AFTER BEING DUMPED BY THE SCUM, I MARRIED THE RICHEST MAN IN

AFTER BEING DUMPED BY THE SCUM, I MARRIED THE RICHEST MAN IN

last updateLast Updated : 2026-03-25
By:  your.writterOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Sa mundong ang pag-ibig ay isang pustahan, sino ang unang masusunog?"   Sa loob ng tatlong taon  ay naniwala si Beatrice Aquino na natagpuan na niya ang kanyang tanging pahinga sa piling ng kanyang "puppy boyfriend" na si Benedict. Siya ang "Ice Queen" ng mundo ng negosyo. Matapang, disiplinado at handang bawiin ang dangal ng kanyang pamilya, ngunit sa harap ni Benedict ay isa siyang babaeng nagmamahal lamang nang tapat.   Subalit sa gabi ng kanyang pag-po-propose ay gumuho ang lahat. Ang inakala niyang tapat na pag-ibig ay isa lamang palang laro sa pagitan ng mga rich young masters. Para kay Benedict Mendoza, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa Quezon City, si Beatrice ay isang hamon lamang, isang trophy na masarap makuha bago ang kanyang itinakdang kasal sa iba.   Dala ng poot at sugatang dangal ay nagpasya siyang gumanti. Sa isang gabi ng kalasingan at desperasyon ay isinuko niya ang kanyang sarili sa isang misteryosong estranghero, isang lalaking may awtoridad, mapanganib na karisma at may mga matang kasing-itim ng gabi.   Ang hindi niya alam ay ang lalaking kanyang pinag-alayan ng gabi ay ang mismong tanging tao na kinatatakutan ni Benedict, ang kanyang Uncle.   Ngayong nag-uumpisa na ang laro ng paghihiganti ni Beatrice, paano siya tatakas sa bitag ng isang "Uncle" na walang balak pakawalan siya? Sa mundong puno ng pagkukunwari, sino ang tunay na mandaraya at sino ang magiging biktima ng sarili nilang laro?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: TASTE ME INSTEAD

Sa ikatlong taon ng pakikipag-relasyon ni Beatrice sa kanyang "puppy boyfriend" na mas bata sa kanya ay nagpasya siyang mag-propose na rito.

 

Maingat siyang naghanda ng isang candlelight dinner. Nagsuot siya ng isang magandang damit at nag-ayos ng mukha para maging mas kaakit-akit ang kanyang itsura. Habang nagsasalin siya ng red wine ay bigla siyang niyakap ni Benedict mula sa likuran. Ramdam ni Beatrice ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga habang bumubulong

 

“Naisip mo na ba sa wakas, Beatrice? Ngayong gabi ba…?”

 

Mahigpit na pumulupot ang matipunong braso nito sa kanyang baywang habang ang mahahabang daliri nito ay dahan-dahang humahaplos sa tela ng kanyang damit. Humarap si Beatrice at bahagyang tinulak ang dibdib ng binata.

“Tigil na muna. Kumain muna tayo.”

Si Benedict ay tatlong taon ang bata sa kanya at magtatapos na sa kolehiyo. Matangkad ang binata at kahit simpleng puting T-shirt lang ang suot nito ay bakas pa rin ang malapad na balikat, maliit na baywang at matitigas na pandesal sa tiyan. Matalim at guwapo ang mga katangian ng mukha nito na parang sikat ng araw sa umaga na punong-puno ng sigla.

 

Tumawa nang mahina ang binata at nakakalokong ngumiti. Humakbang ito papalapit at kinulong siya sa pagitan ng mga braso nito. Hinawakan nito ang kanyang manipis na pulso at isinandal siya sa wine cabinet bago siya hinalikan nang malalim. Sa ilalim ng aandap-andap na liwanag ng kandila ay lalong naging mapusok ang mga halik nito.

 

Muntik nang madala si Beatrice sa sidhi ng pagmamahal ng kanyang “puppy boyfriend.” Pero dahil may seryoso siyang sasabihin ay pinigilan niya ito bago pa man lumalim ang lahat. Bahagyang dumilim ang tingin ng binata. Kinagat nito ang labi at pabulong na nagsalita nang paos “Beatrice… huwag na tayong mag-hapunan. Ako na lang ang kainin mo.”

