HUMANTONG sina Geoff sa isang private room na kung saan nasa kabilang dulo lang ito ng hallway. Tuloy-tuloy silang pumasok doon na binuksan ng isa sa mga security. Nakilala kasi sila agad ng bantay. "Mr. Carreon!" bulalas ni Rodolfo na nag-echo sa apat na sulok ng silid, pahapyaw na niyakap pa si G
MABAGAL ang hakbang patungong parking lot nang dumukot si Geoff sa bulsa upang kunin at i-check saglit ang cellphone niya. Napatigil siya sa paglalakad nang makita na may message doon si Alyson. Ayon dito ay uuna na raw siyang umuwi."Hindi niya man lang ako hinintay na lumabas, saka hindi niya rin
MAKAHULUGANG napangiti si Loraine nang marinig ang huling sinabi ni Geoff bago nito putulin ang tawag. Proud na umahon ang babae sa kama. Hinagilap ang pouch ng make up kit niya at naglagay ng kaunting make-up. Pinili niyang di na magsuklay ng buhok bago muling nahiga sa kama. Ilang beses niyang pri
NATIGILAN si Geoff sa ginagawa. Asar na napahilamos na ng mukha. Pilit niyang pinigilan na magalit kay Loraine dahil alam niyang mas sasama ang loob ng babae sa kanya."Ilang beses na nating pinag-usapan ang tungkol dito, Loraine. Hindi mo pa rin ba ako naiintindihan? Di ba ikaw pa mismo ang nagtula
NAPUKAW pa ang atensyon ni Geoff sa tinurang iyon ni Loraine. Biglang nabuhayan ng pag-asa na hindi na nila kailangang mahirapan pang mangalap ng impormasyon upang makakuha ng approval sa CEO ng Clemente Corporation."Talaga ba, Babe?"Proud na tumango si Loraine."Sa tingin mo ba ay magagawan ng pa
Pamartsa ng tumalikod si Alyson pagkasabi niya noon. Hindi niya mapigilang magngitngit ang loob. May kutob siya na sa apartment na naman ito ni Loraine natulog. Natuwa na sana siya na bumili ito ng itlog na maalat, pero nakakasama pa rin ng loob na inuna na naman nito si Loraine. Nakalimutan yata an
HABANG yakap ni Geoff si Alyson sa kanyang mga bisig at umiiyak ay agad na dumaan sa kanyang balintataw ang ilan sa mga pinagdaanan nila sa nakaraan noong hindi pa nasisira ang dalawa. Bago pa man bumalik ng bansa si Loraine at muling magsanga ang landas nila. Para siyang tinakasan ng lakas nang maa
NAUUTAS na hindi na magawang tiisin ni Geoff ang nararamdaman. Lalo nang maisip niya na palaging nakangiti si Alyson at masaya kapag si Kevin ang kausap niya. Hinabol na ng lalake si Alyson na nasa huling baitang na ng hagdan sa itaas. Walang pakundangan na inagaw niya mula sa isang kamay nito ang h
SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon
UMIGTING NA ANG panga ni Landon sa pagsigaw na ginawa ni Addison. Biglang sumeryoso ang kanyang expression na sa pagkakataong iyon ay parang mas hindi na siya kilala ni Addison. Bigla itong naging another version ng kanyang asawa. Naghahamon na ang mga paninitig nito sa kanya. Saktong dumating naman
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng