Share

3

“Today is your wedding day.”

Sumulak ang disgusto sa puso niya. Sinabi ng abuelo ang tungkol sa napipintong pagpapakasal na para bang isang napakasimpleng bagay lang ang lahat. Despite an utter objection and feeling t like a puppet in a show, he remained calm. Pilit niyang isinaksak sa utak ang kundisyon ni Lolo’s Manolo. Sapat na dahilan para umurong ang tapang niya.

“Today, huh?”

Gusto niyang matawa. May sakit ang lolo niya at ayaw niyang isiping ginagamit nito ang karamdaman para makuha ang gusto. Ano pa nga ba ang maiisip niyang mabisang paraan para mapasunod siya sa plano nito? Ang hindi niya inaasahan ay sa mismong sa araw na ito magaganap ang bukambibig na kasalan. His marital status would change any minute.

“I am old and almost dying. Before I die, gusto kong makitang natupad ko ang pangako ko kay Ramon.”

Tiningnan ng lolo ang tinawag na Ramon. Malaki ang utang na loob niya sa lalaki, Buhay niya ang walang pag-alinlangang niligtas nito. Hahanap siya ng pagkakataong mapasalamatan ito ng personal. He shifted his gaze to that woman. Sa kabila ng pagiging mahiyain nito, nagawa pa rin nitong salubungin ang titig niya. There was something familiar with her eyes. Ang mga mata nito, ang suot na polo ng matandang katabi nito, ang sasakyang nakaparada sa labas.

Ngayon niya lang napagtagpi-tagpi ang lahat. It was the same woman. Such a small world.

Bumangon ang hinala sa isip. These people could be downright planning about this wedding right on that moment. Sa ospital mismo. Whoah! He was played along. Pero nang titigan niya ang mahiyaing babae, hindi niya lubos maisip na gusto rin nito ang nangyayari. She did not like it as much as he hated the idea of getting married.

Napipilitan?

Nevertheless, kailangan niya muna itong makausap nang sarilinan.

“Can we talk first?” direktang tanong niya sa babae gamit ang pormal na tono.

“We can discuss things here,” matatag ang boses ng lolo niya. His mother grunted as a sign of protest. Ang Tito Lorenzo niya at ang judge ay nakikiramdam lang.

“Lo, Mom, it’s a bit surprising. Don’t I have the right to know my ‘future wife’ a little bit more?” Binigyang-diin niya ang salitang future wife. Bahagya niyang tinanguan ang lalaking katabi nito. “Mang Ramon, pwede ko bang hiramin muna ang anak ninyo?”

Nagtinginan ang mag-ama. May tahimik na pag-uusap na namagitan sa mga ito.

“Mag-uusap lang kami, Tay.”

Pinisil ng babae ang kamay ng matanda. May pag-aalala man sa mukha ni Mang Ramon, pumayag ito. Akala ba nito ay sasaktan o pagsasalitaan niya ng masama ang anak nito? Kakausapin niya lang ito nang masinsinan. If he had to give in to his lolo’s whims and wishes, dapat ay may mga bagay na maging malinaw muna sa pagitan nila ng babaeng ito.

Tumayo ang babae at binanat pababa ang mahaba na nga nitong blusa. Saka niya lang napagtanto kung gaano kaliit ang babae. She looked so delicate. Hanggang sa dibdib niya lang ito lalo pa at nakasuot ng flat na sapatos. She must be 5’1” or 5’2” at most. Maliit. Sanay siya sa mga babaeng matatangkad. Ayaw niya sa mga petite. Mahihinang tingnan at parang walang laban sa kama.

Iniwan nila ang nakasunod na mga titig ng mga nasa loob ng library. Habang binabagtas ang malawak na pasilyo at sala, kinain sila ng katahimikan. Pwede na silang mag-usap sa sala pero mas pinili niyang lumabas sa glass door na nagkukunekta sa garden.

