LOGINNagising si Beatrice sa isang uri ng sakit na tila binibiyak ang bawat buto sa kanyang katawan. Hindi ito ang tipikal na pagod, ito ay hapdi ng isang gabing puno ng padalos-dalos na desisyon. Sa pagitan ng pagkurap ng kanyang mga mata ay pilit niyang binubuo ang mga pira-pirasong alaala na tila mga bubog na sumusugat sa kanyang isipan. Ang marangyang silid, ang amoy ng mamahaling pabango na humalo sa amoy ng alak at ang init ng balat na hindi sa kanya.
Dahan-dahan siyang naupo at sa pagdausdos ng telang sutla mula sa kanyang balikat ay bumungad sa kanya ang mga markang kulay ube at rosas na bakas ng isang marubdob at marahas na gabi. Kahit ang isang mangmang ay hindi magkakamali sa kung ano ang nangyari. Ang mga alaalang pilit niyang ibinaon sa kalasingan ay bumalik na tila isang dambuhalang alon na humampas sa kanyang dibdib. After getting drunk… I casually grabbed a stranger and slept with him? Namutla siya. Ang gulong kama, ang nagusot na puting sheets at ang amoy ng alak at pabango na humalo sa hangin ay sapat nang ebidensya kung gaano katindi ang naganap kagabi. At habang tinititigan niya ang paligid ay narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Bumilis ang kabog ng kanyang puso. Isang gabi ng mapusok na paghihiganti at ngayong umaga ay lalasapin niya ang pait ng kinabukasan. Revenge had been the only thing on her mind last night. Gusto niyang saktan si Benedict at gusto niyang patunayan na kaya rin niyang maging kasing-dumi nito pero sa gitna ng kanyang pagmamadali ay nakalimutan niyang wala siyang karanasan sa ganitong laro. "Stupid, Beatrice. So stupid," bulong niya sa sarili habang nanginginig ang mga kamay. Sa takot na kailangang harapin ang estrangherong nasa banyo ay mabilis siyang bumaba sa kama. Halos madapa siya habang hinahalughog ang mga gamit sa sahig. Sinipa niya ang isang mamahaling suit trousers na halatang pag-aari ng isang lalaking may mataas na katayuan hanggang sa mahanap niya ang kanyang damit at underwear pero laking gulat niya nang mapagtantong nawawala ang kanyang panties. Nang tumigil ang tunog ng shower ay hindi na siya nag-aksaya ng sandali sa takot na mahuli siya nito. Bitbit ang kanyang high heels ay mabilis siyang kumaripas ng takbo palabas ng suite na tila isang magnanakaw na tumatakas sa pinangyarihan ng krimen. Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang isang lalaki na nababalot ng makapal na singaw ng mainit na tubig. Isang tuwalya lamang ang nakapulupot sa kanyang baywang. Tumingin siya sa kama ngunit wala na ang maliit na pigurang naroon kanina. Hindi nakatakas sa kanyang malamig na mga mata ang isang matingkad na pulang mantsa sa puting tela. Isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. A virgin? Hindi niya inaasahan na sa likod ng mapangahas na pang-aakit ng babae kagabi ay isa pala itong virgin. “Did she really think she could escape?” he whispered to the empty room. Isang katok ang bumasag sa kanyang pagmumuni-muni. "Uncle, are you awake?" Binuksan ng lalaki ang pinto. Si Benedict, ang kanyang pamangkin ang nakatayo roon. Bakas ang gulat sa mukha ng bata nang makita ang hitsura ng kanyang amain. May mga marka ng kagat sa balikat ng lalaki at kalmot sa kanyang likod na tila iginuhit ng isang mabangis na pusa. Ang dating kagalang-galang at malamig na awra ng lalaki ay nahaluan ng isang mapang-akit na anyo. Si Benedict na nasa labas ay hindi nakapagsalita agad. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. “Uncle, last night you…” “I heard you got yourself a girlfriend,” putol ng lalaki, ang boses ay walang emosyon ngunit mapanuri. “Kailan mo siya planong ipakilala kay Grandfather” Natawa nang pilit si Benedict at tila pilit itinatago ang kaba. “What girlfriend? She’s just someone to pass the time with… hindi naman seryoso.” Bago pa matapos ang kanyang sasabihin ay napansin niya ang malalalim na kalmot sa likod ng lalaki. Sinulyapan niya ang loob ng kuwarto at ang gulo-gulong kama, ang nakakalat na sinturon, at ang mga gamit na condoms sa basurahan ang nakita niya. Napalunok siya. Ang kanyang tiyuhin na kilala sa pagiging disciplined and self-controlled ay tila nakatagpo ng katapat sa Batangas. “Uncle, you really had a wild night,” komento ni