 

Natawa nang mahina si Beatrice. Ang ganda ng kanyang mukha lalo na kapag ganito. Bagama't tatlong taon ang tanda niya rito ay madalas siyang magmukhang suplada dahil sa bigat ng trabaho. Tinatagurian pa nga siyang “Ice Queen” ng mga kaibigan ni Benedict pero kapag ngumingiti na siya ay parang yelong natutunaw sa ganda.

 

Dahil dito ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Benedict. Sa isip ng binata ay ang excitement na mapasakamay niya ang babae ngayong gabi ay hindi na niya mapigilan.

 

“Maupo ka na,” paalala ni Beatrice.

 

Nagsalin ng alak si Beatrice at tiningnan ang lalaking masunuring umupo. Iyon ang pinakagusto niya sa kanyang puppy boyfriend, napaka-amo nito. Inilapag niya ang baso at naupo sa tapat nito. Sa gitna ng madilim na dilaw na ilaw ay may kakaibang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

 

Bihirang magpakita ng hiya si Beatrice pero ngayon ay tila naninibago siya.

 

“Benedict, mahal mo ba ako?”

 

Hinawakan ng lalaki ang likod ng kanyang kamay. Ang mapaglarong tingin nito ay napalitan ng seryosong ekspresyon.

 

“Tatlong taon mo na akong sinusubok. Hindi mo pa ba alam ang nararamdaman ko? Siyempre, mahal kita, Beatrice.”

 

Ngumiti nang bahagya si Beatrice at naglabas ng isang velvet box. “Para sa’yo.”

 

Sa loob nito ay isang simpleng singsing na pilak na kumikinang sa liwanag. Biglang nagbago ang mukha ni Benedict, sa halip na matuwa ay tila nagng bato siya sa gulat at lamig.

Inisip ni Benedict na baka nabigla lang ito o hindi pa handa ang isip.

 

“Beatrice… anong ibig sabihin nito?”

 

“Kinukulit na ako ng pamilya ko. Gusto na kitang ipakilala sa kanila para maayos na ang kasal natin.” paliwanag ni Beatrice habang nakatitig sa mga mata nito. “Bakit? Ayaw mo ba?”

 

Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama ay kitang-kita ng lahat kung gaano siya kamahal ni Benedict. Kung hindi ay hindi sila mananatili sa ilalim ng iisang bubong nang walang nangyayaring lampas sa hangganan. Inabot ng tatlong taon si Beatrice bago tuluyang tanggapin ang binatang ito.

 

Siyempre, nang sagutin niya ito noon ay hindi lang dahil sa tiyaga nito kundi dahil nalaman na rin niya ang background nito. Siya ang batang tagapagmana ng pamilya Mendoza sa Quezon City. Itinago nito ang tunay na pagkatao para mag-aral sa timog at mamuhay na parang ordinaryong tao sa loob ng apat na taon.

 

Magkaiba ang sitwasyon nila. Si Beatrice ang panganay na anak ng pamilya Aquino na kinalimutan na ng ama. Matapos mamatay ang kanyang ina ay dinala ng ama ang kabit at anak sa labas sa kanilang bahay at siya naman ay ipinatapon sa ibang probinsya nang maraming taon.

 

Pagkabalik niya ay gusto niyang mabawi ang puwesto niya sa pamilya Aquino. Sinunod niya ang payo ng kanyang lolo na talikuran niya ang marangyang buhay at hawakan ang isang kumpanyang malapit nang malugi. Kung mapapalago niya ito sa loob ng tatlong taon ay ibibigay sa kanya ng kanyang lolo ang negosyo ng pamilya.

 

Ang pamilya Mendoza at Aquino ay parehong makapangyarihan. Bagay na bagay sila, sa yaman man o sa pag-ibig. Ngayong napatunayan na niya ang sarili ay nabalitaan niyang may planong pag-isahin ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal. Upang hindi siya maunahan ng kanyang kapatid sa labas ay nagpasya si Beatrice na panahon na para ilantad ang lahat.

 

Akala niya ay maglulundag sa tuwa si Gabriel ngunit kabaligtaran ang nangyari. Puno ng takot ang mukha nito. Ang singsing na pinili niya na may ukit pa ng kanilang mga initials ay tila isang sumpa para sa lalaki. Hindi man lang nito magawang hawakan ang singsing.

