Isang trahedya ang nagpabago sa buhay ni Amanda, ngunit ito rin ang nagdala sa kanya sa masaya at magandang buhay. Subalit ang kapalit nito ay ang pagkalimot niya sa kanyang nakaraan at mabuhay ng iba ang katauhan. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang niya nakilala ang isang Jeremy Dawson. Ang Hot and Gorgeous Hotelier na isa rin sa Founder ng Hotel sa Venice Italy kung saan siya nag-attend ng OJT. Dahilan rin ito kung bakit nagsimulang malito ang kanyang puso. Ngunit hindi niya maitatanggi na ito rin ang nagturo sa kanya nang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Nanaisin pa ba niyang balikan ang kanyang nakaraan upang makilala ang sarili o mananatili na lang sa buhay na puno ng kasinungalingan? Paano kung ang katotohanan pa lang ito ang mas higit na sisira sa kanyang pagkatao? Gugustuhin pa ba niyang malaman ang totoo o mas gugustuhin pa niyang baguhin na lang ang kanyang kapalaran? ___ Kaya ating tunghayan ang laban ng dalawang pusong nagmamahal. Ngunit walang kalayaang ibigin ang isa't-isa. Dahil sa pag-ibig palaging may nasasaktan at nagdurusa. ***** By: LadyGem25 06-28-22
View MoreCHAPTER 1:
"Deretso ka lang huwag kang hihinto, bilisan mo pa!" Malakas na sigaw ng lalaki sa driver ng van, ang kanilang sinasakyan nang mga oras na iyon. Nakapwesto ito sa mismong likod ng driver kaya madali nitong nauutusan ang driver at tila ito rin ang tumatayong lider ng grupo.
Dahil kanina pa, ito na ang nagmamando sa lahat. Kung titingnan isa lang itong simpleng lalaki na may manipis na bigote at balbas na akala mo hindi makagagawa ng masama.
Hindi talaga nakikita sa itsura lang ang tunay na katauhan ng isang tao..
Mula pa kanina halos manginig na sila sa takot at pilit ring nagsusumiksik sa loob ng sasakyan. Tatlo silang babae na kinuha ng limang kalalakihan, pagkatapos pasukin ang Bus at magdeklara ng hold-up ang mga ito kanina.
Ginawa silang hostage upang proteksyunan ang mga sarili. Mula sa Bus na sinakyan nila kanina, hanggang sa sapilitan silang isakay sa isa pang sasakyan. Sa pagkakaalam niya may isa pang sasakyan na kasama ng grupo ngunit wala na ito ngayon. Marahil upang lansihin ang mga pulis na sumusunod rin sa kanila. Ngunit ngayon nawala na rin ang mga pulis marahil naligaw na.
"Iliko mo sa kanan." Narinig niyang muling utos ng lider.
"Malayo na tayo Boss tiyak na hindi na nila tayo mahahabol." Saad naman ng lalaki sa tabi ng driver sa kanan nito.
"Basta ideretso n'yo lang.." Saad lang ulit ng leader ng goons.
"Boss paano sila basta lang ba natin sila pakakawalan?" Sabi ng lalaki sa tabi niya, halos nakayakap na rin ito sa kanya.
I can't see his face broadly. But I saw a snake tattoo on his right arm. Until she heard the goons talk about something...
"Ano pa ba ang dapat natin gawin? Nakita na nila tayo kaya hindi na, natin sila pwedeng basta pakawalan." Sabi ulit ng pinakalider.
"Huwag po! Hindi po kami magsusumbong pakawalan n'yo na po kami!" Umiiyak na pahayag at pagmamakaawa ng isa sa babaeng kasama nila.
Habang ang isa naman ay napalakas na sa pag-iyak! Habang siya ay tahimik lang na umiiyak.
I was afraid by that time and I don't know what to do? But like what they said. "Habang may buhay may pag-asa." Now I realized the true meaning of this words, awhile after I tried to think how to escape all here?
Subalit...
