Share

Chapter 6: Blueprint

Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.

Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gamot. Idagdag pa na galing lang siya sa sobrang pagdurugo. Sa sobrang dami ng kanyang iniisip ay hindi niya matandaan ang nangyari.

"Kasalanan niya ito, B-Babe. Gusto niyang mawala ang baby natin dahil naiinggit siya na di kayo magkaanak."

Napasinghap ang mga nakarinig dito. Naniwala kaagad sa akusasyon na walang basehan. Ginulo na ni Alyson ang buhok dahil hindi siya makapaniwalang magagawang sabihin iyon ng babaeng ito na parang aspalto sa kalsada ang kapal ng pagmumukha.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Loraine! Kasalanan ko ang nangyari sa'yo? Ako talaga?" hindi na nakapagtimpi ay turo ni Alyson sa sarili na saglit nakalimutan ang sakit ng kalamnan. "Sigurado kang ako ang may gawa?"

Walang kaamor-amor na tumawa si Alyson. Umayos na siya roon ng tayo.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Loraine? Huwag kang magpaawa. Huwag kang gumawa ng kwento dahil ikaw ang unang sumugod. Ikaw ang gumawa ng ikakapahamak mo—"

"That's enough, Alyson!"

Humalay sa kabuohan ng shop ang malakas at buong tinig ng galit na si Geoff. Halos magbuhol na ang mga kilay nito sa sobrang pagkapikon.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, kahit ano pa ang gawin mo hindi na mawawala sa isip ko na binalak mong gawan ng masama ang batang walang muwang at nasa sinapupunan pa lang. Grabe ka, Alyson! Napakasama mo. Hindi mo ba matanggap ang desisyon ko?"

Akmang mangangatwiran pa sana si Alyson sa bintang ng asawa, ngunit naramdaman na niyang umiikot ang paningin niya. Nahihilo na siya. Bakas na rin sa mukha niya ang pamumutla. Sumidhi pa ang sakit ng puson niya. Para iyong pinipiga kaya napapilipit na siya na parang mauubos ang hangin sa kanyang katawan.

"Ikaw na ang pinakawalang kwentang babaeng nakilala ko!" duro pa nito sa pagmumukha niya na galit na galit.

Mariing itinikom ni Alyson ang bibig niya na halos ay mas mangitim na. Gusto na lang niyang mawala sa harap niya ang dalawa para makaalis na sa lugar. Hindi na niya iyon kaya.

Tumayo na si Geoff at akma nang susugod kay Alyson pero nahila na ni Loraine ang laylayan ng damit niya.

"Huwag mo na siyang patulan, Babe." pinalamlam pa nito ang mukha, "Magsasayang ka lang ng laway."

Salit-salitan ang naging tingin ni Geoff kay Alyson at Loraine. Naisip niya na kinabukasan ng araw na iyon ay tuluyan na siyang mawawalan ng koneksyon sa babaeng kaharap nila. Nang muling mapangiwi si Loraine sa sakit ng tiyan ay walang pakundangan na niya itong binuhat. Bridal style iyon. Nahawi ang mga tao sa paligid na nakapalibot sa kanila upang bigyan sila ng daan.

Sa pagtalikod ni Geoff ay naiwang mag-isa si Alyson na biglang paupo na namang napasalampak sa sahig. Ilang beses niyang sinubukang tumayo pero pakiramdam niya ay nahahati sa dalawa ang balakang niya. Ilang beses din siyang huminga nang malalim. Nag-iipon ng lakas para subukang muling tumayo. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit na kumalat sa sahig ng shop. Hindi alintana ang bulungan at kung anu-anong akusasyon ng mga tao.

'Saan ako kukuha ng perang ibibigay ko bukas kay Mama?' iyon ang unang tumatak sa isipan ni Alyson.

Matapos na mapulot niya ang lahat ng gamit ay tumayo na siya. May iba pang onlookers ang nakatingin sa kanya pero taas ang noong lumakad na siya palabas ng naturang shop.

Habang pauwi ay hindi mapigilan ni Alyson ang maiyak. Nakailang punas siya ng kanyang luhang pumapatak. Hindi pinansin ang cab driver na panay ang sulyap sa rearview mirror.

Pagdating ng bahay ay agad niyang inayos ang sarili. Nag-iisip ng iba pang paraan para magkaroon ng pera. Agad niyang naisip si Kevin. Pinili niya na muli itong tawagan.

"Kung mag-a-apply ako ng trabaho sa kumpanya niyo, ano bang mostly na design ang kailangan kong ipasa upang ma-qualify lang sa team niyo?"

"Hindi mo kailangang magpasa. Basta pumunta ka na lang at—"

"Kailangan ko ng madaliang pera."