“Have a seat,” aya niya sa babae sabay turo sa steel bench sa isang sulok.

They were now seated next to each other. Tanging sa mga halaman lang nakatitig ang babae at hindi niya maiwasang makita kung paanong nangislap ang mga mata nito. Mahilig marahil sa pananim.

“Why did you agree on marrying me?” walang kagatol-gatol na tanong niya habang hindi iniiwan ang mga mata nito. He meant business kaya kailangan niyang  makakuha ng sagot na magugustuhan niya.

“Ikaw, bakit ka papayag?”

He was taken aback by her words. Mukha itong mahinhin pero may kakaibang tatag. Mataman niya itong pinag-aralan. This girl was a puzzle. Walang senyales na nai-intimidate. Wala ring senyales na may nararamdamang kung ano sa kanya. Kung ibang babae ito ay kaagad na nagpapakita ng kakaibang interes. But this woman showed none. Was he disappointed by her sheer disinterest?

“Is money something in consideration here?”

Hinintay niyang mag-burst out ito. Hindi nangyari. Walang pagwawala sa tahasang pang-iinsulto niya. May bahagya lang pagkagulat pero kaagad na nakabawi. Unbelievable!

“May trabaho naman ho ako, Sir. Kahit paano naman ay may kabuhayan kami ng tatay ko, maliit nga lang. Hindi kami mayaman pero hindi kami mukhang pera. Kung talagang duda ka sa akin, pwede naman akong pumirma ng kasulatan na magpapatunay na wala akong habol na anumang kayamanan ninyo.”

She was talking about prenuptial agreement. He couldn’t believe na walang pre-nuptial agreement na pinirmahan ang babaeng ito.

“Caleb…pwede ba kitang tawaging Caleb?”

“Gladly.”

Saglit muna siyang tinitigan bago ito nagsalitang muli.

“Ikamamatay mo ba ang magpakasal sa akin? Kung may mawawalan man dito, ako ‘yon dahil ako ang babae. Ang lalaki ay mananatiling lalaki. Hindi ko ini-expect ma magiging faithful ka sa akin sakaling gustuhin mong matuloy ito. Kanina, ramdam kong sinusuri mo ang pagkatao ko. Malayo ako sa mga babaeng nakarelasyon mo. Lihim mo akong pinagtatawanan sa kaloob-looban mo. Huwag kang mag-alala, hindi naman tayo magiging normal na mag-asawa. Sa papel lang tayo mag-asawa. Ngayon, nasa sa iyo na ang desisyon kung pagbibigyan mo ang dalawang matatanda sa mga kagustuhan nila. Kung pipiliin mong humindi, magaan sa loob naming aalis sa mansion ninyo.”

She never bat an eye as she spoke and she uttered every single word with so much conviction. Buo ang loob nito sa papasukin, matatag gaya nang nasasalamin sa mga mata nito.

“Kung nahihirapan kang pahindian ang lolo mo, maaaring ako ang magsabi.”

Iniatras nito ang mga kamay na magkapatong sa mesa. Nagbaba ng paningin at tumayo. Inayos muna nito ang bahagyang nalukot na palda. Maybe, it was a mannerism. Tumalikod ito at naglakad pagbalik sa pinanggalingan. Nasundan niya ito ng titig. This woman was not putting on a show. Magaling siyang negosyante at hindi ito ang tipo ng babaeng nagsasabi ng iba kaysa sa totoong nasa loob.

He was left contemplating for quite a few seconds. Tama ang lahat ng sinabi nito. Ang babae ang mas mawawalan. Mabilis siyang tumayo at humakbang pabalik sa library. The room was quiet when he entered. Tanging si Meredith lang ang nagsasalita. Nakatayo ito sa harap ng mga matatandang seryosong nakatitig lang dito. They were waiting for whatever she had to disclose.

“Tay, Ma’am Audrey, Sir Lorenzo, Lolo Manolo-“

“We’re getting married.”

