“Come home, Caleb. Ang Lolo Manolo mo.”
His heart couldn't stop pounding. Maingay ding tumunog ang takong ng kanyang sapatos sa sahig ng ospital. Halos lakad-takbo na ang ginawa ni Caleb sa gitna ng pasilyo para marating lang ang pribadong silid na kinaroroonan ni Lolo Manolo. Iniwan niya ang meeting sa gitna ng mahalagang diskusyon. Mas importante sa lahat ang lolo niya. Bawat silid na maraanan ay tinititigan niyang mabuti ang numero. Until he finally found what he was looking for. Nakapaskin ang pangalan ng Lolo Manolo sa pintuan at nasa ibaba naman ang pangalan ng physician.Huminga muna siya nang malalim bago ipinihit ang seradura. Typical hospital suite ang nakikita niya na kahit gaano pa kaalwan at kagara, ospital pa rin ang dating at pang-amoy para sa kanya. He dreaded coming to places like this, but he had no choice. Kailangan niyang damayan ang ina lalo na at nasa probinsya ang Tito Lorenzo.“You came right on time, Audrey.”
Kausap ng inang si Audrey ang doctor ng abuelo. Nakatalikod ito at natatakpan nito at ng doktor ang nakaratay na matanda. Hindi na niya ginambala ang ina at tahimik lang na naglakad patungo sa natutulog na abuelo. His grandfather looked frail. He used to remember him towering over him. Lagi siyang nakasakay sa balikat nito lalo na noong nagbalik sila sa piling ng pamilya.“Just remember, the next heart attack could be fatal.”Fatal. May suntok sa puso niya ang narinig. May dulot na kilabot. No, he wasn’t ready to lose him. Not just yet. Gagawin nila ang lahat para mapahaba ang buhay nito. Losing someone is painful. Dalawang mahahalagang tao na sa buhay niya ang nawala, ang Tita Eli niya at ang Lola Viviana. Nakita niya ang sakit na pinagdaanan ng lolo at ni Tito Lorenzo noon. Hindi madali.Bahagyang dumalaw ang matanda. Pumaling ang hapis na mukha nito sa gawi niya.
"Hey, old man, keep on fighting."It was almost a whisper. Matigas siya kung ituring ng ibang tao pero, pagdating dito, lumalambot ang puso niya. Ginagap niya ang kulubot na kamay ng matanda at marahang pinisil.
“Just don’t hesitate to call me, Audrey.”
“Yes, Doc.”
Inihatid pa ng ina ang kaibigang doktor sa pintuan, saka ito lumapit sa kanya, Eksaktong nakaupo ang ina sa tabi niya nang bumukas ang mga mata ni Lolo Manolo.
"Hey, how are you?"Umangat ang isang sulok ng bibig nito. Pinilit nito ang ngumiti."Still alive and well. Malayo sa bituka."
Same spirit. What a fighter.
"Pa, you need to rest," sawata ng ina nang tinangka nitong bumangon."Audrey, I am okay."And still hard-headed.
Napabuntung-hininga na lang ang ina. Bumaling na lang ito sa kanya at inutusan siyang itaas ang hospital bed para makaupo ang matanda na nakahiga sa kama.“Naalala mo ba noong bata ka pa, Caleb?”“Which part in particular, 'Lo?” He was still holding his hand.“The time when you were kidnapped.”Matagal na nila iyong hindi napag-uusapan. That was a painful experience and wasn’t meant to be reminisced.“Did you remember the man who saved you?”His memory was vague. Halos hindi na niya maalala ang mukha nito pero hindi niya nakakalimutan ang kabutihang loob nito. What he did was something heroic. Walang pag-aalinlangan itong niligtas siya.“What about him, Lolo?”Tinitigan siya nang mataman ng matanda. He looked so sick; so serious. Nasa eksrepsyon nito na walang sinumang makakabali sa anumang sasabihin nito, batid niya.“I want you to marry his daughter.”There. Hindi na bago ang marinig iyon. Lalo na kapag nagkakasakit ito. Mas nagiging matanda, mas nadadalas nitong mabanggit iyon. He was promised to someone he didn’t even know. Bata pa lang ay iyon na ang bukambibig nito. Sa murang gulang ay naunawaan at tinanggap niyang isang araw, pakakasalan niya ang babaeng nakalaan para sa kanya. She was none other than the daughter of his savior. Neverthless, as he grew older, he began to build resentment towards the idea. Nagagawa niyang kuwestiyunin ang noon ay basta na lang niya tinanggap na desisyon. To him, getting betrothed to someone was too old-fashioned.Sino pa ba ang pumapayag sa isang arranged marriage?
Who the hell wanted to get married, anyway?Masaya ang buhay bachelor. Malayang nagagawa ang lahat ng gusto.
