author-banner
LadyGem25 / eMGie
LadyGem25 / eMGie
Author

Novels by LadyGem25 / eMGie

AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1)

Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Amanda, ngunit ito rin ang nagdala sa kanya sa masaya at magandang buhay. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkalimot niya sa kanyang nakaraan at mabuhay ng iba ang katauhan. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang niya nakilala ang isang Jeremy Dawson. Ang Hot and Gorgeous Hotelier na isa rin sa Founder ng Hotel sa Venice Italy kung saan siya nag-attend ng OJT. Dahilan rin ito kung bakit nagsimulang malito ang kanyang puso. Ngunit hindi niya maitatanggi na ito rin ang nagturo sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nanaisin pa ba niyang balikan ang kanyang nakaraan upang makilala ang sarili o mananatili na lang sa buhay na puno ng kasinungalingan? Paano kung ang katotohanan pa lang ito ang mas higit na sisira sa kanyang pagkatao? Gugustuhin pa ba niyang malaman ang totoo o mas gugustuhin pa niyang baguhin na lang ang kanyang kapalaran? ___ Kaya ating tunghayan ang laban ng dalawang pusong nagmamahal. Ngunit walang kalayaang ibigin ang isa't-isa. Dahil sa pag-ibig palaging may nasasaktan at nagdurusa. ***** By: LadyGem25 06-28-22
Read
Chapter: A DREAM WEDDING Part 2
A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
Last Updated: 2023-07-15
Chapter: A DREAM WEDDING 1
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
Last Updated: 2023-07-13
Chapter: WISHED A BETTER FUTURE FOR MY BELOVED SISTER
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
Last Updated: 2023-07-04
Chapter: HEART WHISPER'S
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
Last Updated: 2023-06-30
Chapter: WE NEED TO FORGET HIM
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
Last Updated: 2023-06-28
Chapter: ANSELMO'S CHILD
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
Last Updated: 2023-06-26
TIE OF LOVE

TIE OF LOVE

Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong minamahal? _ Paano nga ba niya paiibigin ang isang taong mayroon nang ibang minamahal? Isang hamon iyon sa puso ni Aleyha, sabi nga nila walang pusong bato sa matiyaga kung umibig. Kaya handang gawin ni Aleyha ang lahat makuha lang ang puso ni Ivo Sebastian. Dahil kailangang umibig ito sa kanya kahit may Althea Mauricio pa sa pagitan nilang dalawa. Sisiguraduhin niyang sa huli sa kanya magpapatali si Ivo at siya ang iibigin nito. Dahil siya ang mas karapat-dapat sa puso at pagmamahal ni Ivo. _ Ngunit karapat-dapat nga ba talaga siya sa puso ng binatang bilyonaryo, hindi ba isa siyang babaing naninira ng relasyon at pumapasok sa pagitan ng dalawang pusong nagmamahalan? ***** 06-06-25 Story Written By: LadyGem25
Read
Chapter: SECRET FILES
C-10: Unexpected Scene ___ Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nagiging palaisipan na talaga sa akin ang mga bagay pinagagawa ni Mr. Del Castro. Ano ba talaga ang plano nito? Bakit gusto niyang bantayan ko si Sir Ivo, may pinaplano kaya siyang gawin kay Sir Ivo? "Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ni Blessy tulad ko nakahiga na rin ito. Marahil hindi rin ito makatulog dahil ramdam niya na gising pa rin ako. Sa iisang double deck lang kasi kami natutulog si Blessy ang nasa itaas ako naman ang nasa ibaba. Kami lang dalawa ngayon sa isang kwarto, nasa bakasyon daw kasi ang isa pa naming kasama ang isa naman nag-asawa na. "Pasensya na naabala ko tuloy ang tulog mo medyo namamahay siguro ako kaya hirap akong makatulog." Pagdadahilan ko. "Okay lang maaga pa naman, ganyan rin naman ako noong una ko rin dito. Huwag mo akong alalahanin, hindi pa rin naman ako inaantok." Sagot nito. "Matagal ka na ba dito?" Sa lahat kasi ng mga narito sa compound si Bl
Last Updated: 2025-08-25
Chapter: FIRST DAY IN WORK
CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga
Last Updated: 2025-07-23
Chapter: LOVE PREVENTION
CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may
Last Updated: 2025-07-08
Chapter: MEET MR. IVO SEBASTIAN
CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni
Last Updated: 2025-07-02
Chapter: THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED
CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag
Last Updated: 2025-06-25
Chapter: UNDER THE SOLES OF THE FEET
CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,
Last Updated: 2025-06-16
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status