Gabi na nang makarating sila ng Maynila. Back to Manila, back to reality. Dalawang buwan lang siyang nanatili sa Bulacan pero pakiramdam niya ay matagal siyang nawala. Nakakapanibago. Nakakakaba ang muling pagtungtong nila sa lungsod.“Welcome home, Caleb, Mere!” Ang excitement ni Mommy Audrey ay hindi matawaran. Caleb felt anxious pero naroroon ang katatagan na dati na niyang nakikita sa asawa. “You’ll be okay, son.” Inakbayan ni Mommy Audrey si Caleb.“As long as I'm with my wife, I’ll be fine.”Caleb never let go of her hand. She felt needed.She felt valued.Sa unang gabi nila sa condo, halata ang paninibago nilang pareho. Tahimik na pinakikiramdaman niya ang asawa habang inaayos ang higaan nila while Caleb just stood quietly behind the wall. Nakapamulsa ito sa suot na sweatpants at nakatunghay sa mga ilaw sa labas. Ilang buwan na tanging mga bituin ang nagsisilbi nilang entertainment sa gabi kapag ayaw nilang manood ng TV. This was a major change for both of them.Nilapitan niy
Nahihilo at tila sinisikmura si Meredith nang magising kinabukasan. Hindi tuloy niya naipaghanda ng agahan si Caleb. Madaling araw pa lang kasi ay dinaanan na ito ni Tito Lorenzo at sasaglit daw ang mga ito sa hacienda. Tumanggi siyang sumama. Pakiramdam niya ay hindi niya kaya. Buong umaga ay halos nakahiga lang siya. Ang bigat kasi ng katawan niya. Kung nandito lang si Caleb, may napaglalambingan sana siya. “More sleep, Mere.” Hinahatak siya ng antok. Tanghali na nang mawala ang sama ng pakiramdam. Naligo siya at nagbihis ng mas presentableng damit. Sa kabilang silid na siya nag-ayos ng sarili dahil hindi kasama ang mga personal belongings niyang nailipat ni Caleb. Habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin, hindi sinasadyang napalingon siya sa travelling bag niya na hanggang ngayon ay nakalapag sa gilid ng cabinet. May isang bagay siyang itinago roon. Inabot niya iyon at binuksan. There, just a few seconds after, hawak na niya ang itinagong annulment paper at marahang hinaha
Pakiramdam niya ay nagiging malapot ang dumaloy na dugo sa buong sistema niya at sumisikip ang lagusan ng daanan ng hangin patungo sa kanyang baga. Ang mga tuhod niya ay nagsimula nang mangatog. And when she looked into his eyes more closely, nakita niya ang matinding emosyon. Ang mga matang kanina lang ay puno ng pagmamahal na nakatitig sa kanya, ngayon ay purong hinanakit at galit ang nasisilip. “I found this in your drawer.” Itinaas nito ang dokumento. His voice was too low. Wala na ang lambing at suyo. "You…lied to me…” Tila patalim na tumutusok sa kanyang puso ang mahina ngunit mariing pagbanggit nito sa bawat salita. A certain kind of coldness blanketed all over her. Ramdam niya ang panlalamig sa kanyang balat. Humakbang ito, napaatras siya. She was afraid. She felt so little in his eyes, in his presence. Humakbang pa ito ng dalawang beses palapit sa kanya. Pakiramdam niya ay pinipiga ang puso niya sa hindi na itinatagong galit sa mga mata nito. Gusto niyang magsalita pero hind
“Come back here at this instant, Caleb!”Parang binging hindi niya pinansin ang matinding galit ng kanyang ina. Wala siyang balak na pakinggan ang lahat ng sasabihin ng mga taong nasa loob ng unit niya. Not a word from that woman. He didn’t want to hear anymore of her lies.“Ahh!”Kumawala ang malakas na sigaw mula sa kanya habang lulan siya ng elevator patungo sa ground floor. Gusto niyang pagsusuntukin ang pader. Gusto niyang ilabas doon ang inis, galit, prustrasyon, paglkalito. Gusto niyang sumabog ng oras na iyon. Nang bumukas ang elevator ay halos takbuhin na niya ang main entrance. Not a second to waste. Tuluy-tuloy siya sa paghakbang at kaagad na pinara ang taxi na nagbaba rin ng pasaherong papasok sa building.“LJ Towers.” Ibinigay niya ang pangalan ng tower na tutunguhin.Sitting inside the car and looking at the now familiar surroundings made him feel so infuriated. He was fuming mad. Sobrang galit na galit siya. Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya.He was manipulated by
