LOGIN“HERE.”
Inabot sa kanya ng kaibigan ang isang pregnancy test kit. She bit her lower lip, contemplating whether to accept this or not. Hindi siya handa sa kung ano man ang magiging resulta ng test na kanilang gagawin. She’s scared. It’s scaring the hell of her. Nababahala siya sa kung ano man ang kanyang magiging reaksyon.
“Walang magagawa kung tutunganga ka lang,” anito na nagpagising sa kanyang malalim na iniisip. “You need to take this, Delancy. For our peace of mind. Dali na. Baka magtaka pa sila Tito bakit nawala tayong bigla.”
Wala sa sarili siyang napalunok. Tinanggap na niya ang inaabot ni Mylene at wala sa sariling napalunok.
Tumakas lamang saglit si Mylene para ibili siya ng pregnancy test kit. And while waiting for her friend, nagtatago siya sa guestroom. Kung maghahanap kasi ang kanyang daddy ay paniguradong sa silid niya ito unang maghahanap.
“How should I use this?” wala sa sarili niyang tanong habang nakatingin sa hawak niyang pregnancy test kit.
“May instructions diyan.” Hinawakan siya nito sa balikat at pinatalikod saka tinulak patungo sa banyo. “Go. Bilisan mo!”
Delancy took a very deep breath. Binitbit niya ang hem ng kanyang gown at naglakad na papasok sa loob ng banyo. She closed the door and faced the mirror. Sa kabila ng kanyang makeup, pansin niya ang pamumutla.
Why is she scared to test herself in the first place? Because she doesn’t remember anything about that night. Hindi niya alam kung gumamit ba sila ng protection. Well, she can ask him tonight because he’s here.
“Damn it, Delancy,” pagmumura niya sa sarili. “Now is not the right time for that.”
Tumingin siya sa hawak na pregnancy test kit and humugot ng malalim na hininga. Hinahanda niya ang sarili sa kung ano man ang kanyang gagawin ngayon.
Binuksan na ni Delancy ang kanyang hawak na pregnancy test kit. Sinunod niya ang instructions na nakalagay roon. Medyo nahihirapan pa nga siya dahil sa kanyang suot na gown. And when she was finally done, she flipped the tester back and placed it on the sink.
Inulit niya ito sa dalawa pang tester na binili ni Mylene para makasiguro. After repeating the same process, nilapag niya ang test kit padapa sa sink at humugot ng malalim na hininga. Nag-angat siya ng tingin sa salamin at humugot ng malalim na hininga.
Mababakas ang takot sa kanyang mga mata. Kahit malamig ang air-con ay panay pa rin ang pagbuo ng butil ng pawis sa kanyang noo. Mariin niyang pinikit ang mga mata at inabot ang isang test kit. Delancy then slowly lifted her eyelids.
As soon as she saw the double lines, her eyes immediately widened. Wala sa sarili niya itong binitiwan na para bang isa itong ‘cursed’ na bagay.
“No fvcking way…” she whispered.
Dumapo ang kanyang paningin sa dalawa pang test kit. Someone is knocking on the door, then she heard her friend’s voice calling.
“Delancy, make it quick. Baka maabutan tayo rito ng father mo. Naloloka na ako sa ‘yo,” anito.
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at dahan-dahang inabot ang dalawa pang test kit. This time, dilat na ang kanyang parehong mga mata. She reached for the two test kit and flipped it to check the result.
Parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at napaupo siya sa lapag. Napatakip siya sa kanyang bibig kasabay ng pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Hindi lang kamay niya ang nanginginig, kundi pati buong katawan niya. Her whole body is trembling so hard as tears kept streaming down her cheeks.
The banging on the door started getting loud, ngunit para bang hindi niya ito marinig. She reached for the doorknob and twisted it to open. Nang mabuksan ito ay agad na pumasok si Mylene.
“What’s wrong? Stop crying. Masisira ang make up mo!” histirikal nitong sambit. “Ano ba kasi ang resulta?”
Binitiwan ni Delancy ang hawak niyang pregnancy test at napatakip sa kanyang mukha. Narinig niya ang pagsinghap ni Mylene nang makita ang resulta.
