“Isang shot para sa mga sawi!”
Tinaas ng kanyang mga kaibigan ang kanilang hawak na baso kaya naman ay ganoon din ang ginawa niya. She’s starting to feel dizzy, but she knows she can still hold her drink just fine. Hindi naman siya weakshit pagdating sa inuman. And besides, this drink is to celebrate something.
They’ve finally graduated. Sa wakas. At ito na siguro ang kanyang huling pag-bar kasama ang kanyang mga kaibigan dahil sa susunod na mga araw, it will be them facing the hardships of life.
“Teka, teka. Bakit ka nagtataas ng baso, e hindi ka naman sawi?” tanong ng isang babae na medyo slurred na kung magsalita.
Delancy frowned and pointed to herself. “Me?”
Tumango naman ang babae. “Yes, you.”
“Oh.” Delancy cackled. “I forgot.”
“Oo nga. Bakit ka nag-ri-raise ng baso mo? Men flock on your feet, Delancy. Hindi pa ba enough ang blessing na ‘yon?”
She frowned. “What the hell? Men don't flock on my feet. I am just simply the girl they wanted.”
It’s true. Isa rin sa kanyang pinagpapasalamat ngayong naka-graduate na siya. Minsan kasi ay naiinis na siya dahil sa tuwing binubuksan niya ang locker punong-puno ito ng mga gifts, all from her admirers. She’s not bragging though. But it was true.
Umirap siya sa mga ito at tinitigan ang baso na kanyang hawak. Totoo nga ang balita na kapag hindi ka kumain before uminom, paniguradong alak ang susuntok sa tiyan mo. And look at her now, parang nagkakaroon na ng three-hundred-sixty degrees ang paligid.
“What if subukan natin ang charm mo?” sambit ni Ava sa kanyang tabi. “Let’s make a bet.”
The word ‘bet’ made her feel excited all of the sudden. Agad siyang ngumiti at tumikhim. She’s literally trying her best not to feel dizzy. She wanted to be in this game, okay?
“What bet?” she asked.
“Hmm…” Humawak si Ava sa chin nito at kunwaring nag-iisip. “How about you, guys? May naisip ba kayong dare para sa ating dean’s list muse?”
Tumingin si Thea sa kanila at pumalakpak. “May naisip ako!”
Ang na sa table na ito ay puro lamang babae, walang lalaki. Paano ba naman kasi, may kasintahan itong si Thea na sobrang seloso. Kaya heto, walang lalaki ang nakahalo sa kanilang mesa. Sila-sila lamang mga babae.
“Ano ‘yon?”
“What is it?”
Halos magkasabay nilang sambit ni Ava.
Thea let out a devilish laugh before answering, “You will kiss the first hot man who’ll walk in.”
Tinuro ni Thea ang entrance at nilingon niya ito.
It’s a challenge. Wala nang masyadong pumapasok dahil malapit na magmadaling araw. Medyo mahirap… ngunit kailan ba siya humindi sa isang pagsubok?
“Deal,” she replied and turned her head to her friends. “Any man who walks in that I find attractive?”
“Yes!” sabay na sagot ng mga ito. “Dapat stranger ha. Hindi ‘yung kakilala mo lang.”
Ngumisi siya sa mga ito. As if naman marami siyang kaibigang mga lalaki. Pati nga pusa ayaw ipakaibigan sa kanya ng kanyang daddy. He’s that overprotective of her. Ewan niya nga kung bakit. She’s already twenty-two! Never had a boyfriend.
But flings aren’t counted, right?
Binaling na niya ang kanyang paningin sa pinto para hintayin ang kung sino mang pumasok. She’s praying for it to be a handsome guy. Well, according to them, anyone who is attractive to her eyes.
Tahimik nilang hinihintay ang kung sino mang pumasok na pogi. Pati na ang dalawang kanina pa busy sa pagsalin ng alak ay nakihintay na rin sa kung sino man ang pumasok.
Naghintay pa sila ng ilang minuto. And Delancy doesn’t like waiting. Kaya naman nang mainip ay aalisin na sana niya ang kanyang paningin dito nang makita niyang may pumasok sa loob.
“Ayon!” usal ni Thea at tinuro ang lalaking niluwa ng entrance ng club. “This or drink half the bottle of vodka!”
She bit her lower lip. Tinuon niya ang kanyang mga mata sa lalaki, hindi iniiwan ng kanyang paningin ang binata at sinundan kung saan ito uupo. Tinunga niya ang alak na laman ng kanyang baso at tumayo.
