Home / Romance / A Woman's Unparalleled Love / Chapter 2 - A Second Line Of Hope

Share

Chapter 2 - A Second Line Of Hope

Author: Zaligma
last update Last Updated: 2024-07-21 05:15:39

"Mrs. Vergara," marahang pagtawag ng nurse sa silid kung nasaan ngayon si Airith at naghihintay. Nabasag niyon ang katahimikan.

Nag-angat ng tingin si Airith pagkatapos ay isinara ang hawak-hawak niyang magazine na hindi niya naman binabasa. Kasabay ng pagtango sa nurse ang pagbilis nang bahagya ng kabog ng kanyang dibdib.

Pumasok siya sa opisina ng doktora na katulad pa rin nang huling pumunta siya rito. Ngunit ngayong araw, pakiramdam niya ay nasa isa siyang digmaan at hindi niya alam kung anong magiging resulta ng kanyang kinabukasan. Nagpakawala pa siya ng mababaw na buntong hininga bago naupo sa harap ng doktora.

"You're looking well," sambit ng doktora, bahagya itong nakangiti habang nire-review ang hawak nitong file. Iniangat nito sa kanya ang mabait nitong itsura. "Lumabas na ang resulta ng iyong preliminary test, iyon ang kailangan nating talakayin ngayon." Mas lalo pang bumilis ang pagkabog ng dibdib ni Airith nang marinig iyon.

Tila wala siya sa sarili nitong mga nakalipas na araw pagkatapos ng una niyang pagpunta rito. Minsan pagod, minsan nahihilo at nasusuka, at minsan ang pagkagustong kumain ng matatamis at maaasim na pagkain na dati ay hindi niya naman hilig kainin. Ang kanyang utak ay punong-puno ng mga posibilidad at puro iyon ay patungkol sa pagbabago ng takbo ng kanyang buhay.

Masinsinan siyang kinausap ng doktora habang ipinapaliwanag na ang kanyang mga naging sintomas at resulta ng paunang test ay nagsasabing baka nagdadalang tao siya. Syempre, nagulat pa rin si Airith sa sinabing iyon ng doktora kahit na inaasahan niya na iyon.

Inabutan siya nito ng maliit na stick na gawa sa plastik at may kulay pink na takip. "Isa itong pregnancy test," sambit nito. "Take it home at sundin mo lang ang kalakip na instructions. Make sure na tawagan mo ako bukas sa kung anumang resulta."

Inabot iyon ni Airith nang may bahagyang nanginginig na kamay dahil sa pinaghalong tensyon at medyo malamig na temperatura ng kwarto.

"Remember, isa lang 'yang screening tool. We'll confirm it with further tests if it's positive." paalala pa ng doktora bago niya tuluyang nilisan ang ospital.

Sa banyo ng sariling kwarto, nakatitig lang nang husto si Airith sa pregnancy test na nakapatong sa may lababo. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay may kakaibang enerhiya sa bagay na iyon na kayang magbago ng ikot ng kanyang mundo. Binasa niya ang napakasimpleng tagubilin ngunit para sa kanya ay mukhang ang hirap niyong gawin dahil sa iyon ang magdidikta ng resulta ng kanyang magiging kapalaran.

Marahan niyang dinampot ang pregnancy test, magkahalong pag-aalinlangan at pag-asa ang kanyang nasa isip. Paano kung totoo nga? Paano kung nagdadalang tao nga siya?

Humugot muna siya ng malalim na paghinga kasabay ng pagtanggal niya ng takip ng stick. Sinasabayan iyon ng palakas na palakas na kabog ng kanyang dibdib sa puntong naririnig na niya iyon dahil sa sobrang katahimikan.

Napakalinaw ng tagubilin: ihian lang ang stick sa loob ng limang segundo at maghintay. Maselang sinunod niya iyon nang may pag-iingat habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa stick. Pagkatapos niyon ay muli niyang ipinatong iyon sa lababo.

