"M-Mr. Baltazar!" kinakabahang mahinang bulalas ni Monique. Mas tumindi pa ang takot nito nang tapunan ito ng lalaki ng masamang tingin bago inilipat kay Luke ang tingin nito sa magkasalubong na kilay.
Hindi man ito umiimik ay sinasabi na ng paraan ng tingin nito kung ano ang iniisip nito habang tinitingnan nito si Luke. Puno iyon ng panghuhusga. Ang lalaki ay si Noel Baltazar, ang manager ng bangko. "I-I'm... so sorry Mr. Baltazar. Ginawa ko na po ang lahat para mapigilan ang lalaking 'to na makapasok, p-pero..." pagpapaliwanang ni Monique sa nanginginig na boses pero napahinto ito nang senyasan ito ni Noel na lumapit sa kinatatayuan nito. Sa mabilis at maliliit na paghakbang ay agad na lumapit si Monique rito. "Listen to me. Nakikita mo ba kung sino itong lalaking kasama ko ngayon?" bulong na tanong ni Noel. Saglit namang tiningnan ni Monique ang lalaking katabi ni Noel. Hindi niya ito kilala at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya. Ngayon lang marahil ito pumunta sa kanilang bangko. Pero sa unang impresyon ay masasabi niyang isang ubod nang yaman ang lalaki. "That's right! He's the son of one of the top clients of Light Metrobank!" sambit ni Noel na para bang nabasa nito ang iniisip ni Monique. "Ganitong uri lang ng tao ang pinapapasok natin sa bangkong ito. Bakit may ganitong tao sa loob ng building?" dagdag nito sabay turo kay Luke. Kasabay ng pagbagsak ng balikat, napataas ang mga kilay ni Luke nang marinig ang sinabi ni Noel. Kahit pabulong lang ang paraan ng pagsasalita nito ay syempre dinig niya pa rin iyon at mukhang sinadya talaga nitong iparinig iyon sa kanya. Hindi niya mapigilang madismaya sa inaasta ng manager. Natahimik lang si Monique sabay napayuko. Naipaliwanag na niya ang dapat niyang ipaliwanag. Mas malilintikan lamang siya kapag inulit niya pa ang kanyang ipinaliwanag. "You, take him out!" utos ni Noel sa guwardyang katabi ni Luke. "At Ikaw, mag-uusap tayo mamaya." baling na sambit nito kay Monique. Hindi na nagsalita pa si Monique sa halip ay tinanggap nalang sa sarili ang kanyang kapalaran. Binalingan nito si Luke ng masamang tingin. 'It's all because of this guy,' inis na sambit nito sa isip nito. "Let's go to the office Mr. Gregory. 'Wag mo nalang silang pansinin." nakangiti na ngayong sambit ni Noel sa kasama nito. Agad na napakunot ang noo ni Luke nang marinig niya ang sinabi ni Noel. Mr. Gregory? Muntik na siyang matawa nang maisip kung sino ang lalaking kasama ngayon ni Noel. Bakit nga ba hindi sumagi sa isip niya ang mukha ni Richard nang tila mamukhaan niya ang lalaki kanina? 'Kapatid ba ng mokong na 'yon ang lalaking 'to? Pagkakataon nga naman.' natatawang wika niya sa kanyang isip. "Teka saglit," tawag niya sa mga ito. "Nakalimutan ng babaeng ito na sabihin sa'yong naparito ako para makipagkita kay Mr. Louis Rivera. May importante lang kaming pag-uusapan." kaswal na wika niya sa diretsang mukha. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang isipin nila sa kanya nang dahil lang sa nakasuot siya ng ordinaryong damit. Pagkarinig sa sinabi ni Luke ay napahinto agad si Noel pati na rin ang kasama nito. Naniningkit ang mga matang nilingon ni Noel si Luke, tila inaalisa sa isip ang narinig. Nang makita ang ekspresyon ng mukha ni Noel ay bahagyang natawa ang lalaking katabi nito. Pinasadahan din nito ng tingin si Luke mula ulo hanggang paa. 