“Oh my gosh,” bulong nito at tumingin sa kanya. “Delancy…”
“This can’t be happening,” mahinang wika niya at humikbi. “Hindi ako pwedeng mabuntis, Mylene. I can’t…”
Kahit ang kaibigan ay walang masabi. Yumakap na lamang ito sa kanya at humugot ng malalim na hininga. Tuluyan nang nawala sa kanyang isipan na mayroon siyang makeup na suot. She just kept crying her heart out.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat na gawin ngayon. Tila ba ay naging blanko ang kanyang utak. All test results are showing positive.
“You’re pregnant, Delancy. You’re fvcking pregnant!”
–
PASIMLPENG naglibot ng tingin ang binata. His eyes are like looking for something… or more like someone. Hindi siya makapag-concentrate sa kanyang mga kausap dahil busy ang kanyang mga mata.
“Is there something wrong, Cyd?” tanong sa kanya ng kanyang kaibigan na si Dennis, ang kasalukuyang nagdiriwang ng kaarawan ngayon.
Agad siyang umiling. “Nothing.”
“I didn't expect you to be here, but I’m glad you came,” anito at tinapik ang kanyang balikat. “Thank you.”
He nodded his head. “No problem.”
Sa pagiging malikot ng kanyang mga mata ay nahuli ng kanyang paningin ang isang babae na ngayon ay naglalakad na paakyat ng hagdanan, bitbit nito ang mahabang hem ng gown at mukhang… masama ang timpla.
“I can’t imagine marrying her off to someone I don’t know.”
Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang kaibigan at nakitang nakatitig din ito sa dalagang kanina niya pa tinitignan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga saka niya muling binaling ang atensyon sa dalaga na ngayon ay paakyat na ng hagdanan.
“Why not let her choose the one to marry?” kaswal niyang tanong.
Why does it feel like he already met her before? Hindi niya lang maalala kung saan. Well, obviously he met her before… like years ago. Ngunit parang na-meet na niya ang adult version nito. He just counldn’t remember well.
“I would, if I had to. Ngunit alam mo naman ang mga kabataan ngayon. Tanga na sa pag-ibig. At ayokong matulad sa kanila ang anak ko,” sagot ni Dennis at humugot ng malalim na hininga. “Delancy is the last string of hope that I have. My only heir. I can’t bear losing her to someone who can’t treat her well. Who couldn’t give her what she wants.”
Hindi siya umimik doon. Last string of hope? What does he mean by that? Nais niyang magtanong ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili.
Pinanood lamang nila ang dalaga hanggang sa mawala ito sa kanilang paningin Hindi maintindihan ni Cydine ngunit bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng interest dito?
SHE DOESN’T know what to do. Mabilis ang pagtibok ng kanyang dibdib habang nakatingin dito. Kusang humakbang paatras ang kanyang mga paa habang nakatingin dito.His eyes are looking at her fiercely. Na para bang nandito ito para maningil ng kanyang utang.Agad siyang nag-iwas ng tingin dito. Kinalumutan na lamang niya ang kanyang plano na kumuha ng sliced watermelon at agad na umalis. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang gown habang palabas ng venue.Shit! Bakit ba kasi hindi niya naalala na nandito rin pala si Callum? Na isa rin pala itong doctor? Na posibleng magkita sila rito? How could she be so careless?! E ‘di ngayon ay natataranta siya?Mabilis ang kanyang hakbang palabas ng venue. Wala na siyang pakialam sa heels na kanyang suot, o sa mga camera na kumukuha ng litrato sa kanya dahil sa agaw pansin niyang suot. She just wanted to leave this place as soon as possible.Ngunit nang makalabas siya ng building ay may humigit sa kanyang braso. Hindi na niya kailangan pang lumingon pa
TAHIMIK NA nakikinig si Callum sa kanyang mga kasamang doctor na nag-uusap tungkol sa viral niyang awake surgery last time. It was actually something to brag about. Sa Pinas, siya pa lamang ang nakakagawa non, rush pa. If it wasn’t rush, then his patient probably lost his life by now.“Are you okay to take an apprentice, Mr. Andreev?” pabirong wika ng isang doctor na hindi niya kilala ngunit alam niyang na sa neurosurgery rin.“I’m sorry, but no,” agad na sagot ni Xiao Mei, his date for tonight. “He doesn’t take apprentice.”Bakas ang gulat sa mukha ng kanyang mga kasamahan at tinignan siya. Tanging ngiti na lamang ang kanyang sinagot dito. Wala siyang panahon sa mga ganito.Right now, all he just wanted to do is to go and take a rest. Kung hindi lang talaga itong importanteng event, hindi na sana siyang magpupunta. But this event is a very important event. Bukod sa dala niya ang pangalan ng kanyang ospital, kailangan niya rin talagang magpunta para mag-donate sa isang charity mamaya.