"Sayang naman sila Boss, ang gaganda pa naman lalo na itong nasa tabi ko. Ang bango at ang puti pa." Said of a man with snake tattoo. He pulled me and tried to kiss my hair,down to my cheek and then my neck.
I felt shocked and disgusted at the moment! But what can I do, how can I protest by now?
Mukhang puno ng pagnanasa sa kanya ang lalaking ito na may hawak sa kanya ng mga oras na iyon.
Hindi ito maaari! Bulong ng kanyang isip.
"Gustong mo bang maging asawa na lang kita para ma-save ko ang buhay mo?" Bulong na paghimok pa nito sa kanya na abot tainga ang ngisi.
"Ulol! Anong asawa, dalawa na ang asawa mo gusto mo pang dagdagan? Sa akin ka na lang Miss binata pa ako." Saad naman ng lalaki na kahilera rin nila sa gawing kanang upuan.
"Gago! Aagawan mo pa ako ng maganda ha!" Muling tugon ng lalaki na katabi niya.
"Mga p....ng ina n'yo! Tigilan ninyo munang li**g n'yo, mga gago kayo!" Pasigaw na mura ng lider ng grupo sa dalawang lalaki.
Bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba, napahawak na lang siya sa kamay ng isa sa babaeng kasama. Kasabay ng maikling panalangin, na sana magkaroon ng himala upang malagpasan nila ang lahat ng ito.
Magkakayakap sila na tila ba hindi mapaghihiwalay. Ano man ang mangyari? Kumukuha na lang sila ng lakas ng loob sa isa't isa.
Dahil tulad rin niya, ramdam niya rin ang panginginig ng katawan ng mga babaing kasama. Dahil na rin sa takot, pangamba at kawalan ng pag-asa.
Hanggang sa muling nagsalita ang pinuno.
"Sige na! Ihinto mo na.. Dito na muna tayo! Ilabas n'yo na sila!" Sunod sunod na utos ng kanilang Boss.
"Sige baba na, bumaba na kayo!" Sigaw na nang isang lalaki ang kaninang katabi ng driver, habang itinututok nito sa kanila ang M16 rifle na hawak nito.
Hanggang isa isa silang hinawakan at sapilitang ibinaba.
"Huwag po!huhuhu.. Maawa po kayo sa amin, Tulong! Tulungan n'yo kami, aahhh!" Ang babaeng kasama ko na kanina'y wala lang kibo, ngayon bigla na lang itong naging hysterical! Umiiyak, sumisigaw habang pilit nagpupumiglas at natataranta!
Ngunit bigla na lang lumapit ang pinuno sa babae at nagulat na lang sila ng bigla na lang nitong ubod lakas na sinampal ang babae na biglang ikinatahimik nito!
Sinabayan pa nito ng pagbabanta....
"P..... ina! Itigil mo 'yang bunganga mo!" Sabay tutok ng baril sa mukha ng babae. "Kapag hindi ka tumigil ikaw talaga ang uunahin ko!" Galit nitong sigaw!
Ang babae bigla na lang natulala at namutla dahil sa matinding takot.
"Ikaw hawakan mo 'yang mabuti, baka kumawala pa 'yan! Ikaw ang tatamaan sa aking gago ka!" Sigaw nito sa lalaking may hawak sa babae.
"Opo Boss! Halika na.." Agad na tugon nito sabay hila sa babae at kinaladkad na ito at nagpatiuna na sa paglakad. Marahil dahil na rin sa takot sa kanilang Boss!
Ganoon na rin ang ginawa sa kanila ng iba pa pakaladkad silang hinila papasok sa kakahuyan.
Hindi na niya alam kung saang bahagi ng Pilipinas sila naroroon ngayon.
Basta ang alam lang niya malayong malayo na sila sa pinanggalingan nila kanina at sa pagkakarinig niya sa mga ito malapit sila sa Batangas.
Dahil sa haba ng byahe, hindi na rin nila alam kung anong oras na ba?
Narito sila ngayon sa isang ilang na lugar, tanging liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kadiliman ng gabi.