Benedict ng hindi na mapigilan ang kuryosidad. Walang pakialam na kinuha ng lalaki ang kanyang pantalon at sa pag-angat nito ay isang maliit na piraso ng lace, ang nawawalang panties ni Beatrice ang nalaglag mula sa bulsa nito. Bago pa ito masipat ni Benedict ay mabilis itong ibinalik ng lalaki sa loob at tiningnan ang pamangkin nang matalim. “A grown man having company at night. Is that so surprising?” malamig na sabi ng lalaki. “Well, it wouldn’t be strange for others. But for you, Uncle… it’s a little unexpected,” sagot ni Benedict. “Anyway, sorry about last night. Something came up and my phone was turned off.” “It’s fine. I have a meeting today. Let’s have a meal together later,” tugon ng lalaki habang isinusuot ang kanyang watch. “Bring your little girlfriend too.” Isang mapait na ngiti ang sumilay kay Benedict “I already said that she’s not my girlfriend. When we return to the Quezon City I’ll be entering a marriage alliance with the Aquino family. Women like that… they’re just for fun. Hindi sila karapat-dapat iharap sa pamilya natin.” Habang nagsasalita ay napako ang tingin ni Benedict sa singsing na suot ng lalaki. Parang pamilyar ito, parang katulad ng singsing na inihanda ni Beatrice para sa kanya kagabi pero agad niyang iwinaksi ang nasa isip. Simple rings all look similar anyway. “Uncle, is this good news coming soon?” tanong ni Benedict na tinutukoy ang singsing. Hinaplos ng lalaki ang malamig na metal sa kanyang daliri. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha, isang ngiting hindi aakalain ng sinuman na para sa isang estranghero. “Yes, you’ll soon have an aunt.” ****************************************************************************************** Bumalik si Beatrice sa kanyang apartment na tila isang kaluluwang naliligaw. Ang bawat hakbang ay mabigat, ang bawat hininga ay tila may kasamang pagsisisi. Agad siyang pumasok sa banyo at binuksan ang shower. Kiniskis niya ang kanyang balat nang paulit-ulit na tila ba mabubura ng sabon at tubig ang mga markang iniwan ng lalaking iyon. Ngunit kahit mamula na ang kanyang balat ay nanatili pa rin ang mga bakas at higit sa lahat ay ang mga salita ng lalaki ay tila nakaukit na sa kanyang pandinig. “Be good. If it hurts, bite me.” Ang boses ng lalaki ay mababa, paos, at puno ng kakaibang lambing na patuloy na umaalingawngaw sa kanyang pandinig. Sa sandaling iyon kagabi ay naramdaman niyang mahalaga siya, na hindi siya isang kasangkapan lamang para sa negosyo o para sa kasiyahan ng iba. Ngunit ang lahat ng iyon ay isang pagkakamali. Dahil sa isang gabing iyon ay gumuho ang tatlong taon niyang pagpaplano. Matapos marinig ang pangmamaliit ni Benedict sa kanya ay alam niyang hindi na niya kayang ituloy pa ang kasunduan. Kahit gaano pa siya kaambisyoso ay may natitira pa siyang dangal. "Akala ko iba ka," bulong niya sa kawalan habang nakatingin sa salamin. Akala niya ay disiplinado si Benedict ngunit isa rin pala itong mapagpanggap. Ang isiping hinahalikan siya nito gamit ang mga labing dumampi sa kung sino-sinong babae ay nagpapabaligtad sa kanyang sikmura. Kung gusto niyang magtagumpay ay kailangan niyang humanap ng mas mataas, isang lalaking kayang protektahan siya at pabagsakin ang mga taong yumurak sa kanya. Ngunit sa buong probinsya ay tanging ang mga Mendoza lamang ang nasa tuktok. Nakahiga si Beatrice sa kama habang nakasara ang lahat ng kurtina na pilit na pinapatay ang ingay ng mundo. Pagod na pagod siya ngunit ang kanyang isipan ay tila isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpapaalala ng sakit ng kahapon. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok si Benedict. Sa dilim ay hindi nakita ng lalaki ang poot sa mga mata ni Beatrice tanging ang maliit na hubog nito sa ilalim ng kumot ang kanyang nakita. Wala na ang yabang ni Benedict ngayon. Sa totoo lang ay may nararamdaman naman siya para kay Beatrice ngunit hindi sapat iyon para pakasalan ang isang babaeng mula sa maliit na kumpanya. “Beatrice, I’m sorry,” wika niya sa tonong nagmamakaawa Dati kapag naririnig ni Beatrice ang tono na ito ay agad siyang lumalambot ngunit ngayon ay ang naririnig na lamang niya ay isang masamang biro. “Why are you apologizing?” paos na tanong ni Beatrice. Inakala ni Benedict na umiyak siya dahil sa sakit. "Hindi sa hindi kita gusto, Beatrice. I’m only twenty-two. Hindi pa ako handa sa kasal, natakot lang ako." “And now? After one night of thinking, what’s your decision?” "Beatrice, your company just started at wala pa akong permanenteng posisyon. Hintayin natin ang ilang taon. Before I turn thirty, I promise I’ll marry you." Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ni Beatrice. Isang tawang puno ng pangungutya. “Thirty? By then I’ll be an old woman. You’re asking me to wait for a promise that has no foundation?” "How could that be?Napakaganda mo. Kahit thirty ka na ay ikaw pa rin ang pinaka-eleganteng babaeng kilala ko. It’s my fault that I made you sad last night and I deserve to be punished." Hinawakan niya ang kamay ni Beatrice at pilit itong idinampi sa kanyang sariling mukha na tila nagpapasampal. Agad namang binawi ni Beatrice ang kanyang kamay. Ang haplos ni Benedict ay tila uod na gumagapang sa kanyang balat. Mas gusto pa niya ang init ng estranghero kagabi kaysa sa pamilyar ngunit mapanlinlang na haplos ng lalaking nasa harap niya. “You didn’t come home last night,” malamig na pahayag niya. “Where were you, Benedict? Or should I ask… who were you with?”Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan.Hindi na muling binanggit ni Beatrice ang nangyaring halik. Tila hindi din naman interesado si Ezekiel na tuksuhin pa siya subalit sa kabila ng katahimikang iyon ay pareho nilang alam na may kung anong nagbago sa pagitan nila.Hindi na iyon katulad ng dati.Mas malapit, mas natural at higit sa lahat ay mas mahirap nang itanggi.Upang maibsan ang kakaibang tensiyong bumabalot sa loob ng sasakyan ay si Beatrice na mismo ang muling nagsalita."Shall we go to the Mendoza Residence now?"Nanatili ang tingin ni Ezekiel sa kalsadang nasa unahan."Um."Maikli lamang ang naging tugon nito ngunit sapat na upang malaman niyang doon nga ang kanilang destinasyon.Tahimik siyang tumango bago muling nagsalita."Does your family often have family gatherings?"Bahagyang napangiti ang lalaki."You could say that."Saglit itong huminto bago muling nagpatuloy."The old man is a family man. He organizes gatherings every now and then. Sometimes it's just our fa
"That's good."Marahang bumitaw si Ezekiel sa kaniya.Wala nang sinabi pa ang lalaki. Tahimik nitong isinara ang passenger door bago umikot patungo sa driver's seat.Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay mahinahon nitong hinubad ang suit jacket at isinampay sa likuran ng upuan. Pagkatapos ay isa-isang niluwagan ang dalawang butones sa kuwelyo ng kaniyang puting polo.Sa simpleng kilos na iyon ay tila nabawasan ang pormal at malamig nitong anyo. Mas naging relaks ang tindig nito, ngunit hindi kailanman nawala ang likas na karisma at awtoridad na taglay nito.Maya-maya pa ay dahan-dahang umandar ang sasakyan palabas ng underground parking.Nang tuluyan silang makalabas at salubungin ng gintong liwanag ng papalubog na araw ay tila kasabay ding naglaho ang mainit at mapang-akit na atmospera sa loob ng sasakyan.Tahimik na lamang ang dalawa.Mahigpit pa ring yakap ni Beatrice ang bouquet na nasa kaniyang kandungan.Hindi niya namalayang paminsan-minsan ay palihim siyang sumusulyap sa lalaking
Mula pagkabata ay lumaki si Beatrice sa isang marangal at makapangyarihang angkan. Dahil doon, bawat kilos, bawat titig, at bawat salitang namumutawi sa kaniyang mga labi ay likas na may taglay na dignidad. Marunong siyang maging banayad at elegante kung kinakailangan, ngunit kaya rin niyang maging matalim at mapanghamak kapag may taong sumubok na yurakan ang kaniyang dangal.Kaya nang marinig ni David ang malamig niyang mga salitaa ay tila biglang natigilan ang buong katawan nito."Beatrice, you..."Hindi man lamang siya tinapunan ni Beatrice ng kahit katiting na emosyon. Isang malamig na tingin lamang ang ipinukol niya rito bago bahagyang itinaas ang kaniyang baba."You may not understand human language, but you can certainly understand swear words, right?"Punong-puno ng pangungutya ang kaniyang tinig at kaswal siyang nagturo sa surveillance camera na nakapuwesto sa hindi kalayuan."Would you look at that? What an idiot... getting played from every angle and still helping the one w
