapan at hihilinging pakasalan ang kanilang anak. "Mr. Cruise, I'm really sorry for what had happened. Gusto n'yo bang ilagay natin sila sa blacklist ng kumpanya?" tanong nito. Nakataas ang isang kilay na tiningnan ito ni Luke. "Hindi na kailangan," wika niya saka muling ibinalik ang tingin sa sports car. Kapag ginawa nila iyon ay baka isipin ng mga magulang ni Veronica na siya ang dahilan kung bakit sila napagbawalang makatapak ng ENDX Corporation. Lalo na si Roger. Kahit na ganoon ang pag-uugali niyon, alam niyang marunong itong mag-analisa ng mga bagay-bagay. Lalo pa't tinawag siya ng Executive Manager sa magalang na pamamaraan sa harapan nila kahit na security guard lang siya ng kumpanya. Magiging kahina-hinala kapag nalagay sila sa blacklist nang dahil lang sa ginawa nila kanina. "At hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Ako pa nga dapat ang magpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo. Salamat." nakangiting wika niya. "Y-you're welcome Mr. Cruise." tugon ni Pauline pagkatapos ay mabilis na nag-iwas ito ng tingin. Bahagya pang pinamulahanan ito ng pisngi. Makaraan ang ilang sandali, tumunog ang cellphone ni Luke. Dinukot niya ito sa kanyang bulsa at nakita sa screen ang isang hindi pamilyar na numero. Gayunpaman ay sinagot niya pa rin ito. "Sino 'to?" "Hello, Young Master, pasensya na kung naabala man kita sa ginagawa mo. Ako nga pala si Philip Garcia," pakilala nito. Mababatid sa boses nito ang medyo pagkagalak na pilit nitong itinatago sa mahinahon nitong boses. "Si Lord Duncan ito mismong nagbigay ng numero mo sa'kin. I've been working for him for more than thirty years. Your grandfather entrusted me with the responsibility of being the President of Light Metrobank Incorporated. I called you just to inform you na pwede mo na ulit ma-access ang mga assets mong nakadeposito sa Light Metrobank." Saglit na natigilan si Luke matapos marinig ang paliwanag ni Philip. Ang buong akala niya ay si Bernard na itong pinakamatagal nang naninilbihan sa kanyang lolo. Hindi niya akalaing mas may higit pa pala at bukod pa rito ay isa rin si Philip sa tinitingalang makapangyarihang negosyante sa balat ng lupa, hindi nga lang maikukumpara kay Bernard. Pero syempre, hindi iyon ang pinakarason kung bakit siya natigilan, kung hindi ay ang tinutukoy ni Philip na assets niyang ngayon ay pwede na niya ulit magamit. Kung hindi pa ito tumawag ay hindi niya pa maaalala ang tungkol doon. "Ibig bang sabihin ay pagmamay-ari din ni lolo ang Light Metrobank?" tanong niya kay Philip. Kagaya ni Philip ay kontrolado lang din ang kanyang boses upang hindi maipahalata sa kausap ang kanyang pagkagalak. Napataas ang mga kilay ni Philip. "Yes Young Master, Lord Duncan is indeed the owner of Light Metrobank. I'm surprised that you're not aware." sagot nito saka mahinang natawa. Maging si Luke ay mahina ring natawa. Nabanggit ng kanyang lolo sa kanyang may iba pa silang kumpanya bukod sa ENDX Corporation at pumapang-apat lang ito sa ranggo. Pero sigurado siyang higit na mas mababa ang Light Metrobank kumpara sa ENDX Corporation pagdating sa total networth. Anong mga kumpanya ang nangunguna? Ang isipin iyon ay mas lalo pang nagbibigay ng katanungan sa kanya kung gaano nga ba talaga kamakapangyarihan ang kanilang pamilya. "Nabanggit sa'kin ni Lord Duncan na nasa Quezon ka ngayon. Alam mo naman siguro ang branch sa Downtown, hindi ba?" tanong ni Philip. "Opo. Sa katunayan ay nandito ako ngayon sa ENDX Corporation." sagot ni Luke. Ilang minutong sakay lang ng