Bahagya pang nakakanlungan ang liwanag ng mga puno, tila ito isang maliit na gubat.
Tama sila wala ngang katao-tao sa lugar na iyon, sila lang ang naroon..
Kahit anong iyak at sigaw ang gawin nila walang makaririnig, kung wala rin lang maliligaw sa bahaging 'yon. Malayong malayo sila sa kabahayan, kung iyo ngang pagmamasdan marahil ang nakikita niyang mga tila tuldok na mga ilaw sa kadiliman ay maaaring ito ang nagmumula sa mga bahay.
Makalipas ang ilang sandali, bigla silang natigilan, dahil sa hindi sinasadyang madapa ang isa sa babaeng kasama nila.
"Aray ko po! Hindi ko na kaya, maawa po kayo!" Umiiyak nang pagmamakaawa nito, na marahil pagud na pagud na rin.
Malayo-layo na rin kasi ang kanilang nalalakad.
"Tumayo ka na! P*****a kang tanga!" Bulyaw ng lalaking may hawak dito.
Hanggang sa muling magsalita ang pinuno..
"Sige na! Gawin n'yo na kung anong dapat n'yong gawin sa kanila! Gusto ko ng malinis na trabaho, ilibing n'yo kung kinakailangan! Bilisan n'yo na!" Utos na nang pinuno.
"Hindi! Hindi! Anong gagawin ko? Diyos ko! Tulungan n'yo po kami." Tulirong bulong niya sa sarili, tila bigla ring umahon ang matinding kaba sa kanyang dibdib.
Kahit pa kanina pa niya nilalabanan ang kaba ngunit tila hindi rin siya nagtagumpay. Nang marinig na niya ang sinabing iyon ng lider ng grupo. Pakiramdam pa niya nasa lalamunan na niya ang puso niya. Dahil sa sobrang takot at kaba.
Hindi na tuloy niya namalayan na napaurong na pala siya. Pilit niyang inaabot ang isang kasama, na siya rin pala nitong ginagawa.
Alam niya na pareho lang nilang gustong kumuha ng lakas ng loob sa isa't isa.
Habang ang isang babaeng tinutukan ng baril kanina, nakatulala pa rin at umiiyak.
Naaawa man siya sa babaing kasama at gusto man niya itong lapitan para aluin, hindi naman niya magawa.
Dahil ngayon nakatutok na rin sa kanila ang baril ng isa sa grupo ng mapansin nito ang tangka niyang pagkilos.
"Sige subukan mong gumalaw ulit at sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad!" Sabay tutok ng baril nito sa kanyang mga paa, napasiksik na lang ulit siya sa tabi ng isa niyang kasama.
"Boss sayang naman si ganda, baka p'wedeng sampulan muna natin ito? Tutal mamamaalam na rin naman sila!" Muling singit na naman ng lalaking umaalalay kanya.
"Bahala kayo! Basta siguraduhin n'yo lang na wala kayong magiging bakas dito.. Maliwanag?" Saad ng lider ng goons tila pagsang-ayon na rin nito sa kagustuhan ng grupo.
"Olrayt! Boss thank you!hahaha." Tuwang-tuwang saad ng lalaki sa tabi niya.
"Sa akin kana ngayon ganda, h'wag kang mag-aalala masarap akong humalik. Dadalhin kita agad sa langit." Sabi ng walanghiyang lalaki, kaya bigla siyang naalarma at nataranta.
Tingin niya dito ay parang isang asong ulol na naglalaway at ano mang oras ngayon, bigla na lang siya nitong lalapain.
Nakadagdag pa sa takot niya, ang itsura nito sa dilim. Dahil para na itong isang halimaw sa paningin niya ng mga sandaling iyon!
Nagulat pa siya ng bigla siya nitong hawakan at hilahin palapit. Hindi tuloy niya napigilan ang mapatili.
"Ahhhhh! Huwag po!!" Malakas na sigaw niya, ngunit tila balewala lang sa lalaki kahit pa magmakaawa siya.
