Share

5

“What the hell?!”

Binulahaw ng ingay na naririnig mula sa labas ang masarap na pagtulog ni Caleb. Nananakit ang sentido niyang napabangon nang makarinig ng kung anong kalansing mula sa labas ng kwarto. Bahagyang nakaawang ang pintuan niya kaya naman, malayang pumapasok ang anumang ingay. Lasing siya kagabi kaya hindi na niya napagtuunan ng pansin kung naisarado ba niya ang pintuan o hindi.

Last night was his wedding night, but he opted to go out and drink. At ngayon ang unang umaga niya bilang may-asawa.

To hell with being married.

Walang anumang dapat mamagitan sa kanila ni Meredith. They were just doing this out of obedience. Mababait lang silang mga anak at sumusunod sa mga magulang. Bumangon siya at mabilisang nagsuot ng damit at lumabas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng silid ni Meredith nang maraanan niya. Parang may kumalabit sa kanya na sumilip.

“Wow.”

The bed was made up already. It was immaculately clean. Parang hindi hinigaan. The corners of the bedcover were perfectly mitred.

“Did she even use the bed?”

Dumaan ang amoy ng pagkain sa ilong niya. Amoy ng tila ginisang bawang. Apat na taon na siya sa condo’ng ito pero ni minsan ay hindi pa siya nakapagluto sa induction stove. Malimit lang iyong nagagamit. Napabilis tuloy ang paghakbang niya patungo sa kusina. Naratnan niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa at ang babaeng abala ngayon sa paghahalo ng kung anuman sa lutuan.

Alas sais pa lang ngunit nakapaligo na ito at nakapaghanda na.

Natulog man lang ba ito?

Binantayan niya ang bawat galaw ng babae. Pinatay nito ang stove at kinuha ang inihandang platter sa gilid at sinimulang ilipat ang nasa kawali. She’s an OC. Bawat kalat ay kaagad na nililinis at pinupunasan. Suma total, mukhang hindi nagamit ang lutuan. Makintab pa rin.

Bahagya itong nagulat nang matuklasang nasa mismong harapan na siya nito. Nanlaki ang mga mata at nahaluan kaagad ng pagkalito ang anyo.

“Hm, n-nakialam na ako.”

Inilapag nito ang platter ng sinangag na kanin sa gitna ng mesa. Pagkatapos ay basta na lang ito tumayo sa gilid ng mesa nang nasa likod nito ang mga kamay. Para itong batang nakatitig lang sa kanya at hinintay ang sasabihin niya.

“K-kain ka na.”

Nagbaba ito ng tingin nang hindi siya tuminag at mas piniling itihaya ang nakataob na plato malapit sa kanya. He could sense her discomfort. May bahagyang panginginig ang mga kamay nito.

“Stop it.”

Awang ang bibig nitong nag-angat ng mukha. Nasa plato ang mga kamay nito ngunit nasa kanya ang mga mata.

“You didn’t sign up for this.”

Nalito ito sa sinabi niya. Humugot siya ng malalim na buntung-hininga. May gusto siyang sabihin pero mas pinili niyang ibulsa muna. Too early to break everything to her.

“I don’t usually eat breakfast.”

Nakakaunawang napatango naman ito at ibinalik sa dating ayos ang pinggan. ‘Yon lang muna ang dapat nitong malaman. Tinalikuran niya ito. Kumuha siya ng bottled water sa ref at dinala iyon sa silid nang hindi na ito muling kinausap pa. Inubos niya ang malamig na tubig at nahiga siyang muli sa kama. Pinapahupa niya ang sakit ng ulo. Dagdag isipin pa na may kasama na siya sa unit. A wife for a housemate. Napapailing siya. Hindi niya alam kung paano tratuhin si Meredith. The longest time he would spend in the company of a woman was when having sundown to sunrise sex escapades. Isa pa, iniiwasan niyang masanay sa lahat ng mga ginagawa nito. Magtatapos sila sa takdang panahon at ayaw niyang may mga ganoong mga alaala na maiiwan. His marriage to her was only a phase.  Lilipas din sa takdang oras.

He took a bath and changed into his casual executive look. Kasalukuyan niyang ibinubotones ang calf ng long sleeves nang mapadako ang tingin sa palasingsingan. Ilang segundo siyang napatanga roon. Matapos ang pag-iisip, natagpuan niya ang sariling hinubad ang singsing at basta na lang inilapag sa bedside table.

Broadcasting to the the whole damn world that he was married was unnecessary.