There, he said it. Hindi niya alam kung bakit tila nagmamadali pa niyang sinapawan ang anumang sasabihin sana ng babae. Maybe, because he was worried on how his grandfather would react. Isa pa, magbabayad ng utang na loob lang siya. Wala nang kailangang pagdiskusyunan. The hell he cared kung may prenuptial agreement o wala.

He just wanted to get it over with.

Sa lahat, ang ina niya ang mas naging aligaga. Hindi ito magkandatuto. Halatang natutuwa.

“Give us a few minutes and I’ll get Meredith ready.”

Meredith was seated on the single sofa. Inutusan ng ina ang assistant ng kung anu-ano. Girl stuffs na hindi niya masakyan. May ilang minuto pa naman at mas pinili niyang lumabas muna at sa mini bar ng mansion nagtungo. He felt like he needed a glass or two of alcohol. A while ago, he came here a bachelor. A moment later, he will be a married man. Naubos ang laman ng kopita, naglagay siya ng dagdag na alak, pero bago iyon madala sa tapat ng bibig ngunit bago iyon, tumunog ang cellphone sa bulsa. Shit! Nakalimutan niya si Ashley.

“Will you be back?” tanong kaagad ng babae.

It took him a while before he could find his voice. “I might not.”

Hindi madaling bitiwan ang kung anumang meron sila ni Ashley pero, kailangan niyang lagyan ng katapusan ang anumang namamagitan sa kanila.

“I'm gonna talk to you soon, Ash. Bye.”

He turned off his phone. Inaalala niya kung tutunog pa ang aparatu, hindi nangyari. Knowing Ashley, she was only in for fun. Purong physical satisfaction lang ang hanap nila sa isa’t-isa. Ang hirap lang makahanap ng babaeng pumapayag sa ganoong set up. But he was bound to end it.

“Ang lalim ng iniisip.”

Si Tito Lorenzo. Sinundan pala siya nito. Tumabi ito sa kanya at nagsalin rin ng alak sa basong inabot nito sa counter.

“You were surprised for sure.”

“In a way, yes. Kahit pa nga alam kong ganito ang kahihinatnan ng lahat.”

Nagtagpo ang mga mata nila sa salamin sa lalagyan ng wine sa harapan nila. Panandalian itong nanahimik, parang ang lalim ng iiisip. “I didn’t like your Tita Eli at first. We despised each other.” May sumilay na ngiti sa mukha nito. Sa nakalipas na maraming taon, ganoon pa rin ang reaksyon nito sa bawat beses na nababanggit si Tita Eli. Walang anumang nagbago. He held onto his love for Tita Eli. Hindi naging hadlang ang pagkawala nito para patuloy itong mahalin ng tiyuhin. It was the kind of love he wanted and waited for so long. Iyong tipong hindi siya makahinga halos kapag tinitigan ang isang babae.

However, he didn’t get the chance. Ikakasal siyang hindi man lang natagpuan ang babaeng mamahalin niya ng labis-labis.

"Marriage is beautiful, Cal, and so is love."

Natawa siya nang mapakla. "This is just a marriage for convenience, Tito. Love is out of the question. I am only doing this out of gratitude for Mang Ramon, out of love and pity for Lolo."

The last thing he would want was to break his lolo’s heart.

"No, don’t ever say that.” Tinitigan siya nito nang mataman. “Have you not ever thought that maybe, just maybe, Meredith was the one meant for you?”

Ridiculous. How could he fall in love with Meredith? He barely knew her. Ngayon nga lang niya nalaman ang pangalan nito, Pangalawang beses pa lang niyang nakita. At, wala siyang anumang naramdaman sa babae. Zero.

"When the time comes, I will file for an annulment."

His lolo's days are numbered. Wala siyang balak na igugol ang habangbuhay na kasama si Meredith. Hindi niya nakikitang ito ang kasama niya sa pagtanda. Hindi ito ang tipo ng babaeng balak niyang pag-alayan ng pagmamahal at habangbuhay.