Pagsapit ng gabi ay pinatay na ni Beatrice ang kaniyang computer at iniunat ang katawan.Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Tahimik ang buong koridor.Isinara niya ang pinto ng opisina ngunit paglabas pa lamang niya ay narinig na niya ang isang matamis na boses."Benedict, you're back now? Let's meet up."Humakbang siya gamit ang kaniyang mataas na takong.Kasabay noon ay natapos ang tawag ni Rica.Lumingon ito at ngumiti nang inosente."Beatrice, are you going home?"Napangiti si Beatrice nang may panunuya.Dahan-dahan siyang lumapit.Isang daan at animnapu't limang sentimetro lamang ang taas ni Rica.At dahil madalas itong magsuot ng flat shoes upang mapanatili ang inosenteng imahe nito ay halos isang dangkal ang lamang ni Beatrice.Lalong naging dominante ang kaniyang presensya.Malamig ang kaniyang mga mata.Napaatras nang bahagya si Rica."Sister, what's wrong? Are you in a bad mood? How about we ask David to accompany you for drinks later?"Bahagyang tinaas ni Beatrice ang
Dahil doon ay sinabi niya ang totoo, ngunit ngayong nobya na ni David si Rica ay tila tuluyan nang bumagsak sa negatibo ang dati na nitong mababang IQ.Napailing si Beatrice bago malamig na inirapan ang lalaki."No comment."Hindi pa rin sumuko si David. Bahagya siyang ngumiti, pilit na ibinabalik ang dati nilang magaan na samahan."Come on, Beatrice. We're such good friends..."Dahan-dahang itinaas ni Beatrice ang tingin, ang kanyang mga mata ay malamig."You know we're good friends, yet you actually believed that woman's words and implied that I'm a 'manly woman'?"Natigilan si David.Nagkamot ito ng batok at bahagyang napangiwi."Beatrice, I'm not good with words. That's not what I meant. Rica wasn't talking about you, she was talking about someone else."Ngunit wala nang gana si Beatrice na makipagtalo.Sa paningin niya ay walang saysay ang pag-uusap tungkol sa mga bagay na wala namang kabuluhan.Isang malamig na tingin lamang ang ibinigay niya kay Hope agad na naintindihan ng ass
Pagdating sa kompanya ay hindi na siya nag-aksaya ng oras.Napirmahan na nila kahapon ang kontrata.Malapit na ring magsimula ang opisyal na kooperasyon.Agad niyang pinatawag si David."We will inject four billion as a deposit at the end of the month, and the first installment of the project payment will be due next month."Tahimik niyang inilapag ang mga dokumento sa mesa."I've checked the company's accounts. I will personally contribute ten billion. Together with the upcoming project payment, it should be enough to stabilize everything."Tumango ang lalaki."Don't worry, Beatrice. I'll start chasing the outstanding debts in the next couple of days. I promise I won't let you down.""There are still ten days left."Marahan siyang huminga."We still have time."Tahimik na pinagmasdan ni Beatrice ang lalaki.Kapansin-pansin ang maitim na bilog sa ilalim ng mga mata nito.Naalala niya ang pagkatao ni RicaHindi pa rin tuluyang nawala ang kaniyang pag-aalala."David."Bahagyang kumunot
Sa labas ng pinto ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Beatrice. Dahan-dahang siyang umatras, bawat pulgada ng paglayo niya ay tila pagguho ng mundo na kinalalagyan niya sa loob ng tatlong taon. Ang kaniyang high heels ay bumabaon sa makapal at mamahaling carpet ng hotel corridor sapat up
Sa ikatlong taon ng pakikipag-relasyon ni Beatrice sa kanyang "puppy boyfriend" na mas bata sa kanya ay nagpasya siyang mag-propose na rito.Maingat siyang naghanda ng isang candlelight dinner. Nagsuot siya ng isang magandang damit at nag-ayos ng mukha para maging mas kaakit-akit ang kanyang itsura
Tahimik na umiikot ang alak sa loob ng kristal na baso habang malamig na pinagmamasdan ni Ezekiel ang pamilya Aquino.Mula pa lamang sa simula ng hapunan ay nahulaan na niya ang tunay nilang intensyon.Hindi naman siya tanga.Mas lalong hindi siya bulag sa klase ng mga galawang ginagamit ng mga pam
Sa loob ng sumunod na dalawang araw ay tila isang mahusay na aktres si Beatrice na nagtatanghal sa isang entablado kung saan ang tanging madla ay isang "teddy bear" na may nakatagong mata. Madalas siyang tumatayo malapit dito, sinasadya ang bawat galaw, bawat buntong-hininga. Minsan ay hinahawakan