“This isn’t the right time to discuss such matter, Pa. You have to rest.”“I had been resting long enough, Audrey. Nababagot na ako sa kasasabi mong magpahinga ako. Yes, magpapahinga ako nang tuluyan kapag nakita ko nang natupad na natin ang pangako kay Ramon.”Nagkatinginan sila ng ina niya. Sinasabi ng mga titig nito na huwag salungatin ang lolo niya at makiayon na lang sa mga sinasabi nito. Humigpit ang hawak ng lolo niya sa kanya.Looking straight in his eyes, he demanded. “Make an old man happy by marrying Ramon’s daughter, hijo.”
Nanuyo ang lalamunan niya. How could he ever tell him na nagbago na ang pananaw niya? “Let’s talk about it later, Lolo.” Instead, iyon ang nasabi niya. Sadyang mahirap aminin.
"No!"Para matigil ito ay sinabi niyang payag siya at minabuti na ilihis ang usapan. Business was the most convenient subject. Sa kabila ng kundisyon nito ay nagtatanong pa rin ito ng tungkol sa negosyo. Siya ang tumatayong CEO at ang Tito Lorenzo naman ay mas piniling ang hacienda ang pagtuunan ng atensyon. Ayaw nitong lumayo sa alaala ni Tita Eli.Ilang saglit pa ay nakatulog ang lolo niya na hindi binibitiwan ang palad niya.
“I have to go back to the office, Mom.”Inihatid pa siya ng ina sa pintuan matapos siyang yakapin. Nakaisang hakbang na siya nang mapahinto siya.“I thought nakalimutan na iyon ni Lolo.”His mother caressed his hand. “Pagbigyan na lang natin ang lolo mo. I know you’re an independent man. Pero baka naman mapagbibigyan natin ang hiling niya.”Well, he could. Ang tanong lang naman ay kung kaya niyang pakisamahan ang kung sinumang babaeng pinili nito para sa kanya. Naglalakad siyang pabalik sa parking area na iniisip ang mga napapag-usapan kanina. Dinukot niya mula sa bulsa ang remote key ng kotse at pinindot. Diretso niyang tinalunton ang sasakyan.“Tay, sino ba talaga ang bibisitahin natin dito? Mamaya, hindi natin mabili ang lahat ng dapat nating bilhin sa Divisoria.”Napahinto siya sa paghakbang. Katabi niya mismo ang nagsasalita, isang babaeng kakaibis lang ng lumang sasakyan. An L300 na may bakbak na sa katawan. Umibis ito at nagmamadaling lumipat sa kabilang side at inalalayan ang sinuman sa driver’s seat na makalabas din. It was an old man, based on stature.“Isang kaibigan, anak.”“Parang kilala ko na kung sino ang nakaratay sa pangmayamang ospital na ito, ‘Tay.”Pangmayamang ospital. Ewan niya ngunit gusto niyang matawa sa usapan ng dalawa. Umangat ang sulok ng bibig niya. Oh, hell, he was eavesdropping. Kaagad siyang lumulan ng kotse at pinaharurot iyon palayo, pero bago tuluyang lumayo ay napasilip pa siya sa side mirror. Nakita niyang naglalakad nang magkaagapay ang mag-ama habang inaalalayan ng babae ang matanda.“Kailan ka pa naging tsismoso, Caleb?”Nailing na binawi niya ang mga mata. What the heck?! itinuon ang mga mata sa kalsada at nilakbay ang daan pabalik sa opisina.
***.Dalawang araw pa ang lumipas. Tuluyan nang nakauwi ng mansion ang Lolo Manolo. Sa loob ng mga araw na nanatili ito sa ospital, ang mommy niya na ang nag-asikaso rito. Dumating din si Tito Lorenzo mula sa hacienda. Hindi niya maiwan-iwan ang opisina lalo pa at kasagsagan ng sunud-sunod na meetings at may mga investors pang inaasikaso. They were expanding their business to the rest of Asia and Europe kaya, subsuban siya sa trabaho.“Cal, meet me at the bar.”Masyado ng kinakain ng mga responsibilidad ang oras niya na pati ang pagyayaya ng mga kaibigan ay panay hindi siya.
“I’m sorry, Harrison, I couldn’t.”Si Harrison ang kaibigan niyang wala na yatang ibang ginawa kundi ang mambabae at magbabad sa bar. The womanizing lawyer.“Baka mamaya, the next time we met, puti na ang lahat ng buhok mo.”He just chuckled. Maraming nakabinding trabaho kaya mabilis niyang d-in-ismiss ang kaibigan. It was a Saturday, but here he was, working and burning his ass off. Bandang alas tres nang magdesisyon siyang umuwi naman. He had been working so hard, he needed some fun.“Sir, someone’s on the line.”Kasalukuyan niyang nililigpit ang iilang mga gamit nang bumungad ang sekretarya. “Who?” tanong niyang hindi nag-abalang mag-angat ng mukha.
