Share

Chapter 100: Mockery

NILAMON na ng galit ang puso ni Alyson na malalaki na ang hakbang na tinawid ang pagitan nila. Hindi niya hahayaan na i-invade na naman nito ang privacy niya sa mismong territory niya. Kung kinakailangan na saktan niya ito at itulak palabas ng silid ay gagawin niya para lang ipakita at ipamukha sa babaeng ito kung saan ang tamang lugar na nararapat sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Ang lakas ng loob mo na puntahan ako?" paasik na sambit ni Alyson habang nanlilisik na ang mga mata, baka hindi na niya matantiya at masaktan niya na ito ng literal.

Nilagpasan lang siya ni Loraine na parang walang narinig at nakita. Ikinainit pa 'yun ng ulo ni Alyson lalo na nang mas pumasok ito sa loob ng kwarto, na kung umasta ay akala mo doon siya nakatira. Nakahalukipkip na parang siya ang original. Maka ilang ulit na iginala nito ang mga mata. Sinusuri ang bawat sulok at kabuohan ng silid na 'yun.

"Tinatanong kita, huwag mo akong balewalain at basta lagpasan lang!" haklit ni Alyson sa isang balikat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Al Madani
wala pang use sa pag babago ng buhay ng bida.kaylan pa..pags 100 na malapit kona maabotan ang pahina...
goodnovel comment avatar
Missy F
isumbong mo na kasi yang mga yan kay Don Gonzalo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status