MasukSa loob ng tatlong taon ng kanilang relasyon ay kailanman ay hindi nag-abalang magtanong si Beatrice kung saan nagpupunta si Benedict. Para sa kanya ang tiwala ay isang pundasyong hindi na kailangan pa ng pagdududa. Karaniwan ay kusa itong nag-uulat ng bawat kilos, bawat lakad at bawat taong nakakasalamuha nito.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinanong niya ito nang direkta at sa hindi maipaliwanag na rason ay tila nakaramdam ng kaba si Benedict. Ang kanyang mga mata ay bahagyang umiwas, isang senyales na hindi nakaligtas sa matalas na paningin niya. “Kagabi? Naghiwalay kasi si Paul at ang girlfriend niya kaya uminom kami kasama ang tropa. Sobrang nalasing ako kaya doon na ako nakatulog sa kanila. If you don’t believe me, Paul and the others can testify. Pwede mo silang tanungin,” anito sa isang tono na puno ng pagsusumamo na tila isang tapat na bata na nagpapaliwanag sa kanyang magulang. Ngunit para kay Beatrice ay ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila isang malapot at maduming putik. Ang inosenteng "little puppy" na pinaniwalaan niyang kontrolado niya ay isa palang sutil na hayop na napapaligiran ng mga impluwensyang kasing dumi rin ng kanyang budhi. Inabot ng binata ang kanyang telepono sa babae. “I can call them right now para maniwala ka.” “That won’t be necessary,” malamig na putol niya. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang inaalok na cellphone. “I didn’t sleep all night and I’m very tired. Lumabas ka na muna, gusto kong magpahinga.” “Then, huwag ka na sanang magalit,” may pagsusumamong anito bago humalik sa noo niya. Dati-rati ay ang halik na iyon ay nagbibigay sa kanya ng init ngunit ngayon ay tila bakas ito ng isang traydor. “Alright.” Nang marinig niya ang pagsara ng pinto sa labas ay doon lamang siya bumitaw ng isang malalim na buntong-hininga. Marahas niyang itinapon ang kumot at tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumasok siya sa guest bedroom, ang silid na itinalaga niya para sa binata. Bagama’t tatlong taon na silang magkasintahan ay palaging may malinaw sila na hangganan. Respeto ang tawag niya roon noon pero ngayon ay napagtanto niyang kamangmangan pala iyon. Dahil alam ni Benedict na hindi niya kailanman pakikialaman ang kanyang mga gamit ay hindi na nito nagawang itago ang ilang mga dokumento. Sa loob ng isang drawer ay nakita niya ang isang property certificate. Villa ito sa mismong tinitirhan nila ngayon ngunit ang pangalan ng may-ari ay nabago na at nakapangalan na ito kay Benedict Mendoza. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. So, this is the gift? Ang bilhin ang bahay na ito bilang pampalubag-loob sa pagtataksil niya o marahil ay kabayaran ito sa tatlong taong pagpapanggap? Sa tabi nito ay may isa pang telepono at nang buksan niya ito ay muntik na siyang matawa sa wallpaper nito. Ang wallpaper ay litrato niya at ang passcode ay ang kanyang kaarawan. Kung titingnan ng isang estranghero ay iisiping baliw na baliw ang lalaking ito sa kanyang kasintahan ngunit nang buksan niya ang isang lihim na WeChat account ay bumulaga sa kanya ang katotohanang mas madilim pa sa gabi. Ang mga mensahe ay mula sa mga wealthy young masters ng Quezon na puno ng mga usapang malaswa, mga yate at mga babaeng walang pangalan. Ngunit ang pinakanakapukaw ng kanyang atensyon ay ang kontak na nakapangalan na “Alexa.” Binuksan niya ang profile picture nito. Isa itong babaeng may pagkakahawig sa kanya, marahil ay mas bata at mas mapusok. “I miss you, Benedict.” “Nandito na ako sa city mo. After all this time, ayaw mo ba akong makita?” “Benedict, what your girlfriend can’t give you, I can.” Kalakip