CHAPTER 56:_Bago pa man mag-alas siyete ng umaga nasa Farm na sila. Hawak ni VJ sa magkabila nitong kamay sila Joaquin at Angela.Bakas sa mukha ng bata ang kasiglahan at saya, tuwang-tuwa ito habang naglalambitin at tila naglalambing sa kanyang Mama at Papa. Habang masaya silang naglalakad sa Farm at mistula silang isang masayang pamilya.Ito ang eksenang bumungad sa paningin nila Liandro at Dr. Darren ng umagang iyon. Hindi rin maikakaila ang pagkagulat na may kahalong pag-aalala sa mga mata ng mga ito sa nakikitang senaryo. Gusto man nilang matuwa sa nakikitang kasiyahan ng tatlo, hindi nila magawa. Dahil sa kaguluhan na maaaring mangyari. Nasa isip na ni Dr. Darren ang kompirmasyon, kung bakit ganu'n na lang ang pag-aalala ng dalaga ng minsang naospital ito.Bigla tuloy s'yang napatingin sa kaibigan na ngayon hindi inaalis ang tingin sa paparating. Bigla rin s'yang nakaramdam ng guilt at pag-aalala. Dahil mukhang kakailanganin n'yang magsinungaling dito sa ngayon. 'Siya pala
CHAPTER 57: A Moment of Reminiscent _Sta. Barbara, Iloilo cityAfter all those years past into her life, since then. And once again she's coming back alone. But this is not for good, it's only for reminiscing... For all those moments they shared, together with her family.For the first time, almost 20 years on her past life. Muli s'ya ngayong nakapasok ng Hacienda Caridad. Hindi man niya naaalala ang mga panahon na narito siya. Dahil sa napakabata pa niya noon.Subalit batid niya na naging bahagi rin ito ng kanyang nakaraang buhay at higit sa lahat naging pag-aari ito ng kanilang angkan.Pero ngayon nasa mga kamay na ito ni Anselmo. Iyon ay dahil sa kasakiman at kasamaan nito. Kaya naman hindi kayang limutin ng panahon ang mga sandaling ginawa nitong impyerno ang buhay nila. Lalo na ang buhay ng kanyang ama at ina. Kaya hinding hindi n'ya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanila. Hindi rin naging normal ang kanyang kabataan, na dala-dala pa niya hanggang sa kanyang pagdadalaga.
CHAPTER 58: THE BATTERED _"Walanghiya ka, punyeta!" Buong lakas nitong binigwasan ang anak. Nawalan pa ito ng balanse kaya pasalampak itong sumadsad sa sahig. Napahawak naman ito agad sa namumulang pisngi. Pagkatapos nitong agad na pahiran ng likod ng palad ang dumudugo nitong labi. Ngunit agad din naman itong kumilos at paluhod na humarap kay Anselmo. Habang nginig na pinagsasalikop ang mga palad. "Patawad po Papa, hindi ko na po uulitin!" Nasa mukha nito ang labis na takot sa ama. Habang patuloy na naglalandas ang luha sa pisngi."Hindi ba sinabi ko na sa'yo na h'wag kang pakalat-kalat kapag may bisita ako. Ang tigas talaga ng ulo mo. Bwisit kang bata ka!"Tila dumadagundong sa pandinig ang bawat salita ng kanyang ama na lalo namang nagpapanginig sa kanyang kalamnan."Patawad po Papa hindi na po mauulit!" Muling pakiusap niya sa ama.Subalit tila bingi na si Anselmo sa pakiusap ng anak. Muli nitong nilapitan ang binatilyo at tinadyakan pa sa tagiliran. Dahilan upang muli ito
CHAPTER 59: BACKFIRE _Pagkahatid sa kanya ng mga tauhan ni Anselmo sa pantalan. Deretso na siyang pumasok sa loob ng Barko. Mas pinili niyang dito siya sumakay imbis na sa eroplano papuntang Cebu.Pero saglit lang naman siyang nanatili sa loob nito. Dahil agad din siyang bumaba ng makita niyang paalis na ang mga tauhan ni Anselmo.Mabilis siyang bumaba ng Barko ng matantiya niyang paalis na rin ang Barko. Pakubli-kubli siyang lumabas at dere-deretso sa ibaba. Luminga-linga lang muna siya sa paligid at naghanap ng comport room ng makakita tuloy-tuloy lang siya sa loob nito.Ang sabi niya kay Anselmo kanina bago sila maghiwalay mas gusto niyang sumakay ng Barko. Hiniling rin niya na manatili muna siya ng Cebu para dalawin ang mga dating kaibigan. Agad naman itong sumang-ayon hindi naman ito tumutol. Kanina naramdaman niyang nais nitong umalis na siya agad ng Sta Barbara. Kaya naman sinamantala na rin niya ang pagkakataon na wala sa kanya ang atensyon nito at hindi na siya mabibig
