Share

Chapter 16

HINDI nagtagal ay nakarating na din sila Brooke sa Mall na pupuntahan nilang dalawa ni Seven ng sandaling iyon. Naghanap naman ng parking ang lalaki at nang makahanap ay inihinto nito ang bigbike nito na minamaneho nito kung saan siya nakasakay.

Bumitiw naman si Brooke mula sa pagkakayakap niya kay Seven mula sa likod. Pagkatapos ay bumaba siya sa bigbike ng hindi inaalis ang helmet niya. At dahil do'n ay hindi niya masyado napansin ang binababaan niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Pero bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse ay naging mabilis ang pag-kilos ni Seven, agad siya nitong nahawakan sa braso niya at marahan siya nitong hinila palapit sa katawan nito para hindi siya tuluyang matumba. Mabilis nga din ang naging reflexes ni Brooke dahil agad na kumuyapit siya sa kamay nito para ma-i-balanse din ang kamay.

"I got you," wika ni Seven sa buong-buong boses sa kanya.

Napakurap-kurap naman si Brooke ng mga mata habang nakatitig siya dito. Suot pa din ni Seven ang helmet
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
thank you so much po ate...yes na yes ang wednesday nyt ko po.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status