Meredith’s lips were so sweet. They were so soft. Kissing her felt like heaven that he wanted to do more. Ang balak na mabilisang pagdampi lang ng mga labi niya sa labi nito ay lumalim at humagod nang masuyo. Her lips mesmerized him and he was lost in the softness of that kiss. Parang masarap na alak, nakalalasing at nakaliliyo.
Mas dumikit ang katawan niya palapit sa babae. Mas naging mariin ang pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi nito. Pinirmi niya ang muka nito. Hindi niya mapigilan ang sarili. Parang umaapaw ang kakaibang hangarain at pagkauhaw sa mga labi nito. He nibbled on her lips. He licked them. He owned them like they were actually his.
Naramdaman niya ang paggalaw ng mga labing kahinang ng kanya. Nangangatal iyon, tila takot na takot. He had kissed more women than he could count and he knew that Meredith was innocent. Hindi alam kung paano sumagot. Ang isiping iyon, mas nagpalabo sa amag na kumalat sa kanyang isipan. Her lips intoxicated him. Mas naging mapang-angkin ang paraan ng paghalik niya. Ang hininga niya ay tila kinakapos na.
But then, he remembered where they were at the moment. Ang marahang pagtapik ni Meredith sa likod ng dalawang kamay niyang nagkulong sa magkabila nitong pisngi ang nagpabalik sa kanya sa tamang huwesyo. Nagising siya sa tila malalim na pagimbing. He stopped kissing her and looked at her intently. Namumula ang pisngi nito. Habol nito ang hiningang gaya niya at nangangapal ang mga labi nito. Nawala na ang kulay ng lipstick na ipinahid kanina.
Meredith couldn’t look him in the eye. She grew more uncomfortable by the second. Para bang gusto nitong itago ang mukha sa pamamagitan ng pagtitig sa labas ng bintana, sa mga nakahanay na ornamental plants na tanaw mula sa loob. At this angle, he could see her tiny pointed nose. It turned red as well. Nahihiya ito.
He was to be blamed.
The hell.
He couldn’t believe that he lost himself for a brief moment there. Hinayaan niyang mawala siya sa halik na ‘yon, binigyan niya ng pagkakataong magwala ang dibdib niya, and he could certainly feel his erection.
Shit!
Dahan-dahang dumausdos ang mga palad niya hanggang sa tuluyang malagyan ng espasyo ang pagitan nila. There was an itching desire to apologize to Meredith, but what the heck? He never apologized for kissing someone. Kung sinu-sino na ang nakakahalikan sa mga bars at clubs na napupuntahan niya, except that in all those occasions, aliw din ang hanap ng mga babaeng nakasalamuha niya.
But this woman…
“Congratulations, Hijo!”
Kung kanino galing iyon, hindi na niya matukoy. Naramdaman niya na lang ang mga braso ni Tito Lorenzo na nakaakbay sa mga balikat niya. Magkasing-tangkad silang dalawa and they towered over Meredith.
“Congrats, Meredith! Welcome to the family!”
Mahiyaing ngumiti lang si Meredith at nagpasalamat. Pagkatapos ay inagaw ito ng ina na mahigpit itong niyakap. Her mother couldn’t seem to get enough of her. Para itong nakatagpo ng anak na babae sa katauhan ni Meredith.
“That was quite a kiss, Cal.”
Nanunudyo ang tiyuhin, kita sa nakatawang mukha at mga mata. Binalewala niya ang komento nito ngunit hindi niya maiwasang huwag sundan ng paningin ang babae. Napatingin siya kay Tatay Ramon. Finally, biyenan na niya ang lalaking nagligtas sa kanya noon. Bilang manugang, nararapat lang na magbigay pugay siya rito. Ngunit ito pa ang unang lumapit sa kanya at kinamayan siya.
“Maraming salamat, hijo.”
Nakangiti ang matanda. Naging prominente ang pag-angat ng mataas nitong cheekbones sa ginagawang pagngiti. This man looked so happy, just like his lolo. This was indeed a celebration for them. Natupad sa wakas ang mga planong matagal na panahong binuo ng mga ito.
“Ako dapat ang magpasalamat sa inyo, Mang-“
“Tatay Ramon,” pagtatama nito sabay yakap sa kanya at tinapi-tapik sa balikat na para bang sinasabing ginawa niya ang tama. May nasaling sa kalooban niya bunsod ng yakap nito. “Ang saya-saya ko.” Hindi mapuknat ang mga ngiti nang bumitaw ito sa kanya. Pati mga mata ay nangingislap sa tuwa. “Huwag ka nang magpasalamat sa nangyari noon. Kahit sino ang nasa posisyon ko, gagawin ang pagliligtas sa ‘yo. Sapat nang pasasalamat na pinakasalan mo ang anak ko.” Nilingon nito si Meredith na kasalukuyang kausap ni Tito Lorenzo. “Siya ang nag-iisa kong kayamanan. Ang masigurong nasa maayos siyang kalagayan ay sapat na. Hindi ko masisigurong mamahalin mo siya pero sana, pero alam kong itatrato mo siyang mabuti dahil mabuting tao ka rin katulad ng lolo mo. Salamat, anak.”