nito ang mga litratong halos wala nang saplot sa katawan. At ang huling tugon ng lalaki? “Ten o’clock. Wait for me at the hotel.” Tila binuhusan siya ng nagyeyelong tubig. Ang sakit ay hindi na lamang emosyonal kundi pisikal itong nanunuot sa kanyang mga buto. Salamat na lamang at pinangatawanan niya ang kanyang prinsipyo na huwag ibigay ang sarili sa lalaking ito bago ang kasal. Gayunpaman ay isang malamig na takot ang gumapang sa kanyang likuran. Naalala niya ang kagabi, ang lalaking hindi niya kilala. Kung si Benedict na mukhang anghel ay ganito kadumi, paano pa kaya ang estrangherong iyon? Kailangan niyang magpa-checkup. Kailangan niyang matiyak na hindi siya nahawaan ng anumang sakit mula sa isang gabi ng kapusukan. Inilabas niya ang sariling telepono at mabilis na kumuha ng litrato ng lahat ng ebidensya. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang lolo. Binura niya ang dating draft na nagsasabing ipapakilala na niya ang kanyang boyfriend. Sa halip ay nag-type siya: “Grandpa, the task is finished ahead of schedule. I’ll return home next week.” Dati ay balak niyang hintayin ang graduation ni Benedict para sabay silang bumalik sa Quezon pero ngayon ay wala na itong saysay. Bago siya umalis ay mag-iiwan siya ng isang regalong hinding-hindi nito malilimutan. Tinawagan niya ang kanyang assistant. “Prepare a fake medical report, sabihin mo na mayroon akong terminal cancer.” “President, para saan po ito?” gulat na tanong ng assistant. “Don’t ask. Just do it.” Kung makikipaghiwalay lang siya nang normal ay panandalian lang ang sakit na mararamdaman ng lalaki. Gusto niyang habambuhay itong usigin ng konsensya at gusto niyang isipin nito na iniwan niya ang isang babaeng nag-alay ng buhay para sa kanya. Mula nang mamatay ang kanyang ina ay natutunan niya ang isang mahalagang aral, ang luha ng babae ay hindi dapat iaksaya sa pighati, dapat itong gamitin bilang sandata. Gabi na nang magmaneho si Beatrice patungo sa ospital. Ang takot na baka may nakuha siyang sakit mula sa estranghero ay hindi siya pinapatulog. Samantala, sa isang eksklusibong restaurant ay kasalukuyang naghahapunan sina Benedict at ang kanyang Uncle. Nag-uusap sila tungkol sa negosyo nang biglang lumapit ang assistant ng kanyang Uncle at may ibinulong. Napatigil ang lalaki. Ang kanyang malamig na mga mata ay saglit na dumapo kay Benedict bago tumayo. “I have an urgent matter to deal with,” maikli niyang sabi. Hindi na niya hinintay ang sagot ng pamangkin at mabilis na naglakad palabas. Ang tanging nasa isip niya ay ang babaeng iniwan niya kaninang umaga. Nasaktan ko ba siya nang ganoon katindi? Sa loob ng silid sa ospital ay ang lamig ng aircon ay tila nanunuot sa balat ni Beatice. Ang doktorang nakaduty ay tila wala sa mood. “Take off your pants, lift one leg, and lie down,” utos nito nang walang paligoy-ligoy. Sa buong buhay niya ay kailanman ay hindi siya nalagay sa ganitong posisyon. Ang kahihiyang nararamdaman niya ay halos hindi niya kayanin ngunit mas matindi ang takot niya sa posibleng impeksyon. Humiga siya at ipinikit ang mga mata habang hinihila ng doktora ang kurtina. “Young lady, be a little more careful during sex. There’s a tear here,” saad ng doktor habang naglalagay ng gamot. “I’ll apply some medicine. Be more careful in the future. Masyadong naging marahas ang partner mo.” Namula ang buong mukha niya. “Yes... thank you, doctor.” Bago pa man makapagsimula ang doktora ay biglang tumunog ang telepono nito. “Wait here a moment. May emergency lang sa kabilang room. I’ll be right back.” Anito bago mabilis na lumabas ng silid. Naiwan siya na nakahiga na balot ng kaba at kahihiyan. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang paghawi ng kurtina. Sa pag-aakalang ang doktora na iyon ay nanatili siyang nakapikit at mahinang nagsalita. “Doctor, it still hurts a lot. Please apply the medicine.” mahina niyang pakiusap at ang boses ay puno ng pagod. Naramdaman niya ang malamig na ointment na dumampi sa kanyang sugat. Dahil sa hapdi at lamig ay bahagya siyang napaigtad at mahinang napaungol. “Ah...” Agad na naging mas banayad ang pagdampi ng kamay sa kanya. Upang mawala ang tensyon ay nagtanong siya, “Doctor, is the tear serious? Also... is there anything unusual? I’m worried about infections. I don’t know much about the man I was with.” Isang pamilyar na boses ng lalaki ang sumagot sa mismong tabi ng kanyang tainga. Ang boses na iyon ay malalim, malamig at may awtoridad na tila galing sa ilalim ng lupa. “Don’t worry. I’m in good health. I don’t have any diseases.” Biglang niyang idinilat ang kanyang mga mata at doon sa harap niya ay nakatayo ang lalaking nakasuot ng tailored suit, ang lalaking kasama niya kagabi. Hawak nito ang cotton swab habang mataman siyang pinagmamasdan. “Y-you...” halos mawalan siya ng boses. Isang mapanganib at makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ng lalaki habang nakatitig sa nanginginig na babae. “Meeting again, little friend. Akala mo ba matatakasan mo ako?”Marahang bumagsak ang katawan ni Beatrice sa malambot na kama, tila pagod na pagod matapos ang mahabang gabi. “I’m so sleepy…” mahina niyang bulong habang nakapikit. “I want to get up…” Ngunit wala na siyang lakas upang bumangon. Sa gilid ng kama ay tahimik na nakatayo si Ezekiel. Walang emosyon ang mukha ng lalaki habang pinagmamasdan siya. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong titig ay may kung anong mabigat na damdaming pilit nitong ikinukubli. Hindi siya sumagot. Sa halip ay dahan-dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama. Napahinto ang tingin niya sa mapupulang paltos sa maputlang kamay ni Beatrice, maliit ngunit kapansin-pansin sa makinis nitong balat. Kanina lamang ay matapang itong humawak ng nagkukumukulong tubig habang nakangiti sa harap ng pamilya Mendoza. Ngayon ay mahimbing itong natutulog habang tila walang pakialam sa sariling sugat. Tahimik na binuksan ni Ezekiel ang ointment. Mula sa pagkakahimbing ay bahagyang gumalaw si Beatrice nang maramdaman ang malamig na hap
Pagkalatag pa lamang ng pagkain sa mesa ay tila agad nagbago ang hangin sa pagitan nila. Tahimik. Mabigat. At mapanganib sa paraang hindi maipaliwanag ni Beatrice. Nakatayo siya sa gilid ng mesa habang hawak ang serving spoon, pilit inaayos ang sarili kahit ramdam niya ang titig ni Ezekiel na tila kayang sumilip hanggang sa pinakaubod ng kaniyang iniisip. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng lalaki. Diretso. Mapangahas. At higit sa lahat aynmasyadong sanay na nakukuha ang anumang gusto nito. Bahagyang namula ang kaniyang pisngi nang maalala ang sinabi nito kanina. Ang paraan ng pagkakasambit nito sa simpleng salitang iyon ay para bang may nakatagong kahulugan. Parang hindi pagkain ang nais nitong tikman ngayong tanghali. Bahagya niyang iniwas ang tingin at pilit binago ang usapan. “How can I eat while you’re holding me?” mahinang reklamo niya habang sinusubukang alisin ang kamay ng lalaki sa kaniyang baywang. Ngunit sa halip na bitawan siya ay mas lalo lamang