Hindi na rin niya alam kung sino ba ang may pinaka malakas na tili sa kanila ng mga kasama niyang babae? Dahil tulad niya kung ano ano na rin ang ginagawa ng mga lalaki sa iba pa niyang kasama.
"Huwag! Bitiwan mo ako, lumayo ka sa akin walanghiya ka!" Sigaw niya na pilit kumakawala at takot na takot.
Dahil nawawalan na rin siya ng pag-asa ng mga sandaling iyon.
"Halika na dito baby ko, h'wag ka ng lumaban wala ka rin namang magagawa!
Gusto mo bang saktan pa kita?" Saad nito.
Napatigil siya sa kanyang narinig. Tama kailangan niyang kumalma at mag-isip. Dahil tama ito wala rin siyang magagawa.
Malakas ito at mukhang sanay na ang mga ito sa ganitong gawain. Hindi siya maaaring mawalan ng pag-asa, hindi rin siya dapat panghinaan ng loob.
Ngunit ano nang gagawin niya ngayon?
Naramdaman niya na hinila na siya ng lalaki at isinandal sa isang puno. Kaya lalo pang lumakas ang kaba at takot na kanyang nararamdaman.
Subalit naisip niya...
Hindi siya maaaring magpatalo at hindi siya maaaring mamatay sa ganitong paraan. Kung dito man siya mamamatay, hindi niya gustong dito rin siya malilibing.
Hindi maaari, kaya kailangan niyang kumalma! "Kumalma ka!" Piping bulong niya sa sarili.
Sinikap niyang pakalmahin ang sarili at unti-unti rin niyang sinanay ang sarili na tanggapin ang sitwasyon.
Ang bawat halik at paghaplos ng hayuk na lalaki sa kanyang katawan!
Pilit niya itong tinanggap...
Kasabay nito ang pagdaloy ng masaganang luha sa kanyang mga mata.
Kahit pa gusto ng bumaligtad ng sikmura niya.
Nakakadiri!
Nakakasuka!
Mga hayup sila, wala silang awa!
Pilit siyang nag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin?
Habang patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya. Sinimulan na niyang igala ang paningin sa paligid.
Subalit bigla rin siyang napatda at natigilan makalipas lang ang sandali...
"HINDI!HUWAAAG...."
*****By: LadyGem25
(06-28-22)A DREAM WEDDING PART 2 (THE FINALE) _ "Kuya!" Napayakap si Amanda kay Dustin ng mahigpit upang ipadama dito na hindi niya ito hahayaang mawala pa sa buhay niya. Kasabay nang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hey!" Nagulat na tugon ni Dustin sa ginawa niyang iyon. "Dustin, sabihin mo, hindi mo naman ako iiwan hindi ba, hindi ka naman mawawala, hindi ba Kuya?" Tanong niya kay Dustin habang patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Gusto niyang makatiyak tungkol sa bagay na iyon at sa layunin nito, nitong mga huling araw kasi napansin niyang kakaiba ang mga kilos nito. "S'yempre naman hindi, ano ka ba bakit naman kita iiwan at saka bakit ka ba umiiyak? Ayan nasira na tuloy ang make up mo. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" Tugon ni Dustin habang pinapahiran ang mga luha niya sa mga mata gamit ang panyo nito. "Ikaw kasi pakiramdam ko iiwan mo rin ako? Promise me na hindi mo ako iiwan Kuya ha'..." "Promise, hindi kita iiwan kahit ano pa ang mangyari ha' dahil magkapatid
CHAPTER 139: Before Finale _ San Luis, Batangas Alas nuwebe pa lang ng umaga subalit marami na ang mga tao sa loob at labas ng bahay ng mga Alquiza sa loob ng Hacienda Margarita. Abala na ang lahat ng mga kawaksi, kasambahay at maging ang mga trabahador ng Farm. Nagtulungan ang lahat at mabilis na kumikilos ang bawat isa na tila ba may hinahabol. Mula pa kahapon salit salitan ang mga trabahador upang tumulong sa pag-aayos at pag-aasikaso ng mga pagkain at s'yempre sa pamumuno ito ni Nanay Soledad. Isang Engrandeng outdoor wedding kasi ang gaganapin mamayang alas tres ng hapon. Mahaba-haba pa ang oras subalit tulad rin ng ibang normal na okasyon. Hindi mawawala ang kaba ng lahat hangga't hindi pa tapos ang okasyon. Kung tutuusin halos preparado naman na ang lahat. Maganda ang pagkakaayos sa buong kapaligiran sa loob man o maging sa labas ng bahay. Tamang tama ang maluwang na espasyo sa bakuran ng pamilya kung kaya't hindi na kinailangan pang maghanap ng ibang venue para sa natu