This is it. Let the game begin.
Kahit na nahihilo siya ay pinilit niya pa ring makatayo at tinahak ang daan patungo sa mesang pinuntahan ng gwapong estranghero. Pasuray-suray na siya kung maglakad ngunit hindi niya ‘yon alintana.
What matters most is to accomplish this challenge. Ayaw niyang maging laman siya ng kinabukasan dahil hindi niya tinupad ang challenge. And besides, it’s just a kiss. It’s harmless.
On her way to his table, mayroong humaharang sa kanya para makipagsayaw at humingi ng kanyang pangalan o kaya naman ay number. Ngunit wala ni isa sa mga ito ang kanyang pinansin. Basta na lamang niyang dinaanan ang mga ito.
Nang marating niya ang sofa kung saan nakaupo ang lalaking kanina niya pa tinititigan. Pansin niyang patayo na ito kaya’t agad siyang nagmadali sa paglalakad kahit na hilong-hilo na siya.
Delancy grabbed his collar shoulder, turning him to face her. At nang humarap ito ay wala siyang sinayang na pagkakataon. She immediately kissed him with her eyes closed. Hinanda niya ang sarili para sa impact ng pagtulak nito.
But to her surprise, he kissed her back!
“Chert, muzhik. Ty tak bystro kogo-to podtsepil?” rinig niyang sambit ng isang tinig sa tabi-tabi ngunit hindi niya ito maintindihan.
At wala siyang planong intindihin.
The man she’s kissing held her waist, pulling her for a deeper kiss. He’s a good kisser, she can say that. The way his tongue played against hers, mukhang tamang lalaki ang Nilapitan niya para sa challenge na ito.
Nang maramdaman ni Delancy ay malalagutan na siya ng hininga ay tinulak niya ito sa dibdib. Tinignan niya ito gamit ang namumungay niyang mga mata at ngumiti.
“Thanks for that kiss,” she said and smiled seductively.
Before the man could say anything, agad siyang tumalikod ito. She was about to walk away when suddenly, he pulled her arm to face him. Medyo nahilo siya sa ginawa nito.
Nilingon niya ito. “What is it?”
“You’d think I let you go that fast?” He pulled her by the waist making her gasp. “We then think again, woman.”
Napakurap-kurap siya sa sinabi nito. “W-what–”
Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay muli na naman siya nitong siniil ng malalim na halik.
Fvck.
HUMUGOT siya ng malalim na hininga habang tinatanaw ang karagatan kung nasaan siya ngayon. Tahimik ang paligid, ngunit ang puso at isipan niya ay hindi. Magulo ang kanyang utak ngayon. Tinunga niya ang laman ng kanyang canned beer na dala at pinikit ang mga mata para damhin ang malamig na pag-ihip ng hangin. She then bit her lower lip as different kinds of thoughts came flashing inside her head.Sa ngayon ay hindi niya pa alam ni Cydine na siya mismo ang ama. Ngunit ang kinakabahala niya ay kung sakaling dumating ang araw na malaman nito ang katotohanan. “I didn't know I’d run into you here.”Wala sa sarili niyang dinilat ang mga mata at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang assistant ni Mr. Chua. Si Gavin. ‘Yung nagbibigay sa kanya pagbabanta tungkol sa binatang si Cydine.Umismid siya at agad an pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. Ang ilan pa sa kanyang mga luha ay natuyo na sa kanyang pisngi.“If you’re here to threaten me again, try agai
HINDI SIYA MAKAPAGSALITA. She ran out of words. Tinakasan din siya ng sariling boses. As much as she wanted to speak, it feels like she couldn’t find the right words to say. Parang nawawala ang pagiging magaling niya sa paghahanap ng rason ngayong kaharap na niya si Cydine.“Say it, woman.”Wala sa sarili siyang napatingin sa mga mata nito. His eyes are telling her he already knows everything. Ngunit ayaw niya. She’s in denial. Hindi pa siya handang tanggapin na alam na ni Cydine ang lahat.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. “Akin na ang folder,” kalmado niyang sambit kahit sa loob-loob niya ay parang sasabog na siya sa takot at kaba na nararamdaman ngayon.Akmang aabutin niya sana ito ngunit mabilis na inilayo ni Cydine ang hawak nitong folder at inangat. He’s taller than her. Hanggang balikat lang siya nito kahit sa height niyang five feet and seven inches. He’s like six feet and five inches tall. Kaya’t hirap siyang abutin ang kamay nitong nakaangat.“Not unless you tell me th