Bawat salita nito ay parang pumupokpok nang malalim sa puso niya. Pero nagkakamali ito, malayo siya sa pagiging isang mabuting tao.
Napatingin siya kay Meredith. She was crowded by his family. May mahiyaing ngiti pa rin sa mga labi habang kausap ang pamilya. Aalisin na sana niya ang mga titig ngunit siya ring paglingon nito sa gawi nila. Habang tinititigan ito pabalik, nabuo ang tanong sa isipan niya: matututunan kaya niyang mahalin ang babaeng ni hindi niya lubos na kilala?
Love? It was out of the question.
This marriage will go on as it is, loveless.
Meredith is just a wife for him.
“What the hell?!” Binulahaw ng ingay na naririnig mula sa labas ang masarap na pagtulog ni Caleb. Nananakit ang sentido niyang napabangon nang makarinig ng kung anong kalansing mula sa labas ng kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan niya kaya naman, malayang pumapasok ang anumang ingay. Lasing siya kagabi kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin kung naisarado ba niya ang pintuan o hindi. Last night was his wedding night, but he opted to go out and drink. At ngayon ang unang umaga niya bilang may-asawa. To hell with being married. Walang anumang dapat mamagitan sa kanila ni Meredith. They were just doing this out of obedience. Mababait lang silang mga anak at sumusunod sa mga magulang. Bumangon siya at mabilisang nagsuot ng damit at lumabas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Meredith nang maraanan niya. Parang may kumalabit sa kanya na sumilip. “Wow.” The bed was made up already. It was immaculately clean. Parang hindi hinigaan. The corners of the bedcover wer
Kinabukasan, nagising si Caleb na wala na ang ingay na nakagisnan niya sa nakaraang umaga. Walang nagkakalampagang mga gamit. Walang amoy ng pagkain. He took a shower and changed into his usual office attire. Eksaktong bumukas ang maindoor paglabas niya ng silid. Pumasok doon si Meredith na may bitbit na coffee in cup at supot ng kung ano at isang five hundred milliliter bottled water. May stock sa ref pero bumili ito at bumaba itong hindi man lang nakapagpalit ng damit. She was still on her baggy pajamas, pinatungan lang ng maluwang na sweater at suot pa ang fluffy sandals. Ang buhok ay nakapusod pa rin nang maayos gaya nang nakagawian. Nakatalikod si Meredith at kasalukuyang isinarasado ang pintuan. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang matuklasang nakatitig siya sa bawat galaw nito. Shit! Para siyang nanonood ng show. “G-good morning.” Again, nagbaba na naman ng tingin si Meredith, like it was a crime to stare back at her. Inakala niyang sa kusina ito papanhik pero diretso
Apat na araw. He counted the days he didn’t see Meredith. Alam niyang nasa loob lang ito ng silid nito pero ni minsan ay hindi pa sila nagpapang-abot nang matagal maliban noong minsang magkasabay silang nagbukas ng pintuan. She was surprised to see that he was still there. Bumalik ito sa silid at hindi na lumabas pa hanggang sa makaalis siya. Meredith was one peculiar woman. Hindi niya mabasa ang nilalaman ng utak nito. Tila may pader itong ibinabakod sa sarili. It was better that way. Wala siyang balak tawirin ang anumang itinatago nito. The lesser he knew her, mas makabubuti sa kanilang dalawa. No emotional attachment, mas madaling bumitaw. Gayunman, nagsisimula na siyang magtaka kung paano ito kumakain. Walang senyales na ginagalaw nito ang anumang gamit sa kusina. Wala ring nababawas sa stocks niya sa ref. Ang mga pinamili nito ay nawala na sa ref. Kung saan dinala, hindi niya alam. On the fourth day, he began to get worried. He hated it but he was concerned. A little bit concer
Caleb and Meredith drifted farther away from each other. After the confrontation, she managed to stay out of his way. Mas lalong naging matibay ang pader na nakaharang sa kanilang dalawa at tila na-master din ng babae ang pag-iwas sa kanya. Nasa iisang bahay, natutulog sa lilim ng iisang bubong pero umaaktong hindi magkakilala. Sa totoo lang ay iniiwasan niya ring makasalamuha si Meredith. Having seen her cry bothered the hell out of him. Bahagyang nalusaw ang anumang yamot niya sa babae nang makita ang luhaang mga mata nito. He deeply sighed. Hindi siya dapat naapektuhan pero hindi maiwasan. Buong akala niya ay madali lang ang pagpapakasal sa babae. Pagtupad lang sa kasunduan. Laking pagkakamali niya. Wala siyang alam na paghuhugutan kung paano pakitutunguhan ang ganitong uring babae. She had no point of reference. Even Tita Eli was a strong woman. ‘How long can you stand with this setup, Caleb?’ Wala siyang sagot sa sariling tanong. Iisa lang ang alam niya, hindi niya nakikita an