CHAPTER 138:_Mag-aalas syete na nang gabi ngunit nanatiling abala pa rin sila sa kusina. Kaya hindi na nila namalayan ang pagdating ng mga bisita.Magkakasunod na sasakyan ang tuloy tuloy na pumasok sa main gate ng kanilang bahay at nang makilala ang mga ito ng guard agad ring pinagbuksan ng gate.Mabuti na lang kahit paano patapos na rin silang magluto. Inaasahan na nila na dito kakain ng dinner sila Dustin at Gelli kasama ng mga ito si Lyn.Dahil sa tulong ni Nanay Sol tulad pa rin ng dati napapadali ang kanyang pagluluto. Talagang nagkakasundo sila nito pagdating sa kusina para kasing hindi siya napapagod kapag ito ang nag-aassist sa kanya sa kusina. Kabisado na rin kasi nito ang mga kilos niya at galaw. Bukod pa sa masarap itong kausap at kakwentuhan kaya naman halos pareho silang nalilibang.Nang mga oras na iyon mag-isa na lang siya sa kusina. Iniwan na siya ni Nanay Sol upang ayusin naman ang mesa sa dining room.Kaya naman nagulat pa siya ng may biglang humalik sa kanyang
CHAPTER 137_ALQUIZA RESIDENT at ALABANG _Pagdating nila ng bahay naabutan pa nila si Liandro na palakad lakad at may kausap sa cellphone nito habang nasa salas ito ng bahay. Ngunit agad na rin itong nagpaalam sa kausap ng matanawan na sila na parating.Saglit na nakaramdam si Angela ng curiosity subalit agad rin niya itong pinalis sa kanyang isip.Nakangiti at maaliwalas ang awra ngayon ng kanilang Papa. Tila ang ibig sabihin ba nito ay maganda ang balita na natanggap nito sa kausap?Dahil dito isang magandang conclusion ang sumasagi sa kanyang isip. Sana nga para naman may magandang mangyari sa araw na ito.Kahit paano rin tila nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib at gumaan ang pakiramdam niya. Dahil sa nakikita niyang saya sa mukha ni Liandro.Halos mag-iisang Linggo na rin mula ng dumating ang kanilang Papa mula sa France at sa bahay na rin nila ito tumuloy. Kasalukuyang nasa biyahe na kasi ito ng may mangyari kay Amara. Mabuti na lang at naiwan pa si Dr. Darren sa France.D
CHAPTER 136:__"Sigurado ka ba talagang gusto mo siyang makita? Huwag na lang kaya?!""Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon.""Hon, sigurado ka ba talaga?""Ano ba kayo, huwag n'yo akong alalahanin kaya ko. Gusto ko lang makasiguro na talagang narito siya sa loob at nakakulong.'Dahil gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa pamilya natin Kuya!" Mariin at puno ng hinanakit na saad ni Amanda.Habang tuloy lang sa pagpasok sa presinto kasunod nito si Joaquin at Dustin."Hey, wait! Just relax okay? Huwag kang magmadali..." Saad ni Joaquin na umagapay na sa kanya at ginagap pa ang kanyang kamay. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kagaya ng sabi nito kailangan nga niyang ma-relax. Saglit na huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.Ilang segundo pa ang lumipas panatag na siyang sumasabay sa paghakbang ng dalawa. Habang magkahawak kamay pa rin sila ni Joaquin."Gan'yan nga sis, kalma lang... Ako kasi ang kinakabahan sa'yo! Okay ka na ba?" Tanong