"ANO BA?! Bitiwan mo nga ako!” Pilit niyang inaagaw ang pagkakahawak nito sa kanyang braso ngunit hindi niya magawang bawiin ang kanyang braso dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.Few more walks and then he stopped walking. Saka pa lang nito binitiwan ang kanyang kamay. Agad niya itong binawi at humawak sa kanyang pulso. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya na nag-iiwan ng marka sa kung saan nito hawak-hawak.Sinamaan niya agad ito ng tingin. “What the hell is wrong with you? Bakit ba Bigla-bigla ka na lang nanghihila?” Hinarap siya nito at sinamaan ng tingin. “Where did you get these?”Pinakita nito ang folder na hawak sa kanya. Pansin niya ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. And that made her chuckle. Hindi niya maipaliwanag ang galit na kanyang nararamdaman ngayon. Napailing siya. “I see. Are you mad because I might ruin your too good to be true future mother-in-law?” asik niya rito. “Are you that scared I might do something that will ru
MARIIN NIYANG kagat ang ibabang labi habang ang kanyang dugo ay kumukulo sa labis na galit na kanyang nararamdaman ngayon. Ngunit pinipilit niya ang sariling maging kalmado. “I’m so happy to see you having dinner with us, Delancy.” Nakangiti ito at halso umabot sa tenga.But that smile is so fake as hell! Nakakainis tignan. “My dad invited me to come over for dinner together.” Tumingin siya rito, walang ekspresyon ang kanyang mga mata. “And I came because I thought it’s a father and daughter date. Guess I was wrong.”Agad itong umiling sa kanya at hilaw na ngumiti. “I really didn’t know you guys are having your date here. I was just looking for some table to eat alone since your father said he’s going to have dinner with you. I’m really sorry, hija.”So paano niya sasabihin ang tungkol sa pagtataksil nito sa kanyang ama ngayon? It feels like this woman is doing this on purpose. At parang iniinis din siya nito sa paraan ng pagngiti nito. Nakakapikon tignan.“It’s fine. Don’t be sorry
DAYS PASSED and she can tell she's doing great. Ang hindi niya na lang nagagawa ay ang maging malapit sa kanyang ama. He’s been trying to get close to her father even knowing it’s almost close to impossible, knowing her temper.Sa ilang araw rin na dumaan, hindi na niya nakakasalamuha si Cydine. Wala rin naman siyang pakialam. Ang gusto niya na lang ngayon ay makuha ang loob ng kanyang ama kahit na labag sa kanyang mismong kalooban.But her feelings doesn’t matter, as long as her mother and father will get back together. “Miss Delancy?” Nag-angat siya ng tingin sa tumawag sa kanyang pangalan at bumungad sa kanya si Cleofe. Mayroon itong hilaw na ngiti sa labi. “Yes?” she answered.“May tawag po kayo from the CEO,” anito. “Sasagutin niyo po ba?CEO? Her father? Bakit kailangang sa company line ito tatawag e may contact number naman ito sa kanya? Weird.Tumango siya rito. “Connect him to my line.”Agad na tumalima si Cleo sa kanyang inutos. After a minute, inangat niya ang telephone
AFTER HAVING lunch, Ava and the other three nannies decided to put the babies to sleep for their afternoon naps. Wala namang naging angal ang mga ito. Panay na rin kasi ang paghikab nila, nagsasabing inaantok na rin ang mga ito.Kasalukuyan silang na sa sala ngayon, nag-uusap. Her mother’s been asking random questions to Brandon. Nakakaawa na ngang tingnan ang binata, e. Nangangapa na sa kung ano ang isasagot.“Talaga? Ang bata mo pa ha. And yet, you’ve achieve this kind of success.” Ngumiti ito sa kanya. “You remind me of Delancy’s father.”“Bakit po?” nakangiting tanong ni Brandon.“He may be born with silver spoon on his mouth, ngunit ginawa niya naman ang lahat ng makakaya niya para maipakita sa kanyang ama na deserving siya sa kung ano ang meron siya ngayon.”Hindi maiwasang mapatitig ni Delancy sa mga mata nito. Pansin niya ang pagkislap ng mga mata nito nang mabanggit ang kanyang daddy.Parang may kung anong kumurot sa kanyang dibdib sa nakita. It’s pretty obvious that her moth