Sumandal sa siya pader sa kanyang likuran at tumingin sa ceiling ng banyo. Ipinikit niya ang kanyang mata habang iniignora ang hilong nararamdam na siyang nakasanayan niya na sa paglipas ng ilang araw. Pakiramdam niya ay umiikot ang banyo nang puntong iyon. Pinupuno ng matamis na amoy ng scented candle ang paligid niya na kanyang sinindihan upang pakalmahin ang sarili.

Nang muli niyang buksan ang kanyang mata, lumapit siya sa may lababo upang tingnan ang stick. Napatakip nalang siya sa kanyang bibig nang makita ang unti-unting pagbuo ng hindi pa klaradong ikalawang guhit. Umikot na naman ang kanyang paningin kaya napakapit siya sa lababo upang hindi matumba.

Buntis nga siya.

Ang katotohanang iyon ay parang napakalaking alon ng pinagsamasamang emosyon. Takot, galak, pag-aalala, saya – para iyong nagsasabong sa kanyang kalooban, dahilan upang mahirapan siyang makahinga.

Pinulot niya ang stick nang may nanginginig na mga kamay. Titig na titig siya sa ikalawang pink na linya na ngayon ay klaradong-klarado na. Totoo nga. Magiging ina na siya. Ang kakaibang bigat ng sitwasyong iyon ay dama niya hanggang buto. Isang mabigat na pakiramdaman na hindi niya pwedeng ignorahin.

Agad na sumagi sa isip niya si Sebastian. Matutuwa kaya iyon? O may pakialam man lang ba? Ang katanungan niyang iyon ay parang kaakibat ng sakit sa kailaliman ng kanyang tiyan.

Ang kanilang naging pagsasama ay walang kabuluhan sa loob ng isang taon. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pagmamahal mula rito. Sa kabila ng pagtanggap niya sa katotohanang iyon ay pinili niya pa ring manatili sa pag-aasam na baka magbago pa ang tingin nito sa kanya. Pero ngayong nagdadalang tao na siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-asang baka mabago pa niyon ang kanilang pagsasama.

Ito rin ang dahilan kung bakit naisipan niyang ikansela ang naging appointment niya sa isang abogado: sa pagbabakasakaling buntis nga siya at mabago pa nito ang lahat.

Sa puntong iyon, nakita niya ang pag-ilaw ng screen ng kanyang cellphone na nakapatong sa gilid ng lababo. Bumungad dito ang mukha ni Sebastian kalakip ng pangalan nito at numero. Bihira lang siya nitong tawagan at hindi na nga niya maalala kung kailan ito huling tumawag sa kanya.

Sinagot niya ito. "Hello?" Ang kanyang boses ay higit na nanginginig pa kaysa sa kanyang kamay.

"Airith," Isang malamig, walang kabuhay-buhay na boses ang narinig niya mula sa kabilang linya. "Pumunta ka ngayong alas otso nang gabi sa HSS Restaurant." pautos nitong sambit.

"Sige," tugon niya, sinusubukang maging kalmado ang kanyang boses. "May problema ba?"

"Basta pumunta ka lang." sagot lang nito pagkatapos ay namatay na ang linya ng tawag.

Marahan niyang muling ipinatong sa lababo ang kanyang cellphone at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Ang HSS restaurant o Heavenly Sweet and Sour Restaurant ay isang sikat na restaurant sa kanilang syudad. Madalas silang kumain doon noong dalaga pa siya ng kanyang mga kaibigan o minsan ay kasama niya ang kanyang ama. Lugar iyon ng selebrasyon at importanteng mga pag-uusap.

Baka lang, baka lang naman, ito ang paraan ni Sebastian upang makausap siya nang masinsinan at kilalanin na siya nito bilang asawa. Marahil ay napagtanto na rin nito sa wakas kung gaano siya kahalaga sa buhay nito.

O baka ay pag-uusapan lang nila ang tungkol sa negosyo nito na kung saan ay paminsan-minsan siyang tumutulong. Baka may ipapagawa na naman ito sa kanyang trabaho.

Alinman doon ang dahilan, alam niyang kailangan niyang ipaalam rito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Mamayang gabi ang pinakamagandang oportunidad upang gawin iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 49

    "You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 48

    Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 47

    "I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 46

    "Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 45

    Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 44

    Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status