CHAPTER 60: FLASHBACK _Nagdaan ang mga araw at bumalik din sa normal ang lahat. Papasok sila ni VJ sa umaga at pagkatapos ng klase. Mag-stay muna sila sa Resort bago umuwi ng bahay.Naging busy na rin si Joseph sa pagpapagawa sa Bakeshop mula ng magbalik ito ng Batangas at galing ng Maynila. Kaya naman malapit na rin itong matapos. Kailangan na rin kasi itong magreport sa bago nitong project sa susunod na Linggo. Kaya dapat na matapos na nito ang lahat bago ito umalis. Mabuti na lang at sa Manila na lang ang susunod nitong Project. Maaari itong makauwi every weekend.By next week naka-schedule na rin kasi ang Grand opening ng Bakeshop nila. Sabagay konting ayos na lang naman at p'wede na talaga itong buksan.Kasalukuyan s'yang nakatayo ngayon sa harap ng building site ng ginagawang Bakeshop. Nakapamili na rin naman sila ng mga gamit sa kusina at maging sa selling area. Kumpleto na rin ang mga kakailanganin nilang gamit para sa Grand opening day kaya todo na talaga ang kanilang pa
CHAPTER 61:_Matapos ang nangyari sa kanya kanina sa Resort. Minabuti niyang umuwi na lang kahit pa gusto ni Joaquin na pumunta sila ng ospital. Pero nagpakatanggi siya at hiniling na lang niyang makauwi. Hiniling rin niya na h'wag ng sabihin sa Papa nila at kay Joseph ang nangyari. Dahil ayaw na niyang mag-alala pa ang mga ito.Nakiusap na rin siya sa mga tauhan ng Resort na kalimutan na lang ang nangyari. Dahil okay naman na siya kaya hiniling niya h'wag na lang palawigin pa ang nangyari para wala ng problema.Hindi rin naman niya sinabi kay Joaquin ang totoong nangyari sa kanya kanina. Sinabi na lang niya na biglang sumakit ang ulo niya dahil sa init ng araw.Sinabihan tuloy siya nito na h'wag na ulit siyang magdadrive pa ng motor at para na lang tumigil na ito at hayaan na lang siya kaya pumayag na rin siya sa gusto nito.Dahil naisip niya agad si Dorin, kaya pag-uwi nila ng bahay agad na niya itong tinawagan.Nang makausap na niya ito sa cellphone. Agad rin naman itong pumayag
CHAPTER 62:Matapos ang insidenteng nangyari sa kanya sa Resort. Balik normal na ulit ang lahat at wala na rin siyang maalala pa. Maliban sa pangalan ng isang batang babae na bigla na lang sumagi sa isip niya kahapon. Ngunit bukod doon wala na siyang maalala pa tungkol dito. Kahit anong isip ang gawin niya hindi niya ito maalala. Kung may kaugnayan ba ito sa kanya? Kahit sa isip niya tinawag siya nitong Ate nanatili pa ring palaisipan sa kanya. Kung sino ba ito? Kung kapatid ba niya ito o ano ba ang kaugnayan nito sa kanya. Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing pinipilit niyang isipin. Ang sabi ni Dorin h'wag niyang pwersahin ang isip niya. Kusang maalala niya ulit ito pero kailan pa? Malakas kasi ang kutob niya na maaaring may kinalalaman sa kanya ang batang babae. Pero bakit ganu'n hindi malinaw sa isip niya ang mukha nito? Pero alam naman niyang babae ang bata, saka bakit alam rin niya ang pangalan nito at saan niya nakuha ang pangalang iyon? Siya ba si Amara? Punong-puno siya
CHAPTER 63:_Naantala ang sana ay pag-alis na ni Angela papuntang Resort. Nang malabasan niya si Joaquin na naghihintay sa kanya sa may pasilyo. Ang buong akala pa naman niya ay nakaalis na rin ito. Pero narito pa rin ang binata at abot pa ang demand nito ngayon sa kanya.Nagulat man s'ya sa pagiging prangka nito ngayon at lantarang pagseselos. Hindi pa rin niya maitatanggi ang tuwa sa puso niya ng mga oras na iyon.Kaya naman napapayag na siya sa kondisyon nito. Besides! Ano pa ba ang dapat niyang itago? Gayu'ng obvious naman dito kung ano talaga ang kanyang nararamdaman para sa binata. Kaya nga siguro malakas ang loob nito ngayon na magdemand._"Okay, I think you steal my heart!" Aniya na hinaluan pa nang lambing ang tinig._"What?" Nabiglang tanong nito."I think... I lost my heart, because of you!" Aniya at deretso pang tumingin sa mga mata nito.Sound's corny, but sometimes love is undescribable. Nagiging corny na yata siya dahil ba sa in love na talaga siya sa lalaking ito