“Miss Ashley.”Napatigil siya mula sa ginagawang pagsasarado ng laptop. Ashley. Parang may dumaloy kaagad na enerhiya sa mga ugat niya pagkarinig sa pangalan ng babae.“Tell her I’ll drop by.”Seconds later, he was already driving towards Ashley’s condo. Ilang bloke lang naman iyon mula sa opisina. Ipinanhik niya sa basement ang sasakyan at lumulan ng elevator. Shit. The thought of spending the night with Ashley almost made his little thing twitched in arousal.Thank you, Miss Jed for the correction. Manolo nga pala 'yon. Hehehehe
“I’m glad you’re not that late, Caleb.” Ashley welcomed him by the door. She was so hot in her lacy black mini-dress. Nakabuyangyang lang ang mahaba at alon-alon nitong buhok, and man, it was a double dose of sexiness. Pumulupot kaagad sa leeg ni Caleb ang dalawang makikinis na braso ni Ashley pagkapasok na pagkapasok pa lang sa condo unit nito. She immediately attacked his lips. Napipiga sa matigas niyang dibdib ang malambot nitong hinaharap. Kumiskiskis sa balat niyang natatabingan ng puting polo ang matigas nitong laman. Nakakabaliw. Hindi pa man nakasarado ang pinto at tuluyan na nilang nakalimutang maaaring may makakakita sa kanila. Magkahugpong ang mga bibig na humakbang sila papasok sa unit. None of them ever wanted to let go of each other’s hungry mouth. Sa pagmamadali ay halos nakagat na niya ang labi ng babae. Parang wala na silang bukas pa. Naglakbay kaagad ang kamay ng bawat isa sa lahat ng parte’ng maaaring dantayan ng makasalanang mga kamay. Binubuksan ni Ashley ang p
“Today is your wedding day.” Sumulak ang disgusto sa puso niya. Sinabi ng abuelo ang tungkol sa napipintong pagpapakasal na para bang isang napakasimpleng bagay lang ang lahat. Despite an utter objection and feeling t like a puppet in a show, he remained calm. Pilit niyang isinaksak sa utak ang kundisyon ni Lolo’s Manolo. Sapat na dahilan para umurong ang tapang niya. “Today, huh?” Gusto niyang matawa. May sakit ang lolo niya at ayaw niyang isiping ginagamit nito ang karamdaman para makuha ang gusto. Ano pa nga ba ang maiisip niyang mabisang paraan para mapasunod siya sa plano nito? Ang hindi niya inaasahan ay sa mismong sa araw na ito magaganap ang bukambibig na kasalan. His marital status would change any minute. “I am old and almost dying. Before I die, gusto kong makitang natupad ko ang pangako ko kay Ramon.” Tiningnan ng lolo ang tinawag na Ramon. Malaki ang utang na loob niya sa lalaki, Buhay niya ang walang pag-alinlangang niligtas nito. Hahanap siya ng pagkakataong mapasal
Meredith’s lips were so sweet. They were so soft. Kissing her felt like heaven that he wanted to do more. Ang balak na mabilisang pagdampi lang ng mga labi niya sa labi nito ay lumalim at humagod nang masuyo. Her lips mesmerized him and he was lost in the softness of that kiss. Parang masarap na alak, nakalalasing at nakaliliyo. Mas dumikit ang katawan niya palapit sa babae. Mas naging mariin ang pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi nito. Pinirmi niya ang muka nito. Hindi niya mapigilan ang sarili. Parang umaapaw ang kakaibang hangarain at pagkauhaw sa mga labi nito. He nibbled on her lips. He licked them. He owned them like they were actually his. Naramdaman niya ang paggalaw ng mga labing kahinang ng kanya. Nangangatal iyon, tila takot na takot. He had kissed more women than he could count and he knew that Meredith was innocent. Hindi alam kung paano sumagot. Ang isiping iyon, mas nagpalabo sa amag na kumalat sa kanyang isipan. Her lips intoxicated him. Mas naging mapang-angkin
“What the hell?!” Binulahaw ng ingay na naririnig mula sa labas ang masarap na pagtulog ni Caleb. Nananakit ang sentido niyang napabangon nang makarinig ng kung anong kalansing mula sa labas ng kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan niya kaya naman, malayang pumapasok ang anumang ingay. Lasing siya kagabi kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin kung naisarado ba niya ang pintuan o hindi. Last night was his wedding night, but he opted to go out and drink. At ngayon ang unang umaga niya bilang may-asawa. To hell with being married. Walang anumang dapat mamagitan sa kanila ni Meredith. They were just doing this out of obedience. Mababait lang silang mga anak at sumusunod sa mga magulang. Bumangon siya at mabilisang nagsuot ng damit at lumabas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Meredith nang maraanan niya. Parang may kumalabit sa kanya na sumilip. “Wow.” The bed was made up already. It was immaculately clean. Parang hindi hinigaan. The corners of the bedcover wer