“Annulment kaagad?”

Buntung-hininga lang ang sagot niya. It was inevitable.

“Give yourself a chance, Cal. Give her a chance to enter your heart. Most of the time, love moves in ways we never thought possible.”

Mapakla lang siyag napangiti. His Tito Lorenzo, being the love guru again.

“Babalik na ako sa library. Hahayaan na muna kitang mapag-isa.”

Tinapik siya nito sa balikat. He was left with alcohol as his only companion.

A few minutes later, he was standing in front of Meredith. She was now wearing a white dress. Sigurado siyang ang nanay niya ang nagpumilit na ipalit iyon. Nakalugay na ang mahabang buhok nito. May ilang hiblang tumatabing sa nakatungo nitong mukha. It was as if she was hiding her face. O baka iwas na iwas na makita ng mga tao na umiiyak ito.

“Are you two ready?”

Tango lang ang naging tugon nila pareho ni Meredith sa tanong ni Judge San Carlos.

Without further ado, the short ceremony began. Nakaprima na sila sa marriage certificate. They were now wearing their wedding rings. Mag-asawa na sila.

He is now a fucking married man!

“Now, you may kiss your bride, Caleb.”

Pareho silang humarap ni Meredith sa isa’t-isa. Sinikap niyang hulihin ang mga mata nito pero mailap talaga ang babae. Parang ayaw na ayaw na matamang tinititigan.

What the heck?! Ceremonial kiss lang ito. He won’t eat her lips. He kissed countless of women before, this bridal kiss would mean nothing. It was purely ceremonial.

Napaigtad si Meredith nang hawakan niya ang baba nito para mapirmi ang mukha nito. As expected, lumikot kaagad ang mga mata nito. Kung wala lang sigurong ibang mga tao sa paligid, baka napagsalitaan na siya nito pero kailangang matapos na ito. Pagbibigay lang sa mga tao sa paligid. Halos namumungay ang mga mata ng ina niya habang nakatingin sa kanila.

Mula sa pagtitig sa ina ay muling ibinalik niya ang paningin sa asawa. Fuck, he has a wife.

Sinuyod niya ng tingin ang mukha nito. Meredith was wearing a little make up. Konti lang ngunit tila kaylaking nagbago rito. She was glowing. This woman was…both cute and pretty. Habang tumatagal na tinititigan, tila dahan-dahan namang nagbago ang hitsura nito. Bumaba ang paningin niya sa bahagyang nakaawang na mga labi nito. They were tainted with thin lipstick pero nakita niya kaninang mamula-mula iyon.

Her lips were kissable. Tila nag-aanyaya. She seemed to promise heaven.

Napalunok siya.

Parang naging tuyo ang kanyang lalamunan.

And his heart suddenly thumped…

All of a sudden.

Umikot ang kanyang palad sa leeg nito. Ang kanyang apat na daliri ay nasa batok nito habang ang hinlalaki ay naiwang nakalapat sa pisngi nito. Meredith had such soft skin that was wonderful to the touch. Nag-ugnay ang mga titig nila. Ngayon niya lang aaminin, maganda ang pares ng mga matang tinititigan sa ngayon. Tila may iba-ibang emosyon ang nakasalamin doon.

Then, his eyes darted on her lips again.

Naghihintay ang mga iyon. He lowered his face. They were too close he could feel her hot breath on his face. God, was it because of alcohol or her breath was really that intoxicating? It smelled so fresh....so fragrant. Para siyang naliliyo.

He so badly wanted to devour her lips. 

This must be fucking crazy but he wanted it to happen.

He was thirsty for this kiss.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jeck Tan(Google)
Tingnan lng natin Caleb..Yang mga. cnasabi mo hmmmm..
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
hala sya umpisa na Caleb......
goodnovel comment avatar
Joena Pojas
may aral na makukuha...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status