'Sino ang niloloko ng lalaking ito? Kahit nga ako, na anak ng pang-apat na pinakamayamang pamilya sa buong Quezon ay hindi man lang pinaglaanan ng oras ni Mr. Rivera, ang lalaki pa kayang ito?' sambit ng lalaki sa isip nito na sinundan ng nakalolokong ngisi habang nakapameywang. "Pakiulit ng sinabi mo?" sambit ni Noel. Itinapat nito ang tainga nito sa direksyon ni Luke sa nang-uuyam na paraan. "Ang sabi ko, nandito ako para makipagkita kay Mr. Louis Rivera. Mahina ba ang pagkakasabi ko o sadyang... bingi ka lang?" medyo naiinis na sambit ni Luke dahil sa hindi man lang siya nito binigyan ng atensyon o tinanong man lang kung anong pakay niya sa kanyang pagpunta. Agad na nagbago ang timpla ng mukha ni Noel dahil sa narinig. Tinawag ba siya nitong bingi? May ideya ba ito kung sino ang kanyang kausap? Sa tingin ba nito ay magkapantay lang sila ng estado sa buhay? Napanganga naman ang mga taong nakarinig ng sinabi ni Luke. 'Nagawa ba talaga ng pulubing itong insultuhin si Mr. Baltazar? Nababaliw na ba ang lalaking ito?' "I see," galit na napangisi si Noel. "You're looking for Mr. Rivera, huh?" dahan-dahan itong humakbang papalapit sa kinatatayuan ni Luke. Si Monique naman ay unti-unti ring napaatras. Base sa ekspresyon ng mukha ni Noel at base na rin sa pagkakakilala ni Monique sa ugali nito, sigurado siyang pagsisisihan ng pulubing kaharap nila ngayon ang pagtawag nito ng bingi sa kanilang bank manager. Naiiling nalang na tiningnan nito si Luke. "Tsk, talaga nga namang naghahanap ng kapahamakan ang ang isang 'to." pabulong na wika nito sabay inis na nagpakawala ng hangin sa ilong bago tumabi sa kapwa nito bank teller. Pagkalapit ni Noel ay saglit pa nitong tinitigan sa mukha si Luke, sinusubukan siyang intimidahin. Tila lumamig ang buong reception area dahil sa awrang binibigay nito kasabay ng ilang saglit na katahimikan. "Senior Manager Rivera is now currently in his office, and waiting for someone that is very, very far more important than you," wika nito, ang lamig ng tono ng pananalita nito ay nagbigay ng takot sa mga empleyadong naroon. "And that's a Super VIP Client. Do you really think na makakagala ka sa buong building na ito dahil lang sa kilala mo si Mr. Rivera? Not every human being in this city na nakakakilala kay Mr. Revira, ay kilala niya rin. Especially those people like you." dagdag pa nito habang idinuduro ang dibdib ni Luke. Kahit na dahan-dahan lang ang paraan ng pananalita nito ay mapupuna ang matinding pagkasuklam at pagkairita roon. Nalaman ni Noel mula mismo kay Louis na may importanteng kliyenteng pupunta ngayon sa kanilang bangko. Nabanggit din nitong nagmula ito sa makapangyarihang pamilya. Mahigit isang oras lang ang nakalipas ay may dumating ngang naghahanap kay Louis, pero kabaliktaran naman ito ng tinutukoy nito. Kahit pakainin man ngayon si Noel ng dumi ng aso ay siguradong-sigurado siyang hindi ang pulubing lalaking nasa harapan nila ngayon ang tinutukoy ng kanilang senior manager. "Maybe hindi lang pulubi ang isang 'to, kun'di ay kakalabas lang ng mental hospital." nakatawang sabat ng lalaking kasama ni Noel. "Oh wait! Don't tell me takas ka lang?" dagdag pa nito habang mapang-inis na pinagmamasdan si Luke. "Yeah you're probably right, Mr. Gregory. Hindi na dapat pinag-aaksayahan pa ng oras ang mga taong katulad ng isang ito." pagsang-ayon ni Noel. "Call the other security guards and drag this poor little bastard outside. Give him a good beating bago n'yo paalisin nang hindi na 'yan bumalik pa rito." utos ni Noel. Kailangang mapaalis niya kaagad ang pulubing ito sa loob ng bangko. Ayaw niyang magkaroon ng hindi magandang impresyon sa bangko ang kliyenteng hinihintay ni Louis. Anumang oras ay maaaring dumating na ito. Napakuyom ang kamao ni Luke. Gustong-gusto niyang turuan ang mga ito ng leksyon at sabihin sa kanilang ang bangkong ito ay pagmamay-ari ng kanyang pamilya. Hindi makatwiran ang ipinapakita nilang pag-uugali. Pero mas pinili niya pa rin ang kumalma. Paniguradong hindi nila gugustuhing makita kung paano siya magalit. "Hindi na kailangan," pagsuko niya pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga at tumalikod upang tumungo ng exit. Mayroon pa namang mamaya para sa mga ito. Sa ngayon ay tatawagan niya nalang muna si Philip para hingin ang numero ni Louis. Hahakbang na sana siya palabas nang magsalita si Noel. "And where do you think you're going? Sa tingin mo ba ay hahayaan nalang kitang umalis after the trouble you've caused?" pasigaw na sambit nito. Pinandilatan nito ng mata ang guwardyang naroon. "Grab him! If you let this bastard leave, kayo ang malilintikan sa'kin!" bulyaw nito. Saglit lang ay nagsidatingan na rin ang iba pang guwardya na tinawagan ng guwardyang naroon gamit ang radyo nito. Nalaglag ang balikat ni Luke. Alam niya na kung saan ito tutungo. Pinili niyang maging mapagkumbaba sa ngayon para lang maiwasan ang gulong magaganap. Pero naghuhukay naman ng sariling libingan ang aroganteng manager na ito. "Iniisip siguro ng basurang ito na basta-basta nalang siya makakatakas." tumatawang sambit ng lalaking kasama ni Noel. "Kung ako siguro ang ginalit nito, paniguradong hindi lang bugbog ang aabutin nito kun'di pati langit." dagdag pa nito. Napataas ang kilay ni Luke dahil sa sinabi ng lalaki pagkatapos ay nilingon niya ito. Talaga? Ganoon ba ito kamakapangyarihan kaya mas nirerespeto ito ni Noel kaysa sa kanya? Malamig na napaismid siya. "Tingnan natin ang tungkol sa bagay na 'yan," saad niya habang direktang nakatingin sa lalaki. "Y-you..." Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki nang makitang parang hinahamon siya ni Luke. Anong karapatan ng basurang ito na magpanggap na matapang sa harapan niya? Iyon ba ay dahil sa hindi nito alam na isa siya sa anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa syudad ng Quezon? Baka manginig ito sa takot kapag nalaman nito kung sino ang kanyang inaangasan. "Wala kang karapatang kausapin ang katulad ko! How dare you to speak like that in front of me? Do you know who I am?" galit na sigaw ng lalaki. "Bakit, hindi mo ba kilala ang sarili mo? Bakit ako ang tinatanong mo?" pamimilosopo ni Luke habang nagtaas-baba ang kanyang balikat. Nagulat ang lahat sa naging sagot ni Luke. Saan nakukuha ng pulubing ito ang lakas ng loob na bumangga ng makapangyarihang tao? Kahit na mismo si Noel, na iritang-irita na dahil sa presensya ni Luke roon, ay hindi maiwasang maintriga sa inaasal nito. Alam niya kung gaano kamakapangyarihan ang pamilya Gregory. Kahit na siya mismo ay hindi maglalakas loob na magsabi ng kahit na anong bagay na makakainsulto sa sinumang miyembro ng pamilya nito. Pero ang lalaking nasa harapan nila ngayon ay tila walang pakialam sa kung sinuman ang kausap nito. O baka naman sadyang wala lang itong pakialam sa sarili nitong buhay kaya naghahanap na ito ng katapusan nito. "I think you're not looking for Mr. Rivera. Maybe what you are looking for... is death." naiinis na nakangising sambit ni Noel. "For your information, brat, the one you're talking to is Reynold Gregory. He's the eldest son of the Gregory family at ang kanilang pamilya ay ang pang-apat sa pinakamayamang pamilya sa buong syudad ng Quezon. Konektado din ang kanilang pamilya sa underground society kaya kung ako sa'yo, mag-ingat ka sa pananalita mo." wika nito sa may pagmamalaking tono. "Oh?" tanging reaksyon lang ni Luke sa kabila ng babala ni Noel. Nasaan ang pake niya? Gayunpaman ay hindi niya maiwasang matawa sa pagiging mapagbiro ng tadhana. Hindi niya akalaing matapos ng nangyari kanina sa cafeteria sa kanilang paaralan ay makikita niya rito ang kapatid ni Richard. Ibig sabihin lang nito ay sumasang-ayon sa kanya ang kalawakan. Dahil sa