Nakapikit na sinamyo ni Meredith ang simoy ng hangin na tumatama sa kanyang mukha. Nakalabas ang kanyang ulo sa bintana ng treehouse na kinaroroonan at hinayaang isayaw ng hangin ang mahabang buhok. Ang sarap lang sa pakiramdam ng pagdampi ng malamig na hangin at ang pakinggan ang pagaspas ng hangin at huni ng mga ibon sa paligid. Anim na buwan pero ganoon pa rin ang dulot na tuwa sa kanya ang kagandahan ng paligid. Nature’s bounty at its best. “Ate, umakyat ka na naman diyan.” Napadilat siya ng mga mata nang marinig ang matinis na tinig ng batang si Ayla mula sa paanan ng hagdanan ng treehouse. Problemado ang mukha nito, takot na masabon. “Naku, Ate, baka mapagalitan kami nina Nanay Celia at Tatay Ming niyan, eh.” Nginitian niya lang ang bata at kinawayan. Wala na talaga siyang nagagawang hindi siya binabantayan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Konting kibot niya lang, laging nakakaalalay ang mga ito. Kabilin-bilinan kasi ni Tatay Ramon na babantayan siya palagi. “Aakyat
“Ang gwapo talaga ni Baby Jib, Ate."Malusog na batang lalaki ang iniluwal niya. Baby Jib kung palayawan ito ni Ayla. Kaya, ganoon na rin ang nakasanayan nilang itawag sa sanggol. Such a perfect gift, ito ang bumuong muli sa pagkatao niya. She had never felt so complete and happy. Tama nga ang sinabi ni Nanay Celia, walang kapantay na kaligayahan ang pagiging isang ina. Sa pagdating nito sa buhay niya ay mas naging matatag siya. Ina na siya ngayon, hindi na lang ang sarili ang alalahanin niya. Her child will be her top priority. Higit kanino man, ang tatay niya ang pinakamasaya sa pagsilang ng anak niya. Kapag umiiyak ang baby sa gabi, mabilis pa sa alas kwatro na nadadaluhan nito ang bata. Kahit sina Nanay Celia at Ayla, halos sa kanila na nagpapalipas ng magdamag. She was a single mother but she felt fine. Lagi kasing nakaalalay ang mga ito sa kanya. Basta ba nandiyan lang lagi ang tatay niya. Ngunit ang inakala niyang maayos nang buhay ay susubukin ng isang masaklap na pangyayari
“I am so proud to report to you that our expansion in the European and Australian markets is doing well. Our performance in the Asian market remains strong, as well.”The board of directors was satisfied. Lahat ng nasa conference room ay pumapalakpak. Ang Tito Lorenzo na umupo bilang presidente ng kumpanya at tumayong presiding officer kahalili ng inang pansamantalang out of town ay makikita ang nod of approval para sa kanya. MS Prime Global Corporation, the new name of their conglomerate is in good hands. His great grandfather must have been proud of them.“Well, this calls for a celebration,” komento ng isa sa mga board of directors.Sumunod pa ang ilang papuri. All in all, jubilant ang atmosphere sa buong silid.“We could never go wrong with Caleb’s leadership,” hindi na naiwasang i-contain ni Tito Lorenzo ang tuwa. Lumalabas at lumalabas ang pagiging proud nito sa kanya. Kumindat pa ito nang magtagpo ang mga titig nila. Para itong proud na tatay sa kanya. Hindi niya ito masisisi, n
“You may go home, Rica,” utos ni Caleb sa sekretarya matapos nitong iabot ang files na kakailanganin niya. Pati flash drives at password nito sa computer ay ibinigay sakaling may kakailanganin siya na nasa laptop nito. “Are you sure, Sir, na okay ka lang na iwanan kita?” He looked at his secretary and nodded. Kalabisan na kung pati buong Sabado ay ibuburo niya ito sa opisina. May buhay ito at may pamilya. “Yes, I’ll be fine.” “Okay, Sir.” Nag-atubili pa si Rica ngunit wala ring nagawa. Her son needed her the most, dapat nasa tabi ito ng anak nito lalo na ngayong weekends. Hindi niya ito maaaring idamay sa pagiging workaholic niya. Wala naman siyang magagawa kapag nasa bahay lang. Kailangan lang niyang i-review ang ilang mga dokumento. Ayaw niya ng butas sa lahat ng transaksyon na pinapasok at papasukin kaya, doble ingat palagi. Nagsimulang gumiling ang oras sa kanya. Ang balak sanang pagsilip ay nauwi sa ilang oras na pakikipagbuno sa kung ano man ang maaari niyang matapos. Eksak