Tuloy pa rin ang buhay niya bilang si Caleb James Santibañez Romero.

Walang magbabago.   

Paglabas niya ay tahimik na ang buong kusina. Walang anumang bakas ng kalat na naiwan. Malamang ay nasa loob ito ng nakapinid na silid. Malalaman din naman nito kung umalis na siya o hindi.

Coming to the office was the only relief he could think. Pero, pagdating niya roon ay sinalubong siya ng hindi inaasahang maiinit na pagbati ng mga empleyado. Kahit ang guard ay alam ang tungkol sa pagpapakasal niya. Duda siya na ang ina ang may pakana.

“Congratulations!” sunud-sunod  na natanggap niya.

What the fuck!

Naririto na rin lang, he had to act normal. Tinanggap niya ang pakikipagkamay. Mandatory niyang sinuklian ng pasasalamat ang mga congratulatory greetings sa kabila ng pagpoprotesta sa dibdib at tila pananakit ng sentido.

“Thank you.”

Nawala ang bahagya niyang ngiti sa harap ng mga executives nang matanaw ang babaeng nakatayo ngayon sa unahan, katabi ng sekretarya niya.

Ashley gazed at him earnestly. Nakakapanibago ang kaseryosohang ipinamamalas nito. Lagi itong happy-go-lucky. She was free spirited and playful. The fact na sinadya siya nito, siguradong alam na nito. Sa simula pa lang naman ay alam na ni Ashley ang kahahantungan nila. They had known each other for a long time.

Sa wakas ay nahawi ang mga tao. Kani-kaniyang pasok ng opisina at elevator. He was left alone, looking at Ashley’s direction. Humakbang silang pareho at nagtagpo sa gitna.

“Kanina pa ho naghihintay si Miss Ashley, Sir.”

Saka lang niya napansing muli ang sekretarya.

“Thank you, Rica.”

Tumutunog sa marmol ang papalayong yabag ni Rica. Naiwan silang walang masabi ni Ashley sa isa’t-isa. Wala silang opisyal na relasyon pero nakakaramdam pa rin siya ng sundot ng kunsensya. Balak niya namang aminin dito ang totoo kagabi pa lang, naunahan nga lang siya ng pagkalat ng balita. Bumaba ang mga mata nito sa kamay niya.

“How come you’re not wearing your wedding ring?”

Natural reaction, naisuksok niya ang kamay sa bulsa ng suot niya.

“Sa opisina na tayo mag-usap.”

Tahimik silang pumasok sa pribado niyang opisina. Nilagpasan si Rica na ngayon ay abala na sa pagkalikot sa computer nito.

“Have a seat.”

He locked the door behind him. Ayaw niya ng anumang istorbo sa pag-uusap nila ni Ashley. Ngunit bago siya makapihit ay naramdaman niya ang init ng katawan ni Ashley sa kanyang likuran. She was literally inches away from him. Hinarap niya ito.

“I’m sorry for not telling you yesterday.”

Mahirap paniwalaan pero may bahid ng pait na nakapinta sa mga mata ng babae.

“Wala namang magbabago, hindi ba?”

A womanizer who was trying to hold his sanity right now. Ganoon ang estado ng pag-iisip niya sa mga sandaling ito. Laro-laro man ang meron sila ni Ashley, ‘di niya maiwasang maapektuhan. Ashley was the longest relationship he ever had. Mahirap bitiwan ang namamagitan sa kanila ngunit kinailangan. He was married already.

Sa hindi inaasahan, bigla na lang pumulupot ang mga bisig nito sa kanya. Kakaiba ang yakap nito sa ngayon. Mahigpit at may kaakibat na damdamin. Or perhaps, he just failed to notice it before.  Naroroon lang ito at nakayakap sa kanya nang walang anumang sinasabi. Ilang segundo rin silang tumagal sa ganoong posisyon hanggang sa ito na rin ang unang nagsalita.

“I am willing to continue what we have, Cal. Walang magbabago. Alam ko namang wala kang nararamdaman sa babaeng ‘yon. I will always be here for you.”

Lumapat ang bibig nito sa gilid ng kanyang bibig. She planted a wet kiss on it. She was sending a message. 

Tempting.

“I won’t change the lock in my condo.”

Dahan-dahang dumausdos ang kamay nito mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang balikat. Her fingers traced his arm. Buong akala niya ay hihinto na ito ngunit nang hindi siya umangil ay nagpatuloy sa pagbaba ang kamay nito. It stopped right at his growing manhood. Shit! He almost moaned when she kissed him. Sabay nitong dinakma ang harap niya.