dyip iyon mula rito sa ENDX. "That's great. Pagkarating mo do'n ay hanapin mo lang si Louis Rivera at sabihin mo lang sa kanya ang pangalan mo. He's a friend of mine and he's also the Senior Manager of our bank. Kilala ka na niya at alam na niya ang kanyang gagawin. I'm sure matutuwa siyang makita at matulungan ka." malugod na wika ni Philip. "For now, 'yan lang ang maitutulong ko sa'yo Young Master, I would also like to assist you personally but unfortunately, I'm here in Chicago right now dahil sa mga importanteng bagay. I hope you understand. And also, I would like to congratulate you dahil sa tagumpay mong natapos ang poverty training mo. I can't wait to work with you in the future, Young Master Cruise!" sambit pa nito, hindi na naitago pa ang pagkagalak sa boses nito. "Ayos lang, nauunawaan ko at maraming salamat. Pero pakiusap, Luke o Mr. Cruise nalang ang itawag mo sa'kin sa hinaharap." mapagkumbabang wika ni Luke. "You're too humble Young Master. You're just like your Grandfather." papuring sambit ni Philip pagkatapos ay mahinang natawa. "Calling you by your name is inappropriate, I'll agree with Mr. Cruise then." "Okay." Pagkatapos patayin ni Luke ang tawag ay nilingon niya si Pauline. Halos matawa siya sa naging reaksyon nito nang makitang mabilis itong tumalikod at dahan-dahang naglakad papalayo na kunwari ay hindi ito nakinig sa usapan nila ni Philip. "Alam kong nakinig ka sa usapan namin. Ayos lang, hindi mo kailangang magkunwari." sambit niya na sinundan ng mahinang pagtawa. "Uh-huh?" Nagmamaang-maangang nilingon ni Pauline si Luke. "A-anong usapan?" "Sige na, sabihin mo nang nakinig ka. 'Wag kang mag-alala, hindi ako galit." Saglit na tinitigan muna ni Pauline ang mukha ni Luke bago nahihiyang iniyuko ang ulo. "I'm really sorry, Mr. Cruise. I didn't mean to eavesdrop. Promise hindi na mauulit." may pag-aalala sa boses na sambit nito. Nagtataka na lamang ang ibang nakakakita sa ginagawa ni Pauline. Kung iisipin nila nang tama ang sitwasyon ay ipagpapalagay nilang humihingi ito ng tawad kay Luke. Pero sino naman ang maniniwala sa ganoon? Executive Manager si Pauline ng ENDX Corporation samantalang guwardya lang si Luke ayon sa kanilang narinig kanina. "Ayos lang, gaya nga ng sinabi ko, hindi ako galit." nakangiting wika ni Luke. Sa tingin niya ay ayos lang din namang malaman ni Pauline ang tungkol sa pinag-usapan nila ni Philip kaya hindi na siya nag-abalang dumistansya pa para ilihim ang kanilang pag-uusap. Tutal ay alam na rin naman ni Pauline na siya ang presidente ng ENDX Corporation. Agad namang lumuwag ang paghinga ni Pauline saka muling tiningnan si Luke na punong-puno ng paghanga. Napakayaman naman talaga ng pamilya nila. Hindi nito akalaing pati ang Light Metrobank Incorporated ay pagmamay-ari din ng pamilya ni Luke. 'Napakayaman, napakabait, at napakagwapo ni Mr. Cruise, and yet, napunta lang siya sa babaeng may halimaw na magulang. Paniguradong gano'n din ang ugali ng babaeng 'yon. Hmmp!' sambit ni Pauline sa isip nito habang nakanguso. "Sa tingin ko ay kailangan ko nang umalis. Ipagpatuloy nalang natin 'to sa sabado." wika ni Luke pagkatapos ay ilang segundong pinagmasdan ang pulang sasakyan. "Bibisita nalang ako rito tuwing weekend para sa pag-i-ensayo ko. Pakihanda nalang din ng uniporme ko bilang security guard." dagdag pa niya. Tumango-tango si Pauline habang direktang nakatitig sa mukha Luke, tila sinusulit ang pagkakataong iyon. "Samahan na kita Mr. Cruise palabas," mungkahi nito pero tinanggihan ito ni Luke. Hindi naman