CHAPTER 135: _ _FRANCE Nahulog sa malalim na pag-iisip si Brad habang kausap nito si Anselmo. Hindi na tuloy nito napansin ang biglang pagkislap ng mga mata ng huli ng dahil sa sinabi niya. Habang naglalakbay ang isip ni Bradley sa mga tanong na hindi masagot. Naisip niya tila ba maraming itinatagong lihim sa kanya ang kanyang Ama. Pero bakit ayaw nitong maging malapit siya sa kanyang kapatid. Kahit half sister lang niya ito magkadugo pa rin naman sila. Hindi ba dapat pa nga mapalapit siya dito para matulungan niya ang ama O baka naman ayaw talaga ng Anak nito na makilala siya? Lalo pa ngang gumulo sa isip niya ng malaman na Apo ito ni Dr. Ramirez. Marahil Anak ni Dr. Ramirez ang ina nito. Naguguluhan tuloy siya ngayon kung dapat ba niyang sabihin sa Ama ang mga nalaman niya? Pero paano kung pagbawalan naman siya nito na lumapit pa sa Doctor? Ah' hindi p'wede, ayaw niyang mangyari iyon. Lalo na ngayon na napalapit na siya ng husto sa matandang Doctor. Hindi niya alam kung
CHAPTER 134:__ALABANG, PHILIPPINESAfter a week past, their lives still smooth and happy. Naka-apply na rin sila ng marriage license.Nagawa na rin nilang mag-ayos ng mga kailangan sa kasal sa tulong ni Lyn, Gelli at s'yempre ng Best friend niyang si Dorina. Kinabukasan matapos niyang makausap si Amara. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot nito. Nasabi rin kasi niya kay Amara ang nangyari sa pagitan nila ni Dorin. Noong araw na aksidenteng masabi nito sa kanya ang totoo sa likod ng kanyang pagkatao.Hindi kasi natuloy na makuha niya ang number nito nang araw na iyon. Kaya hindi niya alam kung paano ito makokontak?Marahil si Amara ang tumawag dito at nagsabi na okay na siya. Kaya agad itong pumunta sa bahay nila dito sa Alabang.Naghihintay lang din pala ito ng pagkakataon at nahihiya lang ito sa kanila. Dahil nagiguilty ito sa nagawang pagkakamali na hindi naman talaga nito sinadya. Batid rin naman niyang hindi nito gugustuhin na masaktan siya. Alam rin niya na sobra itong
CHAPTER 133: _ "Papa, magpapakasal na po ako!" Mga kataga na matagal na sana niyang gustong sabihin noon pa man. Ngunit ngayon lang niya nagawa. Kasalukuyang kausap niya ang kanyang Ama sa telepono. Nasa France ito kaya naglong-distance call na siya kay Liandro upang sabihin na dito ang kanilang mga plano. Tutal naman malalaman rin nito iyon. Dapat na rin nitong malaman na nagkabalikan na sila ni Angela. Lalo na ang tungkol sa mga bata sa kanilang kambal. "Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!" Halata ang pagkadisgusto sa tono ng kanyang Ama. Ngunit batid naman niya na maiintindihan rin nito ang kasalukuyan nilang sitwasyon. Kapag sinabi na niya ang totoo. "Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!" Sinadya niyang huwag munang sabihin ang totoo. Gusto niyang malaman ang magiging reaksyon nito. "Joaquin! Ano ba ang sinasabi mo linawin mo nga?! 'Hindi naman ako tumututol na mag-asawa
CHAPTER 132:_FRANCE, EUROPEPAUL BRADLEY DOMINGUEZIlang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France. Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin. Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya. Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya. Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent. Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa. Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang mag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments