IPINAGKIBIT IYON NG balikat ng mag-asawa na muli pang pinangaralan si Addison na anuman ang mangyari, huwag siyang dapat na magpapaapi kay Loraine. Hindi siya umano ipinanganak upang makaranas ng pang-aapi ni Loraine kaya marapat lang na labanan niya. “Hindi ka pa ba, uuwi Addison?” tanong ng ama n
HINDI PINANSIN NI Landon ang sinabi ni Addison na babalik din ito agad at ang dahilan ng pag-alis nito. Kung siya ang tatanungin ay mas gugustuhin niyang samahan ang babae sa lakad niya. Iyon nga lang, hindi niya alam ang paraan kung paano niya mapipilit isama siya.“Sa mga magulang ko ako pupunta.
GULANTANG NA NATAMEME na si Loraine na halatang walang masabi sa pananablang sagot ng kanyang manungang. Tiningnan na niya ang anak na nakatitig pa sa asawa na para bang hangang-hanga sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Nagpakulo pa iyon ng dugo ni Loraine. Nilukot na niya ang mukha upang ipakita na h
ANG BUONG AKALA ni Addison ay tulog na ito, mali pala siya. Marahil ay humahanap lang ito ng pagkakataon upang pakawalan ang kanyang mga katanungan na willing naman siyang sagutin ng tapat. Hindi niya kailangang maglihim sa asawa. Baka kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay makabalik na ito.“Model.
GULANTANG NA NAPATAYO na si Addison nang marinig ang malakas na boses ni Loraine sa may pintuan. Nilingon na ito gamit ang tila walang pakialam niyang mga mata. Hindi siya sa ibang silid matutulog, ayon iyon sa kanyang asawa kaya iyon ang susundin niya. Hindi siya mapipilit ng biyenan gawin ang gust
BIGLANG NAIBABA NA ni Addison ang kanyang kubyertos at hindi na nilingon ang asawa dahil wala rin naman itong maiitulong sa kanya kahit na humingi siya ng tulong dito. Palagi lang itong tahimik na dinaig pa ang pipi na ayaw pa rin magsalita kahit na ano. Wala itong reaction kahit matalas na ang dila
PUNO MAN NG galit ang puso ni Addison sa mga pinagsasabi ni Loraine sa kanya ng araw na iyon ay hindi pa rin sumagi sa isipan niya ang umalis sa tabi ni Landon upang iwan ang asawa gaya ng suggestion ng mga magulang niya kapag mabigat na ang lahat sa kanyang balikat. Hindi niya pwedeng hayaan ang ma
MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ni Addison habang pinagmamasdan mula sa may pintuan ng silid ang mahigpit na yakap ni Landon sa ina nang dumating ito. Hindi niya magawang pumasok doon dahil pakiramdam niya ay hindi siya makakahinga. Nagalit pa nga sa kanya si Loraine sa ginawa niyang paglipat ng pwesto ng
MARIIN NA ITINIKOM na ni Jinky ang kanyang bibig dahil baka mamaya ay kung ano pa ang masabi ng amo niya sa kanya kung igigiit niya pa ang gusto. Nagmamalasakit lang naman siya. Mukhang deserve talaga ng kanyang amo na balewalain at i-trato ng hindi maganda ng kanyang anak dahil ganito ang ugali. Sa