CHAPTER 10: PLAYFUL MORNINGS
Lileanne POV Maaga akong nagising. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng aircon o dahil parang ang gaan ng pakiramdam ko matapos ang ilang araw ng kaba at stress. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, sinilip ko si Ziven na mahimbing pa ring natutulog sa couch. Nakapikit pa siya, nakatagilid, at halatang hindi pa gising sa realidad. Wow, kahit natutulog, gwapo pa rin. Pero syempre, hindi ko na sinabi ‘yan ng malakas. Baka lumaki lalo ang ulo ng lalaking ‘to. Tahimik akong tumayo at dumiretso sa banyo. Naligo na rin ako para hindi na ako maagawan ng banyo mamaya. After kong mag-ayos, nagsuot ako ng simpleng off-shoulder dress na yellow—yung medyo light lang para hindi halatang ‘nag-aayos’ masyado pero presentable pa rin. Kailangan kong panindigan ang pagiging “Margarette” na may finesse at grace. Paglabas ko ng kwarto, diretsoChapter 48: Break the IceZiven POVAlas-singko ng hapon. Ang dami ko nang ginawa sa opisina — dalawang meeting, isang conference call sa Singapore, at anim na pirma sa kontrata — pero kahit anong gawin ko, kahit ilang ulit kong balikan ang proposal sa harap ko, isa lang ang laman ng utak ko: si Marga.Kamusta na kaya siya? Kumain na kaya siya?Mula kahapon, wala pa rin kaming usap. Ni isang mensahe, wala. At oo, ako ang may kasalanan. Alam kong kahit anong paliwanag ang gawin ko, ang nakita niya ay isang halik mula sa ex ko. At sa paningin niya, hindi iyon biro.Napapikit ako habang nakasandal sa swivel chair ko. God, ang gulo.Tumunog ang phone ko. Tumayo ako agad, kinuha ito mula sa table, pero hindi siya ‘yon. Isa lang sa mga staff. Nagpa-follow up ng approval.“Pabukas na lang ‘yan,” sagot ko.Hindi ko na talaga kaya. Lumabas ako ng office at pumunta sa balcony sa 15th floor ng gusali. Ang taas. Ang hangin. Pero
Chapter 47: A Conversation in the GardenLileanne A.K.A. Marga POVAng tagal kong nakatulala sa kisame ng kwarto. Sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Alam kong hindi ako dapat masyadong apektado, pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko—hindi ko na lang kasi siya mahal, kundi nasasaktan na rin ako.Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Kinuha ko ang cardigan na nakasabit sa gilid ng pintuan, tsaka lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala ang dating sigla, wala rin si Ziven.Naglakad ako papunta sa garden, sa paborito kong spot—isang deck chair sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Ang ganda ng tanawin, ang hangin malamig at presko, pero sa kabila noon, parang kulang.Kulanging-kulangi.Kulanging-kulangi kasi wala siya.Umupo ako sa deck chair. Sandaling nagsara ang mga mata ko. Sa dami ng inisip ko buong gabi, ngayon pa lang yata ako nakaramdam ng konting katahimikan.At naka
Chapter 46: Focus Is Not an OptionZiven POVMag-aalas-onse na ng umaga nang matapos ang conference call namin sa Singapore team. Akala ko pagkatapos ng mahaba at technical na diskusyon tungkol sa supply chain timeline ng bagong product line ay magiging mas maayos na ang araw ko.Hindi pala.Nakatitig lang ako ngayon sa monitor habang bukas ang bagong email galing sa marketing department. Hindi ko mabasa nang maayos ang nilalaman. Hindi dahil sa mahirap intindihin, kundi dahil wala ako sa tamang estado ng pag-iisip.Ilang araw na akong dito sa office nakatira. Dalawang gabi na akong natutulog sa maliit na kuwarto sa likod ng opisina ko — the one we reserved for emergencies or late night deadlines. But in this case? I chose to stay here dahil gusto kong sundin ang payo ni Mommy: “Give her space.”Pero sa totoo lang? Hindi ito space ang nararamdaman ko.Parang exiled.May kumatok sa pinto.“Sir Ziven,” tawag n
Chapter 45: Bawal Ma-FallLileanne a.k.a. Marga POVNasa kwarto ako ngayon, nakahiga sa kama habang pinipilit na pakalmahin ang sarili. Ilang araw na mula noong insidenteng ‘yon, pero hanggang ngayon, parang kumukulo pa rin ang dugo ko sa inis—hindi lang kay Samantha, kundi lalo na kay Ziven.Umalis siya.Umalis siya, hindi para ayusin, hindi para magpaliwanag. Umalis siya na para bang ako pa ang may mali. Gano’n ba talaga siya? Sa tuwing may problemang hindi niya kayang ayusin, tatakbuhan niya? Ganito ba ang lalaking ipinagmamalaki ng lahat?Napairap ako at napabuntong-hininga habang binubuksan ang phone ko para sana manood ng kahit anong distraction sa YouTube. Pero bago pa man ako makapanood, biglang tumunog ang phone ko. Unknown number.Napakunot ang noo ko. Pero sinagot ko pa rin.“Marga,” bati ko, gamit ang boses na ginagamit ko kapag nagpapanggap.“Gosh girl!” sigaw ng nasa kabilang linya. Si Marga. “Anong nangyari? Nagsumbong daw ‘yung mommy ng fiancé ko kay Mommy na nagtatamp
Chapter 44Ziven POVPagkatapos ng board meeting kasama ang logistics team, dumiretso ako sa opisina ko para sa susunod na naka-schedule—isang conference call with the Singapore office. Habang naglalakad ako papunta sa opisina, hawak ko na ang tablet ko, binabasa ang summary ng mga reports at proposals na dapat naming pag-usapan. Malinaw ang laman ng email: status update ng expansion project sa Southeast Asia region.Pagkarating ko sa loob, nakabukas na ang projector screen, at naghihintay na sa kabilang linya ang core team ng Singapore branch. Naka-set up ang system para sa Zoom call at inayos ko ang microphone."Sir, ready na po," sabi ng secretary ko habang inaayos ang kape sa mesa.Tumango ako. "Patch them in."Nag-blink ang screen, at isa-isang nag-appear ang mga mukha ng Singapore team—si Mr. Alvin Tan, head ng operations, si Clarisse Lee ng finance, at ang bagong intern na si Julian Ong. Naka-headset silang lahat at may ba
CHAPTER 43 — DISTRACTED CEOZiven Alejandro — POV9:25 AMPumasok ako sa conference room sa ikalawang palapag ng Alejandro Corp. logistics wing. Tahimik ang buong floor, pero ramdam mong busy ang paligid. Ang mga empleyado'y abala sa kani-kanilang gawain, at ang mga department heads ay nagsisimula nang magsidatingan para sa weekly board meeting.Maaga akong dumating — hindi dahil excited ako, kundi dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Kahit sabihin pa ng katawan kong gusto kong bumalik sa mansion, alam ng utak ko na wala akong mukhang ihaharap kay Marga ngayon. Hindi pa.Huminga ako nang malalim habang binubuksan ang leather folio ko. Inside were printed documents — sales data, shipment reports, Q3 projections. Sa papel, mukhang maayos ang kumpanya. Pero sa puso ko? Magulo. Malabo. Wasak pa rin.Dapat ay focus ako. Pero kahit ilang ulit kong sinusubukang ayusin ang upo ko, iisa lang talaga ang laman ng isip ko.Si Marga.