 

“Beatrice, masyadong biglaan ito. Hindi pa ako handa.” sabi ni Benedict sabay tayo. Biglang naging malamig ang pakikitungo nito “Ay, oo nga pala, pinapatawag ako ni Paul. Kailangan ko nang umalis.”

 

Nagmamadali itong lumabas at nakalimutan pa nitong magpalit ng sapatos. Malakas na bumagsak ang pinto at narinig na lang ni Beatrice ang pag-alis ng sasakyan nito.

 

Nakatitig lang si Beatrice sa singsing na hindi man lang nahawakan ng binata. Mukhang wala pala itong balak na pakasalan siya.

 

Napatingin din siya sa simpleng bracelet sa kanyang kamay na tila nangungutya sa kanyang maling akala. Binili ito ni Benedict noong unang taon nila. Nagtrabaho pa ito ng isang buwan para lang makaipon ng anim na libong piso para mabili iyon. Kahit alam niyang mayaman ang pamilya ni Benedict ay nakita niya kung paano ito naghirap sa initan para lang kumita ng sariling pera. Doon siya tunay na nahulog sa kanya.

 

Akala ni Benedict na si Beatrice ay may-ari lang ng isang maliit na kumpanyang malapit nang malugi kaya pinangako nito na kapag yumaman ito ay hindi niya kailanang magpakagod sa pagtatrabaho.

 

Nagpanggap itong mahirap na estudyante. Nagpanggap naman siyang hirap na negosyante. Nalampasan nila ang mga pagsubok nang magkasama pero ngayong oras na para maging tapat ay bigla itong umatras.

 

Hatinggabi na pero hindi pa rin bumabalik si Benedict. Sabi nito noon ay ang mabuting lalaki ay umuuwi bago mag-alas dose. Tinawagan ni Beatrice ang cellphone nito pero nakapatay ito.

 

Ganoon ba siya natakot sa alok na kasal?

 

Pumunta si Beatrice sa bar na madalas nilang tambayan para kausapin ito nang maayos. Bahagyang nakabukas ang pinto ng private room. Bago pa siya makapasok ay nakita niya ang lalaki sa loob na humihithit ng sigarilyo.

 

Alam niyang naninigarilyo ito pero nang minsang masabi niyang masama iyon sa katawan ay hindi na ito nanigarilyo sa harap niya. Nagbulag-bulagan na lang siya noon. Sa harap niya ay palaging masunurin ang binata. Sobrang sunod-sunuran kaya marami siyang hindi napapansing maliliit na detalye.

 

Pero ngayon, ang masunuring "puppy" na iyon ay mukhang katulad lang ng ibang lalaki. May yakap na magandang babae habang nakapatong ang mga binti sa sofa. Sanay na sanay itong magpa-sindi ng sigarilyo sa babae. Ang pulang apoy ay kumikislap sa pagitan ng kanyang mga daliri.

 

Isang kaibigan ang tumawa nang nangungutya.

 

“Young Master Mendoza, sabi ko naman sa’yo makipag-break ka na noon pa. O ayan tuloy na-inlove na sa’yo at gusto ka pang pakasalan. Alam ba niya kung sino ka talaga?”

 

Nanigas si Beatrice sa labas ng pinto. Ang mga kaibigan na tawagin siyang "Ate" sa harap niya ay iba na pala ang tawag sa kanya sa likuran.

 

Nagbuga ng usok si Benedict at kinagat ang ubas na isinusubo ng babae. Malamig ang tingin nito naparang isang estranghero.

 

“Nananaginip siya. Akala ba niya ay makakapasok siya sa pamilya Mendoza? Impossible. Pinakamataas na siguro na gawin ko siyang 'canary' o itatago ko na lang siya rito.”

 

“Tama ‘yan. May nakatakda ka na ring kasal sa pamilya Aquino. Isang babae sa timog, isa sa hilaga, basta’t hindi makarating sa pandinig ni Miss Aquino ay ayos lang.”

 

Paalala naman ng isa sa kanya, “Benedict, malapit na matapos ang pustahan natin. Kapag natalo ka…”

 

Bumalot ang puting usok sa mukha ng lalaki kaya hindi na maaninag ang emosyon nito. Pero malinaw at malamig ang kanyang boses.

 

“Huwag kayong mag-alala dahil bago ako bumalik ng Quezon City ay sisiguraduhin kong matutulog muna siya sa tabi ko. Masyado na akong matagal nagpanggap na inosente. Panahon na para tapusin ang laro.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status