nagpumilit pa si Pauline sa halip ay parang tulala lamang itong nakatingin sa papalayong katawan ni Luke. "I'll do my best to seduce you, Mr. Cruise." bulong nito sa sarili na sinundan ng mahinang paghagikhik. Pasado alas-onse na nang makarating si Luke sa Light Metrobank. Bago siya makapasok ay mapapansin ang dalawang guwardyang nakatayo sa magkabilang bahagi ng entrance. Matangkad ang mga ito na may malalaking pangangatawan. Nakasuot ang mga ito ng shades habang parehong may hawak na shotgun at may nakasukbit na handgun sa kani-kanilang tagiliran. Sa kabutihang palad, walang pakialam sa kanya ang mga ito kaya nilampasan niya lang ang mga ito. Pero pagkalagpas niya ng revolving door, isang magandang babae ang agad na sumalubong sa kanya. Halos magkasingtangkad lang sila at medyo kulot din ang itim na itim na buhok nito. Bumabagay iyon sa kayumangging kulay ng balat nito. Sa kanang bahagi ng dibdib nito ay nakaborda ang pangalang 'Monique' sa uniporme nito. Isa itong bank teller. Bago pa man ito tuluyang makalapit kay Luke ay napahinto ito kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito nang makita ang kanyang kasuotan. Saglit na tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa ng lalaking ito sa ganitong klaseng lugar?" tila nandidiring bulong nito sa sarili pero dinig pa rin iyon ni Luke. "May problema ba Miss?" tanong niya habang bahagyang nakataas ang kanyang mga kilay. Syempre alam niya na kung anong mali; iyon ay ang kanyang kasuotan. "Anong kailangan mo? Naliligaw ka ba? Alam mo ba kung anong lugar 'to? Nandito ka ba para manghingi ng pananghalian? Nakikita mo ba 'yong nakasulat sa pader sa likod?" sunod-sunod na tanong nito pagkatapos ay itinuro ang malaking pangalan ng Light Metrobank sa bandang likuran ng reception. "Teka, nandito ako pa—" hindi pa nga halos nangangalahati ang gustong sabihin ni Luke ay agad na nagsalita si Monique. "Yes, it's Light. Met. Ro. Bank. Can't you read?" wika nito sa mataray na boses. Ganoon din ang ekspresyon ng mukha nito. "A-alam ko. Kaya nga nandi—" "Then get the hell out of here!" muling putol nito kay Luke. Kahit mahina ang boses nito ay makikita ang gigil doon. 'How dare he enter in this kind of place? Kailan pa naging lugar pasyalan 'to?' inis na tanong nito sa isip, dismayado sa biglaang pagsulpot ni Luke sa lugar na iyon. Kapag nakita ito ng ibang kliyente ay siguradong makakaapekto ito sa reputasyon ng bangko. Para lamang sa mayayaman at mapeperang tao ang bangkong ito. Kapag nakita nila ang ganitong klase ng taong pakalat-kalat sa loob ng gusali, baka magreklamo sila sa Manager. At syempre, dahil si Monique ang teller na naka-assign sa entrance, at siya ang unang nakakita kay Luke, responsibilidad niyang paalisin ito. Kung hindi ay siya ang malilintikan. Sumeryoso ang mukha ni Luke pagkatapos ay nameywang. "Pwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag? Nandito ako para makausap si Mr. Louis Rivera. Pwede bang pakisabing may naghahanap sa kanya?" Kahit na medyo iritable ay kalmado pa rin ang kanyang boses. "What? You're looking for the Senior Manager?" Gulat na tanong ni Monique kasabay ng pagpapakawala ng hangin sa ilong. Hindi ito makapaniwalang may isang mukhang pulubing naghahanap sa kanilang Senior Manager. "Oo." kaswal na tugon ni Luke sabay nagkibit ng balikat. Hindi alam ni Monique kung matatawa ba ito o magagalit nang husto. Ang bagay na mas inaalala nito sa ngayon ay baka makita ng Manager nila si Luke at paniguradong siya ang mapapagalitan. Ayaw nitong maniwala sa sinasabi ni Luke dahil para dito ay hindi naman talaga iyon kapani-paniwala. May mataas na reputasyon si Louis sa kanilang syudad kaya hindi na nakapagtataka kung kilala man ni Luke ang kanilang Senior Manager. Kinuha nalang ni Monique ang kanyang wallet pagkatapos ay kumuha ng one hundred-peso note at iniabot iyon kay Luke. "Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Luke. "Pera malamang! Ngayon umalis ka na. 