Hindi sumagot si Kevin sa kabilang linya. Nag-iisip ng isasagot sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, gagalingan ko. Aayusin ko ang design na sa inyo ay pinapagawa. Tulungan mo naman ako. Kailangan ko lang talaga..."

"Sige, titingnan ko kung ano ang magagawa ko Alyson. Tatawagan kita mamaya. Titingnan ko muna."

"Sige, maraming salamat."

Matapos na kumain ng late na lunch ni Alyson ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay Kevin. Dala nito ang balita na may nahanap siyang project na matagal ng nakatengga sa kanila.

"Medyo complicated lang ang gusto ng client na blueprint, pero alam ko na kaya mo ito dahil magaling ka."

"Gaano ka-kumplikado?"

"Email ko na lang sa'yo ang details na gusto ng client. Kapag natapos mo ay makukuha mo rin agad ang bayad."

"Sige, hihintayin ko."

Nagpunta na si Alyson sa harap ng computer niya upang hintayin ang email. Ilang minuto lang ang hinintay niya at dumating ang email ni Kevin.

"Natanggap ko na ang email, Kevin. Let me check it first. Babalikan kita mamaya kung matatapos ko ito."

"Sige."

Pinag-aralang mabuti ni Alyson ang design na request ng client nila. Nang matantiya niyang kaya naman niya ay muli niyang tinawagan si Kevin.

"Ano sa tingin mo, Alyson?"

"Kaya kong tapusin hanggang bukas."

"Sure ka?"

"Yes."

"Sige-sige. Alam mo bang marami ang tumangging gawin iyan? Bukod sa masyadong kumplikado ng design ay baka hindi nila mapangatawanan. Pero ikaw? Malaki ang tiwala ko sa'yo. The best ka eh, magaling ka."

Pagak na tumawa lang si Alyson.

"Kailangan ko ng pera kaya syempre gagalingan ko. Pera ang kapalit eh."

Natawa na rin si Kevin sa kabilang linya. Hindi mapigilang humanga pa.

"Sasabihan kita once natapos na. Pero ang usapan natin ay bibigyan mo ako ng bayad agad—"

"Oo naman, sige."

Matapos na pag-aralan ni Alyson ang plan na gustong mangyari ng client ay nagsimula na siyang mag-sketch. Inabot na siya ng hapon hanggang gabi ay hindi niya pa rin iyon tinigilan.

"Kailangan ko itong matapos," bulong niya habang pinapaputok ang leeg at nag e-stretching ng kanyang braso.

Nagtimpla siya ng chocolate drinks. Iyon kasi ang nagbibigay sa kanya ng energy. Kung sa iba ay kape, sa kanya ay hot chocolate ang mas effective.

Pabukang-liwayway na nang matapos siya. Iniwan niya lang iyon sa table matapos kunan ng picture upang i-send kay Kevin. Padapa na siyang nahiga ng kama. Hindi lumipas ang isang segundo at agad ng humalay ang hilik sa loob ng kanyang silid. Alas-otso na ng umaga nang biglang maalimpungatan si Alyson sa walang patid na pagtawag ni Kevin sa kanya.

"You did well, Alyson! Nagawa mo!"

"Ha?"

Lutang pa ang isip ni Alyson na halatang nasa dreamland pa ng mga sandaling iyon. Hindi niya maalala kung bakit siya tinawagan ni Kevin.

"Iyong design mo, gustong-gusto ng client Alyson!" bulalas nito sa kabila.

"OMG! Talaga?"

"Oo, pwede ka bang pumunta—"

Mabilis na napatayo si Alyson dahilan para hindi niya marinig ang kasunod na sasabihin pa ni Kevin. Noon niya lang naalala na may usapan nga pala sila ni Geoff na magkikita ngayon upang pumirma ng annulment.

"Oh no, Kevin! Mag-usap na lang tayo mamaya. May lakad nga pala ako!"

Hindi na niya nagawa pang maligo. Naghilamos lang siya at nagpalit ng damit. Ni hindi nga niya nagawang magsuklay ng buhok na itinali lang niya ng basta sa tuktok ng ulo niya. Kailangan niyang agad makapunta sa Regional Trial Court. Nagkukumahog na bumaba si Alyson ng cab na sinakyan niya matapos magbayad. Subalit nakakaisang hakbang pa lang siya nang bigla siyang makaramdam ng pag-ikot ng buong paningin. Bigla na lang siyang natumba. Dumilim na ang buong paligid. Pagising niya ay nalaman niyang nasa hospital siya.

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
Thank you for the comment!
goodnovel comment avatar
Faith Dela Rosa
i luv the story...
goodnovel comment avatar
Purple Moonlight
updated na po ito hanggang 60+
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status