“The audacity!" Dumbfounded, he was left with no words to say to her face. Muli ay naisahan siya ni Meredith. Nahirapan siyang hanapin ang tamang mga salitang maaaring isagot pabalik sa sinabi nito. Sa huli ay naihatid niya na lang ito ng tanaw habang nagmamadaling nagmartsa palayo. The woman acted as if he was something so unpleasant in her sight Ang inakala niyang maamong kuting ay may itinatago din palang tapang. “Strike three na ang babaeng ‘yon.” Inisang lagok ni Caleb ang natitirang laman ng lata. Napaubo pa siya nang halos mabilaukan. Dama niya ang paninikip ng dibdib. Nagngingitngit ang kalooban niya. Wala pang babae ang nagagawa siyang basta barahin ng ganito. "Bullshit!" Hindi na mabilang ang mga pagmumurang umalingawngaw sa bibig niya. Tinanggal niya sa pagkakabutones ang polo. Ang init bigla ng pakiramdam niya. Gumapang iyon patungo sa kanyang sentido. He suddenly felt a throbbing pain in his head. Blame it to hangover and Meredith. Damn that feisty little woman. Mahi
“M-meredith.” Halos hindi niya marinig ang sariling boses. The mere mention of her name brought shivers to his spine. Of all people, si Meredith pa talaga ang nakahuli sa kanila ni Ashley. He was on the most unbecoming act of cheating and Meredith caught him red-handed. Inutusan niya ang sariling magsalita, magpaliwanag, ngunit wala nang salitang sumunod pa sa sinabi niya. Meredith was devoid of emotion. Nakatitig lang sa kanya at binaybay ng mga mata ang kabuuan niya hanggang sa pumirmin ang paningin sa ibaba. On his crotch to be more specific. Damn it! Hindi pa niya naisarado nang maayos ang slacks. Patunay lang sa ginawa niyang kababalaghan. He still had a hard on. Gumalaw ang panga ni Meredith. Apart from that, wala nang ibang mababakas na emosyon sa mukha nito at basta lang tumitig muli sa mukha niya. Lumagpas ang mga titig nito sa balikat niya. Direkta na ngayong nakatingin si Meredith sa natitigilan pa ring si Ashley. This was the most awkward moment he had ever been into. Th
Sa mga mata ng lahat na naroroon, walang kwestiyun na ginagampanan nila ni Meredith ang papel ng totoong mag-asawa. Like a doting husband to his lovely wife, ipinaghila pa niya si Meredith ng upuan at nagpasalamat naman ito sa kanya kasabay nang pagdantay ng palad sa braso niya. It was just a brief contact but he surely felt the warmth of her touch. Kaagad ding binawi ni Meredith ang kamay. Yet, the heat lingered on his skin. 'Fucking lunatic, Cal!' “You make your mother so happy,” ang ina niya nang tuluyang makaupo na silang magkatabi ni Meredith. Halos pabulong ang pagkakawika nito, iniiwasan ang makaagaw ng eksena sa kasalukuyang tumatakbong programa. Kaya nga lang, hindi nito kayang i-contain ang kilig. Nangingislap pa sa tuwa ang mga mata nitong nagnanakaw sa kanila ng sulyap. 'You just have no idea what’s happening, Mom.' Meredith managed to smile and act fine. They were seated side by side, with their elbows almost brushing, but none of them spoke to each other. Ano naman a
“Is this final?” Harrison looked at Caleb critically. Nasa opisina sila nito ngayon. Sinadya niyang sunduin ito sa airport at dito na nga sila dumiretso. Kadarating lang nito ngunit siya kaagad ang inasikaso. Kaya, panay reklamo at mura ang ginawa nito. This thing couldn’t wait any longer.“Yes.” Bumuntung-hininga si Harrison. “We’ll, then, I hope walang sisihan sa huli.” He weighed everything thoroughly. What he was doing was right. The marriage won’t work for Meredith and him. Mas mabuting putulin na habang maaga. It would be beneficial for both fo them. “Paano si Lolo Manolo?” Pasalampak itong naupo sa swivel chair at hinihilot-hilot ang sentido. Kagagaling lang nito sa eroplano pero amoy alak ito. “Hahanap ako ng timing na sabihin.” Sandali lang siya nitong sinulyapan. Kinuha nito ang cellphone at inutusan ang assistant na ibili sila ng breakfast. Late breakfast. Mula sa glass wall ng opisina nito ay kita niya ang mga empleyado ng firm sa labas. Lahat ng private offices dit