Share

CHAPTER 14

ERIN'S POV

Maagang umalis si Syd, kaya hindi ko agad siya nakausap. Bukas ang flight namin papuntang Spain, kaya naman nagre-ready na siya.

Lumipas lang naman ang araw na wala akong ginawa. Nakakapagod rin pala magpahinga. 

Lumabas na lang ako at naglakad-lakad. Pumunta akong ckub house, magrerelax na lang ako doon. Baka sakaling matanggal ang bored ko. 

Maya-maya lang, hindi ko inaasahan na makikita ko si Trina. What she's doing here?

Nagulat ako ng kapitan niya sa braso ang isang lalaki. He's look familiar! Yes! Home owner din siya rito sa South ridge! Another boy na naman? 

And sa pagkakaalam ko ay asawa niya yung babaeng madalas kong nakakasalubong.

Natawa na lang ako, at talagang pinanindigan niya talaga ang pagiging kabit? Umiling ako bago ako lumakad. Palabas na ko ng club house ng mag-text si Sabbey.

Punta raw ako saglit sa Starry, alas sais na. Mabilis naman akon pumuntang bahay at kinuha ang kotse ko. Tamang-tama wala pa si Syd. Minadali kong pumunta doon. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapag-beauty rest.

Nakarating ako sa Starry. Wala pang tao dahil nagaasikaso pa lang sila.

"Sab, what's the problem?' tanong ko sa kaniya.

"Wala naman pero may nakalimutan kang pirmahan na documents. Nasa ffice mo lahat ng kailangan pirmahan. Konti lang yon," sabi niya pa

Dumiretso ako sa office at nakita ko doon ang folder. Mabilis kong pinirmahan ang mga iyon. About sa sales report ng bar. Matapos kong pirmahan ang lahat. Lumabas na ako. Baka hinihintay na ako ni Syd sa bahay.

"Sab, I'm done," sabi ko sa kaniya.

"Ayun, salamat naman. O siya magpahinga ka na. At bukas na ang flight niyo," sabi niya at umarteng naiiyak.

"Anong arte yan?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Namimiss lang kita, masama?" sabibniya at nag-pout pa.

"Para namang hindi ako babalik dito, sira. Malamang tatawag ako para kamustahim ka," sabi ko oa.

Niyakap niya ko. Hinayaan ko na lang. Minsan lang yan magdrama ng ganiyan. Masaya ako, kasi makakalayo na kami rito. Especially Nadia. Malalayo ko na ang asawa ko sa kaniya. 

Medyo napagod din ako kakapirma doon, kaya naman iminom muna ko ng konti. 

Alas syete na pala, pero wala pa ring text si Syd sa akin. Ano kayang nangyari? Baka naman isu-surprise niya ako dito? Baka mamaya naghihintay lang yon sa may parking.

Nakarating ako sa parking pero wala naman doon si Syd, nakakapagtaka lang at hindi siya nagtetext o tawag man lang.

Kaya naman minabuti ko nang umuwi. Baka kanina pa ako hinihintay non. Nakarating ako sa gateng South Ridge. May babae doong naghihintay sa labas.

She looks familiar, pero laking gulat ko nang maaninagan ko siya.

It's Trina! Ano na namang ginagawa niya? Bakit ba lagi ko siyang nakikita rito? Pero imposible namang dahil yon sa jowa niyang may asawa dahil wala dito yung lalaki.

Bumaba naman ako nang marinig ko na nag-aaway sila ng guard.

"Ma'am pasensya na po, pinagbabawalan na po kayong pumasok dito sa loob," sabi ng guard.

"Then why?! How dare you to do that things to me!" sigaw niya sa guard.

Naka-cross arm akong nakatayo sa likod niya.

"Stop messing our village, Trina. Walang lugar ang mga katulad niyo rito," sabi ko habang naka-cross arm sa kaniya. 

Lumingon siya at nagulat ng makita ako. Pero bigla rin iyong nagbago.

"So you're here? HAHAHAHA! Good timing," sabi niya na medyo nagpagulo sa isip ko.

" Of course! I am one of the home owners in this village. A legal wife. That's why a mistress like you, a garbage is not fitted here! Sa madaling salita hindi tapunan ng b****a ang lugar na ito," mataray na sagot ko.

Nagulat ako ng ngumisi pa siya. Seriously? Ano bang kinakangisi niya? Nakakairita pag nakaganiyan siya, promise.

"Stop smirking, Trina. Hindi bagay. Amoy kabit ka pa rin," sabi ko pa. Aalis na sana ako ng magsalita siyang muli.

"Well, let's see. Huwag mo kong yabangan, Erin. Baka bukas magising ka na lang, wala ka nang asawa." 

Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya alam kong nakangisi siya. 

"If I were you, bibilisan ko nang umuwi."

Muli akong tumingin sa kaniya. Masamang tingin ang ibinato ko.

"What did you say?" galit na tanong ko. Nakita ko siyang ngumiti lang.

Pero bigla akong kinutuban sa sinabi niya. Mabilis akong pumasok ng kotse at pumasok sa village. Minadali ko ang pag-drive pauwi. Bakit parang hindi maganda ang tono ni Trina kanina? Among nangyayari? Bakit para bang may masamang mangyayari sa amin ni Syd? 

Kinakabahan kong tinungo ang Magnolia highway. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito na lang ako kinakabahan. Ano bang sinasabi ng baliw na Trina na yon? Anong mawawalsa akin si Syd? 

Huminga ako ng malalim, hindi mangyayari yon, Erin. Maayos kayo ni Syd namakakaalis dito sa Pinas. Magbabagong buhay pa kayo sa Spain.

Minabuti kong mag-relax habang papalapit ako sa bahay. Pero nasa malayo pa lang ako ng matanaw ko ang isang kotse sa harapng bahay namin.

Kotse ni Syd? Bakit andito sa labas ang kotse niya? 

Medyo kinakabahan akong pumasok. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari. Hindi siya tumawag, hindi rin nag-text. Kaya naman hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nagkataon lang naman siguro na andon si Trina. Dahil nakaharang ang kotse ni Syd, minabuti kong igilid ang kotse ko. Pumasok agad ako sa loob at hindi na nag-abalang magtanong sa guard.

Habang papasok ako, hindi ko maiwasang hindi kabahan. 

Mula sa pinto, rinig na rinig ko ang isang boses ng babae. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong nilalamig na hindi ko maintindihan.

Umuungol ang boses na naririnig ko sa loob. Kinakabahan man ay pinili kong humakbang papasok. Hawak ko ang doorknob, hindi ko pa pinipihit iyon. Napapapikit ako sa tuwing maririnig ko ang mga ungol mula sa loob. Anong nangyayari? B-bakit may ungol?

Naalala ko ang sinabi ni Trina kanina. Kaya naman bigla akong na-alerto. H-hindi kaya, kaya siya andon ay hinihintay niya si Nadia? Bigla akong nanghina nang muling marinig ang ungol ng isang babae. 

Hindi ko kayang humakbang. Hindi ko kayang makita kung ano man ang ginagawa nila. Pero hindi komalalaman kung ano iyon kung hindi ko titignan. Kailangan kong tatagan ang loob ko. 

Pero sa tuwing maririnig ko ang ungol mula sa loob ay nanghihina ako. Nawawalan akong lakas.

Nagdesisyon akong pumasok sa loob. At laking gulat ko nang makita ko si Nadia at si Syd sa sofa.

Parehas silang napalingon sa akin. Nakita ko ang pagngiti ni Nadia sa akin. Habang hindi man lang nagsasalita si Syd at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status