Kinabukasan, nagising si Caleb na wala na ang ingay na nakagisnan niya sa nakaraang umaga. Walang nagkakalampagang mga gamit. Walang amoy ng pagkain. He took a shower and changed into his usual office attire. Eksaktong bumukas ang maindoor paglabas niya ng silid. Pumasok doon si Meredith na may bitbit na coffee in cup at supot ng kung ano at isang five hundred milliliter bottled water. May stock sa ref pero bumili ito at bumaba itong hindi man lang nakapagpalit ng damit. She was still on her baggy pajamas, pinatungan lang ng maluwang na sweater at suot pa ang fluffy sandals. Ang buhok ay nakapusod pa rin nang maayos gaya nang nakagawian. Nakatalikod si Meredith at kasalukuyang isinarasado ang pintuan. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang matuklasang nakatitig siya sa bawat galaw nito. Shit! Para siyang nanonood ng show. “G-good morning.” Again, nagbaba na naman ng tingin si Meredith, like it was a crime to stare back at her. Inakala niyang sa kusina ito papanhik pero diretso
Apat na araw. He counted the days he didn’t see Meredith. Alam niyang nasa loob lang ito ng silid nito pero ni minsan ay hindi pa sila nagpapang-abot nang matagal maliban noong minsang magkasabay silang nagbukas ng pintuan. She was surprised to see that he was still there. Bumalik ito sa silid at hindi na lumabas pa hanggang sa makaalis siya. Meredith was one peculiar woman. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng utak nito. Tila may pader itong ibinabakod sa sarili. It was better that way. Wala siyang balak tawirin ang anumang itinatago nito. The lesser he knew her, mas makabubuti sa kanilang dalawa. No emotional attachment, mas madaling bumitaw. Gayunman, nagsisimula na siyang magtaka kung paano ito kumakain. Walang senyales na ginagalaw nito ang anumang gamit sa kusina. Wala ring nababawas sa stocks niya sa ref. Ang mga pinamili nito ay nawala na sa ref. Kung saan dinala, hindi niya alam. On the fourth day, he began to get worried. He hated it but he was concerned. A little bit concer
Caleb and Meredith drifted farther away from each other. After the confrontation, she managed to stay out of his way. Mas lalong naging matibay ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa at tila na-master din ng babae ang pag-iwas sa kanya. Nasa iisang bahay, natutulog sa lilim ng iisang bubong pero umaaktong hindi magkakilala. Sa totoo lang ay iniiwasan niya ring makasalamuha si Meredith. Having seen her cry bothered the hell out of him. Bahagyang nalusaw ang anumang yamot niya sa babae nang makita ang luhaang mga mata nito. He deeply sighed. Hindi siya dapat naapektuhan pero hindi maiwasan. Buong akala niya ay madali lang ang pagpapakasal sa babae. Pagtupad lang sa kasunduan. Laking pagkakamali niya. Wala siyang alam na paghuhugutan kung paano pakitutunguhan ang ganitong uring babae. She had no point of reference. Even Tita Eli was a strong woman. ‘How long can you stand with this setup, Caleb?’ Wala siyang sagot sa sariling tanong. Iisa lang ang alam niya, hindi niya nakikita an
“The audacity!" Dumbfounded, he was left with no words to say to her face. Muli ay naisahan siya ni Meredith. Nahirapan siyang hanapin ang tamang mga salitang maaaring isagot pabalik sa sinabi nito. Sa huli ay naihatid niya na lang ito ng tanaw habang nagmamadaling nagmartsa palayo. The woman acted as if he was something so unpleasant in her sight Ang inakala niyang maamong kuting ay may itinatago din palang tapang. “Strike three na ang babaeng ‘yon.” Inisang lagok ni Caleb ang natitirang laman ng lata. Napaubo pa siya nang halos mabilaukan. Dama niya ang paninikip ng dibdib. Nagngingitngit ang kalooban niya. Wala pang babae ang nagagawa siyang basta barahin ng ganito. "Bullshit!" Hindi na mabilang ang mga pagmumurang umalingawngaw sa bibig niya. Tinanggal niya sa pagkakabutones ang polo. Ang init bigla ng pakiramdam niya. Gumapang iyon patungo sa kanyang sentido. He suddenly felt a throbbing pain in his head. Blame it to hangover and Meredith. Damn that feisty little woman. Mahi