Pagpasok pa lamang ni Beatrice sa villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na katahimikan. Walang tunog ng telebisyon. Walang bakas ng buhay. Tanging mahihinang yabag lamang niya sa marmol na sahig ang maririnig sa loob ng napakalawak na bahay. Malinis. Sobrang linis. Parang walang taong nakatira. Bahagya siyang napangiti habang inaalis ang kaniyang high heels. Ganoon nga siguro si Ezekiel, maayos, kontrolado, at imposibleng basahin. Kahit ang buong villa nito ay tila repleksyon ng personalidad ng lalaki. Minimalist ang disenyo ng interior. Malalamig ang kulay. Eleganteng tingnan ngunit walang init. Parang siya mismo. Binuksan niya ang shoe cabinet at nakitang puro panlalaking tsinelas lamang ang laman nito. Kumuha siya ng bagong pares at isinuot iyon bago binuhat ang mga pinamiling grocery papuntang kusina. Tahimik siyang gumalaw roon na para bang matagal na niyang bahay iyon. Una niyang inilagay ang sabaw sa clay pot upang dahan-dahang kumulo. Kasunod noon ay inayos niya
Nanatiling nakapako ang tingin ni Benedict sa iisang salita sa screen ng kaniyang cellphone. Wife. Simple lamang iyon. Isang salita. Isang tawag. Ngunit tila may kung anong malamig na kamay ang marahang pumisil sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. Sa buong buhay niya ay hindi niya kailanman naisip na ang lalaking tulad ng kanyang tiyuhin ay mag-aasawa nang ganoon kadali. Malamig. Mailap. Parang taong ipinanganak na walang kakayahang magmahal. Noong una pa man ay inakala na niyang baka lihim na kasal na ang tiyuhin niya sa ibang bansa. Dalawang taon pa nga siyang nagpasuri ng records sa Europe dahil kumbinsido siyang imposibleng walang babaeng kayang makalapit sa lalaking iyon. Ngunit wala siyang nakita. Malinis. Walang eskandalo. Walang babae. Parang mataas at banal na bulaklak na hindi kayang maabot ng kahit sino. At ngayon ay ilang araw matapos nitong banggitin ang tungkol sa marriage alliance ay bigla ito
Pagdating ni Beatrice sa lumang mansyon ng kanilang pamilya ay nananatili pa rin sa katawan niya ang amoy ng alak. Huminto siya sa foyer habang hinuhubad ang kaniyang heels. Sa itaas ng hagdan ay dahan-dahang bumaba si Alexa suot ang manipis na silk robe na kulay champagne. Nakatupi ang mga braso nito habang may nakakalokong ngiti sa labi. “Oh? Big sister’s finally back.” Marahang umangat ang tingin ni Beatrice. “How much did you drink tonight?” dagdag nito habang tila inosenteng nag-aalala. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Beatrice habang ibinibigay ang bag sa katulong. “A friend opened a new club. I went there to show support.” Huminto siya sandali bago malamig na nagpatuloy. “And yes, I had a few drinks.” Bahagyang tumawa si Alexa. “Big sister, nobody cares how you behave abroad.” Mabagal nitong binigkas ang bawat salita. “But this is Philippines. Every move you make represents the Aquino family.” Nanatiling kalmado si Beatrice. “Thanks for the reminder.” Pag
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Beatrice nang marinig niya ang mungkahi ng lalaki. “I’ve tried love before,” kalmadong sabi niya habang diretso ang tingin kay Ezekiel. “And honestly, it doesn’t suit me.” Hindi siya ngumiti matapos sabihin iyon. “If you want a wife who will look at you like you’re her whole world, then I’m probably not the right woman for you.” Tahimik na nakinig ang lalaki. Bagay na ikinagulat niya. Karamihan sa mga lalaking katulad niya na mayaman, makapangyarihan, mataas ang pride ay hindi gusto ang babaeng masyadong diretso magsalita. Ngunit si Ezekiel ay nanatiling nakatitig lamang sa kaniya na tila mas interesado pa lalo. “I’ve always had a rebellious streak,” dagdag niya habang marahang itinataas ang baba. “I don’t play nice.” Bahagyang kumislap ang malamig niyang mga mata. “Your nephew betrayed me, and he’s still walking around the City peacefully. I’m not the type of woman who forgives and forgets.” Hindi iyon pagbabanta. “Mr. Men