NAGISING SIYA na parang hinahati ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Dahan-dahan siyang bumangon habang mariing hawak ang kanyang noo. He’s not joking when he says his head felt like it’s splitting into two.“Damn hangover,” he mumbled.He stayed in that position for a moment before he roamed his eyes all over the place.He’s in their bedroom.Aalis na sana siya sa kama nang may maamoy siyang kakaiba. Agad niyang nilingon ang pwesto sa kanyang tabi at nakitang wala naman siyang kasama. But the scent… that familiar scent…Maybe he’s just hallucinating. Baka lasing pa siya.Pinilit na lamang niya ang sariling bumangon at nagtungo sa banyo. He was about to wash his face when he noticed his bracelet was gone. Kumunot ang kanyang noo at tumingin sa kanyang kabilang palapulsuhan.Where the hell did it go?Naghilamos muna siya para mawala ang kanyang antok na nararamdaman bago siya nagmamadaling lumabas ng banyo. He headed out of their master bedroom and went downstairs. Naabutan niya naman si
“WHAT ARE you doing here, Veronica?”Halos mapugto ang kanyang hininga nang marinig ‘yon sa binata. She tried to push him off, only for him to put his weight above her. Masyadong mabigat si Callum, lalo na’t lasing ito.Pansin niya ang panay na paghugot ng malalim na hininga ng binata, it was like he’s trying to inhale her scent. Good thing she put on her favorite perfume. But still, this is not good.Alam na ni Callum na siya si Veronica. This man knew she existed. At ‘yun ang nakakapagpatigil sa tibok ng kanyang dibdib. She wanted to deny that fact, but a part of her is somewhat happy to know what he knew she existed.That Veronica existed.However, that’s not what’s important now. Kailangan na niyang makaalis. It’s not safe for her to stay here any longer.With all the strength, left in her, she pushed him off. Parang nakahinga naman siya ng maluwang nang magawa niya ‘yon. She then slowly got up, afraid she might wake him up. Ngunit ganoon na lang ang kanyang gulat nang biglang haw
“Are you crazy?”Hindi niya mapigilan ang sariling mapamura at balingan ng tingin ang kanyang kapatid. Ngunit wala sa kanya ang tingin nito, kundi na kay Callum. Sinundan niya naman ng tingin kung saan ito nakatingin at mariing kinagat ang ibabang labi.“I feel like he already knew Veronica existed,” mahinang usal nito.Nandito sila sa main door at ilang hakbang lang ay mararating na nila ang sofa kung saan kasalukuyang tulog na tulog si Callum. Amoy na amoy niya ang magkahalong alak at pabango nito kahit medyo may kalayuan.“What do you mean?” kunot noong tanong niya sa kanyang kapatid. “He knew? Sinabi mo?”“Of course, not.” Mahina itong natawa at umiling. “Pero may sinabi siya sa akin kanina.”Napairap sa hangin si Veronica. “Can you just be straight to the point? Stop beating around the bush, Venice. I don’t have time for this.”Tumalikod na siya para sana umalis nang magsalita ang kambal.“He told me to bring back his wife,” wika nito na ikinatigil niya sa paglalakad. “He told me
TINUMBA niya ang bote sa kanyang harapan at humugot ng malalim na hininga. Hindi na niya alam kung pang-ilang bote na ‘yon ng alak. Ramdam niya ang paninitig sa kanya ni Axton ngunit wala lang sa kanya ito.His sibling wouldn’t understand what he’s feeling right now. Dahil kahit minsan ay hindi pa ito umibig. And it’s understandable. Kasi siya rin naman, e. This is his first time feeling this kind of feeling to a woman.At sa babaeng niloloko pa siya.“What are you sulking about?” bagot na tanong sa kanya ni Axton. “Your wife is home. What the fvck do you mean she left?”Hindi rin pala nito alam ang tungkol sa kung ano ang nangyari at mga nalaman niya.“You don’t understand,” he replied.Umismid lang ang kapatid at inabala ang sarili sa paglalaro sa phone nito.Wala siyang ni isang kaibigang tinawagan. But it seems like his sibling knew he needed someone right now, that’s why Axton cancelled every meeting he has for tonight and headed here just to sit and watch him get himself drunk.M