'Wag mo sabihing kulang 'yan?" naiinis na sambit nito. Si Luke itong minamatapobre nito pero ito pa ang mas iritable sa kanilang dalawa. Napasimangot si Luke. 'Iniisip ba ng babaeng ito na nandito ako para mamalimos ng pambili ng pagkain?' Halos matawa siya sa kanyang sarili nang maisip iyon. Naalala niya ang ibinungad sa kanya ng dalawang guwardya kanina. Kailangan bang magara muna lagi ang kasuotan bago itrato nang maayos? Napabuntong hininga nalang siya saka iginala ang kanyang paningin. Nagbabakasakaling baka may makita siyang ibang pwedeng kausapin. Sa kabutihang palad ay nakita niya ang isa pang teller na nasa mismong reception. "What're you waiting for? Get lost!" mahinang sigaw ni Monique habang nakaturo sa exit pero hindi na ito inimikan ni Luke. Sa halip ay ibinalik niya rito ang isang daan pagkatapos ay nagsimulang maglakad patungo sa counter. Ilang beses na napakurap-kurap ang mga mata ni Monique nang lampasan lang ito ni Luke. Muntik pa nitong hindi masalo ang isang daang inihagis ni Luke. 'Is this guy for real?' Pero hindi pa man tuluyang nakakalayo si Luke ay muling humarang sa kanya si Monique. "What are you thinking?" Gulat na tanong nito. Hindi ito makapaniwalang desidido talagang makapasok si Luke. "Guard!" Hindi na ito nagpigil pa ng boses at tumawag agad ng guwardya. Saglit lang ay isang guwardya ang rumesponde sa kinaroroonan nila. Nakita nitong hinaharangan ni Monique ang isang lalaking sa unang tingin ay masasabi na kaagad na hindi kliyente ng kanilang bangko. Agad na naunawaan nito ang sitwasyon. "Sir, pasensya na kayo pero bawal kayo rito sa loob." walang pag-aalinlangang wika ng guwardya pero maging ito ay hindi pinansin ni Luke sa halip ay tinawag niya ang babaeng nasa likod ng counter na kasalukuyang may kausap sa telepono. "Hey miss, excuse me!" tawag niya pero saglit lang itong nag-angat ng tingin sa kanya saka muling ibinaling sa kausap sa telepono ang atensyon. Tila walang pakialam sa kanya. Ayos. Bakit itinuturing ng lahat na isa lang siyang walang kwenta dahil lang sa kanyang pananamit? Kasuotan na ba talaga ang basehan ngayon kung may pera man o wala ang isang tao? Kasuotan na ba ang basehan kung pagsisilbihan nila ang kanilang potensyal na kliyente? Nang puntong iyon, dalawang lalaki ang masayang nag-uusap ang napadaan sa kanilang kinaroroonan. Parehas na napahinto ang mga ito nang makita ang nahintong komosyon sa tapat ng reception. Napatitig sa mga ito sina Luke, habang si Monique ang tila may pinakanababahalang ekspresyon sa kanila. "What's going on here?" tanong ng isa sa mga ito. Isa itong middle-aged na lalaki na nakasuot ng black suit. Base sa awtoridad ng boses nito ay natitiyak ni Luke na may posisyon ito sa bangko. Katabi nito ang isang lalaki na higit na mas bata rito. Medyo naningkit pa ang mga mata ni Luke habang pinagmamasdan ang tila pamilyar nitong mukha. 'Nagkita na ba kami noon?' tanong niya sa kanyang isip. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng middle-aged na lalaki nang dumapo kay Luke ang tingin nito.Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua