LOGINBiglang napabalikwas ng upo si Beatrice, ang kanyang puso ay tila tambol na mabilis ang pagtibok dahil sa gulat ngunit ang mabilis na galaw na iyon ay agad na napalitan ng matinding kirot. Napangiwi siya habang nararamdaman ang bawat sakit mula sa kanyang sariwang sugat. Kasabay ng hapdi ng katawan ay ang pag-agos ng mga alaala ng nagdaang gabi, mga tagpong pilit niyang ibinabaon ngunit tila malinaw na pelikulang naglalaro sa kanyang isipan. At ang lalaking bida sa mga mapangahas na alaalang iyon ay naroon, nakatayo sa mismong harapan niya. Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng klinika ay mas lalong naging malinaw ang bawat anggulo ng mukha nito. He looked even more lethal than the blurry image she remembered through her drunken haze. Kung hindi lang niya alam na walang kapatid si Benedict ay iisipin niyang ang matikas at eleganteng lalaking ito ay kadugo ng kanyang nobyo. “Why are you here?” garalgal na tanong niya. Ang awkward. Higit pa sa awkward. Una silang nagtagpo habang siya ay lunod sa alak at ngayon ay muli silang nagkaharap habang siya ay kalahating hubad sa ibabaw ng isang examination table. Dali-dali niyang inayos ang kanyang suot at tiningnan ang lalaki nang may matinding pag-iingat. Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay humakbang ito papalapit. Bawat yapak nito ay tila nagpapakaba sa dibdib niya. Pinilit niyang tumayo ngunit dahil sa panghihina ay muli siyang napaupo. Bago pa siya makakilos muli ay mabilis na yumuko ang lalaki. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, kinukulong siya sa isang maliit na espasyo. Sa sobrang lapit nila ay nalanghap niya ang banayad na amoy ng pinewood at mamahaling tobacco na nanunuot sa kanyang sistema. Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa manipis na labi ng lalaki. “If I hadn’t come, I wouldn’t even know my little friend had run away,” baritono at malamig ang boses nito ngunit may halong panunukso. Tatlong taon na siyang naglalayag sa malupit na mundo ng negosyo. Hindi siya isang inosenteng dilag na madaling mabulag sa matatamis na salita. Nakakita na siya ng iba't ibang uri ng tao pero kahit sa pinakamalalim niyang panaginip ay hindi niya inakalang mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. “Sir, about last night, I…” pagtatangka niyang magpaliwanag ngunit mabilis siyang pinutol nito. “You were very enthusiastic last night.” Diretsong saad nito Napatigil siya, uminit ang kanyang mga pisngi at bahagyang napaawang ang bibig. Enthusiastic? Anong klaseng salita iyon? Sa kanyang kalituhan ay lalong naging inosente ang kanyang mukha, isang bagay na tila kinagigiliwan ng lalaking nasa harap niya. “So I have no intention of ending this relationship,” dugtong pa ng lalaki. Doon na nagbago ang kanyang timpla. Pinatigas niya ang kanyang boses at tiningnan ito nang diretso sa mata. “Sir, let’s be clear. We never started anything, so how could there be an ending? What happened last night was consensual. We’re both adults. Surely you understand what a one-night stand means.” Isang mahinang tawa ang kumawala sa lalaki ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling seryoso. “To me, a first time is very precious.” Isang mapait at sarkastikong tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. “Don’t worry, I won’t ask you to take responsibility. Kalimutan na natin ang lahat.” Ngunit bago siya makalayo ay hinawakan ng lalaki ang kanyang baba at bahagyang inangat ito. Ang magaspang na hinlalaki nito ay dahan-dahang humaplos sa malambot niyang labi, isang haplos na nagpadaloy ng kuryente sa kanyang buong katawan. “What I mean is... you should take responsibility for me.” Saad ng lalaki sa mahinang tono. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala. Shameless. Ito ang unang beses na nakatagpo siya ng lalaking ganito kakapal ang mukha. Pareho silang pumayag sa nangyari. Hindi nga siya humihingi ng pananagutan tapos ito pa ang may ganang maghabol? “Because it was my first time,” seryosong sabi ng lalaki, bawat salita nito ay malinaw at mariin. Tila nayanig ang kanyang mundo. Sinuri niyang muli ang lalaki mula ulo hanggang paa. Kahit si Benedict na hindi pa man din tumatapak sa edad na dalawampu't tatlo ay marami nang nakaka-affair. At itong lalaking ito? Mukhang edukado, mayaman at nasa tamang edad na... tapos sasabihin nitong first time niya? “Sir, may I ask how old you are?” tanong niya, ang boses ay puno ng pagdududa. “Thirty-two.” Napairap na lang siya. Buong lakas niya itong tinulak palayo at mabilis na naglakad patungo sa pinto. “You’re already that old and still pretending to be innocent. Shameless! Huwag mo na akong susundan!” Anong klaseng kamalasan ba ito? Hindi pa ba sapat na nakuha nito ang gusto niya noong isang gabi? Naiwang nakatayo ang lalaki habang nakatingin sa papalayong pigura ni Beatrice. Hinawakan niya ang sariling mukha. Pitong taon lang ang agwat ng edad nila. Ganoon ba talaga siya katanda sa paningin nito? Eksaktong bumalik ang doktor na tila nalilito kung nasaan na ang pasyente nito. Tiningnan ng doktor ang gwapong lalaki na mukhang malalim ang iniisip. “Do I look very old?” tanong ng lalaki sa doktor. Napatulala ang doktor. Gwapo sana pero mukhang may saltik sa utak, sa loob-loob nito. Nagmamadali ang bawat hakbang ni Beatrice suot ang kanyang high heels. Ang bawat click ng kanyang sapatos sa semento ay tila hudyat ng kanyang pagtakas. Kailangan niyang makabalik sa Quezon, kailangan niyang lumayo sa gulo. Pagkarating sa bahay ay sinalubong siya ng katahimikan. Gaya ng inaasahan ay wala pa si Benedict. Tinawagan niya ito. Halos mag-ring na hanggang dulo bago ito sumagot sa kabilang linya. “Beatrice,” ang boses nito ay tamad at tila bagong gising o pagod. Sa sandaling marinig niya ang boses na nito ay agad kumulo ang kanyang dugo. Naalala niya ang itsura nito kagabi habang kasama ang ibang babae. The betrayal tasted like ash in her mouth. “What are you doing? Why are you speaking so quietly?” malamig na tanong niya. “I’m playing basketball with friends. Go to sleep first, I’ll be home soon.” “Alright. Come home early.” Pinatay niya ang tawag. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Benedict. Since you’re heartless, don’t blame me for being ruthless. Hindi siya natulog. Sa halip ay humarap siya sa salamin at gumamit ng makeup upang magmukhang maputla at may sakit. Dinagdagan niya ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata at pinatuyo ang kanyang labi. Nang bumalik ang lalaki sa kalaliman ng gabi ay nagulat ito nang madatnan siyang nakaupo sa sofa, magulo ang buhok at tila wala sa sarili. Nakasuot siya ng pajama, magulo ang buhok at tila nakatulala sa kawalan. “Why aren’t you asleep?” tanong ni Benedict habang lumuluhod sa tabi nito at hinawakan ang kanyang kamay. Agad na niyang binawi ang kanyang kamay na tila nandidiri sa hipo nito. Nang tumingala siya ay nakita nito ang namumula niyang mga mata at ang mga luhang pilit na pinipigilan. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay kilala niya ito bilang isang matatag na babae. Never niya itong nakitang umiyak. Doon nagsimulang kabahan si Benedict. May alam na ba siya? “Why are you crying? Your face looks terrible. Did something happen?” bakas ang taranta sa boses nito. Takot na baka nalaman na nito ang kanyang mga kalokohan. Huminga siya nang malalim, ang kanyang boses ay nanginginig sa "sakit." “Can you really not marry me? I don’t want to have regrets, Benedict.” Bahagyang natigilan ang lalaki. “Haven’t you always prioritized your career? Why are you suddenly thinking about marriage?” Nagkunwari siyang natataranta. “I… my family has been urging me. It’s nothing. You must be tired from playing basketball. I made soup for you.” Tumayo siya at nagpunta sa kusina para kuhanin ang sopas. Habang nakatalikod ay kitang-kita niya sa repleksyon ng salamin ang bakas ng konsensya sa mukha nito. Inabot niya ang mangkok at dahan-dahang pinainom ang lalaki. “You’re suddenly treating me so well. I’m not used to it.” pag-amin ng lalaki Sa loob-loob niya ay gusto na niyang isaboy ang mainit na sabaw sa mukha nito. “In the past you were always good to me. My time…” hindi niya tinapos ang sasabihin. “What did you say?” “Nothing. I’ve just been too busy with work and neglected you. I want to treat you better from now on. Drink more. You must be tired from playing. I’ll go rest now.” Habang paakyat ng hagdan ay naramdaman niya ang titig ng lalaki. Hayaan mong malito ka. Hayaan mong kainin ka ng sarili mong konsensya. Ang pagmamahal na dating nararamdaman niya ay napalitan na ng isang masamang plano. Kinabukasan ay maaga siyang naghanda ng almusal. Pagbaba ni Benedict ay bumungad sa kanya ang mesa na puno ng pagkain ngunit ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang lalong pagputla ng babae. “You don’t look well.” “Maybe because I didn’t sleep well last night.” Paano siya makakatulog? Kaninang alas-tres ng madaling araw ay nakatanggap siya ng mga malalaswang litrato mula sa isang hindi kilalang numero. Alam niyang si Alexa iyon ngunit nanatili siyang tahimik. Hindi pa ito ang oras para sumabog. “I’m going to the company first,” paalam niya. Kailangan niyang salubungin ang bagong CEO ngayon bago siya tuluyang bumalik ng Quezon. Pagpasok niya sa sasakyan ay muli siyang naglagay ng lipstick upang maitago ang kanyang panghihina ngunit bago pa man niya ma-i-start ang makina ay tumunog ang kanyang telepono. Ang matandang housekeeper mula sa kanilang mansyon sa kabisera. “Miss, kailan po kayo uuwi? Napagkasunduan na po ang kasal ng ikalawang binibini.” Nadiinan niya ang pagkakapit sa manibela. “Who is it?” “Ang batang amo po ng pamilya Mendoza. Kaedad ng iyong kapatid, iyong nag-aaral sa timog.” Si Benedict. Ang lalaking kagabi lang ay tinatawag siya nang may paglalambing. “He agreed?” tanong niya, ang boses ay tila yelo sa lamig. “Opo, Miss. Ang balita ko ay pabor na pabor ang pamilya Mendoza. Magkikita sila sa loob ng tatlong araw.” Napapikit siya, ang sakit na nararamdaman niya ay hindi na galing sa sugat kundi mula sa pagkamuhi. Kung ibubunyag niya ang totoo ngayon ay maaari niyang makuha ang posisyon ng kapatid niya. Pero sa tuwing naiisip niya ang mga ginagawa ni Benedict sa likod niya ay nandidiri siya. Hindi niya kayang makasama ang lalaking iyon sa iisang bubong habambuhay. “Help me keep an eye on suitable marriage candidates in the city. Preferably someone with a higher status than Benedict Mendoza.” “Miss, sa buong cty, sino pa ba ang hihigit sa pamilya Mendoza? Pero... may naisip ako.” “Who?” nabuhayan siya ng loob. “Ang tiyuhin ni Benedict, ang tunay na makapangyarihan sa likod ng pamilya Mendoza.” Isang matamis at mapanganib na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang naaalala ang lalaking naka-pinewood scent na nakatagpo niya sa ospital. Kung magiging asawa niya ang tiyuhin ay maging si Benedict ay kailangang yumuko sa kanya.
Marahang bumagsak ang katawan ni Beatrice sa malambot na kama, tila pagod na pagod matapos ang mahabang gabi. “I’m so sleepy…” mahina niyang bulong habang nakapikit. “I want to get up…” Ngunit wala na siyang lakas upang bumangon. Sa gilid ng kama ay tahimik na nakatayo si Ezekiel. Walang emosyon ang mukha ng lalaki habang pinagmamasdan siya. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong titig ay may kung anong mabigat na damdaming pilit nitong ikinukubli. Hindi siya sumagot. Sa halip ay dahan-dahan siyang lumuhod sa tabi ng kama. Napahinto ang tingin niya sa mapupulang paltos sa maputlang kamay ni Beatrice, maliit ngunit kapansin-pansin sa makinis nitong balat. Kanina lamang ay matapang itong humawak ng nagkukumukulong tubig habang nakangiti sa harap ng pamilya Mendoza. Ngayon ay mahimbing itong natutulog habang tila walang pakialam sa sariling sugat. Tahimik na binuksan ni Ezekiel ang ointment. Mula sa pagkakahimbing ay bahagyang gumalaw si Beatrice nang maramdaman ang malamig na hap
Pagkalatag pa lamang ng pagkain sa mesa ay tila agad nagbago ang hangin sa pagitan nila. Tahimik. Mabigat. At mapanganib sa paraang hindi maipaliwanag ni Beatrice. Nakatayo siya sa gilid ng mesa habang hawak ang serving spoon, pilit inaayos ang sarili kahit ramdam niya ang titig ni Ezekiel na tila kayang sumilip hanggang sa pinakaubod ng kaniyang iniisip. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng lalaki. Diretso. Mapangahas. At higit sa lahat aynmasyadong sanay na nakukuha ang anumang gusto nito. Bahagyang namula ang kaniyang pisngi nang maalala ang sinabi nito kanina. Ang paraan ng pagkakasambit nito sa simpleng salitang iyon ay para bang may nakatagong kahulugan. Parang hindi pagkain ang nais nitong tikman ngayong tanghali. Bahagya niyang iniwas ang tingin at pilit binago ang usapan. “How can I eat while you’re holding me?” mahinang reklamo niya habang sinusubukang alisin ang kamay ng lalaki sa kaniyang baywang. Ngunit sa halip na bitawan siya ay mas lalo lamang
Pagpasok pa lamang ni Beatrice sa villa ay agad siyang sinalubong ng malamig na katahimikan. Walang tunog ng telebisyon. Walang bakas ng buhay. Tanging mahihinang yabag lamang niya sa marmol na sahig ang maririnig sa loob ng napakalawak na bahay. Malinis. Sobrang linis. Parang walang taong nakatira. Bahagya siyang napangiti habang inaalis ang kaniyang high heels. Ganoon nga siguro si Ezekiel, maayos, kontrolado, at imposibleng basahin. Kahit ang buong villa nito ay tila repleksyon ng personalidad ng lalaki. Minimalist ang disenyo ng interior. Malalamig ang kulay. Eleganteng tingnan ngunit walang init. Parang siya mismo. Binuksan niya ang shoe cabinet at nakitang puro panlalaking tsinelas lamang ang laman nito. Kumuha siya ng bagong pares at isinuot iyon bago binuhat ang mga pinamiling grocery papuntang kusina. Tahimik siyang gumalaw roon na para bang matagal na niyang bahay iyon. Una niyang inilagay ang sabaw sa clay pot upang dahan-dahang kumulo. Kasunod noon ay inayos niya
Nanatiling nakapako ang tingin ni Benedict sa iisang salita sa screen ng kaniyang cellphone. Wife. Simple lamang iyon. Isang salita. Isang tawag. Ngunit tila may kung anong malamig na kamay ang marahang pumisil sa dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa. Sa buong buhay niya ay hindi niya kailanman naisip na ang lalaking tulad ng kanyang tiyuhin ay mag-aasawa nang ganoon kadali. Malamig. Mailap. Parang taong ipinanganak na walang kakayahang magmahal. Noong una pa man ay inakala na niyang baka lihim na kasal na ang tiyuhin niya sa ibang bansa. Dalawang taon pa nga siyang nagpasuri ng records sa Europe dahil kumbinsido siyang imposibleng walang babaeng kayang makalapit sa lalaking iyon. Ngunit wala siyang nakita. Malinis. Walang eskandalo. Walang babae. Parang mataas at banal na bulaklak na hindi kayang maabot ng kahit sino. At ngayon ay ilang araw matapos nitong banggitin ang tungkol sa marriage alliance ay bigla ito
Pagdating ni Beatrice sa lumang mansyon ng kanilang pamilya ay nananatili pa rin sa katawan niya ang amoy ng alak. Huminto siya sa foyer habang hinuhubad ang kaniyang heels. Sa itaas ng hagdan ay dahan-dahang bumaba si Alexa suot ang manipis na silk robe na kulay champagne. Nakatupi ang mga braso nito habang may nakakalokong ngiti sa labi. “Oh? Big sister’s finally back.” Marahang umangat ang tingin ni Beatrice. “How much did you drink tonight?” dagdag nito habang tila inosenteng nag-aalala. Hindi nagbago ang ekspresyon ni Beatrice habang ibinibigay ang bag sa katulong. “A friend opened a new club. I went there to show support.” Huminto siya sandali bago malamig na nagpatuloy. “And yes, I had a few drinks.” Bahagyang tumawa si Alexa. “Big sister, nobody cares how you behave abroad.” Mabagal nitong binigkas ang bawat salita. “But this is Philippines. Every move you make represents the Aquino family.” Nanatiling kalmado si Beatrice. “Thanks for the reminder.” Pag
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Beatrice nang marinig niya ang mungkahi ng lalaki. “I’ve tried love before,” kalmadong sabi niya habang diretso ang tingin kay Ezekiel. “And honestly, it doesn’t suit me.” Hindi siya ngumiti matapos sabihin iyon. “If you want a wife who will look at you like you’re her whole world, then I’m probably not the right woman for you.” Tahimik na nakinig ang lalaki. Bagay na ikinagulat niya. Karamihan sa mga lalaking katulad niya na mayaman, makapangyarihan, mataas ang pride ay hindi gusto ang babaeng masyadong diretso magsalita. Ngunit si Ezekiel ay nanatiling nakatitig lamang sa kaniya na tila mas interesado pa lalo. “I’ve always had a rebellious streak,” dagdag niya habang marahang itinataas ang baba. “I don’t play nice.” Bahagyang kumislap ang malamig niyang mga mata. “Your nephew betrayed me, and he’s still walking around the City peacefully. I’m not the type of woman who forgives and forgets.” Hindi iyon pagbabanta. “Mr. Men