And then, she was gone. Naiwan ang kaaya-ayang bango ng ginamit nitong mamahaling perfume. The scent masked his lucid mind. Left with all those enormous emotions in his chest, with his demons slowly pulling him back to a sinner’s den, he sat at his desk weakly.

Sinikap niyang iwaglit si Ashley sa utak niya. He tried to focus on his work. Thankfully, nagawa niya. Sa sobrang subsob ay nakalimutan na niya ang oras. Pag-angat niya ng tingin, madilim na sa paligid. Nangingislap na mga liwanag sa iba-ibang estabsiyemento ang pumalit sa kanina ay maliwanag na paligid na natatanaw niya mula sa glass wall. Umunat siya. Pagkatapos ay sinimulang sinupin ang mga gamit. Bitbit ang coat sa kaliwang kamay ay sumakay siya ng elevator.

He thought of seeing Ashley but he successfully put restraint in his actions.

“Just not a good idea, Caleb.”  

Kumain na muna siya sa isang restaurant bago umuwi. Kabubukas pa lang niya ng pintuan nang sumalubong ang usok na nagmumula sa kusina. Napamura siya na inilang hakbang ang pagitan ng sala. Ang bitbit na coach ay basta na lang niya initsa sa sofa. Konti na lang at magiging critical na ang smoke level sa unit.

“What the hell!” maigting niyang tanong sa nalilitong babae.

Meredith had that worried expression on her face.

Binaklas niya ang nakapatong na rack na may nakapatong na dalawang talong. She was roasting some eggplant on the stove. Inside his freaking kitchen. Hinablot niya ang basahan at binasa iyon at tinakpan ang bahaging pinagmulan ng usok. Dahan-dahang nawala ang usok.

His heartbeat was racing so fast. Literal na naiinis siya. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis.

He was angry, in fact.

Nakapameywang na hinarap niya ito at matalim na tinitigan si Meredith na ngayon ay nakasiksik na sa ref. Nininerbiyos ito.

“What do you think you’re doing?”

Nang-angat ito ng mukha. Nadipina ang matinding takot sa mga mata nito. The hell he care. Muntikan na silang masunog.

“Gagawa lang naman sana ako ng tortang-“

“Saang bundok ka ba nanggaling?”

His tone was angry. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag ilabas ang yamot sa dibdib. Para siyang bulkang sasabog anumang oras. Kung titira ang babaeng ito sa pamamahay niya, dapat ay hindi ito tatanga-tanga na lang palagi. This is the reason that he hated getting involved with innocent-looking women. Nakakaubos ng pasensya.

Nakita niya kung paanong bumalatay ang sakit sa mukha nito. Hindi nito nakayang itago. It was a subtle way of bluntly calling her ignorant. Hindi man lang ba ito nag-iisip?

“Sorry.”

Ang dami pa niyang gustong sabihin. Mataman niya itong tinitigan. “You don’t have to do that, Meredith. Stop acting like a true wife. Alam nating pareho kung ano tayo.” He couldn’t control his temper. Nabitiwan niya ang mga salitang hindi dapat. “Sa papel lang tayo mag-asawa, Meredith. Hindi mo kailangang pagurin ang sarili na pagsilbihan ako. You have no obligations towards me. Just…just don’t to these things. Stop doing anything.”

Nawala ang kulay sa mukha nito. Napapahiyang nagbaba itong muli ng tingin. Nakagat nito ang ibabang labi. Nag-aalala siyang iiyak ito pero hindi. Was he too much?

“S-sige.”

Sinimulan nito ang pagliligpit sa mga niluto. Somehow, he felt a pinch in his heart. Nayayamot siya sa babae ngunit higit na nakakayamot ang sarili niya. Bakit kailangang pagtaasan niya ito ng boses? Pero huli na para bawiin ang mga sinabi. Mas nangibabaw ang matigas niyang puso. He won’t ever apologize. Meredith must remember her place. Temporaryo lang ang lahat. He wouldn’t keep her no matter what.

Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Jeck Tan(Google)
Cge lng Caleb Tingnan lng natin... ikaw ang mawalan..
goodnovel comment avatar
Rhealyn Sanchez
hehehe ang sakit magsalita ni Caleb .........
goodnovel comment avatar
Missy F
ang bad mo naman Caleb.d ka man lang nag take out ng pagkain for Meredith.sana mapanindigan mo yang pag iwas mo sa higad mong as a friend......... ngaun pa lang nasasaktan na ko for Meredith.wag mo na lang pansinin si Caleb girl
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status