ang pagkakataon na mismo ang nagpresinta sa sarili nito, bakit hindi niya pa ito samantalahin? Kay Reynold niya ibubuhos ang galit niya kay Richard. Tutal ay mukhang gusto rin naman ni Reynold mangyari iyon. Nang makita nila ang reaksyon sa mukha ni Luke, at saglit nitong pagkatahimik ay inisip nilang baka takot na takot na ito sa kalooban nito dahil sa kanyang nalaman. Lubos na napangiti si Noel na para bang nagtagumpay itong matakot si Luke. "You're afraid now, aren't you?" tanong nito habang may malawak na ngiti sa labi. "Oh boy, mali ka ng inangasan. Kung luluhod ka ngayon sa harapan ko at hahalikan mo ang sapatos ko ay baka maawa pa ako sa'yo." mayabang na sambit ni Reynold pagkatapos ay ipinaunahan nito ang isa nitong paa at inilahad ang makintab nitong itim na sapatos. Saglit iyong tinitigan ni Luke habang may blangkong ekspresyon sa mukha. Sa loob ng tatlong taong pagsasanay niya bilang isang mahirap ay sanay na siya sa mga taong katulad ni Reynold. Makaraan ang ilang saglit ay marahan siyang lumapit dito. Nakasunod lang ang tingin nila sa kanya dahil sa pag-aakalang gagawin niya nga ang gustong mangyari ni Reynold. Ngunit nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari. Isang mapwersang kamay ang lumapat sa pisngi ni Reynold, na walang ibang may gawa kung hindi si Luke mismo! Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa buong reception. Lahat hindi makapaniwala sa kanilang nakita. Seryoso? Nagawa ba talaga ng pulubing ito na sampalin ang isa sa anak ng pamilya Gregory? "How dare you to—" *Smack!* Isa pang sampal ang muling natanggap ni Reynold mula kay Luke na mas ikinaawang ng bibig ng ilan. Maliban kay Reynold ay hindi agad natunaw ng iba sa kanilang isipan ang kanilang natunghayan. Halos lahat nanigas sa kanilang kinatatayuan. Lalong-lalo na si Noel na siyang nasa tabi lang ni Reynold. 'W-what has just happened?' hindi makapaniwalang sambit nito sa isip nito. Si Reynold itong sinampal ni Luke, pero parang naramdaman din iyon ni Noel. Si Reynold, na mayroong hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha, ay nagsimulang humakbang paatras habang hawak-hawak ang namamaga nitong pisngi dahil sa matinding takot. Nawala lahat ng hambog nito sa katawan nang puntong iyon, lalo na nang magtagpo ang tingin nila ni Luke. Wala itong ibang makita sa mata ni Luke kung hindi ang galit at kagustuhan nitong gulpihin siya na para bang may personal itong galit sa kanya. 'T-this man is really cra— sh*t!' Hindi pa nga nakakabwelo ang katawan ni Reynold nang muling mag-umpisang humakbang si Luke. "D-do something!" medyo paos nitong sigaw pero walang nag-abalang kumilos. Nang lingunin nito si Noel ay nakita nitong nakatulala lang ito habang hawak-hawak din nito ang pisngi. "Mr. Baltazar!" muling sigaw ni Reynold. Saka lang nagbalik sa sariling diwa si Noel. Ilang beses pa itong napakurap bago muling bumalik sa pagiging mabangis ang mukha nito. "What the hell are y'all doing? Bakit nakatayo lang kayo? Stop him!" pasigaw na utos ni Noel sa mga guwardya. "Beat him to death! He wants to die anyway. 'Wag kayong mag-alala, sagot ko kung anumang mangyari sa bastardong 'yan!" Saglit pang nagkatinginan ang mga guwardya sa isa't-isa bago napagdesisyunang lapitan si Luke na nakay Reynold lang ang atensyon. Kahit na hindi nila gusto ang ipinapagawa ni Noel, wala silang ibang pagpipilian kung hindi ang sundin ito. Pero nakakailang hakbang palang ang mga ito nang bumukas ang pinto ng elevator at iniluwa nito ang isang lalaking may seryosong ekspresyon sa mukha. "What's going on here?" Kalmado pero maawtoridad na boses ang nagpahinto sa lahat ng naroon.Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua