Share

Chapter 7

ISINARADO ni Brooke ang sliding window ng kwarto niya nang makitang anumang sandi ay bubuhos na ang malakas na ulan. Mag-a-alas sais pa lang ng gabi pero madilim na ang langit. Kita din niya ang pagliwanang ng kalangitan ng sumilip siya sa bintana sa kwartong tinuluyuan.

Naidalangin din ni Brooke na sana huwag nang kumulog at kumidlat. Okay lang sana na bumuhos ang malakas na ulan basta wala lang kasamang kulog at kidlat. May takot kasi siya do'n. Bata pa siya no’ng makuha niya ang takot niyang iyon. Natatandaan pa niya, wala siyang kasama sa bahay no’ng umulan ng malakas. Kumukulog at kumikidlat pa. Iyak siya nang iyak dahil sa takot no’n. Pakiramdam kasi niya no’ng panahon na iyon ay matatamaan siya ng kidlat.

At dala-dala na niya ang takot niyon sa paglaki niya. Nababawasan lang ang takot niya kapag may kasama siya.

Pero mukhang hindi siya pinakinggan sa hiling niya dahil hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa kama niya ng biglang kumulog ng malakas.

Bigla naman siyang napaup
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
good morning miss F..thanks sa update............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status